Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire
"Wala akong sinabihan... kundi silang lahat."
Sabay-sabay ang palakpakan, sigawan, at tawanan. At habang lumalalim ang gabi, tumugtog ang acoustic version ng "Rewrite The Stars" mula sa isang speaker na itinago ni Knox. Habang nagkukwentuhan, nagsasayawan, at nagsasalo-salo sila sa paligid ng bonfire, hindi mapigilan ni Veronica ang pagyakap kay Eros.
"Hon," bulong niya habang nakaunan sa balikat nito. "You really did all this? For me?"