Shameless Hours (Tagalog)
Nang nakalayo na ako sa matanda ay may nakita naman akong batong upuan, na nandito sa---na saan na ba 'to?
Ay oo, ito pala iyong katatapos lang na children's playground. Kaya pala maraming bata rito dahil pala opening ngayon dito. Makikita sa banda rito ang isang maliit at bago na slides, may mga duyan din na maliliit na pambata talaga, ang mga parents may sarili ring tambayan, itong kinauupoan ko ngayong upuan na gawa sa bato. At saka may atip na gawa rin sa bato, para siyang kweba kung titignan.
Ang saya-sayang tignan ng mga bata sa gawi rito nakawawala ng stress. Bakit kaya ngayon ko lang 'to nalamang tapos na pala, at saktong opening pa.
Bab Populer