Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
LIFE FULL OF LIES

LIFE FULL OF LIES

Precious_Wannabee
Para sa mga taong, minsan ng nagparaya para sa pagkakaibigan, sa mga taong minsan ng nagpalaya para sa ikabubuti ng lahat.Ito ay kwento ng isang teenage girl na minsan ng nakalimot sa kaniyang nakaraan. Ikinasal sa kababatang lalaki, sa edad na labing siyam. Makikilala niyang muli ang lalaking minsan ng nagkaroon ng malaking parte, sa kaniyang nakaraan. Mapapalapit muli ito sa pangalawang pagkakataon, na siya namang pag-iiba ng pakikitungo at trato sa kaniya ng naturang asawa.Darating ang panahon na malalaman at maalala niyang muli ang nakaraan. Gustuhin man niyang magalit at kamuhian ang mga taong malapit sa kaniya, dahil mistulang pinaglaruan siya ni kapalaran. Napunta siya sa taong minsan ng nagparaya para sa pagkakaibigan, napalapit siyang muli sa taong minsan na niyang minahal at ipinaglaban.Pilitin man niyang talikuran ang lahat, at kalimutan ang nakaraan, ngunit pipiliin niya paring yakapin at harapin ang kasalukuyan, sa ngalan ng pag-ibig, sa huli mananaig padin ang pagmamahal at pagpapatawad.
21.7K viewsCompleted
Read
Add to library
Falling for My Boss

Falling for My Boss

Sa murang edad, maagang namulat si Elisia Delgado sa hirap ng buhay. Sa paglipas ng panahon, hindi nagbago ang kanyang sitwasyon, ngunit sa gitna ng kanyang paglaki, natutunan niyang maging matatag at mangarap para sa sarili. Ang buhay ay mahirap ngunit madaling maging matatag, iyon ang naging panlaban ni Elisia. Sa kabila ng lahat, mawawala ba ang kanyang lakas ng loob sa pagdating ng isang lalaki sa kanyang buhay? Lalo na't siya ay unti-unti nang nahuhulog sa lalaking ito. Mahina nga ba ang mga babae pagdating sa pag-ibig? Dahil tila ba nawawala na ang kanyang lakas. Ano kaya ang gagawin ni Elisia kung ang nagiging hadlang sa kanyang pangarap ay ang siyang magpapaibig sa kanya nang wagas?
Romance
22.7K viewsCompleted
Read
Add to library
His Heir, My Son

His Heir, My Son

Calixto Cortez III
Marissa was only eight when her mother sold her. Hikaos sila sa buhay kaya kailangan ng kanyang ina na dumeskarte. Nabenta siya ng kanyang ina sa halagang tatlong daang libo sa mag-asawang nangangarap magkaroon ng anak. Akala nya ay magiging masaya na siya sa buhay dahil sa yaman ng mga bumili sa kanya, lingid sa kaalaman niya ay pinagkasundo siyang ipakasal sa lalaking di nya kilala. Pero sa hindi inaasahang pangyayari, nabuntis si Marissa ng isang lalaki na kinamumuhian nya. Kilala ni Marissa ang lalaki dahil madalas nyang makita ito sa mga business meeting ng kanyang mga adoptive parents. Nang mabalitaan ng kanyang adoptive parents ang nangyari sa kanya ay pinalayas nila si Marissa sa kanilang pamamahay. Bumalik sya sa kanyang tunay na pamilya dala-dala ang sanggol sa sinapupunan.
Romance
1.5K viewsOngoing
Read
Add to library
The Vampire who will fall inlove with me

The Vampire who will fall inlove with me

Iam Sorowenpein
Habang nagtatago sa grupong humahabol sa kanya ay di sinasadyang napadpad si Erinn sa mapunong parte sa likod ng kanilang eskwelahan. Nung gabing iyon, di niya lubos akalain na Magtatagpo ang landas nila ni Volt, na isang bampira, na puno ng sugat ang buong katawan at may pana pang nakabaon sa likudan nito. Dahil sa pagtulong ni Erinn, ay di niya akalain na mapapaloob siya sa isang ugnayan na ang tanging makakapagpasawalang bisa lang ay kamatayan. Magiging obligasyon ni Volt na protektahan si Erinn hanggang sa pinakadulo ng buhay nito dahil sa pagkakaligtas nito sa kanya.
LGBTQ+
2.3K viewsOngoing
Read
Add to library
Maid in Manila, Loved in Secret

Maid in Manila, Loved in Secret

Isang simpleng probinsyana lang si Mariz "Izzy" Villoria, na napadpad sa Maynila para kumapit sa pangarap. Pero sa pagdating niya sa isang malaking bahay bilang maid, makikilala niya si Gabriel "Gabe" Alcantara, ang guwapong amo na sampung taon ang tanda, ngunit may pusong sarado sa pag-ibig. Para sa kanya, walang forever. Para sa kanya, laro lang ng apoy ang relasyon. Pero bakit sa bawat ngiti ng bagong katulong ay unti-unti niyang nakikitang may dahilan pa para magmahal?
Romance
1010.9K viewsCompleted
Read
Add to library
* BILLIONAIRE SUBSTITUTE BRIDE *

* BILLIONAIRE SUBSTITUTE BRIDE *

Ang walang-hanggang pagmamahal ni Elizabeth sa kanyang yumaong ina ang nagtulak sa kanya na gumawa ng mga bagay na tanging isang desperado lamang ang nakakaunawa. Upang iligtas ang kumpanya ng kanyang ina, pumayag siyang pakasalan ang isang lalaki na dalawang beses sa kanyang edad. Walang paraan na makakatakas siya sa kahabag-habag na katotohanan, ngunit sa araw ng kasal, napangasawa niya ang maling nobyo na naging pinakamayamang tao sa bansa. Para siyang binigyan ng Langit ng isa pang pagkakataon at hindi niya hahayaang mawala ang pagkakataon. Gayunpaman, kaya ba niya ang tensyon sa tuwing malapit sa kanya ang pekeng asawa? Paano kung mahulog siya sa kanya? Mahuhuli ba siya? O mahuhulog siya sa mas kumplikadong sitwasyon? *** Ang pangarap ng bawat lalaki ay pagmasdan ang kanilang nobya na naglalakad sa pasilyo patungo sa kanila, gayunpaman, ang magandang panaginip ay naging isang bangungot nang makakita si Tyrone ng ibang babae sa ilalim ng belo. Tumakas ang kanyang nobya at napilitan siyang magpakasal sa isang estranghera. Para maging mas kumplikado ang lahat, kaka-appoint lang niya bilang President ng kumpanya at kailangan niyang mapanatili ang magandang reputasyon. Ang pagpapanatili sa kanyang pekeng nobya sa kanyang tabi ang tanging pagpipilian na natitira sa kanya. Gayunpaman, paano niya haharapin ang kanyang pagpipigil sa sarili kung ang babaeng napagkamalan niyang pinakasalan ay isang ganap na diyosa ng tukso?
Romance
109.6K viewsCompleted
Read
Add to library
A Contract Marriage With Abe Dela Torre

A Contract Marriage With Abe Dela Torre

Kinakaya ni Isla Aguilar ang mabigat na hamon ng buhay. Nagtatrabaho sa araw, nag-aaral sa gabi para sa pangarap na mas maayos na buhay at makatulong sa gamutan ng bunsong kapatid na may Down Syndrome at butas sa puso. Sa gitna ng kanyang pagsusumikap, ang kanyang tanging pahinga ay ang lihim na talon malapit sa likod ng kanilang bahay, kung saan isang araw ay iniligtas siya ng isang guwapo at matipunong estranghero sa pag-aakalang siya ay nagpapatiwakal. Hindi niya inakalang ang estrangherong iyon ay si Johan Abraham Dela Torre, ang bagong CEO ng kumpanyang pinagtatrabahuhan niya na kilalang istrikto at malupit sa pamamalakad sa kumpanya, at mailap sa mga babae. Kaya’t laking gulat ni Isla nang bigla siyang alukin ng CEO ng kasal kapalit ng tulong para sa operasyon ng kanyang kapatid. May kundisyon ang kasunduan: walang pisikal na relasyon, sikreto ang kasal maliban sa pamilya ng lalaki, at isang taon lamang ang bisa. Habang tumatakbo ang mga araw, unti-unting nahuhulog ang loob nina Isla at Abe sa isa’t isa. Dahil sa angking galing at talino, si Isla ay naging isang asset ng kumpanya, at si Abe, sa kabila ng pagkukunwaring malamig at matigas, ay palihim na sinusuportahan si Isla sa kanyang pangarap. Ngunit paano kung may ibang babae na nagpupumilit maging parte ng buhay ni Abe at palaging minamaliit ng matapobreng ina ni Abe si Isla? Magagawa ba nilang ipaglaban ang pag-ibig sa kabila ng takot, sakit, at mga hadlang?
Romance
1019.3K viewsOngoing
Read
Add to library
Bastarda Series-√: The Melody of HEARTBREAK

Bastarda Series-√: The Melody of HEARTBREAK

Sa mundo ng musika at pag-ibig, kilalanin si Rasselle, isang dalagang kolehiyala na may talento sa pagkanta at may pusong sensitibo. Ngunit ang kanyang buhay ay nagbago nang makilala niya si Rage Hidalgo, isang kaakit-akit ngunit misteryosong lalaki na nagdala ng bagong pag-ibig at pagkakamali sa kanyang buhay. Sa kanilang pagmamahalan, natuklasan ni Rasselle ang mga lihim na nakatago sa likod ng mga ngiti at halik ni Rage. Ang mga lihim na ito ay magdudulot ng sakit at pagdurusa sa kanilang relasyon. Habang si Rasselle ay nagpupumilit na malampasan ang mga pagsubok sa kanilang relasyon, natuklasan niya rin ang mga katotohanan tungkol sa kanyang mga magulang at sa mga dahilan ng kanilang pagtutol sa kanilang relasyon. Sa gitna ng mga pagtataksil at pagdurusa, magagawa ba ni Rasselle na patawarin si Rage at muli niya itong tanggapin pabalik sa kanyang buhay? O magtatapos na lang ba ang kanilang relasyon sa isang malungkot na paghihiwalay? Sundan ang kwento ng dalawang taong nagmamahalan sa gitna ng mga pagsubok at pagtataksil sa "The Melody of Heartbreak" ni J.C.E Cleopatra.
Mafia
10826 viewsOngoing
Read
Add to library
The 125-Year-Old Wife

The 125-Year-Old Wife

Zanicolette
Ano kayang reaksyon ng ninuno natin kung mapunta sila sa 2020?Taong 1895.Isa ako sa mga batang namulat sa digmaan ng mga Pilipino at Amerikano. Nang lumaki ako, ipinagkasundo ako sa lalaking kalauna'y inibig ko rin, si Isagani. Ngunit sa hindi inaasahan, nagkasala s'ya sa batas at ipinapatay. Dalawang taon din ang lumipas, akala ko ay tuluyan na akong ikakasal sa lahing Amerikano...Ngunit nagkamali ako, dahil isang araw namulat ako sa ibang panahon at nalaman kong ikinasal na ako. Ikinasal sa lalaking nagmula sa taong 2020.
108.2K viewsCompleted
Read
Add to library
The Billionaire's Ugly Maid

The Billionaire's Ugly Maid

Maejin
Muntik ng mamatay ang CEO ng Ziff Corporation na si Seven Ziff dahil sa isang ambush kung hindi lang dahil sa pagkakaligtas sa kaniya ng mag-asawang napadaan sa pinangyarihan ng krimen. Subalit namatay din ang mag-asawa dahil sa pagtulong sa kaniya. Hindi nagtagumpay ang mga taong nais pumatay sa kaniya at nagpasya ang kaniyang lolo na dating chairman ng Ziff Corporation na manatili muna siya sa mansiyon at pansamantalang iwan muna ang pagiging CEO habang inaalam pa kung sino ang nais magpapatay sa kaniya. Habang nasa mansiyon ay nag-utos naman si Seven ng tao upang hanapin ang anak ng mag-asawang tumulong sa kaniya. Nais niya itong bigyan ng gantimpala ngunit nagulat siya nang malamang nalalagay din pala sa panganib ang anak ng mag-asawa sa hindi niya malamang dahilan. Dahil doon, gumawa siya ng paraan upang mapunta sa poder niya ang babae sa pamamagitan ng pagiging isang katulong. Hindi niya maaaring ipaalam sa babae ang tunay na dahilan para na rin sa kaligtasan nito at kailangan niyang alamin nang paunti-unti kung bakit pati ito ay ipinapapatay din ng mga taong gustong pumatay sa kaniya. Si Filippa, may malaking bukol sa mukha na siyang naging hadlang upang kakitaan siya ng ganda ay magsisilbing katulong sa mansiyon ng mga Ziff at walang kaalam-alam kung bakit nasa panganib ang buhay niya at kung ano ang tunay na kailangan ng guwapong bilyonaryong si Seven sa kaniya...
Romance
1.7K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
2223242526
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status