Se connecter"CASSIE... MAY FEELINGS KA PA RIN ba hanggang ngayon kay Charles?" hindi maiwasang tanong ni Hyacinth matapos ng ilang segundo ng katahimikan.Unti unting umiling si Cassie. "Pagkatapos ng ginawa niya... wala na," sagot niya at mapait na lang na napahalakhak. "Akala ko noon na mabait siya at hinding hindi ako sasakyan. Pagpapanggap lang pala ang lahat."Malalim na napabuntong hininga na lang si Hyacinth. Kahit papaano ay nabawasan ang pag aalala niya sa kaibigan. Pero ang totoo niyan, wala siyang gaanong pakialam kay Lira. Ang mas ipinag aalala kasi ni Hyacinth ay baka masyadong napamahal si Cassie kay Charles. Ayaw niyang nasasaktan ito. Pero matapos ng narinig niya sa kaibigan, kahit papaano ay parang may malaking tipak ng bato ang nawala sa dibdib niya.Pero nakakalungkot lang kasi parang nawalan ng kislap ang mga mata ni Cassie. Ang kilalang Cassie ni Hyacinth ay masigla at matatag. Pero ngayon, halatang may nag iba dito.Marahang hinawakan ni Hyacinth ang kamay ng kaibigan. "Nata
"N-NASA AKIN NA ITONG birthmark na ito maliit palang ako. Alam kong naaawa rin minsan sa akin ang mommy at Daddy ko kasi ganito ang itsura ko eh," humihikbing saad ni Cassie. "Lalo na si Daddy... kayang kaya niyang tumulong sa ibang tao. Pero pagdating sa aking anak niya... alam kong sobrang guilty sa akin."Pinunasan ni Cassie ang tumulong luha niya."Sinusubukan nila akong mahalin lahat. At mahal ko rin sila dahil doon. Pero ayaw kong ako ang maging rason ng kalungkutan nila kaya lagi ko pa ring sinusubukang ngumiti sa harapan nila..." Tumigil ito saglit. "Pero minsan... kapag tinitingnan ko ang sarili ko sa harap ng salamin, nalulungkot din ako, eh."Humigpit ang hawak ni Hyacinth sa kamay ni Cassie dahil doon."Ang sabi ni Charles, maganda ako. Ako namang si tanga, naniwala..." Mas lumakas ang utak ni Cassie. "Nagsinungaling siya sa akin. Sinabi niyang... p-pangit ako." Tumingin ito ng deretso kay Hyacinth. "Sa tingin mo, Hya, may nagawa kaya akong mali? Mali ba talaga na ganito a
SA ISANG MALAKAS na hila, humiwalay agad si Cassie sa kriminal. Halos matumba na si Cassie doon pero naibalanse niya ang sarili.Nanginig siya lalo, hindi lang dahil sa lamig ng ulan, kundi dahil din sa takot na nararamdaman niya. Unti unting naaninag ni Cassie ang taong nasa harapan niya ngayon. Matangkad ang bulto nito at basa na rin sa tubig ulan.Napaisip tuloy si Cassie... sino itong lalaking nasa harapan niya ngayon? Nakasuot ito ng itim na tshit at itim ding pants. Pero agad rumehistro sa kaniya kung sino ito ngayon.Si Cole Sarmiento.Isa rin sa pinakasikat na lalaki sa university kagaya ni Charles. Pero salungat ito ni Charles na laging nakangiti at maraming mga babaeng naghahabol sa kaniya. Si Cole Sarmiento ay tahimik lagi at mailap. Wala rin itong gaanong kinakausap. Walang babaeng nagkakamaling iapproach ito dahil naiintinidate sila rito. Pero hindi iyon nakapigil upang hindi ito pag usapan ng mga babae sa school.Hindi maiwasang magulat ni Cassie habang nakatitig ngayon
GULAT NA GULAT si Cassie. Hindi niya alam bakit ganito magsalita si Charles sa harapan niya ngayon.Pero masakit malaman na kaya lang naman siya nito pinansin dahil sa kasunduan ng pamilya nila. Na iyon din siguro ang dahilan kaya siya sinabihan ng maganda at pumayag sa engagement noon. Pero ang totoo, iba naman talaga ang nasa isip nito tungkol sa kaniya.Sa mga mata ni Charles, isa lang siyang babaeng pangit, wala ng iba.Hindi maiwasang mamutla ni Cassie sa nalaman niya."Ayaw ko ng makitang masaktan pa ulit si Lira. Ikaw dapat ang mamatay! Pangit!" asik pa ni Charles, na para bang hindi pa sapat ang mga masasakit na salitang binitawan nito para saktan si Cassie.Matapos no'n ay tumalikod na si Charles at naglakad na papalayo. Halos matumba na si Cassie dahil sa panlalambot ng mga tuhod. Ang luha niya ay nagbabadyang tumulo mula sa kaniyang mga mata. Tinakpan niya ang labi upang pigilan ang hikbing gustong kumawala bago tuluyang nanakbo sa dorm.Malakas pa rin ang ulan sa labas. Ti
HINDI MAKAPANIWALA SI Cassie sa narinig. Bakit parang siya pa ang mali dito? Mapakla na lang siyang napatawa."Hindi mo nakalimutan. Nabusy ka lang kay Lira," malamig na saad ni Cassie. "Nagsinungaling ka."Bahagyang nakaramdam ng guilt si Charles, pero syempre, hindi niya aaminin. "Wala kaming ginagawang masama ni Lira," pagtatanggol pa nito sa sarili."Parang... cheating na rin ito, eh. Hindi man physical, pero emotional naman. Hindi lang nakikita ang pagtataksil sa nakikita ng mga mata. Nararamdaman din ito sa ibang sitwasyon," saad pa ni Cassie na siyang ikinatahimik na lang ni Charles.Marahang hinila bigla ni Lira ang sleeve ng damit ni Charles. "Kasalanan ko, Charles..." sambit nito. "Ako ang dahilan kung bakit kayo nag aaway ngayon."Mabilis bumaling si Charles kay Lira at umiling. "Wala kang kasalanan. Wala naman tayong magagawa kung pati ito, bibigyan niya ng ibang kahulugan, eh," sagot nito.Pasikretong tumingin si Lira kay Cassie at lihim na ngumisi dito. Nakita iyon ni Ca
ELEGANTENG TINGNAN si Lira sa suot na sailor style na puti at asul na top na pinaresan niya ng itim na skirt. Para siyang Korean sa suot niya ngayon lalo pa at may matamis itong ngiti sa labi."Charles... tinulungan mo ako kahapon at hindi nagdalawang isip na isakay ako sa kotse mo para hindi ako mabasa ng ulan..." ani Lira. "Kaya naman kahit papaano, gusto kong masuklian ang kabutihan mo. Kahit ito lang. Kaya kwits na tayo..."Mabait na ngumiti lang si Charles. "Wala ka bang pupuntahan, Charles?" tanong ni Lira kalaunan bago ilahad ang payong. "Ito. Kunin mo. Mauuna na ako sa iyo, ah."Tumalikod na si Lira para maglakad na palayo. Pero matapos ang ilang hakbang, napaigik na lang siya sa sakit."Ah!"Natapilok na lang siya bigla at hindi maiwasang maiyak na lang sa sakit."Anong nangyari?" nag aalalang tanong ni Charles at lumapit agad kay Lira.Nanunubig ang gilid ng mga mata ni Lira dahil sa sakit na nararamdaman sa paa. "N-Natapilok ako at... ang sakit!" sagot niya."Dadalhin kita
NAPASIMANGOT si Hyacinth sa narinig. "Anong pinagsasabi mo? Pinaglalaruan kita?" tanong niya, halatang hindi makapaniwala.Umigting ang panga ni Leo. "Sino ba kasing may nagsabi sa'yo na magsuot ka ng ganito?""Ganito? Wala namang problema sa suot ko, Leo," sagot ni Hyacinth .Bumaba ang tingin ni
MATAPOS ANG maghapong pagshoshopping nila Hyacinth at Annika, dumiretso na sila sa Nocturne Bar. Talagang plinano na lahat ni Annika.Ang hindi inexpect ni Hyacinth pagkarating sa bar ay ang makita si Leo kasama ang ilang mga kaibigan nito. "Nandito pala ang soon-to-exhusband mo at mga alipores
"SAYANG! WALA man lang masyadong info about sa kaniya! Ano namang ibig sabihin niyang 'H' na iyan?" reklamo ni Alfred at nailing na lang."Malay ko..." walang ganang sagot lang ni Leo."Ifollow mo na lang, dude!"Nagkibit balikat lang si Leo sa sinabi ni Alfred pero kalaunan ay sinunod din naman ni
HINDI MAIWASANG magulat ni Alfred sa sinabi ni Jasmine. Kasi ang totoo niyan, isa sa mga rason kung bakit inaadmire nila si Jasmine ay dahil hindi lang siya basta mukha o pisikal na anyo lang. Matalino rin ito. At sa lahat ng mga babaeng napalapit kay Leo, ito ang pinakanababagay talaga sa kaniya.







