Share

DAHLIA

Eksaktong pagpasok ni Adrielle sa loob ng cottage niya ay naramdaman niya ang pag-vibrate ng kanyang cellphone na nasa loob ng back pocket ng suot niyang cotton short. Dinukot niya iyon at binuksan. Kaagad niyang nakita ang pangalan ni Crimson sa maliit na screen kaya mabilis niyang in-unlock ang hawak na aparato.

[I sent you something. Check your email. Dad's order.]

Iyon ang nakalagay sa message.

Mabilis na naglakad si Adrielle patungo sa maliit na mesa kung saan naroon ang laptop na ipinadala ni Emman sa kanya kanina. Nasabihan na marahil ito ng Daddy niya kaya maaga nito iyong ipinahatid sa resort.

Umupo siya sa gilid ng kama at inabot ang laptop. Ipinatong niya iyon sa unan at kaagad na binuksan. Pumunta siya sa kanyang email at mabilis niyang nakita ang file na ipinadala ni Crimson. Pinasadahan niya iyon ng tingin bago tumatango-tangong tumipa sa keyboard.

[Got it!]

Maikling tugon niya sa email ni Crimson bago pabagsak na humiga sa kama pagkaraang maibalik sa ibabaw ng maliit na
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Billy ann Balanqui
tago pa more
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status