TOO LATE TO REGRET; HE IS PURSUING HIS WIFE TO COME BACK!
Pwede naman siyang tumanggi sa mas marahas na paraan– makipag-away o kagat-kagatin ito hanggang sa dumugo ulit ang bibig nito– pero masyadong nakakapagod iyon.
Tinatamad na siya.
Nakatitig si Noah sa kanya habang nakadagan, tila nawala sa sarili ng matagal. “Kung ganoon, hindi nga pala kumportableng pumunta sa isla.”
“Hindi, hindi dahil hindi komportableng pumunta sa island. Ang totoo, hindi komportableng bumyahe kasama ka.” pagsasabi niya ng totoo. Sa lahat ng plano nila ng lola niya, kahit kailan ay hindi kasama si Noah. “sa tingin ko, pareho naming ayaw ni lola na makita ka.”