"Anak ko ang nakasalalay dito, Jessa, kaya hindi mo kami masisisi kung gumawa man kami ng bagay na kahit alam naming makakasakit para lang madugtungan ang buhay ni Clyde." Mapait siyang ngumiti. Tinignan niya si Xyrius na nakatingin sa kanya sari-saring emosyon ang nagsasalimbayan sa mga mata nito. Iniiwas niya ang tingin dito at bumaling kay Giselle. "Gusto kitang saktan, kung puwede nga lang patayin kita ngayon." Dumaan ang gulat ang takot sa mga mata ni Giselle. "Pero hindi ko gagawin dahil baka mamaya buntis ka na pala. Baka nakabuo na pala kayo ng asawa ko. Sayang yung sakit na nararamdaman ko kung mawawala lang yung batang magdudugtong sa buhay ni Clyde." Pinunasan niya ang luha niya gamit ang manggas ng damit niya. Saka tumayo ng tuwid. Naglakad siya at ng na sa tapat na siya ni Giselle huminto siya. Hinubad niya ang wedding ring niya at iniabot ang kamay nito saka inilagay roon ang wedding ring niya. "Tutal makapal naman ang mukha mo 'wag ka nang mahiya. Sa iyo na rin itong wedding ring ko. Sayong-sayo na si Xyrius..." aniya dito na ikinagulat nito. Saka niya ito nilagpasan at tinungo ang pinto pero hinabol siya ni Xyrius at pinigilan. Malamig ang mga matang nilingon niya ito. "I'm sorry..." umiiyak na anito. "Ayokong mawala si Clyde pero mas ayokong mawala ka sa buhay ko..." humahagulgol na anito. Hindi niya rin napigilan ang pagpatak ng luha niya. "Isa lang puwede mong piliin at pinili mo siya, X. Anong laban ko ro'n e, anak mo 'yon. Dugo at laman mo 'yon..." Marahan niyang tinanggal ang kamay nito sa braso niya. "Hanggang dito na lang ako... hindi ko na kayang magpatuloy na kasama ka. Goodbye, love... be a good father." Tinapik niya ang balikat nito at tumalikod na siya.
View MoreJessa's POV
DAPIT-HAPON. Naghahalo ang kulay pula at kahel na kulay ng kalangitan. Malamig ang simoy ng hangin pero payapa ang dagat. Napapaligiran ng lantern ang mga paligid na siyang nagbibigay naman ng liwanag. Mas lalong nagmukhang romantic ang lahat.
Pakiramdam ni Jessa mas lalong nanginginig ang kalamnan niya habang naglalakad papunta sa kinaroroonan ni Xyrius, na guwapong-guwapo sa suot nitong puting amerikana. Sa tabi nito ay si Gareth, at si Kristoff, na kakakasal lang kay Mina, two weeks ago. Ang dalawa ang tumayong bestman. Habang si Mina at Emma naman ang mga maid of honor niya.
Yes 'mga', ayaw kasing pumayag ni Emma na tawaging brides maid. Hindi raw matatanggap nito na maging maid niya kahit pa sa anong sitwasyon. Naitirik niya na lang ang mga mata at pumayag sa kagustuhan nito.
Kahit papaano nagkasundo na sila ni Emma. Pakiramdam niya tanggap na siya nito para kay Xyrius kahit minsan pasimple pa rin siya nitong minamaldita at nilalait.
Puno ng iba't ibang bulaklak ang paligid. Na sa beach sila kung saan siya dinala ni Xyrius noon. Napakaikli lang ng naging preparasyon ng kasal nilang dalawa kaya hindi niya akalaing magiging perpekto ang lahat.
Pinunasan niya ang mga mata, iniingatang huwag masira ang mascara.
Naramdaman niya ang pagtapik ng Papa niya sa kanyang kamay na nakaangkla rito.
Kagat-kagat nito ang labi habang pigil-pigil ang pag-iyak.
Muli siyang napatingin kay Xyrius. Matiim itong nakatingin sa kanya habang hinihintay siyang makalapit dito.
Naiiyak siya habang nakatingin sa lalaking makakasama niya ng pang habang buhay. Ang magiging ama ng mga magiging anak niya. Ang lalaking nanaisin niyang makasama hanggang sa huling hininga niya.
Habang papalapit siya kay Xyrius saka niya lng nare-realize kung gaano niya ito kamahal.
"H-Hi..." bati ni Xyrius sa kanya pagkatapos nitong magmano at yakapin ng Papa at Tita Betty niya.
Nanginginig ang boses nito at panay ang lunok. Nakita niyang miski ito ay pinipigilan din ang mapaiyak.
"Hi..." aniya at iniabot ang kamay nito.
"You are so beautiful, doll..." bulong ni Xyrius sa kanya habang inalalayan siya nito papunta sa arko na napapalibutan ng mga bulaklak kung saan nakatayo ang Paring magkakasal sa kanila.
Nagsimula ang seremonya ng kasal. Lahat ay naging perpekto maliban na nga lang sa hindi 'raw' sinasadyang pagtusok ni Emma ng pardible sa balikat niya. Bukod doon lahat ay napakaperpekto.
Lahat ay nagsasaya hanggang sa reception na ginanap din sa Isla. Bumabaha ng alak at lahat ay nagsasayaw sa gitna.
Miski si Xyrius ay halatang masayang-masaya at lasing na rin. Tumayo ito sa tabi niya at pinakalansing ang baso gamit ang tinidor para agawin ang atensiyon ng lahat ng bisita.
Tumuon ang atensiyon ng lahat sa kanilang dalawa. Inalalayan siya ni Xyrius na makatayo. Namumula na ang mukha nito sa kalasingan.
"I want you all to know how much I love this woman ..." bumaling ng tingin si Xyrius sa kanya. Gusto niyang malunod sa sobrang pagmamahal na nakasalamin sa mga mata nito. Hinaplos nito ang pisngi niya saka buong pusong sinabi, "I love you, doll, I love you so much and in my next life I still want to love you," anito at saka siya hinalikan sa mga labi.
Sigawan at palakpakan ang mga taong malalapit sa kanila na nakasaksi ng ginawang iyon ni Xyrius.
She clicked the pouse button dahil pagkatapos nang nakakakilig na ginawa ni Xyrius natumba na lang ito sa sobrang kalasingan.
Walang naganap na honeymoon sa gabi ng wedding night nila. Hindi rin sila magkatabing natulog dahil gumulong ito sa kama at sa sahig pinulot. Nainis siya dahil hindi iyon ang plano nila. Hindi iyon ang ini-imagine niyang mangyayari.
First night nilang mag-asawa pero natulog siyang naiinis dito.
Bumawi naman si Xyrius. Kinabukasan lumipad sila patungo sa Carribean. Doon sila nag-honeymoon, kaso ang balak nilang dalawang buwan na honeymoon ay agad na naputol dahil sa pagkamatay ni Mina, ang bestfriend niya.
Umuwi siya kaagad nang malaman ang balita. Iyak siya nang iyak nang malaman ang nangyari sa bestfriend niya.
At hanggang ngayon masakit pa rin sa kanya ang nangyari kahit halos dalawang taon na ang nakakaraan.
Wala tuloy siyang masabihan man lang ng mga nangyayari sa kanila ngayon ni Xyrius.
Kung nandito sana si Mina, mayroon siyang mahihingahan ng sama ng loob.
Tumayo siya mula sa couch sa loob ng entertainment room. Kanina pa niya pinanonood ang wedding video nila. Paulit-ulit niyang binabalikan kung gaano sila kasaya ni Xyrius noon.
Kung gaano siya ka-secure sa pagmamahal nito.
Ngayon kasi parang malabo na ang lahat.
Parang ang layo na nila sa isa't isa.
At gusto niyang balikan ang dating sila, pero paano?
Paano siya babalik kung mag-isa lang siyang lumilingon sa nakaraan nila?
Mapait siyang napangiti.
Nakaraan...
Nakaraan na lang ba ang saya? Hanggang pagbabalik tanaw na lang ba siya?
Lumabas siya ng silid. Tahimik na ang paligid at nakapatay na rin ang mga ilaw sa mansion. Tinalunton niya ang pasilyo patungo sa silid na nagsisilbing opisina ni Xyrius dito sa bahay.
Bahayang nakaawang ang pintuan kaya nasilip niya ang loob na hindi namamalayan ni Xyrius.
Naroroon si Xyrius nakaupo sa likod ng malaking table nito. Sapo-sapo ang ulo, may whiskey at baso sa harap nito.
Ilang linggo nang ganito ang asawa niya.
Mas madalas na late nang umuwi at palaging lasing. Kapag naman naririto sa bahay nagkukulong dito sa opisina niya at umiinom din.
Nasasaktan siya na ganito na sila. Hindi niya alam kung paanong napunta sila sa ganitong sitwasyon.
Nagsawa na ba si Xyrius sa kanya? Nagsisisi ba ito? Gusto na ba siya nitong hiwalayan?
Hindi niya alam ang lahat ng sagot sa mga tanong niya.
Ayaw rin naman kasi siyang kausapin ng asawa. Umiiwas ito sa kanya at nasasaktan siya sa ginagawa nito.
Napabuntong-hininga na lang siya at marahang isinara ang pintuan. Naglakad siya pabalik sa masters bedroom. Nahiga siya, inabot ang unang ginagamit ni Xyrius at niyakap. Nami-miss niya na ito.
Miss na miss niya na ang asawa...
To be continued...
Xyrius' POV"Damn..." he was breathless. Looking at his three pups. All fricking boys. Nakaramdam siya ng pagka-proud sa sarili habang masuyong pinagmamasdan ang mga anak niya sa nursery room. Anak niya. Fuck! Tatay na siyang talaga.Saglit na may humaplos sa kanyang puso. He was a father, before. Naalala niya si Clyde at ang anak nila ni Giselle na hindi man lang nasilayan ang mundo. Lima na sana. At puro lalaki pa. Makakabuo na siya ng isang basketball team kung nabuhay ang dalawang naunang anak niya.Lumunok siya para tanggalin ang bara sa kanyang lalamunan. Wherever his son's was alam niyang masaya ang mga ito ngayon dahil masaya siya habang nakatingin sa mga anak niya.
Jessa'sPOV"Nag-almusal ka na ba?" tanong niya kay Xyrius na tila nagulat sa biglaan niyang pagtatanong.Agad na nagliwanag ang nga mata nito at mabilis na umiling."I wait for you for you to wake up," anito.Ipinaghila pa siya nito ng upuan. Ito rin ang naghain sa lamesa.Tumingin naman siya sa wallclock. Alas nueve na ng umaga, napasarap kasi ang tulog niya dahil mas malamig na ang simoy ng hangin dahil nag-umpisa na ang bermonths."Bakit hi
Jessa's POV"HINDI ko alam..." anas niya. Nilunok niya ang bikig sa kanyang lalamunan. Kanina pa iyon kasabay ng paninikip ng dibdib niya at ang masaganang pag-agos ng kanyang luha habang isinasalaysay ni Seth ang lahat ng nangyari kay Xyrius sa Manila simula ng umalis siya.Hindi siya mapakali ng malaman na wala na si Clyde. Hindi niya magawang tanungin si Xyrius dahil nailang siyang lapitan ito.Para kasing biglang may pader na inilagay si Xyrius sa pagitan nilang dalawa. Naglagay ito ng harang para hindi niya ungkatin ang nangyari kay Clyde. Hindi niya alam ang tunay na rason pero may ideya na siya.Kaya nagpasya siyang tawagan si Seth,
Xyrius' POV"THIS IS for Clyde," ani ni Giselle habang dahan-dahan itong naghuhubad sa harapan niya. Nag-iwas siya ng tingin at mahigpit na naikuyom niya ang kamao.Don't let me die, daddy...Parang sirang plaka na paulit-ulit niyang naririnig ang tinig ni Clyde. Napakainosente pero puno ng pakiusap.Gusto niyang ibigay kahit ang kalahati ng buhay niya madugtungan lang ang buhay nito. Mapagbigyan niya lang ang hiling nito.Pero kahit maglumuhod siya hindi niya madudugtungan ang buhay ng anak niya kung wala siyang gagawin.At ito ang pa
Jessa's POVPINIPILIT niyang iwasan si Xyrius. Madalas na hindi siya sumabay sa pagkain at nagpapahatid na lang ng pagkain sa kuwarto niya. Ayaw niyang makita ito dahil wala siyang tiwala sa sarili niya.Nahahalata naman iyon ni Xyrius kaya madalas na nasa labas lang ito ng bahay, tumutulong sa pagsisibak at pagtatanim ng halaman.Gusto niya na lang matawa minsan dahil alam naman niyang hindi ito sanay sa mga ganoong gawain pero nagtitiyaga pa rin ito. Mukha tuloy probinsiyanong nanliligaw si Xyrius dahil sa mga ginagawa nito."Bakit ba hindi mo pa kausapin ang asawa m
Jessa's POVBUMANGON siya sa pagkakahiga. Kanina pa siya paikot-ikot sa higaan niya. Hindi siya dalawin ng antok dahil iniisip niya si Xyrius. Ala-una na kasi ng madaling araw pero hindi pa rin ito pumapasok sa kuwarto. Siya na nga ang naglatag ng comporter sa sahig na tinutulugan nito.Nagpasya na lang siyang tumayo at lumabas ng kuwarto. Medyo madilim na dahil sa kusina na lang bukas ang ilaw.Madilim na sa sala pero tanaw niya ang kumot at unan na nasa sofa. Nagtataka man hindi niya na lang iyon pinansin at tumuloy na sa kusina."Sorry," hinging paumahin ni Xyrius ng magkasalubong sila sa kusina. Papalabas ito haban
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments