The Billionaire's Substitute Bride
"Kuya TJ, crush-crush lang naman. At isa pa, papagalitan din naman ako ni Daddy kapag nalaman niyang may nangliligaw sa akin. Babawasan niya ang allowance ko at kukunin niya rin ang phone ko."
"Kapag nalaman kong may boyfriend ka na tapos napapabayaan mo ang sarili mo, ako ang makakalaban ng boyfriend mo," pagbabanta ko.
"Kuya TJ, bakit hanggang ngayon wala pa rin kayong naging girlfriend? Bakla po ba kayo?"
"Bakit hindi mo kaya tanungin si Mommy?" Tinaasan ko siya ng kilay.
"Bakit siya ang tatanungin ko? Baka mapagalitan ako ni Mommy."