Ang sabi nila, ang pinakamasayang tao ang pinakamalungkot sa lahat. That they are faking their happiness. That even they are alive, they are dying deep inside. All I can see is my pain. My anger towards her. She's the cause of my loneliness. I lost the love of my life because of her. Why should I care? She deserves it anyway. But little did I know, she's dying deep within. I've hurt her. All I did was give her pain. Ipinamukha ko sa kanya na kailanman ay hindi ko siya mamahalin. Little by little, I am killing her. I took out her shine. Her bright smile. Her own life. I've crushed her heart. Michelle is like a flower, slowly withering without my notice. Melting my heartless heart is her only option.
View MoreMichelle's POV
"Let's get divorced!" Mula sa pagkakahiga sa kama ay inaninag ko ang bulto ng lalaking pinagmulan ng katagang unti-unting tumatarak sa puso ko. Katagang dahilan kung bakit wasak ang pakiramdam ko. Katagang kahit ayaw kong pakinggan ay dahilan kung bakit hindi ko pa man oras na mamatay ay tila pinapatay na ako. Katagang kinakatakutan kong marinig. Ayaw kong marinig mula sa asawa ko. "B-bakit?" nanginginig ang boses na tanong ko. Kahit alam ko naman na ang dahilan ay para akong tangang nais pang marinig iyon mula sa bibig ni Lucas. Gustong gusto ko talagang saktan ang sarili ko. At sana, ang sakit na hatid niyang muli ang maging dahilan upang tuluyan na akong mamanhid sa sakit. Dahil ayoko na. Si Lucas na ilang taon pa lamang ako ay minahal na ng puso ko. Si Lucas na pinangarap kong maging asawa. Si Lucas na ngayon ay asawa ko na nga pero hindi ko nagawang paibigin. Hindi niya ako magawang mahalin. Dahil may mahal siyang iba. At kailanman ay hindi ko mapapalitan sa puso niya. Bumangon at naupo ako sa gilid ng kama. Tanging ang night lamp lamang na nasa side table ang naging tanglaw naming dalawa. Ako mula sa kamang inukopa ko ng tatlong taon, at siya malapit sa saradong pinto ng kuwarto ko. Kuwarto ko dahil sa tatlong taon na pagsasama namin, hindi kailanman ako nakatungtong sa master's bedroom ng bahay niya. Sa tatlong taon naming mag-asawa ay hindi ko nagawang makatulog sa kanyang kama o makatabi siya sa pagtulog. Sa tatlong taon na iyon ay isa akong kasangkapan na kung kailangan ay ginagamit niya. Pinupuntahan lamang niya ako sa kuwarto ko sa tuwing may pangangailangan siyang pisikal. Ako...bilang babaeng paraùsan niya at hindi bilang asawa. It's my choice to give him my all. Akala ko kasi mamahalin niya ako. "Alam mo na ang sagot, Michelle..." May bigat ang katagang iyon mula sa kanya. Mula sa pagkakatanglaw sa kanya ay iniiwas ko ang aking tingin. Lalo na dahil bigla na lamang namuo ang butil ng luha sa mga mata ko. Yumuko ako para itago ang luhang nag-uunahang magpatakan. Alam ko na ang sagot... Mapait akong napangiti kasabay ng mapait na lasa sa aking bibig. "I can compensate you with anything, Michelle. Do you want money? Kaya kitang bigyan ng malaking halaga kung saan mabubuhay ka ng masagana. Just give what I want..." "Hanggang ngayon pa rin ba, iyon ang tingin mo sa akin, Lucas?" hindi ko maiwasang bulyaw. Napahikbi ako. Nakuyumos ko ang night gown na suot ko habang lumuluhang bumaling sa kanya. "Kung hindi pera ay ano, Michelle? Hindi ba iyon naman ang dahilan kaya pinilit mo ang sarili mo sa akin? Na kahit alam mong may mahal akong iba, ipinagdildulan mo ang sarili mo para pakasalan kita! Because of what? Because of the bankruptcy your father is facing! Because of how selfish you are!" sumbat niya sa akin. Napailing ako ng marahas para pabulaan ang mga akusa niya. Ilang beses ko ng sinabing hindi ko alam ang bagay na iyon. Na humingi pala ang ama ko ng pera sa kanya pagkatapos ng naging kasal namin. Akala ko ay hindi gagawin iyon ng ama ko dahil maging siya ay nagalit sa akin nang pakasalan ko si Lucas. Itinakwil nga nila ako sa pamilya nila. Ginamit pa rin pala ako kahit hindi na nila ako itinuturing na pamilya. 'Nagpakasal ako sa iyo dahil mahal kita'. Nais ko iyong isigaw. Pero pakikinggan ba niya ako? Kailanman ay hindi niya pinakinggan ang mga salita ko. Kailanman ay hindi niya ako pinaniwalaan. Walang salita ko ang pinaniniwalaan niya. Lucas is my only family right now. Siya na lang ang natitirang pinanghahawakan ko na akin. "Now, I want you to sign the divorce agreement, Michelle!" mariin niyang saad. Mabibigat ang mga hakbang niya palapit sa gawi ko. "Three years of us is enough. This is the end of our contract!" Nanatiling hilam ng luha ang mga mata ko habang pinapanood ang paglapit niya sa akin. Nanlalabo man ang mga mata ko ay hindi ako bumitiw sa pagkakatitig sa kanya. Ayaw ko siyang mawala sa paningin ko. Ayaw ko siyang mawala sa akin... Pero siguro nga. Ito na ang wakas. "Three years is enough for this bullshit! Ngayong narito na muli si Olivia, siguro naman, puwede na kaming maging masaya. Give us the happy life you took from us!" Happy life? Ako ba, kailan naging masaya? "But I save her life..." anas ko. "And I paid you for that. Nilaan ko ang tatlong taon ng buhay ko sa walang ka-kuwenta-kuwentang pagsasama na ito!" Walang ka-kuwenta-kuwenta? Hindi ko maiwasang pagak na matawa habang lumuluha. Kapansin-pansin ang biglang pagdilim ng mukha ni Lucas pero wala na akong naging pakialam. Tumayo ako kahit pa tila hindi ko maramdaman ang mga paa ko. Ang tanging nararamdaman ko ay ang pagkapunit ng aking puso. Ang pagkawasak ng pag-asang mapapaibig ko rin siya sa loob ng tatlong taong kontrata namin bilang mag-asawa. "Tama nga naman..." usal ko. Mahina lamang pero alam kong nakarating iyon mula sa pandinig niya. Magkalapit na magkalapit na kasi kami sa isat-isa. Nagawa ko siyang tingalain. "These three years were hell, right? Impiyerno sa piling ko..." sabi ko. Sinubukan kong pahirin ang luhang patuloy pa rin sa pagpatak. Namamaos na rin ako dahil pilit kong pinipigilan pumalahaw. Pinipigilan kong magmakaawa na huwag niya akong hiwalayan. Because these three years with him was my happy place. Kahit puno ng pasakit na hatid niya sa akin. Naging masaya akong minahal ko siya. A kind of painful love. Bumaba ang tingin ko sa papel na hawak niya. Pinilit kong abutin iyon mula sa kamay niya pero nawalan ako ng balanse. Bumagsak ako sa mga bisig niya. Agad niya akong hinawakan sa braso. Mahigpit ang pagkakahawak niya roon. Nasasaktan ako pero binalewala ko lang. Gaya ng pambabalewala ko at pagtitiis sa ilang taon na pasakit. "You still playing this kind of shit! Hindi mo ako makukuha sa kadramahang ito, Michelle!" ngitngit na usal niya sa teynga ko. Mariin akong napapikit. Bigla ang pagdilim ng paningin ko at panaka-naka akong nawawalan ng malay. Ang masasakit na katagang iyon nga lamang ang nagpapabalik sa aking huwisyo. Na ang lalaking kaharap ko ay walang ibinigay sa akin kundi sakit sa aking kalooban. Ibinuhos ko ang natitira kong lakas para iangat ang mga kamay ko sa dibdib niya. Bahagya ko siyang itinulak para makawala ngunit nanatili niyang hawak ako sa braso. Tila wala akong lakas upang makawala sa kanya. Wala na talaga akong lakas. Ilang araw ng masama ang pakiramdam ko. I stopped drinking my meds, too. Because I want to cherish the life I have inside me. "Kung gusto mo talagang kumawala, you need to push me harder. Or this is another trick of yours, huh?" Nanatili akong hindi kumikibo. My body is swaying. Hindi ko na makontrol. Saglit na nawawalan ako ng malay. Nilalabanan ko lang. Ayaw ko ng magpakita ng kahinaan para kaawaan niya ako. At hindi naman niya ako paniniwalaan kahit sabihin ko pang malapit na ang oras ko. Kahit sa mga huling araw ko ay hindi niya talaga ako hahayaang maging masaya man lamang. Iyon lang naman sana ang hiling ko. Ang maging masaya sa piling niya. Kahit saglit lang sana. "Michelle..." Hindi ko alam kung biglang lumambot ang pagkakatawag niya sa pangalan ko maging ng pagkakahawak niya sa akin. Naramdaman ko na lamang ang daliri niya sa baba ko at ang pagtaas niya ng mukha ko upang matingala siya. Hilam pa rin ng luha ang mga mata kong nanlalabo na. Nag-aagaw ang kamalayan ko at ang kadilimang kumakain na sa akin ng buo. Sumibol ang mapait na ngiti sa mga labi ko nang magtama ang mga mata namin. Hanggang sa hindi pa tuluyang dumidilim ang paningin ko ay pinakatitigan ko ang mukha ni Lucas. Ang mukha ng lalaking minahal ko ngunit tanging pasakit lang ang napala ko. "I thought, I could melt your heartless heart, Luke," sa nanghihinang boses ay ika ko. "Nagkamali ako. I could never win your heart. You will never love me. Tanggap ko na... mas tatanggapin mo ang kamatayan ko kesa ang pagmamahal ko sa iyo..." Ramdam ko ang biglang paghigpit ng hawak niya sa baba ko. "Stop this nonsense!" singhal niya. Ramdam na ramdam ko ang hininga niya sa aking mukha. Isang multo ng ngiti ang namutawi sa mga labi kong wala ng kulay. I'm tired. Pagod na pagod na akong lumaban. Ilaban ang pagmamahal ko. Ilaban ang buhay ko. I'm sorry, my angel. Mas pipiliin ko na yatang magkasama na lamang tayo sa kabilang mundo. "You don't need my signature. You will be free, Lucas..." Sinubukan ko siyang itulak kahit wala ng lakas. Nanatiling nakatingala ako dahil hindi niya kailanman binitiwan ang baba ko. "My heart will stop beating and loving you..." Ramdam na ramdam ko ang panghihina ng mga kamay ko. Bumagsak na lamang iyon mula sa pagkakadampi sa dibdib niya. Unti-unti akong pumikit kasabay ng pagbagsak ng ulo ko mula sa pagkakahawak niya. "Michelle..." Kay sarap pakinggan ng boses niya. Nang pagtawag niya sa pangalan ko ngayon. I can sense fear. Natatakot ba siyang mawala ako? Pero huli na ang lahat Huli na. I will stop loving him as my life stops right here. I don't want to feel pain anymore. Pain of loving him. Sumusuko na ako. Sinusukuan ko na siya.Michelle's Point of View"Michelle buti napadalaw ka," masayang bati sa akin ni Nanay Susan. Yumakap ako sa kanya. Halos isang buwan din na hindi ako nakadalaw sa kanila. Mula noong insidente sa picture na na-upload tungkol kay Lucas ay hindi muna ako pinayagan ni Lucas lumabas. Maging noong umalis sila Sonia at Ethan ay hindi ko sila nagawang maihatid at makapagpaalam man lamang."Mag-isa po yata kayo?" tanong ko nang makitang wala si Lea. "Nasaan po si Lea?""Naku, umuwi muna sa kanila at nagkaproblema daw sa kapatid niyang pakialamera at masyadong nagmamarunong sa buhay. Ayon at pinoperwisyo daw ang nanay nila..."Natawa ako kay Nanay Susan. Masyado siyang kampanteng ikuwento ang buhay ni Lea sa akin. Siguro dahil nga mag-isa siya at walang makausap."Bakit daw po?" At ako naman ay isa ding 'marites' na napatanong na lang. Kinuha niya ang kamay ko at hinila ako paupo sa sofa. Nagsimula na siyang kuwentuhan ako. "Si Ning-Ning na kapatid niya. Nakapag-asawa iyon ng may kaya. Ngay
Lucas Point of View You are a asṣhòle Lucas. Make up your mind!Those words are torturing me right now. My anger was above my head. Parang bulkan na gusto ko ng pumutok. Kung wala lang ako rito ngayon, baka nagwala na ako. Kumuyom ang kamao ko at naipukpok iyon sa hawakan sa balkonahe na nagsisilbing harang. Ilang beses din na naipukpok ko iyon at hindi inalinta ang sakit na dulot ng pagpukpok ko. Namula ang kamay ko pero wala akong pakialam. Mas nangibabaw ang galit sa sistema ko. Michelle! Talagang ginagalit mo ako!I was about to dial and call Robert when..."Luke..."Napatingin ako sa nagsalita. I saw Olivia, balot siya ng roba at kagagaling lamang sa loob ng kanyang kuwarto. She looks better now after the bath. Lumapit ako sa kanya. Hindi siya puwedeng lumabas at mahanginan bigla. Sinara ko ang sliding door papunta sa balkonahe at hinila siya sa loob ng kuwarto niya.Niyakap niya ako nang magkalapit na kami. Sa una ay napatda ako. But then my hands slowly hugged her also. Pil
Lucas Point of ViewIt was a tiring and long flight. Pero pagkababa ko, parang biglang nabuhayan ang loob ko. It was a surprised visit. Alam kong nararamdaman na ni Olivia ang biglang pagbabago sa relasyon namin. And I don't want her to do something kapag nalaman niyang paparoon ako para magkausap kami.Sa totoo lang, wala pa akong desisyon na nabubuo. Naiipit pa rin ako whether to break or make it. I'll know once I face her. Nagcheck in ako sa hotel bago pumunta sa bahay na tinutuluyan nila Olivia. Bagaman pag-aari ko iyon, ayaw kong doon tumira sa loob ng dalawang araw. Wala pa akong desisyon at hindi dapat maapektuhan anuman ang meron siya ngayon. I still want her to succeed in life. That is how she's important to me.Hindi pa man nakakapahinga ay agad akong pumunta sa bahay kung nasaan si Olivia."Lucas! Oh my God. Buti at narito ka..."Pagbukas pa lamang ng pinto ay agad na bungad iyon sa akin ni Mrs. Asuncion. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala. Napakunot noo ako dahil sa itsu
Michelle's Point of View Nagulat ako nang pagpasok namin ay may mga bumati sa amin na mga katulong. Mga apat siguro ang mga iyon. Pagkatapos ay mabilis silang nagsialisan na parang napapaso. Lalo na noong nakasunod na sa amin si Emman. Mga nagsiyuko. Bumaling ang tingin ko kay Emman. Nginitian niya ako. Pero ramdam kong hindi bukal iyon sa kanya. I saw him smile before. Kakaiba ngayon maging ng ikinikilos niya. Parang napipilitan.Ewan ko. Pero mas naging mapagmatiyag ako sa aking paligid dahil sa kanila. "Maupo ka, Michelle..."untag sa akin ng Mama ni Emman. Hihila na sana ako ng mauupuan ko nang mabilis na kumilos si Emman. Siya ang humila sa isang upuan para sa akin. "Seat here, Michelle," aniya.Sumunod naman ako. Umikot siya sa akin at ipinaghila din ang kanyang ina ng mauupuan. He's being himself naman. Pero may mga pagkakataong may awkwardness talaga. Pagkatapos ay naupo siya sa upuang nakagitna sa amin ni Mrs. Vistro.Nang makaupo kami ay isa-isang inilabas ng mga katulo
Lucas Point of View "Do you think she's okay?" tanong ni Robert na ipinagtaka ko. "Who?" takang tanong ko. Ngayon lamang siya parang balisa at may malalim na iniisip.Kasalukuyan kaming naghihintay ng flight ko. Na delay kasi iyon kaya heto, hanggang ngayon ay hindi pa ako nakalilipad. Ayaw na ayaw ko pa naman ganito. Nasasayang lamang ang oras ko sa matagal na paghihintay."Michelle..." aniyang ikinatingin ko sa kanya bigla.Mas lalong nangunot ang noo ko. Is he really that concerned to her? "Don't get me wrong, Lucas. It's her special day today, and yet, she's alone again..." sabi niyang may pabuntong hininga pa. "What did you say?" Maang ko naman na tanong. Hindi ko gets ang punto niya.Natigilan ako. Special day? For what?"It's her birthday, Lucas. Kaya siguro nagpaalam sa iyo na aalis because she wants to celebrate her birthday," sagot ni Robert na lalong ikinagulat ko.Her birthday is today? Wala naman siyang binabanggit. Dati, she will ask me and plead to celebrate with he
Michelle's Point of View "Emman..."Pinigilan ko si Emman dahil hanggang ngayon ay hindi niya pa ako binibitiwan. Nakalabas na kami sa mall at nasa parking area na. Pero heto siya, parang walang balak bitiwan ang kamay kong hawak niya."Emman sandali, saan mo ba ako dadalhin?"Hinila ko na ang kamay ko at tumigil sa paglalakad. Napatigil din siya at lumingon sa akin. "I told you, my mom is waiting for us," sabi niyang ikinakunot ng noo ko."Akala ko nagdadahilan ka lang sa mga babae kanina para makaalis tayo..." ika kong hindi makapaniwala sa sinabi niya. Napaatras ako dahil wala sa usapan na dadalhin niya talaga ako. Ni wala nga sa hinagap kong makikita ko siya roon. Pero naroon siya, at ipagpapasalamat ko lagi iyon sa kanya."Mich..." Humarap na siya sa akin nang tuluyan. Bumuga ng hangin na para bang problemado talaga."I helped you. Can you help me this time?" May pagsusumamo sa tinig niya.Lalong dumami ang kunot sa noo ko. "Ano naman ang maitutulong ko?"Muli siyang bumuga ng
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments