Baon sa utang at lulong sa casino, ang desisyon ng kanyang ama ay ipagpalit ang kanyang nakababatang kapatid na babae para sa isang contract marriage sa anak ng pinuno ng kanyang pinag-utangan. At upang mailigtas ang kanyang nakababatang kapatid na babae, napilitan si Claire Mariano na palitan ang posisyon ng kanyang kapatid at pakasalan ang susunod na lider ng pamilya ng mga Navarro, si Javier Zen Navarro. Ngunit paano kung higit sa malaking halaga ng pera ang puno’t dulo ng kontrata na ito? Paano kung sa likod nito ay isang sikreto ang nag-uugnay sa mga Mariano at Navarro? Magagawa kaya ng kontrata na pag-ugnayin ang dalawang pusong sangkot sa madilim na katotohanan? O’ ito ang magsisilbing mitsa sa isang malaking gulo sa pagitan ng kanilang pamilya?
View MoreCLAIRE’S POINT OF VIEW
One shot.. Two shots.. Three shots of tequila and I felt my world spinning. It’s me and my low alcohol tolerance, fuck! It’s Samantha’s 21st birthday— kaya kahit ayoko na mag-inom, ayoko rin naman na isipin ni Samantha hindi ako nag-e-enjoy. I am a certified party goer, together with my college friends. Nagkataon lang talaga na wala ako sa mood. “Gulp it down, girl!” she cheered. She signaled me to drink down the fourth glass of tequila. Inabutan niya rin ako ng sliced lemon at sinipsip ko iyon. Napangiwi ako, sobrang asim! Napahawak ako sa isang bisita ni Samantha, hindi ko iyon kilala. Liyodo na talaga ako, feeling ko ay babagsak na ang katawan ko kapag tumagay pa ako. I crouched at Sam. “H-Hindi ko na kaya uminom, nahihilo na ako..” sabi ko. “Oh— guys, you hear my friend! Sasamahan ko muna sa itaas,” paalam niya sa ibang bisita at sinamahan ako paakyat sa guest room ng bahay nila. “Umidlip ka na muna, Claire. Ipapahatid na lang kita sa driver ko later, or kung gusto mo, pwede ka rin manood ng movies!” she said as she helped me lay down in bed. Ngumiti ako at tumango. As soon as she left the room, bumagsak na rin ang mga mata ko. Hindi ko alam kung gaano katagal akong tulog— basta paggising ko, sobrang dami na ng missed calls sa cellphone ko. It was from my family. What’s happening? I was about to call back when the door of the room opened and it revealed Samantha, with a worried face. .. “Mariano pharmaceutical company shutdown after the rumors of failed clinical trials and regulatory issues.” Ibinato ko sa couch iyong cellphone ko at mariin na pumikit. It’s been a month since Samantha’s birthday— a month since our company closed down. Nagkalat ang fake news sa internet tungkol dito. Iba’t ibang articles at blogs ang nababasa at nakikita ko. It’s also been a month since I came to the university— somehow, I needed to stop and let this issue die down first. Nakatambay din kasi sa labas ng bahay ang reporters at journalists, pati na rin iyong relatives ng workers na biglaan na nawalan ng trabaho. “Dad, what are we going to do? Ayoko ng ganito! Hindi pwede na habang buhay nandito tayo— nakakulong, nagtatago sa mata ng mga tao!” I snapped. Of course, may savings ako. I have money to spend, pero hindi ibig sabihin ay hindi iyon mauubos. We have to pay for our monthly bills, tuition fees, and daily necessities. Nakadepende lang kami sa deliveries at online shops. To make it worse, araw-araw umiinom si daddy. Sa umaga ay aalis ito, tatakasan kami ng kapatid ko at pag-uwi ay puro pasa na ang katawan at sugat. Hindi lang isang beses ito nangyari ngunit kahit anong tanong ko— hindi siya sumasagot. Lumapit ako sa kanya at kinuha iyong bote ng alak na hawak niya. “Dad, please..” I pleaded. Namumuo ang luha sa mga mata ko, pagod na sa buhay na ganito. Kung hindi ito matatapos sa isang bwan, kailan pa? May buhay din ako sa labas— may kaibigan ako, nag-aaral ako, at marami akong gustong gawin. Namumungay nyang binuksan ang mga mata at tinabig ang kamay ko. Ang bote na hawak ko ay tumalsik at nabasag, at nabubog ang kamay ko. “Bakit hindi mo tawagan ang magaling mong nanay?!” sigaw niya. My words got caught in my throat, hindi ako nakasagot. She left when the company closed down. Ang gusto niya ay isama ako at iwan si Celine, hindi ako pumayag. I insisted on staying with dad because of my younger sister, kung nasaan si Celine, doon ako. Pero ngayon, mukhang naiintindihan ko na ang reason kung bakit umalis si mommy. I would’ve never stayed in the same household with an incompetent man. Never! Kahit masakit ay isa-isa kong tinanggal iyong bubog na nakabaon sa kamay ko at tumakbo paakyat sa kwarto. I opened my drawer and grabbed my passbook, kinuha ko rin iyong jacket ko na nakasabit. I glanced at my drunk father and sneaked outside. Mabuti na lang at wala na ro’n iyong reporters kaya libre akong nakakilos patungo sa bangko. If daddy won’t do a thing, I will! Mas pagsisisihan ko kung wala akong gagawin— kung hahayaan ko lang na patuloy sa ganitong takbo ang buhay namin ng kapatid ko. The shutdown of the company was neither our fault, so why do we need to suffer? Kung kailangan na magtrabaho ako para buhayin ang kapatid ko, I would do it in a heartbeat. Pero never ako mag-s-settle sa ganito. “My apologies, Ma’am, ang sabi po sa system ay na-withdraw na po ng daddy niyo lahat ng nasa savings niyo,” sabi ng kahera at ibinalik ang passbook ko. Bumagsak ang balikat ko nang marinig iyon. Na-withdraw? Paanong na-withdraw? Bakit?! Hindi ko na alam kung saan ako kakapit— nanghihina ang tuhod ko. I left about three hundred thousand, THREE HUNDRED THOUSAND! What the fuck happened?! Nanginginig ang mga kamay ko na tinawagan si daddy. Come on, pick up! I’m sure he already sobered a bit— at kahit hindi, kailangan niya ipaliwanag sa akin ito! Saan niya dinala ang pera ko?! Sunod-sunod ang naging pagtawag ko, pero hindi ito sumasagot. Pinagtitinginan na ako ng mga tao— ang iba ay pinipicturan ako dahil hindi ko na mapigilan pa ang pag-iyak ko. I worked hard for that money. Galing iyon sa part-time jobs ko, sa modeling fees ko. Lahat iyon sariling kita ko. Pinunasan ko ang luha ko at sinubukan na i-dial ulit ang number ni daddy, fortunately, sinagot niya na ito. “D-Daddy—” “Ate? A-Ate.. uwi ka na, please..” si Celine, umiiyak at nanginginig sa takot. Lumakas ang kabog ng dibdib ko, kinakabahan ako at mas tumindi ito ng may ibang boses akong narinig sa tabi ng kapatid ko. “Anong nangyayari dyan, Celine?!” nag-aalalang tanong ko. Umatras ang luha ko at naging klaro ang isip ko. Kinuha ko agad iyong passbook ko sa ibabaw ng counter ng bangko at agad na umalis doon. “Celine? Hey!” I called out, hindi kasi siya sumasagot. Panay pag-iyak at hikbi niya lang ang naririnig ko. Pati iyong boses ng mga lalaki na nag-uusap ay napukaw ang atensyon ko— sino ang mga ‘yon?! Medyo may kahinaan ang speaker ko kaya hindi ko marinig ng maayos, hindi ko maintindihan ang sinasabi ng mga ito. Paglabas ko ng bangko ay pumara agad ako ng taxi. “Forbes Park,” sabi ko sa driver at ni-loud speaker iyong phone ko. “Celine, baby, calm down. Pauwi na si ate, anong nangyayari sa bahay?” paulit-ulit na tanong ko, sinusubukan na pakalmahin ang kapatid ko— at sabihin niya sa akin kung ano ang nangyayari. Huminga ako ng malalim. “Don’t panic, Claire, don’t panic..” I breathed in and out, kailangan ay bukas ang isip ko. I tried calling Celine’s name again pero patuloy lang ito sa pag-iyak, hindi ako sinasagot. Naikuyom ko ang kamao ko, kasalanan ko ito! I should’ve never left Celine alone! Nilingon ko iyong driver. “Kuya, pabilisan. Please.” sabi ko at napahilamos sa mukha ko. I need to get there quick. “Celine, be alright, please. Pauwi na ako.. malapit na, pauwi na si ate.” I helplessly murmured. I covered my mouth when I felt like crying, nag-alala ako sa kapatid ko. Nang tumigil ang sasakyan ay inabot ko na diretso ang isang libo sa driver— his eyes widened, mag-aabot pa sana ito ng sukli pero nagmamadali na akong pumasok sa loob bahay. Limang kulay itim na sasakyan ang naka-park sa garahe. I am quite good at remembering people’s plate numbers, kaya nang makita ko iyon— nakasiguro ako na hindi ko kilala ang mga taong nandito. Fuck it! Ano ba ang kailangan nila?! I squinted my eyes when I entered the house, bukas lahat ng ilaw! At tumambad sa harap ko si daddy at Celine, nakaluhod at parehong nakatali ang kamay sa likod. May nakaipit na towel sa bibig ng kapatid ko— doon ko napagtanto kung bakit hindi siya sumasagot sa tanong ko. “Sino kayo?!” galit na sigaw ko. Dapat ay lalapit ako kay Celine ngunit hinatak ng isa nilang kasama iyong braso ko, marahas at malakas. “Wew! Easy, ito ba ang panganay mo, Mariano?” anya nito sabay hawak sa mukha ko. He looked at it intensely and crouched closer to me— dinuraan ko iyong mukha niya at pumiglas. Kaagad na dumapo iyong palad niya sa pisnge ko, sinampal ako. Uminit ang gilid ng labi ko at nalasahan ko iyong dugo. Sinamaan ko siya ng tingin. Malakas na tumawa ito at ibinato ako sa tabi ng kapatid ko. Pinunasan niya iyong dura ko at nilingon si daddy. “May pinagmanahan naman pala ang panganay mo, Mariano?” Tinapik niya ang pisngi nito— at nagulat ako ng tadyakan niya sa sikmura ang daddy ko! Namilipit si daddy sa sakit at nagpaikot-ikot sa sahig. “How dare you!” I gritted my teeth in anger, gusto ko na itong lapitan at saktan. “Ano ba ang kailangan niyo sa pamilya ko?!” “One week,” he uttered and paused for a second. Lumingon siya sa gawi ko at ngumisi, “We need a hundred million in a week, Mariano.” Dahan-dahan syang lumapit— patungo sya pwesto ko. Hinanda ko na ang sarili ko ngunit sa harap siya ni Celine huminto at yumuko, at marahan na hinaplos ang buhok nito. “Kapag hindi mo naibigay ang pera sa isang linggo, gaya ng napag-usapan— kapalit no’n ay ang anak mo.”Evidence.. It holds a piece of evidence.. to re-open the case? Ibig sabihin hindi pa dito natatapos ang kaso ng daddy ko? May pag-asa pa na maayos ito sa legal na paraan?Humigpit ang pagkakakapit ko sa flashdrive. “Ikaw, ano yung sasabihin mo?” tanong niya sa akin. Sasabihin? May sasabihin ba ako? Ah..“Hindi naman importante yon, sa susunod na. Tara na!” yaya ko sa kanya at isinukbit ang braso ko sa braso niya. “Are you sure?”“Sure na sure!”“Claire..” seryoso na talaga ang pagtawag niya sa pangalan ko. Bumuntong hininga ako at tumigil sa paglalakad. “Wala lang yon, okay?” I tried to match his seriousness— para naman hindi niya isipin na nakikipagbiruan ako. Matagal nya akong tinitigan bago tumango, wala nang sinabi at hindi na ako kinulit tungkol sa sasabihin ko. Hindi naman talaga ganoon kaimportante ang sasabihin ko. I was just going to ask him to let me train again, gusto ko sabayan ang pagt-training nila Vien.Before, I thought it was enough to build courage and ove
“Do you remember what I told you back then?” tanong ni Javi at nilingon iyong katawan ng lalaki sa loob. Iniwasan ko ang tumingin doon dahil nanunuot sa isip ko ang imahe nito at ang metal na amoy ng dugo sa ilong ko. Amoy na hindi na mawawala sa sistema ko.“Alin doon?” tanong ko pabalik. Humigpit ang pagkakakapit ko sa baril sa kamay ko at napansin iyon ni Javi— binitawan niya ako at hinayaan. Si Vien ay bumitiw din doon at inalalayan ang braso niya na may tama. Kung alin pa naman ang injured, yun din ang ginamit niya. Hindi ako sigurado kung anong calibre ng baril ito— but it seemed its recoil was much heavier to handle. Medyo nagdugo kasi ang sugat ni Vien dahil sa impact nito. Magpinsan nga sila ni Javi! Parehong matitigas ang ulo!“Hindi ba’t ang sabi ko sayo.. kailangan mong manatili na ligtas para sa akin?” tugon ni Javi. Kinuha niya mula sa bulso ang isang pakete ng sigarilyo.Kumuha siya ng isa at inilagay sa pagitan ng kanyang labi at awtomatikong naglabas si Vien
Sa stress ay nagmamadali akong bumaba at hinanap si Javi.My eyes immediately scanned the underground at doon namataan ko si Javi.He’s wearing his mask as per usual and he’s also with Vien. Walang suot na pang itaas ito kaya naaaninag ko ang benda sa kanyang kanang braso.“Javi..” pagtawag ko.“Claire?” tugon niya at ini-offer ang kamay sa akin para alalayan ako. Fortunately the heels weren’t that high kaya hindi rin ako nahirapan sa paglalakad.Bigka ay pinitik ni Vien ang tenga ko.“Sinabing wag kang lumabas sa sasakyan, ang kulit-kulit mo!” saad niya. “Vien,” saway ni Javi pero hindi siya natinag nito at nagsalita pa ulit.“Paano kung napahamak ka do’n? Edi wala ring silbe yung ginawa ko!” gigil na sabi niya at bumuntong hininga.Inawat siya ni Javi at tinapik tapik ang likod.“But— just so you know, I’m not.. angry with you..” pahabol niya at kumibot kibot ang labi. “A-Ayos ka lang?”Lumapad ang pagkakangiti ko at niyakap siya ng mahigpit. Oh my God! Hindi ko alam na sobrang n
“Ate Claire..” I heard Celine’s voice calling for my name. Nananaginip ba ako?“Ate Claire— wake up!”Nagising ako nang lumakas ang boses ni Celine sa tenga ko. Napabalikwas ako ng tayo at hinarap siya.I cupped her face and hugged her. “Why are you here in my room, baby? What happened?” tanong ko. Umiling si Celine at tinuro iyong pintuan. Nakasandal doon si Javi at may hawak na tray ng pagkain. “Good morning, sleepyhead..” bati niya at dinala yung pagkain sa loob. Nagtataka ko syang tinignan at si Celine, dahil nagpapalitan sila ng tingin ni Javi— na parang may pinaplano ang mga ito na hindi ko alam. I sighed and pinched Celine’s cheeks. Hindi ko na alam kung anong oras ako bumalik sa kwarto ko pagkatapos naming mag-usap ni Javi. Natapos kami doon sa sinabi niya kung sino ang pinaghihinalaan niya pero hindi na siya nagkwento ng kahit ano pang impormasyon tungkol doon.Gusto kong kulitin si Javi tungkol dito pero binalaan niya ako na magiging delikado rin para kay Celine kung
“Bakit? Pakiramdam mo ba.. ibang tao ka? Hindi mo ba na-e-express yung sarili mo?" Umalis ako sa yakap niya at tinukod ang mga braso ko paupo at sumandal sa headboard ng kama. Nag-angat ng tingin si Javi sa akin at nakangiti na gumaya, tinabihan ako. “Hindi naman sa ganon,” tugon niya at kinuha ang kamay ko. Hindi talaga siya mapakali ng hindi ako nahahawakan ano?“O, e, bakit ganoon ang pangarap mo? Bakit gusto mong maging ikaw— paano ba yon? Hindi ko gets,” pag-uusisa ko at hinayaan na siya sa ginagawa. Muli ay tinignan niya ako. “You must have grown up in a good environment, I'm happy for you.”Nagsalubong ang kilay ko. Sinasabi niya ba na.. kaya ko hindi maintindihan ang sinasabi niya ay dahil may kaya ang pamilya ko?Mas mayaman nga sila, a! “Hindi naman pera ang basehan dapat ng pangarap mo, Javi..” bulong ko at naitikom niya ang bibig— nagpipigil ng tawa. Tignan mo ito, kapag kinakausap ng maayos, tatawanan ka? Sinamaan ko siya ng tingin at inalis ang kumot na nakabalo
My knees did not stop trembling hanggang sa makabalik kami sa residence. When Javi shot the guy—it was directed to his right thigh and not fatal otherwise left untreated. Matapos noon ay hinuli ni Vien iyong lalaki at tinali.So, everything was planned? It was Vien’s plan?Napahawak ako sa ulo ko, that was so fucking risky!Naramdaman ko ang paglapit sa akin ni Javi kaya nag-angat ako ng tingin. As usual he looked composed and calm— like didn't shoot anyone— like he didn’t pull the trigger and almost shoot his own people.Kung hindi umurong ng kaunti si Vien kanina ay hindi ko mapapansin na may tao sa likod niya. Just how perceptive can Javi be? Paano niya nagawang makita iyon mula sa ganoong kalayo? At paano..Fuck it, hindi ko alam kung dapat ba akong bumilib sa kanya o matakot!“Here’s water, I know it shocked you,” sabi niya at inabot sa akin ang isang basong tubig at hinaplos ang likod ko. Siya ba yung tipo ng guy na kapag masakit ang puson ko— tubig din ang sagot?Like it
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments