Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire
Wala siyang makeup maliban sa lip balm, pero nandoon pa rin ang dignidad at ganda niya bilang isang respected surgeon.
Maya-maya pa'y, dumating na rin si Sienna. Naka-dress ito ng pastel yellow. Bahagyang maumbok at tiyan at sa tingin ni Veronica ay nasa three to four months na ang tiyan nito.
“Hi, Vee,” bati nito, bakas ang kaba sa tinig.
“Hi,” mahinang sagot ni Veronica. “Seat down.”
Umorder sila ng cappuccino at sandwich. Simpleng kamustahan sa umpisa pero pagkatagal-tagal, si Sienna ang unang nagsalita.