Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
My Lovely Wife

My Lovely Wife

"Yes! I want to be your girlfriend, Kairus Dhan Alvarez. Sinasagot na kita," sigaw ng kaibigan ko. Ouch! Nanigas ako sa kinatayuan ko ng pagpasok ko pa lang sa university kung saan ako nag-aaral, ng marinig ko ang sigaw ng isang pamilyar na boses, o should I say, ng aking best friend. Ang ganda naman ng bungad. Hindi ako makagalaw sa kinatayuan ko. Para akong natulala. Para akong binagsakan ng langit at lupa. "WOAH, CONGRATS NEW COUPLE." Nanlalabo ang paningin ko habang pinagmamasdan ang kaibigan ko at ang lalaking mahal ko. Kitang kita ko kung gaano kasaya si Kairus nang sagutin siya ni Amara. Nagyayakapan silang dalawa, at worst, they kissed each other in front of me. Mas lalong lumakas ang sigawan ng mga tao habang ako naman ay parang nabingi. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Basta alam ko lang, unti-unti nang nawawasak ang puso ko. Yumuko ako. Ramdam na ramdam ko ang physical na sakit sa puso ko. "I LOVE YOU, AMARA... SO MUCH!" D@MN! Tuluyan nang nawasak ang puso ko nang marinig ko ang katagang iyon mula sa bibig ng mahal ko na para sa kaibigan ko. Kinagat ko ang aking ibabang labi upang pigilan ang luha na gustong kumawala sa aking mga mata. Dapat handa na ako sa ganito, alam kong darating ang araw na ito, pero p*tangina, bakit parang sobrang sakit? Bakit parang hindi ko kaya? "BESH...!" Kaagad kong pinunasan ang isang butil na luha na tuluyan itong kumawala sa mata ko. Huminga ako ng malalim at saka inangat ang paningin sa kaibigan kong patakbong palapit sa akin na may malaking ngiti. Ngumiti din ako, pero pilit lang. Sinubukan kong maging masaya para hindi siya makahalata. "KAMI NA... I ALREADY SAID YES TO HIM," masaya niyang sabi bago ako niyakap.
Romance
9105.5K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
The CEO’s Sudden Childs [Book 6- Hiltons Family]

The CEO’s Sudden Childs [Book 6- Hiltons Family]

“My God, Maurine! Dalawa na ang anak mo pero ni isa sa mga ama nila ay hindi mo kilala!? Paano kang nabuntis ng hindi mo nalalaman!?” Mga katanungan na hindi alam kung paano sasagutin ng dalagang si Maurine. Walang siyang hinangad kundi ang makatapos ng pag-aaral at makatulong sa kanyang kapatid. Subalit hindi niya sukat akalain na mangyayari sa kanya ang mga nababasa lamang niya sa mga novela. One night stand, not once but twice, dahilan kung bakit sa murang edad ay naging dalagang ina si Maurine Kai Ramirez. Ang masaklap, wala siyang pagkakakilanlan sa mga lalaking nakabuntis sa kanya. Hanggang sa natuklasan niya na ang ama ng panganay niyang anak ay ang CEO na si Andrade Quiller Hilton ang kakambal ni Storm Hilton. Naiskandalo ang CEO ng Steel Quiller Corp. dahil sa biglang pagsulpot ng mag-ina, ngunit mariǐng itinanggi ng binata na hindi siya ang ama ng anak ni Maurine. But for the sake of his name ay kinuha niya ang mag-ina pero para gawing katulong ang dalaga sa sarili nitong pamamahay. Paano ipaglalaban ni Maurine ang karapatan ng kanyang anak kung ang pinanghahawakan lang niya ay ang tattoo sa likod ng binata? Kung ikaw si Andrade ay a-akuin mo ba ang responsibilidad, hindi lang ng isang bata kundi ng dalawang anak ni Maurine? Isa na namang kwento ng pag-ibig ang ating susubaybayan mula sa pamilyang Hilton. Ang kwentong ito ay tungkol sa ikalimang anak ni Cedric Hilton na may title na: “The CEO’s Sudden Childs”
Romance
1071.6K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
Mafia King's Innocent Bride (Tagalog)

Mafia King's Innocent Bride (Tagalog)

"Everytime I win, I will conquer a part of you. I will keep on doing that, until I fully conquer all of you." Walang ibang gusto ang dalagang si Sophie kundi ang matupad ang mga pangarap niya sa buhay at pasiyahin ang kanyang pamilya. Ngunit ang lahat ay nagbago nang isang gabi ay nalaman na lamang niya na ibinenta siya ng kanyang ama sa isang Mafia Boss na nagngangalang Vincent Hastings kapalit ng napakalaki nitong utang. Labag man sa loob, dahil sa pagmamahal sa kanyang ama ay walang ibang nagawa si Sophie kundi ang pakasalan ang Mafia Boss. Ano kaya ang naghihintay sa pagitan ng isang inosenteng babae at isang lalaking walang ibang ginawa kundi ang pumatay? Mabago kaya nila ang isa't isa?
Romance
1078.9K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
Pag-aari Ako ng CEO

Pag-aari Ako ng CEO

Matapos malaman ni Lorelay ang katotohanan na may kaugnayan si Mr. Shein sa pagkamatay ng papa niya, iniwan niya ito ng walang pagdadalawang isip. Nabuo ang galit sa puso niya para sa kaniyang asawa kaya kailangan niya ng oras para makabangon siyang muli. After she spent her last night with her husband, she decided to leave without leaving any traces behind. Because of her disappearance, maraming pagsubok ang dumaan sa kanila. Many third parties involved na naging daan kung bakit napagdesisyunan ni Lorelay na huwag ng bumalik sa asawa. After 5 years, bumalik si Lorelay. With the lawyer in front, she signed the contract stating that she'll be Mr. Shein's assistant kapalit ang isang milyon. Lorelay knew that the contract is not on her favor. She knew what will gonna happened to her while staring at Mr. Shein's cold eyes. Gone with the loving husband. Gone with the caring husband. All she can see now is the ruthless, and cold-hearted CEO. 'Para sa mga anak ko at kay auntie Lorena, lahat ay gagawin ko.' Ang sinasabi ni Lorelay sa isipan niya habang tinatahak ang daan papunta sa asawa niyang minsan na niyang nilayasan. She’s back in his husband’s embrace, knowing that she’ll taste his wrath for leaving him 5 years ago.
Romance
9.8103.3K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
Hot Sugar Mommy (Tagalog)

Hot Sugar Mommy (Tagalog)

Kwarenta anyos na si Romana ngunit never na sumagi sa kaniyang isip ang pag-aasawa. Nasa kaniya na halos ang lahat; talino, ganda, marangyang buhay, at koneksiyon . . . kabiyak na lamang ang kulang. Hanggang sa nakilala niya si Vincent. Isang lalaki na namasukan bilang dancer sa bar upang matustusan ang pangangailangan ng kaniyang asawang may sakit sa puso. Sa kauna-unahang pagkakataon ay napukaw ang interes ni Romana ng isang lalaki. Ngunit sa kasamaang palad, ito ay nakatali na. Nalagay sa peligro ang asawa ni Vincent. Ginamit ni Romana ang pagkakataon na iyon upang makuha ang nais. Binayaran niya nang malaking halaga ang lalaki kapalit ang isang kasunduan; ang maging kaniyang fvck buddy. Pumayag si Vincent sa kagustuhan ni Romana upang maisalba ang buhay ng asawa. Sapat nga ba ang pera at galing sa kama upang makuha ang puso ng taong minamahal? Paano kung ang pag-ibig na nais ay makasisira ng isang masaya at buong pamilya? Handa bang maging makasarili o pipiliin na magpaubaya?
Romance
10128.6K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
MAFIA BOSS SERIES: THE FIFTH WIFE [Mr. X]

MAFIA BOSS SERIES: THE FIFTH WIFE [Mr. X]

READ AT YOUR OWN RISK!!! MAFIA BOSS SERIES 1. Black Diamond MAFIA Organization- Xerxex Helger - Mr. X Kailangan ni Apol ng pera kaya naman ng alukin siya ng trabaho ay pumayag siya agad. Malay ba niya na ang trabaho na inaalok sa kanya ay hindi ordinaryong trabaho lang kundi ang maging- Ikalimang asawa ng isang Mafia Boss! Matakasan kaya niya ang kapalaran bilang The Fifth Wife? O matutulad siya sa mga asawa ni Mr. X na biglaan ang pagkamatay?
Romance
9.7139.8K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
Still Loving You (Tagalog Completed)

Still Loving You (Tagalog Completed)

makapaniwala si Kobe na sa isang iglap, biglang siyang ikakasal. Kasalukuyan na ini-enjoy palang niya ang pagiging malaya dahil sa kaka-graduate pa lang sa kursong kinuha nito. At wala pa siyang balak na pwersahin ang sarili sa trabahong binibigay ng kanyang ama. Isang hindi kilalang babae ang pakakasalan ni Kobe, na ni minsan ay hindi pa niya nakilala. Hindi rin niya matandaan sa mga naging babae nito ang babaeng pakakasalan. Napuno ng galit ang dibdib pati na ang isipan lalo na ang malaman ang mga kasinungalingan ng babae, kaya para makaganti 'ay sasaktan niya ito ng labis. Para kay Camilla, isa mang kabaliwan ang kanyang ginawa hindi naman niya 'yun pinagsisihan dahil nakilala niya ang isang Kobe Herrera.
Romance
9.9101.6K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
One Night Of Mistake With The Ceo

One Night Of Mistake With The Ceo

Isang mapagmahal at masunuring anak si Maria Joana Mei or MJ, sa kabila ng karangyaan ng pamilya na kinamulatan niya. Pinalaki siyang magalang at may respeto sa kapwa ngunit nagbago ang lahat ng aksidente niyang naka one night stand ang isang dominanteng lalaki sa bar. Ang pagkikita nila ay nasundan pa ng itinakda itong ipakasal ng kanyang pamilya sa kanya. Paano nila haharapin ang isa't-isa bilang mag-asawa kung araw-araw wala itong ginawa kundi pahirapan at saktan siya? Paano niya hihiwalayan ito, kung labis namang tumututol ang kanyang puso? Handa ba siyang magtiis sa mga kamay nito kahit na walang kasiguraduhang mamahalin din siya nito? Kailan magiging tama ang maling gabi na kanilang ginawa?
Romance
10129.0K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
The Vampire's Maid Servant (Tagalog)

The Vampire's Maid Servant (Tagalog)

Sa edad na siyam, naging kapalit si Anastacia ng malaking pagkakautang ng kanyang ama sa isang mayamang ginang. Pumayag din ang kanyang ama dahil sinabi nitong pag-aaralin siya sa ibang bansa at magkakaroon ng magandang buhay. Pero lingid sa kaalaman ni Anastacia at ng kanyang ama na ipagbibili pala siya nito sa isang Black Market. Sa Black Market na 'yon pula ang mga mata ng mga nanonood. Para 'tong mga halimaw na nagpapanggap na tao. Sa ibang lengguwahe at kurensiya ipinagbili si Anastacia sa isang subastahan. Mag-asawang bampira ang nakabili sa kanya at may dugong Royal. Ang buhay na tila isang bangungot ang inaasahan ni Anastacia sa piling ng mga 'to, pero hindi 'yon nangyari, lalo at iniregalo siya ng mag-asawa sa anak ng mga ito na kaedaran niya, si King. Si King ang bampirang itatangi niya at suwerteng katugon ng kanyang damdamin. Nagmamahalan silang dalawa at maraming pangako sa isa't isa nang nasa wastong edad na. Pero ang pangako na 'yon ay mabibigo dahil ang lalaking minamahal niya ay pinatay. Katumbas ng kamatayan nito ang kanyang kalayaan na kahit kailan ay hindi niya hinahangad. Pinatay raw si King ng isang organisasyon ng mga bampira. Kung ano man ang dahilan, hindi niya 'yon masasagot kung isa lamang siyang tao at isang alipin. Sa paglaya niya sa lugar ng mga bampira, binago niya ang sarili at naging isang kilalang Vampire Hunter. Ang layunin niya'y maubos ang nasa organisasyon na pumatay sa lalaking minamahal at malaman ang dahilan bakit 'to pinaslang. Bago siya lumagay sa tahimik kasama ang bagong nobyo, papatayin niya muna ang mga kalaban niya, para sa ikatatahimik niya. Pero paano kung ang inaakala niyang namatay ay magbalik?
Fantasy
1064.7K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
AFTER DIVORCE: Loving My Ex-Wife

AFTER DIVORCE: Loving My Ex-Wife

Sa loob ng tatlong taon, iniwan ni Karylle Granle ang lahat—karera, pangarap, at kalayaan—para maging ulirang asawa ni Harold Sanbuelgo. Ngunit nang magising ang pinsan niyang minsan nang inagaw ang puso ni Harold, bumagsak ang mundo ni Karylle. Sa harap ng isang divorce agreement, pilit siyang pinipirmahan ni Harold, tinatanggal ang lahat ng dignidad at pagmamahal na minsan niyang inialay. Ngunit sa halip na magpakaapi, pinili ni Karylle na maging malaya. Binitawan niya ang lahat ng bagay na may kaugnayan kay Harold para magsimula muli.
Romance
8.499.8K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
2829303132
...
50
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status