Ipinangako niyang wawasakin siya… pero nauwi sa pagnanasa. *** Umuwing buo ang loob ni Caleigh Villamor—handa siyang ipaglaban ang ama niyang ikinulong dahil sa isang operasyong nauwi sa kamatayan ng isang kilalang pasyente. Ngunit hindi niya inaasahan na ang pagbabalik niya sa Pilipinas ang mismong magiging simula ng pagkawasak niya. Si Drako Valderama, isang brutal at makapangyarihang billionaire, ay gutom sa paghihiganti. Sa mata niya, ang pamilya ni Caleigh ang dahilan ng lahat ng sakit niya. At ngayon, ang plano niya ay simple lang: pagbayarin ang pamilya ni Caleigh... durugin ang puso nito hanggang sa magmakaawa. Ngunit sa isang gabing puno ng galit, init, at pagkakamali—may nabasag. Ang puso ni Drako. At habang lalo niyang sinasaktan si Caleigh, mas lalo siyang nalulunod sa sarili niyang pagnanasa. Ito ba'y paghihiganti—o isang nakakalasing na pagnanasa sa babaeng dapat niyang kamuhian?
View MoreCaleigh Devika Villamor
Hindi ko na maalala kung ilang beses kong tiningnan ang cellphone ko habang nakaupo ako sa gilid ng kama. Nasa gitna ako ng paghahanda para sa finals week dito sa London, pero ang mundo ko ay biglang tumigil nang mag-ring ang telepono ko kanina. Si Mommy Celeste ang tumawag—hindi siya ang tipo ng tao na tatawag nang walang mabigat na dahilan. "Caleigh..." Nanginginig ang boses niya. "Ang Daddy mo... Nakakulong na siya. Napagbintangan siyang nagpabaya sa pasyente habang nasa operasyon." Nabitawan ko ang hawak kong ballpen. "Mommy... ano pong ibig ninyong sabihin? Matagal nang huminto si Daddy sa pagiging surgeon dahil mas nag-focus siya sa ospital natin. "Anak, hindi ko alam kung paabo ko sasabihin sa iyo ang lahat. Umuwi ka na lang. Huwag mong sabihin kay Claudette ang nangyari." "Kung may pasiyente si Dadsy, hindi naman magkakamali! Alam nating lahat kung gaano siya kaseryoso sa trabaho niya!" "Anak... hindi madali ang sitwasyon. Malaking tao ang namatay. Hindi tayo basta makakalaban..." Nanlumo ako. Ang utak ko, pilit hinahanap ang lohika sa isang bagay na hindi ko kayang tanggapin. Daddy ko si Chester Villamor. Isa siyang respetado, batikang cardiothoracic surgeon. Hindi siya basta-basta nagkakamali. Hindi siya isang kriminal. Hindi ko namalayan ang pagtulo ng mga luha ko. Sa bansang ito, ilang taon kong hinabol ang pangarap namin—para sa kanya, para sa amin. Pero sa isang tawag, gumuho lahat ng pinaghirapan ko. Iisa lang ang alam kong dapat gawin. Kailangan kong umuwi at kailangan kong iligtas si Daddy. *** Paglapag ng eroplano, agad akong sinalubong ng mainit na singaw ng Manila. Parang yakap ng isang matandang kaaway—hindi ko maipaliwanag kung bakit tila mas mabigat ang hangin ngayon, parang may nagbabantang bagyo na hindi ko nakikita. Bitbit ko lang ang isang maleta at isang malaking determinasyon. Wala akong ibang laman ng isip kundi si Daddy. Paano siya? Kumusta siya sa kulungan? Diyos ko, paano niya kinaya ang lahat ng ito nang wala ako sa tabi niya? "Miss Caleigh?" tawag ng isang pamilyar na boses. Napalingon ako at nakita ko si Kuya Nestor, ang matagal nang driver ng pamilya. Sa mata niya, ramdam ko ang awa. Hindi ko na kinaya at niyakap ko siya nang mahigpit. "Kuya... paano na si Daddy?" garalgal kong tanong. Umiling siya, tila pinipigilan ang sariling maiyak. "Malakas pa rin ang loob niya, Miss. Pero alam naming dinadala niya lahat ng sakit para hindi kayo mabahala." Pumikit ako sandali at pilit nilulunok ang pait sa lalamunan ko. Hindi ako pwedeng maging mahina. Pagkarating namin sa bahay, halos hindi ko nakilala ang lugar. Madilim, tahimik... parang isang abandonadong bahay na kinalimutan na ng mundo. Si Mommy Celeste ang sumalubong sa akin sa sala. Nakasuot siya ng itim na damit, parang nagluluksa. "Anak," aniya, yakap niya ako ng mahigpit. "Mommy... ayoko ng drama. Sabihin n'yo po sa akin lahat. Gusto kong malaman ang totoo." Huminga siya nang malalim bago nagsalita. "Ang pasyente, anak... isa siyang prominenteng business tycoon. Napakayaman, napakaimpluwensiya. Kaya noong nasawi siya habang hawak ng Daddy mo ang operasyon... hindi nila tinanggap ang paliwanag. Hindi nila hinayaan ang imbestigasyon. Pinagbintangan agad si Daddy." "Pero hindi kasalanan ni Daddy!" halos pasigaw kong sabi. "Alam ko, anak." Nilapat niya ang kamay sa pisngi ko. "Pero anak... may isang tao. Anak ng namatay. At siya ang gumagawa ng paraan para sirain tayo." Nabigla ako. "Anak?" bulong niya, halatang nag-aalala. "Si Drako Valderama," sagot ni Mommy. *** Hindi ako makapaniwala nang makarating kami ni Mommy sa isang private event hall sa Makati. Hindi para makipagsaya, kundi para makipagharap sa pamilya ng namatay na pasyente — para raw subukang ayusin ang lahat. Sa loob, puro makapangyarihan, mayayaman, mga taong nakasuot ng mamahaling damit at nagtatago ng mga kasinungalingan sa likod ng matatamis nilang ngiti. Nahagip ng aking mga mata si Drako Valderama. Nakatayo siya sa dulo ng hall, naka-black tailored suit, seryoso ang mukha, malamig ang titig. Para siyang estatwang itinayo para ipaalala sa akin kung gaano kabigat ang mundo ko ngayon. Ang puso ko, para bang tumigil sa pagtibok saglit nang magtagpo ang mga mata namin. Hindi ko alam kung bakit may bahid ng sakit sa mga mata niya — pero kasunod noon ay nakita ko ang galit. Purong galit. Dahan-dahan siyang lumapit. Mabigat ang bawat hakbang niya, parang nilulunod ako sa sariling kaba at takot na hindi ko maipaliwanag. Ang paligid, na kanina'y puno ng bulungan at musikang malumanay, biglang nagmistulang katahimikan ng libingan. Bago pa man ako makapagsalita, siya na ang nauna. "Ikaw ang anak ng salarin," malamig niyang sambit, bawat salita niya ay parang kutsilyong humihiwa ng pino sa balat ko, binabaon ang sakit na hindi ko inasahan. Napakuyom ako ng kamao, pilit pinipigilan ang pag-alon ng damdamin ko. "Hindi mo alam ang sinasabi mo," mariin kong sagot, nanginginig ang boses ko sa pagpipigil ng galit. "Alam ko ang lahat," singhal niya, punong-puno ng poot ang tinig. "Ang ama mo ang pumatay sa Daddy ko." Namilog ang mga mata ko sa gulat. Hindi ako makapaniwala sa akusasyon niya. "Hindi pinatay ng Daddy ko ang tatay mo! Hindi niya ginusto 'yon! Hindi siya kriminal!" sigaw ko, hindi alintana kung sino man ang nakakarinig. Tumawa siya — isang mapait na tawa na nagdala ng ginaw sa buong katawan ko. Walang bahid ng saya, kundi puro hinanakit at pagkamuhi. "Sinong niloloko mo, Caleigh?" Nilapitan pa niya ako hanggang halos magdikit na ang aming mga mukha. Ramdam ko ang init ng hininga niya sa balat ko, pero ni hindi iyon nakapagpagaan ng kaba sa dibdib ko. "Sa mata ko, parehong-pareho kayo ng ama mo. Mga mamamatay." Para akong pinagsakluban ng langit at lupa. Sumambulat ang galit ko. Hindi ko na napigilan. Pinalakas ko ang loob ko, at bago ko pa maisip kung tama ba ang gagawin ko — itinaas ko ang kamay ko at sinampal ko siya nang buong lakas. Pak! Sumalpok ang palad ko sa kanyang pisngi. Ang tunog ng sampal ko, parang isang putok na nagpa-echo sa buong bulwagan. Lahat ng tao sa paligid, natigilan. Mga matang nagtatanong, mga bulungan na pilit ikinukubli. Naramdaman ko ang pag-igting ng panga niya, ang pagbagsik ng bawat himaymay ng kanyang katawan, pero nanatili siyang nakatayo, hindi gumaganti. Tumitig lang siya sa akin — isang tinging kayang tunawin ang buong pagkatao ko sa isang sulyap. Ngumiti siya. Isang nakakatakot na ngiti. Isang ngiting puno ng paniniguro — na hindi pa tapos ang laban. "Ang tapang mo pala, Caleigh," aniya, malamig ang bawat titik. "Pero tandaan mo ‘to... ang bawat tapang mo, may katumbas na kapalit." Nilunok ko ang buong tapang ko at hinaharap siya ng diretso. "Huwag mo kaming husgahan, Drako," mariin kong bulong, pilit pinapakalma ang boses ko kahit nanginginig na ang buong katawan ko. "Hindi mo alam ang buong nangyari. Hindi mo alam ang totoo." "Totoo?" Umiling siya nang dahan-dahan, ang mga mata'y puno ng hinanakit at galit na halos hindi niya kayang ikubli. "Ang totoo, wala nang saysay ang kahit anong paliwanag mo. Sinira ng pamilya mo ang buhay ko. Kaya titiyakin kong masisira rin ang sa 'yo." Isang pangakong binitawan niya sa pagitan naming dalawa. Isang sumpang alam kong hindi niya basta bibitiwan. Bago pa ako makasagot, tinalikuran niya ako. Iniwan niya akong nakatayo roon, nanginginig sa galit at sa hindi ko maintindihang lungkot. Para akong naiwan sa gitna ng unos, walang kalaban-laban. Pinagmasdan ko ang kanyang likuran habang palayo siya. Ang lalaking minsan kong hinangaan mula sa malayo — ang lalaking lihim kong inidolo at inasam — ngayon, siya na ang magiging pinakamatinding kaaway ng puso ko. At mas masakit sa lahat...may bahagi pa rin sa akin na kumakapit sa damdamin ko para sa kanya. May lihim pa rin akong nararamdaman para kay Drako Valderama. Pero hindi ko alam kung iyon pa rin ang nararamdaman ko matapos niyang ipaaresto at ipahiya ang Daddy ko. Kung ang galit niya ay kayang durugin ako, baka panahon na rin para matutunan kong lumaban... kahit na ang kalaban ko ay ang lalaking minsang minahal ko nang palihim.Kinabukasan, nagising ako sa sunod-sunod na katok at malalakas na sigaw mula sa labas ng bahay. Napabalikwas ako ng bangon, agad na sinilip ang mga bata—nasa kama pa rin silang lahat, mahimbing na natutulog.Pero ang sigaw na iyon…“Caleigh! Buksan mo ‘to! Alam kong nariyan sila!”Si Claudine.Mabilis akong bumaba mula sa kwarto at sa pagbaba ko sa hagdan ay agad kong naaninag mula sa bintana ang tensyong namumuo sa harapan ng bahay. Si Liliane, nakatayo sa tapat ng pinto, habang pilit na itinutulak paalis ang babaeng ilang ulit nang sinaktan ang pagkatao ko.“Claudine, umalis ka na! Wala kang karapatang manggulo rito!” mariing sabi ni Liliane, mahigpit ang pagkakatayo sa pintuan.“Wala akong karapatang? Seriously? I'm the legal wife of Drako Valderama!” pasigaw na sagot ni Claudine habang pasimpleng tinutulak ang balikat ni Liliane. “And who the hell do you think you are? His servant? His sidekick? O baka naman ikaw ang kalaguyo ni Caleigh?!”Bago pa makasagot si Liliane, isang malak
Itinulak ko si Drako at mabilis na tumalikod sa kaniya, pilit pinipigilan ang pag-ikot ng damdamin sa loob ko. Naririnig ko pa ang mahihinang tawa ng mga anak namin, tila tuwang-tuwa sa ginawa ng ama nila. Ako naman, halos hindi makahinga sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko.Napahawak ako sa dibdib ko. Damn it. Tinatraydor ako ng puso ko.Galit ako kay Drako. Matinding galit na pinanday ng pitong taon ng pagkakahiwalay. Pero sa isang halik lang, sa isang pagdampi ng labi niya sa akin, parang nawala lahat ng sama ng loob. Parang bumalik sa akin ang dalagang sobrang tanga sa lalaking ito.Ayokong maramdaman ito, pero andito ako ngayon, gising na gising sa gitna ng madaling araw, hindi dahil sa ingay—kundi dahil katabi ko siya. Ang lalaking nagwasak sa mundo ko noon.Tahimik akong bumangon. Dahan-dahan ang bawat hakbang palabas ng kwarto para hindi magising ang mga bata. Naglakad ako patungo sa banyo at agad naghilamos. Umaasang kaya nitong papawiin ang init na nararamdaman ko sa dibdib
"Drako!" sigaw ni Claudine, sabay hakbang papasok sa kwarto na tila ba pagmamay-ari niya ang espasyo.Napatingin ako sa kaniya. Nakasuot siya ng designer coat, may kasamang mamahaling bag na kitang-kitang isinadyang ipang-display. Ngunit hindi iyon ang umagaw ng pansin ko kung 'di ang gulat na ekspresyon sa mukha niya nang mapansin ang apat na batang nakatayo malapit kay Drako.Biglang kumunot ang noo niya. Para bang may gusto siyang itanong, pero hindi niya alam kung paano. Napatingin siya kay Calliope, pagkatapos ay kay Camila. Muli siyang tumingin kina Daemon at Dax. May alinlangang ngiti ang gumuhit sa labi niya.“Calliope, sweetheart,” sabay kindat niya sa isa sa kambal—na halatang hindi niya makilala kung sino. “Daemon, are you okay?”Nagkatinginan ang mga bata. Si Calliope ang unang lumingon sa akin na tila nagtatanong kung sino ba ang tinutukoy. Si Dax naman ay bahagyang napailing at marahang tinapik si Daemon sa balikat. “Wrong guess,” pabulong niyang sabi.Hindi ko napigilan
Nagpumilit si Drako na samahan ako sa paghahanap kina Camila at Dax. Hindi na ako tumutol, lalo na't may dala siyang sasakyan. Kailangan kong bilisan ang kilos ko. Every second counts."I’ll drive," aniya habang binubuksan ang passenger door para sa akin. "You just tell me where to go."Hindi ko alam kung bakit parang hindi ko kayang tanggihan ang tawag ng boses niya ngayon. Maybe it’s the urgency. Maybe it's the way he looked at me earlier—full of confusion and desperate hope.Agad kong tinawagan si Lianne. "Sabi niya, someone saw the twins sa may Centennial Park. They were playing near the carousel."Drako nodded. "Then that’s where we’ll go."Tahimik kaming bumiyahe. Ang mga kamay ko ay pinipigil ang panginginig habang hawak ang cellphone, baka biglang may tumawag ulit. Nakatitig lang si Drako sa kalsada, pero ramdam ko ang tensyon sa pagitan naming dalawa.Nang makarating kami sa park, hindi ko na napigilan ang sarili kong bumaba agad ng kotse. Tumakbo ako, hawak-hawak ang pangala
“BP is dropping!” sigaw ng nurse.“Charge! 200 joules—clear!”Napatakip ako sa bibig ko, pilit pinipigilan ang sigaw ng aking puso. Ang buong paligid ay gumuguho sa harap ng mga mata ko habang pinanonood kong sinusubukang ibalik ng mga doktor ang tibok ng puso ng ama ko.“Caleigh,” bulong ni Mommy Celeste habang hawak-hawak ang aking braso. “Let them work. Anak, we have to hope.”Pero paano ako aasa kung bawat segundo ay parang nananakaw sa amin?Napaluhod ako sa malamig na sahig ng ospital, nagmamakaawa sa kahit sinong pwedeng makarinig sa akin sa langit.“Please, God... not yet. Don’t take him away. Please…”Maya-maya, narinig ko ang tunog na matagal ko nang hinihintay—beep. “Pulse is back!” sigaw ng isa.Tumayo ako bigla, mabilis na lumapit sa kama niya. Pinayagan akong pumasok ng doktor, at nang makalapit ako sa kama, nakita kong bahagyang gumalaw ang kanyang mga daliri.“Daddy!” halos mapasigaw ako. “Daddy, please… please don’t leave me!”Binuka niya ang kanyang mga mata. Maiksi
Bumigat ang dibdib ko habang papalapit ako sa gates ng mansiyon ng mga Valderama—ang bahay na minsan kong tinawag na tahanan, ang lugar na minsang pinagpahingahan ng pangarap ko. Ngayon, ang bawat hakbang ay parang paglalakad papunta sa hukay ng nakaraan.Nakahawak ako sa envelope na laman ang katotohanang matagal nang inilihim sa akin. At ngayon, oras na para harapin ang isa sa mga taong may pinakamalaking kinalaman sa pag-agaw ng mga anak ko.Pagkabukas pa lang ng pinto ng sasakyan, agad kong nakita si Claudine sa may hagdanan, palabas ng mansiyon. Nakasuot siya ng beige na dress na preskong-presko sa paningin, pero para sa akin, kulay iyon ng kasinungalingan. Nagtama ang mga mata namin.Nag-freeze siya sa kinatatayuan niya, halatang hindi inasahang magkikita kami.“Caleigh,” she said in disbelief. “You… you’re here?”Lumakad ako palapit, hindi na makapaghintay pa. “Stop pretending you’re surprised. Alam mong darating ako.”“I wasn’t—” she started, pero pinutol ko agad siya.“I know
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments