Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Lovin' My Enemy's Daughter

Lovin' My Enemy's Daughter

'Hindi kasalanan ng anak ang kasalanan ng magulang. At hindi lahat ng kasalanan ng magulang ay kailangan akuin ng isang anak.' Mula pagkabata, namulat na si Carl Angelo sa dinanas na hirap ng kapatid niyang si Caren dahil sa kagagawan ng isang baliw na lalaki. Nasaksihan niya ang paghihirap ng kapatid dulot ng hindi karaniwang sakit nito. Masakit at mahirap makitang nasa ganoong kalagayan ang kanyang kapatid at habang lumalaki siya ay may namumuong galit at paghihiganti sa puso niya sa taong gumawa noon sa kanyang Ate Caren. Hanggang sa lumipas ang mga taon at dumating sa buhay niya ang isang babaeng kayang palabasin ang lahat ng nakatagong emosyon sa loob niya. Sa unang beses na masulyapan pa lang niya ang magandang mukha ng dalaga ay nagawa nitong buhayin ang lahat-lahat sa kanya kasama na doon ang nasa pagitan ng kanyang mga hita. At doon pa lang ay itinatak na niya sa kanyang puso't isipan na pagmamay-ari niya ang babaeng nagngangalang Vanessa Joy Gayla. Pero paano kung dumating ang panahon na malaman niyang ang babaeng kinahuhumalingan niya ay anak pala ng taong kanyang kinasusuklaman? Paano niya maisasakatuparan ang paghihiganting nabuo sa kanyang isipan? Isang magandang pagkakataon na para maging sandata niya ang dalaga laban sa ama nito. Pero kaya nga ba niyang gamitin ang dalaga na sa simula pa lang ay walang ng ibang ginawa kun'di ang mahalin at pagsilbihan siya? Kaya ba niyang saktan ang babaeng nagmamay-ari na ng puso, isipan at katawan niya? Matuto pa rin kaya siyang magpatawad kung alam niyang habambuhay na nagdudusa ang kapatid niya dahil sa kagagawan ng ama nito? Alin ang pipiliin niya? Pagmamahal o paghihiganti?
1013.2K viewsCompletedAdded to Library 423 Times as tula ng pasasalamat
Read
+Library
The Forgotten Wife of Gavincci

The Forgotten Wife of Gavincci

Serene Santelle
Nagising si Kayla sa isang pamilyar na silid na matagal na niyang tinakasan. Isang huling misyon ang natanggap niya na hindi kayang tanggihan. Isang daang dolyar, ang kan'yang kalayaan, at kaligtasan ng anak kapalit ng ulo ni Leandro Gavincci. Paano kung malaman niya na ang Gavincci na tinutukoy ay ang ama ng kan'yang anak? Makakaya ba niyang isantabi ang galit at poot para sa kapakanan ng anak? Ngunit paano kung sa gitna ng misyon ay umusbong ang pag-ibig na matagal ng inilista sa tubig? Magagawa pa bang talikuran ni Kayla ang misyon sa kabila ng mga sekretong mabubunyag?
2.0K viewsOngoingAdded to Library 49 Times as tula ng pasasalamat
Read
+Library
Billionaire’s Wife For Revenge (TAGALOG)

Billionaire’s Wife For Revenge (TAGALOG)

Nagdanas ng malalim na sakit si Athena nang malaman ang pagtataksil ng kanyang boyfriend at stepsister. Ibinigay niya ang buong pag-ibig niya sa lalaki at ang buong pag-unawa niya sa kanyang stepsister, ngunit sinaktan pa rin siya ng mga ito. Dahil doon ay lumapit siya kay Euwenn, na gusto ng kanyang stepsister na pakasalan. Si Euwenn Cervantes ay apo ng founder ng Prime Global. Matalino, guwapo, at kilala bilang matagumpay na batang negosyante. Nais ni Athena na pumasok sa isang kontrata para pakasalan si Euwenn, at buong kasiyahan naman itong tinanggap ni Euwenn. Ngunit nais ng lalaki na ang kontrata ay maging isang tunay na kasal.
4.4K viewsOngoingAdded to Library 165 Times as tula ng pasasalamat
Read
+Library
Dark Boss 2: Hiding the Mafia Billionaire's Heirs

Dark Boss 2: Hiding the Mafia Billionaire's Heirs

Hindi aakalain na muling magkukrus ang landas nila Seraphim Anastasia Arandia at Philip Kahili Callari ngayong tinatago ng babae ang tatlong anak ng bilyonaryong lider ng isang malaking ilegal na organisayon. Alam ni Seraphim na isang malaking pagkakamali na itago ang mga anak nito ngunit anong magagawa niya kung mas masaya ito sa piling ng unang pag-ibig nito? Pero parang pinaglalaruan talaga sila ng tadhana ngayong nagkita ulit sila, mabigyan kaya ng hustisya ang naudlot niyang seksuwal— este pag-ibig sa lalaki? O mas lalo lamang ipapamukha sa kaniya ng tadhana na hindi talaga sila para sa isa’t-isa?
101.9K viewsOngoingAdded to Library 52 Times as tula ng pasasalamat
Read
+Library
The Guardian’s Possession

The Guardian’s Possession

Nang mawala ang lahat kay Aria matapos ang biglaang pagkamatay ng kanyang ama, napilitan siyang tumira sa poder ng dating business partner ng tatay niya—isang ruthless billionaire na palagi niyang tinatawag na "Tito." Habang pilit siyang hinahatak pabalik ng kanyang toxic ex-boyfriend, eeksena ang makapangyarihan niyang guardian bilang ultimate protector, na siyang magsisindi ng isang mapanganib at forbidden attraction sa pagitan nilang dalawa.
34 viewsOngoingAdded to Library 1 Times as tula ng pasasalamat
Read
+Library
Taming The Arrogant Boss (SPG)

Taming The Arrogant Boss (SPG)

Isang alipin ang turing kay Bea ng kaniyang tiyahin at pinsan. Ang sinasahod niya sa pinapasukan niyang karinderya ay sa kanila lang napupunta. Hindi na niya kinaya pa ang pang-aalipin ng mga ito sa kanya kaya humanap siya ng trabaho at natanggap siya bilang isang caregiver ng isang aroganteng binata. Magagawa niya kayang habaan ang pasensya niya sa binatang ito na magiging sakit ng kanyang ulo? Paano kung malaman niyang sinasadyang inisin siya ng binata para makuha ang kanyang loob?
4.0K viewsCompletedAdded to Library 80 Times as tula ng pasasalamat
Read
+Library
The Fine Print of Falling in Love

The Fine Print of Falling in Love

“Isang halik lang dapat… pero bakit parang gusto kong ulitin?” ani Alexis Vergara sa sarili, habang hinahabol ang sariling hininga matapos ang mainit na tagpo sa pagitan nila ni Ralph Santillian — ang bestfriend ng ex niyang cheater na si Julio. Isang gabing puno ng emosyon, galit, at alak, nagbago ang lahat sa isang iglap. Ang halik na dapat ay para lang ipamukha kay Julio na hindi siya nasira, ay bigla na lang nag-iwan ng init at kaguluhan sa puso’t isipan ni Alexis. Si Ralph, tahimik, misteryoso, at hindi interesado sa drama ng paligid, ay bigla na lang naging bahagi ng isang planong puno ng kasinungalingan: isang contractual marriage. Hindi sila in love, hindi sila magkaibigan, pero pareho silang may gustong patunayan — na kaya nilang makabangon mula sa mga nanakit sa kanila at gumanti sa ginawang pananakit ng mga taong minsang minahal nila ngunit sumira din sa kanila. Habang ginagampanan nila ang papel ng mag-asawa, unti-unting nabubura ang mga linya ng kasunduan. Si Alexis, na dating galit at puno ng poot, ay nahuhulog kay Ralph. Samantalang si Ralph, na tila bato ang puso, ay natutong ngumiti at masaktan para sa babaeng minsang bahagi lang ng isang plano. Ngunit paano kung bumalik si Julio para muling guluhin ang lahat? At paano kung ang dating kasunduan ay maging totoo na sa mata ng batas… at sa tibok ng puso?
9.97.6K viewsOngoingAdded to Library 152 Times as tula ng pasasalamat
Read
+Library
The Alpha's Heat

The Alpha's Heat

Yoongdy
Ako si Sapphire, isa akong taong lobo. Isa ang lahi namin sa maraming nilalang na sinasabing produkto lamang ng malikot na imahinasyon ng mga tao. Siya si Night, ang anak ng alpha ng aming tribo. Matagal ko na siyang kilala ngunit kamakailan lang nang muli kaming nag-usap. Sa hindi malaman na dahilan ay masungit at malamig siya sa akin. Siya ang dati kong malapit na kaibigan, pinaglayo kami ng isang aksidente. Malungkot man ang kinahinatnan ng pagkakaibigan namin, namuhay naman ako ng normal sa kabila nito. Pero sa paglipas ng mga taon ay muli kaming pinagsama sa isang proyekto para sa kinabukasan ng aming tribo. Ang mas malala pa rito ay kailangan namin na tumira sa iisang bubong. Paano ko kaya malalagpasan ang matinding pagsubok na ito sa buhay ko? May pag-asa pa kaya na maibalik ang dati naming pagkakaibigan? O baka may iba pa kaming madiskubre sa isa’t isa na maaaring magsilbing mitsa ng mas malaking pagbabago sa matagal nang sira naming relasyon.
1.5K viewsOngoingAdded to Library 39 Times as tula ng pasasalamat
Read
+Library
HIS SECRET BLUEPRINT

HIS SECRET BLUEPRINT

SYNOPSIS: ​Matapos mahuli ang masakit na pagtataksil ng kanyang asawang si Mark, gumuho ang mundo ng simpleng guro na si Liza. Sa gitna ng kanyang paghihinagpis, isang lalaki ang dumarating para saluhin siya—si Julian Valderama. ​Si Julian ang kagalang-galang na arkitekto na tumayong Ninong sa kasal nina Liza at Mark. Ngunit sa likod ng kanyang mga blueprint at malawak na koneksyon, may itinatago siyang madilim na sikreto: siya ay isang bilyonaryong kumikilos sa anino, at matagal na niyang pinaplano ang pag-angkin kay Liza. ​Habang dahan-dahang sinisira ni Julian ang pamilya Reyes bilang ganti sa pananakit nila kay Liza, pilit namang kumakapit si Mark sa kapangyarihan. Sa desperasyon, nakipag-alyansa si Mark sa underground kingpin na si Hector—ang tiyuhin ng kanyang ambisyosang kabit na si Cindy. ​Sa gitna ng digmaan ng legal na kapangyarihan at madilim na operasyon, kailangang mamili ni Liza: mananatili ba siya sa wasak na pundasyon ng kanyang nakaraan, o susuko siya sa mapanganib at mapang-angking proteksyon ng lalaking matagal nang bumuo ng blueprint para sa kanyang puso?
10262 viewsOngoingAdded to Library 9 Times as tula ng pasasalamat
Read
+Library
The Billionaire's Accidental Fiancee

The Billionaire's Accidental Fiancee

Matapos mahuli ni Liana Soliman ang kanyang fiancé na may ibang babae sa hotel suite na siya mismo ang nagbayad, aksidente pa niyang na-blackout ang pinakamahalagang charity gala sa bansa. ​Sa dilim ng backstage, nabangga niya si Razael Galvez—ang mailap at striktong billionaire CEO. Pero imbes na demanda, isang kontrata ang inalok nito sa kanya. Kailangan ni Raz ng asawang panakip-butas para takasan ang isang arranged marriage, habang kailangan naman ni Liana ng paraan para mabawi ang lahat ng perang ninakaw sa kanya ng kaniyang ex. ​Mula sa hirap ng Pasay tungo sa karangyaan ng Forbes Park, kailangang panindigan ni Liana ang papel bilang "future Mrs. Galvez." Ngunit sa mundong puno ng plastik na ngiti at mapanganib na lihim, ano ang mas nakakatakot—ang mabisto ang kanilang pagpapanggap o ang tuluyang mahulog sa lalaking bawal mahalin? ​Handa ka bang maging asawa ng isang bilyonaryo kapalit ng iyong kalayaan?
87 viewsOngoingAdded to Library 2 Times as tula ng pasasalamat
Read
+Library
PREV
1
...
4041424344
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status