PROLOGUE
“You want your father to live? Then pay the price. Don’t worry, Sahara… katawan mo lang ang kailangan ko—hindi ang puso mo.” ******* Calyx’s POV Tahimik ang gabi sa hospital. Ang mga fluorescent lights sa corridor ay malamlam na kumikislap, tila pagod na rin tulad ng mga taong naririto. Katatapos ko lang ng isang operasyon—isang batang babae na muntik nang mawalan ng buhay. Ngayong patay-sindi na ang adrenaline sa aking katawan, balak ko sanang pumasok na sa aking opisina. Ngunit napahinto ako sa paglalakad nang marinig ang boses mula sa kabilang sulok. "Please... please po, Ma'am. Kahit hulugan. Gagawin ko po ang lahat, ma-operahan lang ang Papa ko... konti na lang daw po ang oras niya." Ang boses ay puno ng pagmamakaawa, halos punit na sa hirap at takot. Pumanhik ang kilay ko nang marinig ang pangalan ng pasyente—Don Marcelo Villareal. Isang matandang negosyanteng kilala sa kanyang kabisera noon, ngayo’y halos lugmok. Muli kong narinig ang boses na iyon. Babaeng namumugto ang mga mata, halos hindi makapagsalita dahil sa paghikbi. "Miss, kailangan niyo pong maintindihan, hindi po kami pwedeng mag-umpisa ng operasyon kung wala pong deposito. Malaking halaga po ito," mariing tugon ng nurse. Tahimik akong lumapit sa gilid. Doon ko siya nakita. Sahara Villareal. Ang babaeng ilang taon ko nang hindi nakita. Ang babaeng minsang bumasag sa batang puso ko—sa harap ng lahat. Hindi niya agad ako napansin. Magulo ang buhok niya, mukhang ilang araw nang hindi natutulog. Nakayuko, mahigpit na hawak ang lumang pitaka. "Nakikiusap po ako... kahit sangla... kahit hulugan—" "Bawal po, Ma’am. Hospital policy." Napailing ako. Ipinikit ko sandali ang mga mata ko—binibilang kung ilang taon na ang lumipas. Pitong taon. Pitong taon mula nang pinagtawanan mo ako, Sahara. Pitong taon mula nang sabihin mong, "Bakit ako papatol sa isang baboy na nerd na gaya mo?" habang hawak mo pa ang cellphone ng isa sa mga kabarkada mong nagvi-video. Ngayon narito ka, nakaluhod halos, nagmamakaawa. Hindi ko maintindihan kung bakit lumapit ang mga paa ko patungo sa inyo. Bago ko mapigilan ang sarili ko, narinig ko ang boses ko. "Come to my office. Follow me." Nagulat siya. Napalingon. Muling nagtagpo ang aming mga mata. Ngayon ay ibang Calyx Monteverde na ang nakikita mo, Sahara. Hindi na ako ang matabang nerd na pinaglaruan mo noon. Ako na ngayon si Dr. Calyx Monteverde—isa sa pinakamahal at pinakakilalang cardiac surgeon sa bansa. Kitang-kita ko ang pagtigil ng kanyang paghinga. Nanlaki ang mga mata niya, bumuka ang kanyang labi na para bang gusto niyang magsalita pero walang salitang lumalabas. "Doc—" bulong niya. Nilingon ko ang nurse. "Ako na ang bahala rito. Leave us." Tahimik itong tumango at lumayo. Lumingon ako kay Sahara. "Come." Nag-aalangan siya. Nakikita ko ang panginginig ng kanyang mga kamay. "Do you want your father to live or not?" Napakagat siya ng labi at saka marahang tumayo. Hindi niya ako matignan ng diretso. Sinundan niya ako papunta sa opisina. Pagkapasok niya, isinara ko ang pinto at naupo sa swivel chair. Ipinatong ko ang mga siko ko sa mesa at pinagkrus ang mga daliri. "Sit." Naupo siya sa tapat ko, nanginginig pa rin. Napapatingin-tingin sa kabuuan ko. Alam kong ngayon lang niya ako nakita sa ganitong anyo—matikas ang pangangatawan, matalas ang mga mata, may presensyang hindi pwedeng isnabin. Tumikhim siya. "Ikaw po ba ang Dr. Monteverde?" Tumango ako. "Ako. At oo, alam ko kung bakit ka narito." Namumugto ang mga mata niya. "Doc... wala po akong malaking pera... pero gagawin ko po ang lahat. Maawa na po kayo kay Papa..." Ngumiti ako—isang ngiting hindi ko mawari kung may pait, ligaya, o paghihiganti. "Gusto mong gumaling ang ama mo?" tanong ko, mababa ang boses. "Opo... kahit ano po..." "Kahit ano?" Inulit ko, pinapako siya sa titig ko. Natigilan siya. Umupo ako ng mas maayos, nakahawak sa mesa. "Malaki ang halaga ng kailangan sa operasyon. Pero hindi ko kailangan ng pera mo." Napakunot ang noo niya. "A-ano po?" "Gusto kong ibigay mo ang isang bagay na mas mahalaga kaysa sa pera." Napakagat siya ng labi. Tila natunaw ang kulay sa kanyang mukha. "Ikaw. Ang katawan mo." Nanlaki ang mga mata niya. "A-ano?! Hindi—hindi po—hindi ko po kaya ‘yan!" Tumayo siya bigla. "Hindi po ako ganong klaseng babae!" Tumayo rin ako. Lumapit sa kanya. Ngumiti ako. "Wala akong sinabi na kailangan mo akong paniwalaan ngayon. Bibigyan kita ng 24 oras para pag-isipan mo ang kondisyon ko." Inilapit ko ang mukha ko sa kanya—sapat lang para maramdaman niya ang init ng aking hininga. "You have 24 hours, Sahara." Bumukas ang pinto, ako na mismo ang nagbukas para sa kanya. "Kung mahal mo talaga ang ama mo, alam mo kung anong dapat mong gawin." Iniwan ko siyang natigilan at nanginginig sa loob ng opisina, bago tuluyang lumabas. At sa unang pagkakataon matapos ang pitong taon—napangiti ako. Magkikita ulit tayo, Sahara. Sa mga panahong ikaw naman ang nagmamakaawa.Napatingin si Sahara sa address na ibinigay sa kanya ni Aling Merly. Napakunot ang noo niya at napanguso. "Medyo malayo-layo rin pala ito..." Pero wala siyang pagpipilian. Kailangan niyang kumayod. Inayos niya ang bitbit na mga tahi, saka tinawag ang paborito niyang pedicab driver para dalhin siya sa sakayan ng cab. Gamit niya ang cab tuwing may malalayong delivery — isang bagay na pinag-iipunan niya rin para lang di mapagod si Daddy sa pag-aalala. Pagkaupo sa loob ng cab, muling sinipat ni Sahara ang address. "Buti na lang, kahit malayo, dagdag kita naman ‘to." Habang nasa biyahe, napansin niyang unti-unting sumisikip ang dibdib niya. Pakiramdam niya kasi, bumababa na ang natitirang lakas niya. Pero pinilit niyang iwaksi ang pagod. "Hindi pwede. Kailangan ko 'to matapos." Matapos ang tatlumpung minutong biyahe, narating din niya ang destinasyon. Napataas ang kilay niya nang makita ang bahay — medyo may kalakihan ito. "Mukhang may kaya rin ang mga ito..." Bumaba siya ng cab, k
Sahara POV Maaga akong nagising kinabukasan. Hindi pa man tuluyang lumalakas ang katawan ko mula sa aksidente, pinilit ko nang bumangon. Wala akong karapatang humilata lang habang ang kalagayan ni Daddy ay pabigat nang pabigat. Kailangan kong magtrabaho. Kailangan kong maghanap ng paraan. Pagkaligo ko, inabutan ko si Manang Rosa sa kusina, abalang naghahain ng agahan. Simpleng sinangag, itlog, at kapeng barako ang aroma na bumungad sa akin. "Mabuti naman at bumangon ka na, iha. Kumain ka muna," sabi ni Manang Rosa, ngiting-ngiti kahit kita sa mga mata niya ang pag-aalala. Napabuntong-hininga ako. "Salamat po, Manang." Umupo kami sa maliit naming hapag-kainan. Maliit lang ang bahay pero ito ang pinagmumulan ng init at lakas ko. Si Manang Rosa na lamang ang kasama namin ngayon. Kahit hindi siya kadugo, para ko na siyang pangalawang ina. Habang nagkakape siya, bigla niyang tinanong, "O, kamusta naman ang mga pinag-aaplayan mo, iha?" Napanguso ako habang nilalaro ang kutsara ko sa
Sahara’s POV Dalawang kumpanya na ang pinasukan ko ngayong linggo, pero pareho lang din ang naging sagot sa akin—"Pasensya na, Miss Villareal. Hindi ka namin matatanggap sa ngayon." Paulit-ulit. Parehong linyang halos butas na ang tenga ko sa kakarinig. Lumabas ako ng building ng huling kumpanya na inaplayan ko, dala-dala ang maruruming papel ng resume na ilang beses ko nang binasa sa pag-asang baka sa susunod, may pag-asa. Ramdam ko na ang pagod sa katawan ko, pero hindi pa rin ako sumusuko. Bumuntong-hininga ako at muling pinunasan ang pawis sa noo habang nilingon ang maliit na papel sa aking kamay—isang listahan ng mga gamot ni Daddy na kailangan ko nang bilhin bago pa lumala ang kanyang lagay. "Sahara, kailangan mong bilhin ang gamot. Hindi pwedeng magpahinga si Papa ngayon," bulong ko sa sarili, pilit na pinapalakas ang loob. Mabilis akong sumakay ng jeep patungo sa pinakamalapit na pharmacy. Kahit kapos sa pera, wala akong pakialam. Kahit magkanda-utang ako, ang mahalaga ay
PROLOGUE “You want your father to live? Then pay the price. Don’t worry, Sahara… katawan mo lang ang kailangan ko—hindi ang puso mo.” ******* Calyx’s POV Tahimik ang gabi sa hospital. Ang mga fluorescent lights sa corridor ay malamlam na kumikislap, tila pagod na rin tulad ng mga taong naririto. Katatapos ko lang ng isang operasyon—isang batang babae na muntik nang mawalan ng buhay. Ngayong patay-sindi na ang adrenaline sa aking katawan, balak ko sanang pumasok na sa aking opisina. Ngunit napahinto ako sa paglalakad nang marinig ang boses mula sa kabilang sulok. "Please... please po, Ma'am. Kahit hulugan. Gagawin ko po ang lahat, ma-operahan lang ang Papa ko... konti na lang daw po ang oras niya." Ang boses ay puno ng pagmamakaawa, halos punit na sa hirap at takot. Pumanhik ang kilay ko nang marinig ang pangalan ng pasyente—Don Marcelo Villareal. Isang matandang negosyanteng kilala sa kanyang kabisera noon, ngayo’y halos lugmok. Muli kong narinig ang boses na iyon. B