DEL FIERRO
Napalunok ako, nanlamig ang mga palad ko.
“Doc…” nag-aatubili akong nagtanong, “dahil pareho silang malakas, may posibilidad pa bang madagdagan ng ibang identity bukod kina Syvastian at Matthew?”
Tumingin siya nang diretso sa akin. “Possible, hija. Kapag hindi na kinaya ng dalawa ang bigat ng trauma o conflict, puwedeng mag-form ng bagong identity ang utak niya para akuin ang sakit. Hindi ko masasabi kung kailan, pero laging may posibilidad hangga’t hindi pa naayos ang pinagmumulan ng trauma. Sa ngayon, silang dalawa lang ang kilala ko. Pero hindi natin puwedeng ipagkibit-balikat ang posibilidad ng iba pa.”
Hot Chapters