Pregnant By My Sister-In-Law's Husband (SPG)
"I want you back, Arabelle, I still love you..."
"I love you more than yesterday..."
"And let me love you even more tomorrow!"
Para iligtas ang buhay ng ina, pinili ni Arabelle De Diego na talikuran ang minamahal niyang si Logan Castillano at magpakasal sa bilyonaryong si Scott. Walang paliwanag, walang paalam. Isang sakripisyong nagpabago sa lahat.
Limang taon ang lumipas, muling nagtagpo ang kanilang landas. Ngunit ang Logan na bumalik ay hindi na ang dating Logan—mayaman, makapangyarihan, at kasal sa kapatid ng asawa ni Ara. Puno ng pait, handa siyang iparamdam kay Ara ang bawat sakit na naramdaman niya, tapatan ang lahat ng kayang ibigay ng lalaking pinakasalan nito.
Sa gitna ng mapanuksong pagtatagpo, muling nagliyab ang damdamin nila, nagbunga ng isang kasalanang hindi maitatago. Isang anak. Ngunit paano ipaglalaban ang isang pag-ibig na nakatali na sa iba, sa mundong puno ng sikreto, paghihiganti, at sakripisyo makakaya kaya nilang ipaglaban ang mga pangakong hindi na maari?
O tuluyan nalang tanggapin na ang lahat sa kanila ay tapos na.