Sa edad na dalawampu't isa, hindi inaasahan na ganoon kaagang mabubuntis si Hashana Romero. Kahit nagdadalang-tao ay pinilit niyang makapagtapos ng pag-aaral para sa kinabukasan ng magiging anak. Subalit sa pakikipagsapalaran nito sa syudad, nakilala ni Hashana si Rheo Auxilio na sa huli ay kanyang naging nobyo. Ngunit hanggang saan nga ba susukatin ang pagmamahalan ng dalawa kapag nakilala ni Hashana ang ama ni Rheo na si Clifton Auxilio? Na kung saan doon lang niya napagtantong ito ang kanyang nakaniig anim na taon ang lumipas. Makakaya kaya ng dalaga na ipaglaban ang pagmamahalan nila ng kasintahan kahit ang ama nito ay ama din ng anak niya? O susukuan niya ang pagmamahalan nilang dalawa alang-alang sa limang taong gulang niyang anak? Subalit papaano nga ba kung malaman ni Clifton na may anak sila ni Hashana? Ano kaya ang kayang gawin at isakripisyo ng lalaki?
View More"Tito?"
Gulat na gulat si Hashana nang may biglang humablot sa braso niya. Dama niya ang kagaspangan ng palad sa taong iyon at nanunuot sa ilong niya ang pamilyar na pabango nito. Itinapon ng dalaga ang tingin sa braso niyang ngayon ay mahigpit na kinahawakan ni Clifton. Pinipilit niyang magpumiglas upang kumawala subalit ang higpit ng pagkakahawak. Napakahigpit dahilan upang hindi siya nagtagumpay sa ginagawa. Nanghihina siya. Ramdam ang hapdi sa braso na hinuha niya ay namumula na ngayon. Bakit ba ayaw siya nitong tantanan? Ano ba talaga ang gusto nitong mangyari? "Pakiusap, tito. Bitawan niyo 'ko, please . . ." It's almost begged for her. Nawawalan siya ng lakas. Ang matalim na titig ng ama ng kanyang nobyo ang nagpapakaba kay Hashana. Hindi niya kailanman naisip na darating siya sa ganitong punto. Sana pala hindi na lang siya pumayag na makipagmeet sa magulang ng kanyang boyfriend. Nagsisisi tuloy siya. Sobrang nagsisi. "Bakit hindi ka pa rin nakikipaghiwalay kay Rheo, Hashana?" Mariin iyong untag ni Clifton dahilan pa mapapikit siya. Ito na naman, nandito na naman sila. Nangangatog ang mga tuhod na iniyuko niya ang ulo. Hindi alam kung anong itutugon sa taong kausap. Sobrang tatalim ng mga tinging ipinukol ni Clifton sa kanya. Nag-aapoy iyon at puno ng pagbabanta. Para bang kapag magsasalita siya ng maling sagot, isang pitik lang malalagutan siya ng hininga. Alam naman niya, galit ito. Galit na galit. Kahit siya walang nagawa kundi piping manalangin na sana matapos na ito. "Gusto mo bang ako ang magsabi sa kanya na may anak na tayo?" Nanlaki ang dalawang bilog sa mata ni Hashana. Mabilis na iniangat nito ang tingin kasabay ng paglabas ng masaganang luha na kanina pa niya pinipigilan. Umiling iling siyang napatitig sa lalaki. Nagmamakaawa ang mga mata pero tanging walang emosyon lang ang lalaking kaharap. Naninikip ang dibdib niya sa mga oras na ito. Nakagat ang pang-ibabang labi sa sobrang hirap ng nararamdaman. Takot siya. Natatakot aminin ang katotohanan kay Rheo. Mahal na mahal niya ito. Ni hindi niya kayang hiwalayan ang anak ng taong kaharap niya ngayon. "Please, huwag niyo pong sabihin." Humagulhol na si Hashana. Mabuti na lamang at walang tao na dumadaan sa kanilang pwesto sa pinakadulong pasilyo. Baka kapag nagkataon, magkakaroon ng malaking gulo sa hospital kung saan siya nagtatrabaho bilang nurse. May asawa na ang lalaking kaharap niya ngayon. Kapag may makakita sa kanila na ganito ang posisyon, paniguradong patatalsikin sila sa hospital. Mali, siya lang pala dahil malaki ang ranggo ni Clifton sa hospital bilang doktor. Hinahabol niya ang hininga bago inayos ng tayo. Nagmamakaawang tinitigan ang kulay gintong mata ng lalaki. Hinahagilap doon kung may awa pa bang makaukit sa likod ng nagbabaga nitong titig. Ibinuka niya ang bibig para sana magsalita subalit nagdadalawang-isip siya. Sumasakit ang lalamunan ng dalaga sa pagpipigil ng pag-iyak. Nanunuyo ito. Sigurado siya na kapag ibubuka iyon, mababasag lang ang kanyang boses. "A-ako na ang magsasabi sa kanya. Please po, 'wag kayong magsabi kay Rheo . . ." hirap na hirap siyang magsalita. Bakit ba kasi napunta siya sa ganitong sitwasyon? Sino ba dapat ang sisisihin? Sarili niya lang ba ang dapat niyang pagbintangan sa mga nangyayari ngayon? Kung bakit kasi ang ama pa ni Rheo ang tatay ng anak niya. Nakagat ni Hashana ang loob ng pisngi. Ilang ulit ding napabuntong-hininga sa mga naisip. Baka kasalanan din niya. Kung sana hindi na niya pinilit ang sariling gumawa ng DNA test, hindi sana nito malalaman ang lahat. Hindi rin sana mabubuko ang iniingatan niyang sekreto kung mas naging maingat pa siya. Kalmado na ang mukha ni Clifton nang muling balingan ni Hashana, subalit kaakibat pa rin nito ang pagiging istrikto. Unti-unti na ring niluluwagan ng lalaki ang hawak sa braso niya. Pero nanatili itong nakahawak, wari ba ayaw siyang pakawalan pa. Batid niyang nagustuhan ni Clifton ang lumabas sa labi niya. Iyon lang naman ang gusto nitong marinig, simula una pa lang. Isa din sa nagpapataka sa kanya ay kung bakit tila hindi nababahala ang lalaki sa sitwasyon nila ngayon. Ang mas nakapahirap pa ay ama siya ni Rheo. May asawa ito tapos nang malaman nitong may anak sila ay parang hindi man lang namomublema ang lalaki. Sa halip ay gusto pa nitong hiwalayan niya ang anak. Nakakalito. Nalilito siya. Ganun lang ba kadali ang lahat para dito. Hindi ba nito naisip ang posibleng kahihinatnan ng mga kilos nito? Ayaw niyang gawin ang mga bagay na sinasabi ng lalaking makipaghiwalay kay Rheo. Ang bait nito para hiwalayan niya ng ganun-ganun lang. Pero alam niya . . . alam niyang sa oras na sasabihin niya sa nobyong may anak na siya, kamumuhian siya nito. Posible pang ang lalaki mismo ang makipaghiwalay sa kanya. Umagos ang luha niya sa isiping iyon. Sobrang hirap naman. "Good. I just want us to be clear, Hashana. Maghihintay ako ng isang linggo. If you can't still say it to him. Ako mismo ang magsasabi." Tanging pagyuko ang naging tugon ni Hashana. Sasabog na ata ang puso at utak niya. Hindi ito nagbibiro, sigurado siya dun. Nakagat niya ang labi nang tuluyan siyang binitawan at nilagpasan ng doktor. Nagawa pa nitong maghulog ng panyo sa paanan niya. Pagak siyang natawa at inihagis iyon pabalik sa nakatalikod na lalaki. Naiwan si Hashana na nakatitig sa puting pader. Napakurap at doon napaupo kasabay ng pagyakap sa mga tuhod. Doon niya ibinuhos ang sakit. Pati na rin ang inis at galit na nakapaloob sa puso niya para kay Clifton. Ano ba ang dapat niyang gawin? Sino ba ang dapat niyang unahin? Ang taong mahal niya o ang kapakanan ng anak? Humagulhol ang dalaga habang nakasandal ang likod sa malamig na semento. Bakas sa buong mukha nito ang mga luhang natuyo at mga luhang patuloy na umaagos. Kung may makakakita man sa kanya, iisipin nitong galing siya sa isang madramang away. Malalim ang hanging naibuga niya. Sinusumpa niya ang lalaki sa isipan. Sana pala hindi na lang siya pumasok dito sa hospital. Nauwi tuloy sa kalbaryo ang simpleng pangarap niyang makahanap ng trabaho. Kung bakit kasi nalaman pa ni Clifton na may anak siya. Na may anak pala siya dito.Sinundan ni Hashana ng tingin si Clifton nang tumayo ito mula sa kama. Kinapa nito ang tungkod na nakalagay lang sa gilid at ginawang gabay sa daan patungo sa pintuan. Ang di lang inaasahan ay ang pagkasapid ng paa nito sa isang lamesa na kinalaglagyan ng vase. Gumawa ng ingay ang pagkahulog ng babasaging vase kasabay din ng pagkatumba ni Clifton. Gulat na napabaling roon si Hashana at hindi alam kung tutulungan ba ito o hahayaan ang ginoo dahil naiinis siya sa lalaki. Nang dumaing si Clifton ay doon lang siya tumayo at nilapitan ito. "Sinabi ko na kasing hindi na kailangan."May pagkayamot na tinulungan niya itong makatayo. Pero dahil may kabigatan si Clifton. Muli silang natumba at sa tagpong iyon ay nasa ibabaw na siya nito. Ramdam ng dalawa ang mainit na singaw galing sa katawan ng isa't isa. Gustuhin mang tumayo ni Hashana subalit para siyang naging robot na hindi makagalaw nang mapagtantong nakalapat ang labi niya sa labi ni Clifton. Nanlaki ang dalawa niyang mata at naging
"Tutuloy ka na ba talaga, iha? Ang lakas pa ng ulan sa labas. Baka mahirapan kang bumyahe.""Ayos lang po. Saka mag-iingat po ako sa pagdadrive."Kiming nginitian ni Hashana si aleng Cindy at kinuha ang bag niya na nakapatong sa kitchen island table. Kaninang hapon pa bumuhos ang malakas na ulan na hanggang sumapit ang gabi ay hindi pa rin tumitila. Lagpas alas syete na ng gabi at naroon pa siya sa bahay ni Clifton para sana hintayin na tumigil ang ulan. Kaya lang parang walang balak ang langit na huminto sa pagluha. "Hindi ka na ba magpapaalam kay sir?""Hindi na po. Pakisabi na lang sa kanya, nay."Marahang tinanguan ni Cindy ang dalaga at hinatid ito sa pintuan. Kanina pa niya napapansin ang pananahimik ng among lalaki at ni Hashana. Nang makabalik siya galing sa palengke ay pareho ang mga ito na walang kibo. Hinuha niya ay baka may hindi pagkakaintindihan ang dalawa. Hindi naman lingid sa kaalaman ng ginang kung sino ang dalaga sa buhay ni Clifton. Unang apak pa lang niya sa ba
Pinapalibutan ng maiitim na ulap ang kalangitan nang makalabas sila. Ang sinag ng araw ay natatakpan noon kaya medyo mapanglaw ang kapaligiran. Tahimik lang si Clifton kaya hindi maarok ni Hashana kung ano ang iniisip nito. Kahit siya walang maisip kung ano ang dapat sabihin para mabasag ang katahimikan. "Kumusta na sila?"Bahagyang nagkasalubong ang kilay niya bago nilingon ang lalaki na nakaupo sa rattan na upuan. Mahinahon naman ang anyo nito habang lumilinga, para bang hinahanap kung saan siya nakapuwesto. "Anong ibig mong sabihin?"Umupo siya sa katapat nitong upuan, nalilito sa gusto nitong ipahiwatig. "Ang mga bata . . . gusto kong malaman kung kumusta na sila."Sa una ay hindi pa naunawaan ni Hashana ang sinasabi nito ngunit ilang minuto lang ay umawang ang labi niya. Biglang sumikdo ang kakaibang klase ng tibok sa puso ni Hashana. Namamanhid ang buo niyang katawan nang maging klaro sa kanya ang pinagsasabi ni Clifton. "Paanong . . . ""Alam kong napunlaan kita sa gabing i
Lahat tayo ay minsan ng naiipit sa mga sitwasyon sa buhay. Minsan nakakatakas, pero minsan naman nanatiling nakakulong sa hawlang puno ng tanong at kalituhan. Mararahas ang hiningang pinapakawalan ni Hashana habang unti-unting minamaniobra ang sariling sasakyan. Pasado alas nuwebe trenta na at ngayon pa lamang siya papasok sa trabaho dahil dinaluhan pa niya ang homeroom meeting ni Jelrex kanina. Nasa kalagitnaan ng byahe ang dalaga nang tumunog ang mobile phone nito. Nang tignan ang caller's Id ay tanging buntong hininga na lang ang nagawa niya. "Where are you?" Naunahan pa siya nitong magtanong. Ganito naman lagi. Pati nga pag-uwi sa bahay ay walang pinapalampas si Clifton. Palagi itong tumatawag o di kaya'y nagpapadala ng mensahe. Batid niyang nahahalata na iyon ng mga magulang sapagkat minsan ng nagtanong ang mga ito kung sino ang tawag ng tawag gayong dis-oras na ng gabi. Malalim na bumuga ng hininga si Hashana bago binagalan ang takbo ng kotse saka ito sinagot. "Papunta n
Natauhan lang si Hashana nang may mahamig na malamig na kung ano na tumutusok sa paa niya. Naangat niya ang tingin kay Clifton na nakakunot ang noo habang winawasiwas ang tungkod nito sa daan. Tinatamaan ang paa niya doon. Nakatitig sa kanya ang ginoo ngunit may pagtataka at parang hindi siya nito nakikita. Saglit na napakurap ang dalaga saka marahang dumistansya. Ngayon niya lang napansin na tanging puting tuwalya lang ang nagtatakip sa kahubadan nito. Basa ang buhok ng lalaki at dumadaloy pa ang tubig sa kanyang mukha pababa sa malapad nitong dibdib. Huli niya itong nasilayan ay namumuto't balat na, subalit ngayon, lumalabas ulit ang kakisigan ng ginoo. Hindi nga lang kasing tikas noon ang dating nito pero lumalabas pa rin ang kakaiba nitong appeal. "Who are you?"Sinadyang pinakunot ni Clifton ang noo at pinasalubong ang kilay. Alam niyang ang dalaga iyon ngunit kailangan niyang mag-hinay hinay. He can't trigger her, baka bigla siya nitong layasan. Mahirap na at di pa naman siy
Nang bumalik ang ginang ay malawak na ang ngiti nito. Medyo kinabahan siya. Hindi dapat siya maging kampante dahil may interview pa. "Ang sabi ni sir ay puwede ka ng magsimula bukas."Nanlaki ang mata niya. "Po?"Mahinang natawa si Cindy sa nakikitang reaksyon ng dalaga. "Halika at sasabihin ko sa'yo ang mga terms. May mga rules ding ibinigay si sir bago ka pumirma sa kontrata.""Wala na pong interview?""Hindi na 'yon kailangan, iha."Naupo ang dalawa sa couch. Ngayon, ang ginang naman ang may inilatag na papel. Sa contract paper agad napako ang mata niya bago sa isang papel na may mga nakasulat na rules. "Tuwing alas syete ng umaga ang pasok mo hanggang alas syete ng gabi. Tuwing linggo ka lang may day off. Sa sabado kailangan mong pumasok."Hinayaan siya nitong basahin ang nakasulat doon. Maayos naman ang mga terms. Lahat pabor sa kanya dahil naaayon din ito sa nais niya. Pinirmahan niya ang contract. Hindi na iyon gaanong binasa pa. Ang importante tanggap na siya at may trabaho
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments