แชร์

Love Scam 50:

ผู้เขียน: Hiraya_23
last update วันที่เผยแพร่: 2026-08-26 23:39:02

Tinitigan ni Vanessa ang nakasarang pinto ng study room ni Niorr.

Naglakad siya palayo sa pasilyo ng study room, ang tunog ng kaniyang takong ay tahimik na bumabaon sa makapal na carpet ng Figarlan Estate. Ang kaniyang destinasyon ay hindi ang master suite, kundi ang silid na nasa dulo ng East Wing.

Ang silid ni Charlotte.

Kailangan niyang malaman kung ano ang totoong nangyari. Hindi siya tanga. Ang dalawang gabing nakulong sina Niorr at Charlotte sa iisang bubong sa gitna ng malakas na bagyo a
อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป
บทที่ถูกล็อก

บทล่าสุด

  • Contracted To Break The Billionaire's Heart   Love Scam 50:

    Tinitigan ni Vanessa ang nakasarang pinto ng study room ni Niorr.Naglakad siya palayo sa pasilyo ng study room, ang tunog ng kaniyang takong ay tahimik na bumabaon sa makapal na carpet ng Figarlan Estate. Ang kaniyang destinasyon ay hindi ang master suite, kundi ang silid na nasa dulo ng East Wing.Ang silid ni Charlotte.Kailangan niyang malaman kung ano ang totoong nangyari. Hindi siya tanga. Ang dalawang gabing nakulong sina Niorr at Charlotte sa iisang bubong sa gitna ng malakas na bagyo ay sapat na upang magbago ang ihip ng hangin.Nakita niya ang tingin ni Niorr kanina—isang tingin na ni minsan ay hindi nito iginawad sa kaniya.Nang makarating siya sa tapat ng pinto, hindi na siya kumatok. Marahas niyang pinihit ang doorknob at binuksan ito.Sa loob, nakita niya si Charlotte na nakaupo sa gilid ng kama. Hawak ng dalaga ang kaniyang maliit na bag, at tila nakatulala sa kawalan. Nang marinig nito ang pagbukas ng pinto, awtomatikong napatalon sa gulat si Charlotte, nahulog ang bag

  • Contracted To Break The Billionaire's Heart   Love Scam 49:

    Sa loob ng main foyer ng Figarlan Estate, kanina pa palakad-lakad si Vanessa pabalik-balik sa ibabaw ng mamahaling Persian rug.Nakasuot siya ng isang eleganteng silk slip dress at may nakasampay na cashmere shawl sa kaniyang mga balikat. Bawat tunog ng sasakyan na nagdadaan sa labas ay nagpapahinto sa kaniya, umaasang iyon na ang Maybach ni Niorr.Kahapon pa siya hindi mapakali. Nang malaman niyang nawalan ng kuryente at na-stranded sina Niorr at Charlotte sa mismong villa dahil sa mudslide, nagwala ang kaniyang imahinasyon.Wala siyang pakialam kung anong mangyari kay Charlotte; ang tanging nasa isip niya ay kung paano ito makakaapekto sa kaniyang asawa, at higit sa lahat, sa estado niya bilang 'asawa'.“Bakit ba ang tagal nilang dumating?!” inis na bulong ni Vanessa, kinakagat ang kaniyang maayos na manikyur na mga kuko.Siya ang tunay na naghihirap dito. Kailangan niyang siguraduhin na pagbalik ni Niorr, makikita siya nitong nag-aalala, ang perpektong asawa na laging nakaantabay s

  • Contracted To Break The Billionaire's Heart   Love Scam 48:

    Sa loob ng Maybach ay namayani ang nakakabinging katahimikan.Sa buong biyahe, tila may isang hindi nakikitang pader na naghihiwalay sa kanila sa backseat. Nakaupo si Charlotte sa pinakadulo ng upuan sa gawing kanan, halos idikit na niya ang kaniyang balikat sa malamig na pinto ng sasakyan para lang makasiguro na may malaking espasyo sa pagitan nila ni Niorr.Ang kaniyang paningin ay mariing nakapako sa labas ng bintana. Pinagmasdan niya ang mga natumbang puno at ang putik sa gilid ng kalsada, pilit inililibang ang sarili sa anumang makita para lamang hindi niya mapansin ang matapang at panlalaking amoy ni Niorr na pumupuno sa air-conditioned na sasakyan.Ngunit kahit anong pilit niya, bawat pagliko ng sasakyan, bawat mahinang pag-usad ng katabi niya ay tila nakakarating sa kaniyang balat. The physical distance was there, but the emotional tension was suffocating.Niorr, for his part, was doing everything he could to give her space.Nakasandal siya sa kabilang dulo, may hawak na isang

  • Contracted To Break The Billionaire's Heart   Love Scam 47:

    Hindi na muling umulan nang sumapit ang madaling araw.Ang marahas na pag-ungol ng hangin na nagpuyat sa buong kabundukan kagabi ay napalitan ng nakakabinging katahimikan. Ngunit para kay Charlotte, ang paghupa ng bagyo sa labas ay kabaligtaran ng nagwawalang unos sa loob ng kaniyang dibdib.Hindi siya nakatulog.Nakabaluktot si Charlotte sa ibabaw ng kaniyang kama, yakap-yakap ang sariling mga tuhod habang nakatitig sa puting kisame ng kwarto. Ang maputlang liwanag ng umaga ay unti-unting pumapasok mula sa bintana, ngunit hindi nito kayang pawiin ang lamig na nararamdaman niya mula pa kagabi.O mas tamang sabihing, hindi nito kayang pawiin ang init na nag-iwan ng marka sa kaniyang buong pagkatao.Wala sa sariling iniangat ni Charlotte ang kaniyang nanginginig na mga daliri at marahang hinaplos ang kaniyang ibabang labi. Bahagya pa rin itong maga. Nang ipikit niya ang kaniyang mga mata, parang sirang plaka na nag-replay sa kaniyang isipan ang mga nangyari sa main lounge.Ang amoy ni N

  • Contracted To Break The Billionaire's Heart   Love Scam 46:

    And Nior kissed her.Ang unang pagdampi ay puno ng tanong, ng pag-aalinlangan, na tila sinusubukan ni Niorr kung aatras ang dalaga. Ngunit nang maramdaman niyang bumuntong-hininga si Charlotte at sumandal sa kaniyang halik, the emotional restraint of the previous days completely broke.Naging mas malalim, mas mapilit ang halik ni Niorr. Binitawan niya ang kamay ni Charlotte at inilipat ang kaniyang braso sa maliit na baywang ng dalaga, hinahapit ito papalapit sa kaniyang dibdib hanggang sa wala na ni isang pulgadang espasyo ang namamagitan sa kanila.Napasinghap si Charlotte sa tindi ng emosyon na sumabog sa kaniyang sistema. Ibinuka niya ang kaniyang mga labi, hinahayaan ang lalaki na angkinin ang bawat hininga niya.Ang kaniyang mga kamay, na kanina ay nakakapit lamang sa braso nito, ay dahan-dahang gumapang pataas patungo sa malalawak na balikat ni Niorr, hanggang sa maikawit niya ang kaniyang mga

  • Contracted To Break The Billionaire's Heart   Love Scam 45:

    Nakalapit na siya nang husto kay Niorr. Ang kaniyang magkabilang kamay ay mahigpit na nakakapit sa braso ng bilyonaryo, ang kaniyang mga daliri ay nakabaon sa lambot ng cashmere sweater nito, dama ang nanigas na kalamnan ng lalaki sa ilalim ng tela.“I-I'm sorry...” nauutal at nanlalaking-matang bulong ni Charlotte. Akma siyang bibitaw at aatras pabalik sa kaniyang pwesto upang humingi ng tawad sa kaniyang kapangahasan.Ngunit bago pa man tuluyang makawala ang kaniyang mga kamay, mabilis na gumalaw si Niorr.Inabot ng bilyonaryo ang kamay ni Charlotte na nakapatong sa kaniyang braso. Hindi nito tinabig ang dalaga. Sa halip, marahan ngunit mahigpit nitong hinawakan ang nanginginig na kamay ni Charlotte, pinipigilan itong lumayo.“It’s okay. I've got you. The glass is bulletproof and storm-grade. It won’t break,” mababang bulong ni Niorr, ang boses nito ay isang matibay na angkla sa gitna ng bagyo ng emosyon ni Charlotte.Niorr gently steadied her. Ngunit nang makalma na ang dalaga... n

  • Contracted To Break The Billionaire's Heart   Twisted 140:

    “Gagawin ko lang ‘to para masiguradong ligtas ang anak ko paglabas niya. At sa oras na mailabas mo na siya… doon magtatapos ang lahat ng koneksyon natin. You will go back to your cell, and I will take my son. Never to see you again.”“Deal,” maikli niyang sagot, ni walang pag-aalinlangan. Na para b

  • Contracted To Break The Billionaire's Heart   Twisted 139:

    “Ginamit kita, Niro,” matigas niyang diin. “I played the sweet, runaway bride, and you fell for it. Kung hindi lang ako na-double cross ni Marcus. Tatakasan narin sana kita, nasa ibang bansa na sana ako ngayon, nagpapakasarap sa pera mo.”“Paano ang anak natin?” nanginginig ang boses kong tanong. T

  • Contracted To Break The Billionaire's Heart   Fighting 111:

    “I’ll take care of it! Just don’t stress yourself. Makakasama 'yan sa baby natin…”Sandali akong napatigil nang marinig ko ang sunod na sinabi niya sa Video.Baby natin?Parang may malakas na bombang sumabog sa loob ng utak ko. Tumigil ang pag-ikot ng paligid. Dumilim sa galit ang paningin ko!Para

  • Contracted To Break The Billionaire's Heart   Fighting 108:

    Sylviea’s Point Of View“Someone’s planning to k*ll you!”Parang biglang huminto ang pag-ikot ng mundo ko sa narinig ko mula kay Aries. Nakatingin lang ako sa kaniya, pilit na pinoproseso ang mabibigat na salitang binitawan niya.Pap*tayin?Ako?Unti-unting umiling ang ulo ko.Nanlamig ang mga kamay

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status