His Secret Child (Tagalog)
"H'wag kang mag-alala. Ayos na sakin na binigyan mo ako ng chance ulit. Hindi ko sasayangin ang binigay mong pagkakataon para mapatunayan ko ang sarili ko sayo. Sapat na sakin yung pumayag ka. Naiintindihan ko naman kung may agam agam kapa, alam kong hindi madali sayo na mapatawad ako ng lubusan. Pero salamat dahil kahit ganoon, sinubukan mo pa rin. Hayaan mo lang ako, ipaparamdam ko sayo kung gaano kita kamahal, na nagsisisi na talaga ako sa ginawa ko sayo noon. Babawi ako Aaliyah, hinding hindi ko sasayangin ang binigay mong pagkakataon."
"Aasahan ko lahat ng sinabi mo. Sana hindi ako magsisi."
"Hindi ako mangangako Aaliyah, pero gagawin ko. Thank you sa pagbibigay sakin ng second chance."