Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
For the Love of Rafael

For the Love of Rafael

Re-Ya
Papangarapin mo ba ang isang bituin sa langit, kung ikaw ay isang hamak na maglulupa lamang? Si Rada Buenavista - ang bratinelang heredera. Susubukan ang pasensya ng simple at mailap na si - Rafael Samaniego. Saan hahantong ang isang pagtatagpo na babalutin ng samut-saring lihim? Handa ba sila sa isang katotohanan na magsasadlak sa kanila sa lusak ng poot at galit? At magdadala sa kanila sa labis na kabiguan at kapighatian. Saan sila dadalhin ng kanilang katatagan? Kung ang pinaghuhugutan nila ng lakas ang sa kanila'y siya ring dudurog at wawasak.
2.4K viewsOngoingAdded to Library 78 Times as ya books
Read
+Library
ALEXANDER ZAAVEDRA, Brutal at Walang Kinatatakutan

ALEXANDER ZAAVEDRA, Brutal at Walang Kinatatakutan

Ang kapangahasan ni Rose ang nagdala sa kanya sa isang malaking panganib. Kung saan sa malayong probinsiya at liblib na bayan sa Cotabato siya ay napadpad. Habang nasa biyahe ay hinarang ang kanyang sinasakyang bus ng mga masasamang loob. Binitbit siya ng mga armadong lalaki na may nakakatakot na mga pagmumukha. Animo mga buwitreng gutom na nakakita ng karneng pag-aagawan sa katauhan niya. Nanganganib siyang malapastanganan. Subalit sa kabila ng takot ay hindi pinanghinaan ng loob si Rose. Dinala sya ng grupo sa kuta ng mga ito at ginawang bihag. Sa puntong iyon alam niyang nasa panganib ang kanyang buhay lalo na at natipuhan siya ni Horan ang mabagsik na pinuno ng mga bandidong dumukot sa kanya. Napasakamay siya sa pangangalaga ni Dimitri. Ang lalaking may mala-leon na lisik ng mata. Ngunit Imbis na mas lalong mangamba sa kaligtasan ay natagpuan niya ang sariling nais na mahulog sa mga bisig ng lalaking tulisan.
1010.8K viewsOngoingAdded to Library 236 Times as ya books
Read
+Library
My Only Love

My Only Love

Re-Ya
Isang ubod lalim na paghinga ang ginawa ni Anya bago inilibot ang tingin sa kanyang paligid. Pagkatapos ay sinuot niya ang de- kulay na salamin sa mata. Sinukbit ang signature na shoulder bag at maingat na hinila ang katamtamang maleta. Marahan siyang naglakad palabas ng paliparan. Dalawampu’t taon ang lumipas ng lisanin niya ang bansang Pilipinas para manirahan sa Amerika. Baon ang labis na hinagpis at pagkabigo sa pag-ibig ay nakipagsapalaran sya sa ibang bansa. Kaya naman ngayon sa muling pagtapak ng kanyang mga paa sa bansang kanyang tinakasan ay may kung anong pakiramdam sa dibdib niya ang hindi niya sukat mawari. Isa lang ang sigurado si Anya naroon pa rin ang bigat sa puso niya. Tila nanariwa ang pighati na dulot ng nakaraan. May butil ng luha na gustong bumukal sa sulok ng kanyang mga mata. Agad niyang pinawi iyon at pinuno ng hangin ang nagsisikip na dibdib. Mayroon siyang mahalagang pakay sa kanyang pagbabalik. Iyon ay ang lalaking kanyang inibig ng wagas subalit nagawa niyang talikuran. Subalit lagi na’y naroon ang katanungan sa isip niya. Kaya ba niya itong harapin? Handa ba siyang anihin ang poot at galit ni Clark sa kanilang muling pagtatagpo? Pagka’t ang tingin na ng lalaki sa kanya ay isang talusira.
2.7K viewsOngoingAdded to Library 103 Times as ya books
Read
+Library
Saakin Nagtagal Sa Iba Ikinasal

Saakin Nagtagal Sa Iba Ikinasal

death_pen23
Ashton Kiel Alvarez, ay isang binatang nangulila sa kalinga ng kanyang pamilya. Bata pa nung siya'y iniwan ng kanyang kuya, na nag sanhi na rin sakan'ya ng trauma. Hindi na syang ng iwan ng iba, kasi takot narin syang maiwan tulad ng ginawa ng kanyang kuya. Taon ang lumipas at handa na sya upang pamunuan ang kanilang kompanya. Sa panahong 'yon nakilala nya ang babaeng alam nyang para sakanya. Pinangarap upang dalhin sa altar at pagsilbihan habang buhay. Ngunit nabuo ang isang pagkakamali. Na hindi nya inakalang 'yon ang wawasak sa lahat ng pangarap nya. Kaya nyang bang iwan ang taong ginawa na nyang tahanan? Kaya nya bang iwanan yung taong lubos nyang pinahalagahan. Mananatili ba sya o tanging abo ang haharap sa altar.
4.3K viewsOngoingAdded to Library 162 Times as ya books
Read
+Library
What if the shoe won't fit?

What if the shoe won't fit?

undertheheat
Adalyn is a graduating student who has been longing for his father. Her mother does not support her idea of looking for his father, so she decided to do it on her own. Before leaving her nest, she was precised about her goal: and that is to find her father and introduce herself to him. Upon her journey, she met new people who will question her goals and plans. Meeting them will lead to confusion and uncertainties. But do they really have a point? Paano nga ba mababago ng ibang tao ang matagal mo nang plano? Gaano naiintindihan ng ibang tao ang pinagdaraanan mo para masabi na mali o tama ang daan na gusto mong tahakin? Do other people really fit to judge your decisions without being on your shoe?
103.0K viewsOngoingAdded to Library 115 Times as ya books
Read
+Library
Gangster and His Bride

Gangster and His Bride

XessameStreet
Bukod sa isang drag racer, maraming kwestyon sa pagkakakilanlan at pagkatao ni Kane Talens. Kabilang ang mga tanong patungkol sakaniyang pinanggalingan. Ngunit tadhana na ang gumuhit at nakilala niya ang gangster na si Gabriel at sa hindi inaasahan, ito ang nagsilbing tulay upang magkaroon ng sagot ang kaniyang mga katanungan sa sarili, at kung sino ang nasa likod ng pagkakait ng mga bagay na ito sakaniya noong sanggol pa lamang siya. Sa kanila rin namang pagtatagpo ni Gabriel ay kaniya ring natagpuan ang una niyang pag-ibig, ang pag-ibig na magpaparanas sakaniya kung ano ang pakiramdam ng pagiging kumpleto. Ngunit may sorpresa pa pala ang tadhana, hindi lang para sakaniya kung hindi para sakanila ni Gabriel. Ito ay ang pagdating ni Shian na nagsilbing unang pag-ibig naman noon ni Gabriel, at ang balitang ikagigimbal nilang dalawa. Sa pagdating ni Shian kasama ang balitang iyon ay pag-usbong naman ng mga bagay na kailangang i-sakripisyo ng dalawa. Maaari nga bang magmahal ang taong hindi pa tapos magmahal ng iba? at sa pagbabalik ng nakaraan alin ang kaya nilang talikuran at alin, ang kaya nilang ipaglaban? Sa pagpunta sa punto ng pilian, marami 'mang pagsubok at pagdaanan, mananaig ang mas matimbang at iyon ay ang pag-ibig na kanilang nasimulan.
1.9K viewsOngoingAdded to Library 59 Times as ya books
Read
+Library
Crush Me Back

Crush Me Back

J.R. McKay
Para kay Elizabeth Marie, si Thaddeus ang pinakapogi at pinaka-reliable na lalaki sa balat ng lupa. Bata pa lamang sila ay ito na ang kasangga niya sa hirap man o ginhawa. Ngunit nagbago ang lahat nang maligwak siya mula sa top section ng TOP Academy. Nakilala niya si Lester, ang bago niyang classmate sa section 2. Ito ang unang lalaki na nagtanggol sa kaniya laban sa mga bruha niyang classmate at naging kaibigan niya. Hindi lang ‘yon, ipinaramdam din nito sa kaniya kung paano maging isang babae—iyong tipong hindi siya tinuturing na barkada kundi isang reyna. Para tuloy siyang nasa cloud nine… At may dumagdag pa sa eksena, si Bruce na kasing hyper niya. Napapantayan nito ang energy niya na umabot sa Mt. Everest ang taas. Tuwang-tuwa siya kapag ito ang kasama. Naguguluhan tuloy siya kung sino sa tatlo ang pipiliin niya. Sino nga ba?
3.2K viewsOngoingAdded to Library 83 Times as ya books
Read
+Library
RARE LOVE

RARE LOVE

Sa pag-aaral nakatuon ang buong atensiyon ni Mikaella. Ginagawa ang lahat ng makakaya mapanatili lamang ang matataas na marka. Ngunit, sa isang iglap magbabago ang lahat. Nakilala niya ang anak ng may ari ng university na kanyang pinapasukan. Hindi ito ang lalaking dapat na ginugusto, subalit sa tuwing sila'y magkakatagpo ay hindi niya mapigilan ang pagdagundong ng puso!
1010.9K viewsCompletedAdded to Library 380 Times as ya books
Read
+Library
Fulfilled Duties (Tagalog)

Fulfilled Duties (Tagalog)

Mapupuno ng nakakatawa, nakakaiyak, at pagtitiis ang pagtatagpo ni Byeongyun at Deborah. Dito rin unti-unting mahalungkat muli ang nakaraan ni Byeongyun—nakaraang pilit niyang kinakalimutan kasama si Kang Dami, ang dating nobya niyang misteryosong inilayo sa kanya.
1024.5K viewsOngoingAdded to Library 833 Times as ya books
Read
+Library
My Love From The Past

My Love From The Past

jeanneration
Kilala si Lucky bilang sikat na artista ng kanyang panahon. Matapos ang isang trahedya, malalaman niya ang pinakatatagong lihim ng kanilang pamilya.
103.5K viewsOngoingAdded to Library 92 Times as ya books
Read
+Library
PREV
123456
...
30
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status