แชร์

KABANATA 4

ผู้เขียน: SoleReign
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2026-02-25 16:57:11

Celeste Reyes POV

Ang mansyon ng mga Samonte ay punong-puno ng liwanag at ingay. Gabi ng charity gala na inorganisa ng kumpanya, at bilang asawa ni Iñigo, kailangan kong magmukhang perpekto. Suot ko ang isang midnight blue na backless gown na hapit sa aking katawan. Sa harap ng salamin, tinitingnan ko ang sarili ko—maganda, sopistikada, pero ang mga mata ko ay hindi nagsisinungaling. Pagod na ang mga ito.

"Ready?"

Napalingon ako kay Iñigo. Nakasuot siya ng charcoal gray tuxedo, napaka gwa
อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป
บทที่ถูกล็อก

บทล่าสุด

  • Contractual Divorce With My Billionaire Husband   KABANATA 8

    Celeste Reyes POVMasakit ang ulo ko paggising. Ang huling naaalala ko kagabi ay ang mainit at mapanakit na halik ni Iñigo sa loob ng sasakyan bago kami bumalik sa mansyon. Hindi kami nag-imikan hanggang sa makatulog. Ngayong umaga, wala na siya sa tabi ko, pero ang amoy ng kanyang pabango ay tila nakadikit pa rin sa mga unan.Mabilis akong nag-ayos. Ngayong araw ang presentation ko para sa bagong hotel project. Ito ang pagkakataon kong patunayan na hindi ko kailangan ang apelyidong Samonte para magtagumpay bilang interior designer.Pagbaba ko sa dining area, nandoon si Iñigo. Nakasuot na siya ng kanyang pormal na suit, nagbabasa ng tablet habang humihigop ng kape."Hindi ka kakain?" tanong niya nang hindi tumitingin sa akin."Sa opisina na lang. Male-late na ako," sagot ko habang kinukuha ang laptop bag ko.Ibinaba niya ang tablet at tinitigan ako. "Saan ang presentation mo?""Sa BGC. Sa kumpanya ni Mr. Sy.""I'll drop you off.""No thanks. May sasakyan ako," tanggi ko agad."Celeste

  • Contractual Divorce With My Billionaire Husband   KABANATA 7

    Celeste Reyes POV Maaga pa lang ay nakabihis na ako. Isang puting blazer at slacks ang pinili ko—suot na nagpaparamdam sa akin na ako pa rin si Celeste na may pangarap, hindi lang si Mrs. Samonte na nakakulong sa mansyon. "Maaga ka yata?" Napatalon ako nang makita si Iñigo sa dulo ng hagdan. Nakasuot siya ng gym attire, basang-basa ng pawis, at may hawak na bote ng tubig. Ang mga mata niya ay agad na sumuri sa ayos ko. "May client meeting ako sa Makati. Kailangan kong mauna sa traffic," sagot ko habang inaayos ang bag ko. "With Kaelan again?" tanong niya. Ang boses niya ay kalmado, pero may halong inis. "Hindi lahat ng trabaho ko ay umiikot sa pinsan mo, Iñigo. Client ito. Isang pamilyang gustong magpa-renovate ng bahay," paliwanag ko. Lalagpasan ko na sana siya pero humarang siya sa daraanan ko. "I told you yesterday, be home by 6 PM. May dinner tayo kasama ang Board of Directors. It’s a formal event." "Dinner? Ngayon mo lang sinasabi sa akin 'yan. At bakit kailangan

  • Contractual Divorce With My Billionaire Husband   KABANATA 6

    Celeste Reyes POV Nakatayo lang ako sa gitna ng master’s bedroom habang pinapanood ang mga katulong na ipinapasok ang huling maleta ko. Ang kwartong ito, na dati ay simbolo ng aking pagsisikap na maging mabuting asawa, ay mukhang kulungan na ngayon sa paningin ko. "Ma'am Celeste, nailagay na po namin lahat sa walk-in closet," magalang na sabi ni Yaya Rosa. Bakas sa mga mata niya ang pagtataka, pero pinili niyang manatiling tahimik. "Salamat, Ya. Pwede na kayong magpahinga," sagot ko at pilit na ngumiti. Nang sumara ang pinto, tila lalong kumitid ang kwarto. Maya-maya pa, bumukas ang pinto ng banyo at lumabas si Iñigo. Nakasuot lang siya ng itim na silk pajama pants, hubad ang matikas niyang dibdib, at may tuwalya sa balikat. "Bakit nakatayo ka pa rin diyan?" tanong niya habang pinupunasan ang basang buhok. "It’s past 11. Matulog ka na." "Sa guest room ako matutulog, Iñigo. Wala na si Lolo Mateo, hindi na natin kailangang magpanggap ngayong gabi," diretsong sabi ko. Tumigi

  • Contractual Divorce With My Billionaire Husband   KABANATA 5

    Celeste Reyes POVAng sumunod na mga araw matapos ang charity gala ay naging parang isang laro ng chess. Pinili kong maging abala. Sa tulong ni Kaelan, nagawa kong makabalik sa isa sa mga projects na "na-hold" dahil sa impluwensya ni Iñigo. Hindi ko alam kung anong ginawa ni Kaelan, pero sapat na ang makitang nabawi ko ang kontrol sa sarili kong buhay.Hapon na nang ihatid ako ni Kaelan sa tapat ng mansyon. Buong byahe kaming nagtatawanan. Iba ang pakiramdam kapag may nakakausap kang hindi ka minamaliit."Salamat sa paghatid, Kaelan. At salamat sa tulong sa project," sabi ko habang tinatanggal ang seatbelt."Wala 'yon, Celeste. I told you, I take care of what I value," sagot niya nang may makahulugang tingin. Bago ako bumaba, hinawakan niya ang kamay ko at mabilis na hinalikan ang likod niyon."See you soon, my favorite cousin-in-law."Ngumiti lang ako at lumabas ng sasakyan. Pero bago pa man makaalis ang sports car ni Kaelan, nakita ko na ang itim na SUV ni Iñigo sa driveway. Nakatay

  • Contractual Divorce With My Billionaire Husband   KABANATA 4

    Celeste Reyes POV Ang mansyon ng mga Samonte ay punong-puno ng liwanag at ingay. Gabi ng charity gala na inorganisa ng kumpanya, at bilang asawa ni Iñigo, kailangan kong magmukhang perpekto. Suot ko ang isang midnight blue na backless gown na hapit sa aking katawan. Sa harap ng salamin, tinitingnan ko ang sarili ko—maganda, sopistikada, pero ang mga mata ko ay hindi nagsisinungaling. Pagod na ang mga ito. "Ready?" Napalingon ako kay Iñigo. Nakasuot siya ng charcoal gray tuxedo, napaka gwapo. Nakakainis na kahit gaano ko siya gustong kamuhian, ang pisikal niyang anyo ay laging nagpapaalala sa akin kung bakit ako nahulog sa kanya noon. Lumapit siya at kinuha ang isang diamond necklace mula sa table. Marahan niyang isinuot ito sa leeg ko. Ang kanyang mainit na mga daliri ay dumampi sa balat ko, dahilan para manigas ako sa kinatatayuan ko. "Smile, Celeste," bulong niya sa tabi ng tainga ko. "The cameras are waiting. Show them the happy Mrs. Samonte." "Hanggang kailan natin 'to g

  • Contractual Divorce With My Billionaire Husband   KABANATA 3

    Celeste Reyes POV Tatlong araw na ang nakalipas simula nang mag-walkout si Iñigo sa maliit kong apartment, pero ang bigat sa dibdib ko ay tila lalong tumitindi. Akala ko ay doon na natatapos ang lahat, na hihintayin ko na lang ang pirmadong papel para tuluyan na akong maging malaya. Pero nagkamali ako. Masyado kong minalit ang pagiging desperado ni Iñigo na protektahan ang kanyang perpektong imahe. Nakatitig ako sa screen ng laptop ko nang makatanggap ako ng sunod-sunod na tawag mula sa dati kong kliyente. Isang malaking project sana para sa isang bagong boutique hotel, pero sa isang iglap, binawi nila ang kontrata. Pagkatapos niyon, isa pang tawag ang dumating. Ang project na tinatapos ko para sa isang luxury condo ay bigla ring "on hold" dahil sa ilang legal issues na hindi ko maintindihan. Nanginginig ang mga kamay ko habang hinihigpitan ang hawak sa phone. Hindi ako tanga. Alam ko kung kaninong pakana ito. Eksaktong alas-tres ng hapon, isang itim na Rolls-Royce ang pumarad

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status