Asia’s POV
Isang malakas na pito ang gumambala sa buong hallway ng gym. Agad akong napalingon, pero hindi ko na pinansin pa ang ilang lalaking nakatambay na sumisipol at sumisigaw ng pangalan ko. Sanay na ako sa mga tagahanga—normal na ‘yon kapag cheerleader ka at girlfriend ng varsity heartthrob ng university. Pero ngayon, hindi ako in the mood para pansinin sila. Manonood ako ng laban ni Jasper. Ayokong malate. Basang-basa pa ang buhok ko mula sa shower. Habang nagmamadali akong isuksok ang katawan ko sa cheer uniform, halos ma-dislocate na ang braso ko kakasubok ikabit ang hook ng bra ko. Tarantang-taranta na talaga ako. “Hoy, Asia! Tapos ka na ba diyan?” sigaw ni Lianne, isa sa co-cheerleaders ko, mula sa kabilang cubicle. “Wait lang!” sagot ko, pilit pa ring kinakabit ang bra habang nanginginig ang kamay ko sa pagmamadali. Tangina, bakit ba kasi ang hirap isara ng hook kapag nagmamadali?! Narinig ko ang tilian sa labas ng ladies' room. Bigla akong napahinto. Si Jasper? Automatic ang ngiti ko. Ganito ang eksena kada laro—girls screaming for him. Gwapo kasi. Athlete pa. Varsity king. At higit sa lahat, akin siya. O ‘di ba? Lucky me. Sinulyapan ko ang sarili sa salamin. Kahit basa pa ang buhok ko at hindi pa ako naka-full glam, ayos lang. Natural beauty is real. Ngumiti ako at tinapik ang pisngi ko. Kaya mo ‘to, Asia. Nang maisara ko na rin ang bra at maisuot ang pang-itaas ng uniform, kinuha ko na ang pom-poms at nagmamadaling lumabas ng dressing area. Pero bago pa ako tuluyang makalabas ng pinto, may narinig akong kakaiba. Hindi ito hiyaw ng kilig. Hindi rin ito sigawan ng fans. May halong... ungol? Napakunot ang noo ko. Dahan-dahan akong umatras at lumingon sa direksyon ng isa sa mga cubicles sa dulo ng CR. Isang pamilyar na boses ang narinig ko. “Jas... Jasper... bilisan mo…” Hindi… imposible. Nanigas ang buong katawan ko. Kumakabog ang dibdib ko habang palihim akong lumapit sa cubicle. Gamit ang maliit na siwang sa pagitan ng pinto at dingding, sumilip ako. At doon ko nakita ang literal na bangungot ko. Si Jasper. Walang saplot sa katawan. Basang-basa sa pawis. Nakatayo. At sa harap niya… si Trista. Ang bestfriend ko. Nakaluhod. Abala sa kasalanang hindi ko kayang tanggapin. Putang ina n’yo. Napasinghap ako, pero agad kong tinakpan ang bibig ko. Ayokong marinig nila. Ayokong malaman nilang nasasaksihan ko ang kataksilan nila. Ang pagkanulo. Ang panlilinlang. Hindi ako makagalaw. Parang pinako ako sa sahig. Pero bago pa man ako tuluyang lamunin ng sakit, isang malakas na tunog ng pagbukas ng pinto ang umalingawngaw. “JASPER! ANONG KALOKOHAN ‘TO?!” Isang lalaking hindi ko pa nakikita kailanman ang biglang sumugod sa loob ng CR. Matangkad. Matikas. Nakatatwang sexy kahit galit. At tila ba dumilim ang buong paligid nang tumingin siya kay Jasper na parang lalapain niya ito ng buhay. “U-Uncle Wild?!” Napalingon ako. Uncle what now? Noong nagtagpo ang mga mata namin ng lalaking tinawag nilang Uncle Wild, hindi sakit ang naramdaman ko. Hindi galit. Hindi poot. Kundi... init. Isang mainit na kuryenteng gumapang sa buong katawan ko. Shit. Sino ka? At bakit parang gusto kong ikaw na lang ang magtanggal ng bra ko mula ngayon? Natigil ang pagkatulala ko nang magsalita si Jasper. Sa dami ng emosyon kong nararamdaman—galit, pagkadiri, sakit—hindi ko alam kung alin ang uunahin ko. “Asia, let me explain…” bulong ni Jasper, habang nagmamadaling mag-ayos ng pantalon. Pawisan siya, mukhang guilty, pero hindi ko makita ang kahit kapirasong pagsisisi sa mga mata niya. Umiling ako. Marahan sa una. Hanggang sa naging mariin. “Let you explain?” ulit ko, may bahid ng pandidiri ang tinig ko. “Ano? I-e-explain mo kung paano mo k******t ang bestfriend ko sa loob ng banyo ng gym habang hinihintay kitang suportahan sa laban mo?!” Napatigil siya. Hindi makatingin sa’kin. Syempre hindi ka makatingin, gago ka eh. Si Trista, na ngayo’y nagbihis na ng mabilis, hindi pa rin makatingin sa akin. Tahimik lang siyang nakatayo sa gilid, parang lantang gulay, pero ramdam ko ang tensyon sa katawan niya. “Trista...” tinawag ko siya sa tonong kahit ako'y nagulat. Kalma, pero malamig. “Akala ko ba ikaw ang tinuturing kong kapatid?” “Asia, sorry—” PAK! Ang palad ko, dumapo sa pisngi niya. Malakas. Tunog na parang pumutok ang hangin sa loob ng CR. Nanginginig ang katawan ko, hindi ko alam kung dahil sa galit o dahil pinipigil ko lang ang sarili kong huwag manlupaypay sa sahig at umiyak. “Hindi lang siya ang nawala sa akin ngayon. Pati ikaw. Pati 'yung tiwalang iningatan ko. Binura mo lang. Sa isang gabi. Sa isang putaeng banyo.” “Asia, please—” singit ni Jasper, lumapit na para hawakan ako. Pero bago siya makalapit, bigla siyang natulak pabalik. “Don’t.” Ang boses na iyon... Mababa. Matigas. Punong-puno ng authority. Siya ulit. Tumindig ang balahibo ko nang muli kong maramdaman ang presensya ng lalaking tinawag na “Uncle Wild.” Nakasuot siya ng dark blue polo na nakabukas ang dalawang butones, revealing just enough of his strong chest. Ang mga mata niya, nakatuon kay Jasper na parang kahit anong segundo ngayon, kaya niyang lunurin sa isang tingin. “Ano bang pinaggagagawa mo, Jasper?” galit na tanong nito. “Uncle, please—” BOG! Isang malakas na suntok ang dumapo sa pisngi ni Jasper. Napaupo siya sa sahig. Nabitawan ang cellphone. Natulala si Trista. “’Yan ang problema sa’yo. Akala mo kaya mong pagsabayin ang dalawang babae sa iisang eskwelahan? Cheerleader at bestfriend? Isa kang walang kwentang gago.” Mariing salita ni Uncle Wild habang nakatitig sa pamangkin niya na parang wala itong silbi. Ako? Hindi na ako gumalaw. Hindi ko na rin alam kung ano ang nararamdaman ko. Parang lahat ng sakit ko, inako ng lalaking ito sa isang suntok. Isang galit na pagtatanggol na hindi ko inasahan. Sa dinami-rami ng taong pwedeng umeksena, bakit siya? At bakit parang gusto kong pakinggan pa siya? “Asia,” bulong ni Jasper, humawak sa balikat ko. “I’m sorry. Pero… hindi na kita mahal.” Boom. Mas malakas pa iyon kaysa suntok ng uncle niya. Parang may sumabog sa tenga ko. Puso ko? Putok. Buo kong dignidad? Nagkapira-piraso. “Ganun kadali, Jasper?” mahinang sabi ko. “Ganun kadali akong palitan?” “Hindi na kita mahal, Asia,” ulit niya. “Mas okay kami ni Trista. Ikaw kasi—” “Shut the fuck up,” mariing sabi ng uncle niya. Bigla akong hinila ni Uncle Wild palayo. Hinawakan niya ang pulso ko, pero magaan lang. Enough to guide me away. Enough to make me feel... safe? “Come with me,” aniya. “Bakit?” “Because you deserve to walk away from this scene with your head high. Not in tears.” Hindi ko alam kung anong mas nakakagulat—ang bilis ng mga pangyayari, o ang bilis ng pagtibok ng puso ko nang marinig ko ang tinig niya. Ang tibok na hindi ko naramdaman kahit kailan kay Jasper. At sa bawat hakbang kong papalayo sa banyo, habang kasama siya… isang tanong lang ang gumugulo sa isip ko: Sinong klaseng “Uncle” ang ganito ka-wild… at bakit parang gusto ko pa siyang makilala? Malamig ang simoy ng hangin sa labas ng campus. Gabi na. Tahimik ang paligid maliban sa mahinang tunog ng mga sasakyan sa kalayuan at ang mga yabag namin habang naglalakad palayo sa eksenang muntik nang wasakin ang buong pagkatao ko. Mahigpit ang hawak niya sa kamay ko kanina habang inilalayo ako. Pero ngayon, ako na mismo ang kumalas. “Hindi mo na kailangang gawin ’to,” mahinang sabi ko habang iniiwas ang tingin sa kaniya. Tumigil kami sa tapat ng isang lumang poste ng ilaw. Bahagyang madilim, pero sapat para makita ko ang reaksiyon niya—kalma, walang bahid ng pamimilit. “Hindi ko na kayang makita pa ulit ang pagmumukha ng pamangkin ko na ginagawa kang tanga sa harap ng lahat,” sagot niya. Hindi ako nakapagsalita agad. Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin. Sa dami ng nagsasabi ng "sorry" ngayong gabi—si Trista, si Jasper—siya lang ang naramdaman kong totoo. “S-Salamat,” mahina kong tugon. Nagkatinginan kami. Doon ko lang napagmasdang maigi ang mukha niya—matangos ang ilong, may matapang na panga, at ang mga mata niyang matalim ay may halong pag-unawa at galit sa pamangkin niya. Guwapo siya, pero may bigat at lalim na parang masyadong mapanganib… o masyadong nakakabighani. “Pasensiya ka na sa ginawa ng pamangkin ko,” dagdag niya. “Wala akong kontrol sa mga kagaguhan niya, pero ayokong isipin mong lahat ng lalaki pare-pareho.” Napakagat ako sa labi. Napatingin sa lupa. Kung ibang lalaki ang nagsabi niyon, baka sinampal ko na. Pero sa kaniya… parang iba ang dating. Hindi ko alam kung dahil ba sa husky niyang boses, o dahil sa paraan ng pagbitaw niya ng mga salita—kalma, pero may tama. “Masakit pa rin,” mahinang sambit ko. “Lalo na ’pag hindi mo alam kung saan ka nagkulang. Ginawa ko lahat para sa kanya. Supporta, oras, pagmamahal… pero ganun lang pala kadali akong palitan.” “Hindi mo kasalanan,” sagot niya. “’Yung kagaya ni Jasper, kahit anong ganda o kabutihan mo, hindi pa rin marunong makuntento. Hindi ikaw ang problema. Siya.” Tahimik ako. Pero sa gitna ng katahimikan, isang bagay ang hindi ko maipaliwanag: Magaan ang loob ko sa kanya. Sa estrangherong ito na tinawag lang ng nobyo ko kanina na "Uncle Wild." Sa isang lalaking kaka-meet ko lang… pero parang kaya kong ilabas lahat ng bigat ko. “Uncle Wild… iyon ba talaga ang pangalan mo?” tanong ko, pilit na ngumiti. Napailing siya. Bahagyang natawa. “Tawag lang nila sa’kin ’yon. Mali naman kasi agad ang reputasyon ko sa pamilya. But call me Wade.” Wade. Pangalan pa lang, parang gusto ko nang umasa ulit sa mga lalaking may "W" sa pangalan. Tumango ako. “Asia.” “Alam ko,” aniya, nginitian ako ng bahagya. “Ikaw ’yung babaeng pinakabaliw ang pamangkin ko pero binitawan pa rin.” Napatingin ako sa kanya, nagulat sa sinabi niya. “Sayang siya,” dagdag niya. “Pero mas sayang ka kung babalik ka pa.” Tumango lang ako. Walang salita. Kasi kung magsasalita pa ako, baka mapaiyak na ako sa harap ng lalaking ito. At ayokong maramdaman niya na ganun na ako ka-weak… kahit hindi ko maintindihan kung bakit, sa presensya niya, parang okay lang maging totoo.ASIA’S POV Ilang oras na ang lumipas. Tahimik ang paligid. Ramdam ni Asia ang banayad na alon na tila himbing na rin sa antok, pero unti-unting bumubukas ang mga mata niya. Pagdilat niya, wala na sa tabi niya si Wild. Napabalikwas siya ng bangon. “Wild?” tawag niya, nanginginig ang boses. “Uncle Wild?” Tumayo siya at lumabas ng silid. Sinilip ang paligid ng barko, at habang naglalakad siya ay mas lalo siyang kinabahan. “Iniwan niya ako...” bulong niya sa sarili. Parang may humigpit sa dibdib niya. Pero bago pa man tuluyang malunod sa kaba, nakita niya ito. Nakatalikod si Wild, nakatayo sa deck, tanaw ang kalangitan at papalapit na lupa. Agad siyang lumapit, parang batang hindi mapakali. “Uncle Wild!” Lumingon si Wild. Nagulat siya, pero hindi niya pinahalata. “Bakit?” tanong nito, kunot ang noo. “Akala ko... iniwan mo na ako,” sabi ni Asia, sabay buntong-hininga. “Gising ako at wala ka sa tabi ko. Na-stress ako, baka iniwan mo ako dito mag-isa.” Napatin
Third Person POV – Eksena sa BARKO “I gotta go,” sabi ni Wild habang sinusulyapan ang oras sa mamahaling wristwatch niya. “Ha? Hindi pa nga ako tapos kumain, paalis ka na?” reklamo ni Asia habang may hawak pang kutsara, kalahati pa ang lugaw sa mangkok. “Malelate ako. Ayoko maiwan ng barko,” malamig at diretso ang boses ni Wild, sabay talikod at mabilis na naglakad palayo. “Sandali lang!” sigaw ni Asia, napaatayo agad at napaiwan ang tray ng pagkain sa mesa. Pero malalaki ang hakbang ni Wild. Ang bilis niya maglakad, parang may rocket launcher sa sapatos. Si Asia naman, halos tumakbo na sa paghabol. Saka lang siya naabutan si Wild nang makarating ito malapit sa port gate. “Uncle Wild!” hingal na tawag ni Asia. Huminto si Wild at lumingon. Napangiwi siya. “Ano na naman?” “Isasama mo ‘ko,” sabi ni Asia, pigil pa ang hininga. “Ha?” tinaasan siya ng kilay ni Wild. “Hindi pwede.” “Gusto ko sumama. Ayoko mag-isa sa bahay! Please?” “Asia,” mariing sabi ni Wild, kita ang inis. “Hin
Asia’s POVHabang papalayo si Wild, may kung anong kurot sa dibdib niyang pilit niyang isinasantabi. Pero bago pa siya tuluyang makalayo, isang bagay ang sumuntok sa kanyang konsensya.Tahimik.Napalingon siya ng bahagya — at doon niya nakita si Asia, nakaupo sa gilid ng bangketa, hawak-hawak ang tiyan, bahagyang nakayuko. Hindi man niya marinig, alam niyang isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan nito. Parang batang nawawala sa lugar. Parang gutom.Tumigil si Wild.Napamura siya sa sarili.“Put—ano ba ‘tong babaeng ‘to…” bulong niya, ngunit alam niyang hindi niya kayang palampasin iyon. Umikot siya pabalik.“Asia!” tawag niya, medyo may inis sa boses. “Nag-aartista ka ba diyan?”Tumingala si Asia, pagod ang mga mata at mapungay. “Nagugutom ako,” mahinang sagot.Napailing na lang si Wild, saka sumenyas sa driver. “Tara, kakain muna ‘to bago ihatid.”---Isang maliit na kainan sa gilid ng daungan ang pinuntahan nila. Walang kaarte-arte, pero mainit ang kape at bagong luto ang
“Boss, may nasiraan po ata sa gitna ng daan,” sabi ng driver ni Wild habang bumagal ang takbo ng sasakyan nila paglapit sa tulay. Hindi agad umimik si Wild, nakasandal lang siya sa upuan habang nakatingin sa labas, pagod, tahimik, at mukhang wala sa mood. Isang mabigat na araw ang dumaan sa kanya — pero sa kabila ng pagod ay napilitan siyang mapatingin sa daan. Sa liwanag ng headlights, kita nila ang isang lumang taxi na nakahimpil sa gilid ng kalsada. Ilang lalaki ang nakatambay malapit doon, may hawak na mga bote ng alak, halakhakan, at bastos na biro ang umaalingawngaw sa paligid. “Ayos ‘yan pre, ganda pala nito sa personal.” “‘Wag kang matakot, miss… laro lang…” Napakunot ang noo ni Wild. Hindi niya gusto ang naririnig niya. Mabilis niyang tiningnan nang mas maigi ang eksenang ginugulo ng mga lasing. At doon niya nakita — si Asia. Si Asia na nakayuko, nanginginig, halatang takot na takot. Pilit siyang pinoprotektahan ng sarili niyang bag habang unti-unting napapalibu
Asia’s POV Nag-aayos pa lang ako ng gamit ko sa kwarto nang biglang tumunog ang cellphone ko. Si Mama. “Hello, Ma?” sagot ko agad habang inaayos ang pagkakasuklay ng buhok ko sa salamin. “Anak, si Mama ito. Ikaw na muna ang bahala sa bahay, ha?” sabi niya sa kabilang linya. “Umalis muna kami ni Romano. May pupuntahan kami sa probinsiya niya. Mga isang linggo rin kami siguro ro’n.” Napahinto ako. “Ah… ganun po ba?” pilit kong sinagot, kahit sa totoo lang, parang may kumurot sa dibdib ko. “Ingat po kayo.” Pagkababa ng tawag, naupo ako sa kama. Nakatulala lang ako sa sahig. Isang linggo. Isang buong linggo akong mag-isa sa bahay. Wala man lang ingay. Wala akong kakuwentuhan. Wala akong maaasahang boses na bubungad sa akin pag-uwi ko. Tahimik. Malamig. At sobrang lungkot. Napabuntong-hininga ako. Pakiramdam ko, sunod-sunod ang sapak sa akin ng buhay. Una si Wild… tapos si Jasper at Trista… at ngayon, pati si Mama. Lahat sila, parang may kanya-kanyang tinakasan — at ako a
Asia POVNasa trabaho na ako, maaga akong pumasok ngayon. Hindi ko alam kung dahil ba excited ako o gusto ko lang makaiwas sa mga tanong ni Mama. Wala rin naman kasi akong gana pa na pag-usapan ‘yon. Kanina, habang nasa locker room kami ni Angie, hindi ko na rin napigilan.“Alam mo, buntis si Mama,” sabi ko bigla habang inaayos ang buhok ko sa harap ng salamin.Napalingon sa akin si Angie. “Ha? Totoo? Sa edad niyang ‘yon?”Tumango ako, pilit kong iniwasan ang mapanghusga niyang tingin. “Oo. Binigyan pa nga siya ng bagong sasakyan ni Romano. Para raw safe si Mama habang buntis.”Tahimik si Angie saglit, pero ngumiti rin siya. “Aba, ang sweet ni Tito Romano, ha. Jackpot si Mama mo.”Ngumiti ako pabalik pero may kumurot sa dibdib ko.Sa totoo lang... parang nainggit ako.Masaya si Mama. May lalaking seryosong nagmamahal sa kanya. May bagong sasakyan. May bagong buhay sa sinapupunan. At ako? Heto ako, nasa trabaho, naka-hairnet at suot ang medyo masikip kong uniporme dahil hindi pa ako na