His Fake Wife
"Syempre hindi ko kayo iiwan, promise iyan ni Mommy. Ang sinasabi kong mamimiss ko kayo, kasi aalis kayo at papasok sa school. Mawala lang kayo saglit agad ko na kayong nami-miss. I won't leave my princesses, kaya tahan na, hindi na kayo maganda kapag umiyak kayo."
Sumisinghot-singhot pa si Snow habang si Winter naman ay mataman na nakatitig sa akin. Muling yumakap nang mahigpit si Winter at gumaya rin si Snow kaya napatawa ako kahit pa nangingilid na rin ang luha ko. Ayaw kong makita nila akong umiiyak, kahit na dahil iyon sa saya, dahil baka mali na naman ang isipin nila. They're too young to understand everything.
Bab Populer