JANDIE'S POV
Alas-syete y media pa lang ng umaga ay nakatayo na ako sa tapat ng napakalaking glass door ng V&F Corporation. Naka-pencil skirt akong itim na hanggang tuhod, puting long-sleeved blouse na may mahigpit na butones sa leeg, at itim na blazer na nagbigay sa akin ng mukhang propesyonal kahit ang totoo ay nagdidilim na ang paningin ko sa sobrang kaba. Huminga ako nang malalim, pilit pinapakalma ang nanginginig kong mga kamay na kanina pa pinagpapawisan habang hawak ang maliit kong leather folder.
Huwag kang matakot, Jandie, bulong ko sa sarili ko habang inaalala ang mukha ng kambal ko bago ako umalis.
Para sa kanila ito. Kailangan mong panindigan ang desisyong ito.
Nang tumunog ang bell hudyat ng alas-otso, naglakad na ako papasok sa private elevator na didiretso sa executive floor. Tahimik ang buong paligid habang umaakyat ang elevator. Ang bilis ng pagkabog ng dibdib ko ay parang tambol na nagbababala sa akin na anumang oras ay aatake na naman ang sistema ko. Pagbukas ng p***o sa 45th floor, sinalubong ako ng tahimik at seryosong atmosphere. Halos lahat ng empleyado rito ay nakayuko sa kani-kanilang desk, nagtatrabaho nang walang imik, na para bang takot silang gumawa ng ingay na aagaw sa atensyon ng taong nasa pinakatuktok.
"Ikaw ba si Ms. Montecillo?" tanong ng isang matandang secretary na may matalim na tingin at nakasalamin sa dulo ng ilong.
"O-opo," nauutal kong sagot bago ko mabilis na itinama ang boses ko para maging matatag. "Ako nga po."
"Magaling. Kanina ka pa hinihintay ni Sir Archie sa opisina niya," seryosong turan nito habang itinuro ang napakalaking double door sa dulo ng pasilyo. "Huwag kang magkakamaling magkamali ng galaw roon. Ayaw na ayaw ng boss namin ang mga taong mabagal mag-isip at walang silbi."
Tumango ako nang ilang beses bilang paggagalang. Bawat hakbang ko palapit sa p***o na iyon ay parang paghila sa akin papasok sa bitayan. Nang nasa tapat na ako, kumatok ako nang tatlong beses bago ko narinig ang malamig at pamilyar na boses mula sa loob na nagsabing pumasok na ako. Dahan-dahan kong pinihit ang door knob at tinulak ang p***o.
Ang unang sumalubong sa akin ay ang napakalawak na opisina na may kulay abong pader at malalaking salamin na nagpapakita ng tanawin ng buong Maynila. At doon, sa gitna ng marmol na lamesa, nakaupo si Archie. Suot ang puting polo na may bukas ang dalawang unang butones at itim na slacks, mas lalo siyang lumitaw na delikado at makapangyarihan. Hindi niya ako tinapunan ng tingin nang isara ko ang p***o; sa halip ay patuloy lang siyang nagbasa ng mga dokumento sa harap niya.
"Lumapit ka," utos niya nang hindi man lang inaangat ang ulo.
Sumunod ako agad. Ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko dahil sa tensyon. Tumigil ako ilang dangkal ang layo mula sa mesa niya. Hanggang ngayon, hindi ko mapigilang mamangha at matakot sa presensya niya.
Limang taon na ang lumipas, pero ang bawat linya ng mukha niya ay nakaukit pa rin sa alaala ko, simula sa matangos niyang ilong hanggang sa manipis niyang labi na madalas magbitaw ng mga salitang dumudurog sa pagkatao ko.
"Alam mo ba kung bakit kita ipinatawag dito sa executive office ko, Ms. Montecillo?" pag-aangat niya ng mukha.
Ang mga mata niyang kulay abo ay direktang tumusok sa mga mata ko, walang emosyon kundi purong kapangyarihan.
"Hindi ko po alam, Sir," sagot ko habang pinipigilan ang panginginig ng boses ko.
Tumayo siya mula sa swivel chair. Ang tangkad niya ay lalong nagpakitid sa espasyo sa pagitan namin. Unti-unti siyang lumakad palapit sa akin, at sa bawat yabag ng kanyang sapatos sa sahig, parang unti-unti ring nawawalan ng hangin ang baga ko. Huminto siya nang ilang pulgada na lamang ang layo sa akin; naaamoy ko na ang mabango at mamahaling pabango niyang hinding-hindi ko malilimutan kailanman.
"Dahil gusto kong makita kung hanggang saan ang kakayahan ng isang babaeng naglaho nang parang bula matapos mangako ng katapatan," bulong niya habang inilapit ang mukha niya sa tenga ko, dahilan para mapapikit ako nang mariin sa sobrang lapit.
"Akala mo ba ay madali lang maloko ang V&F Corporation? Akala mo ba ay hindi ko nalaman na tinanggal mo ang lahat ng records mo noong panahong iyon?"
Napakagat ako sa ibabang labi ko. Sinubukan kong pigilan ang luha na gustong kumawala sa mga mata ko. "Wala akong masamang intensyon nang umalis ako noon, Sir. Naghanap lang ako ng tahimik na buhay."
"Tahimik na buhay?" mapait na natawa si Achetbir, isang tawang puno ng sarkasmo at galit na matagal niyang kinulong sa dibdib.
"Habang ako, nagdurusa sa paghahanap sa iyo noon? Habang ako, winasak mo ang tiwala dahil sa bigla mong pag-iwan nang walang pasabi? Tapos ngayon, babalik ka rito na parang walang nangyari at mag-aapply bilang simpleng empleyado?"
"Hindi ko alam kung anong sinasabi mo, Sir," pagtanggi ko kahit alam kong pilit na pilit na ang depensa ko. "Tapos na ang nakaraan. Nandito lang ako para magtrabaho nang tapat para sa mga anak ko—este, para sa pamilya ko."
Napakunot ang noo niya nang marinig ang sinabi ko. Agad siyang umatras nang kaunti at tinitigan ako mula ulo hanggang paa, na para bang sinusuri ang bawat galaw ko para makita kung may tinatago ako.
Ang mga mata niya ay nagtataglay ng matinding pagdududa. "Pamilya? Sinong pamilya ang tinutukoy mo? May asawa ka na ba ngayon, Jandie?"
Ang tanong na iyon ay parang kutsilyong tumusok sa dibdib ko.
Agad akong umiling nang sunud-sunod. "Wala! Wala akong asawa."
"Kung wala kang asawa, sino ang bumubuhay sa iyo sa probinsya sa loob ng limang taon?" tanong niya habang lalong lumalim ang titig sa akin, na para bang hinahanap ang katotohanan sa bawat tibok ng pulso ko.
"Sino ang nagbigay sa iyo ng karapatang bumalik dito sa harap ko at magpanggap na matatag?"
"Sarili ko," sagot ko nang may diin, pilit pinapapaniwala siya at ang sarili ko. "Ako ang nagtaguyod sa sarili ko at sa mga pangangailangan ko. Kaya sana, Sir, kung personal na bagay lang din ang pag-uusapan natin, maaari na ba akong bumalik sa trabaho ko?"
Isang matalim na ngiti ang sumilip sa labi niya. Ngiting nagpakilabot sa buong kalamnan ko. "Trabaho ba ang gusto mo, Ms. Montecillo? Sige. Ibibigay ko sa iyo ang trabahong hinding-hindi mo makakalimutan."
Bago pa ako makasagot, bumalik na siya sa kanyang mesa at pinindot ang interkom. "Mr. Gomez, dalhin mo rito sa opisina ko ang lahat ng financial audits mula sa tatlong taong operasyon natin sa Asya. At ilagay ang mesa ng bagong executive secretary sa loob mismo ng opisina ko. Simula ngayon, bantay-sarado ko na siya."
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. "S-Secretary mo po ako? Akala ko ay senior administrative assistant lang sa labas?"
Lumingon siya sa akin habang seryosong nakadekwat muli sa upuan niya. "Nagbago ang isip ko. Gusto ko malapit ka sa akin, Jandie. Dahil sa sandaling subukan mo na namang magtago o tumakas sa akin, sisiguraduhin kong hindi ka na makakalabas ng kumpanyang ito nang buhay."
Nanginginig ang mga tuhod ko habang pinapanood siyang magpatuloy sa pagbabasa ng mga papeles. Ang unang araw ko na inaakala kong magiging tahimik at payapa ay nauwi sa isang napakalaking bangungot. Narito ako ngayon, nakakulong sa loob ng opisina ng lalaking pinakatinataguan ko, ang lalaking ama ng mga batang naghihintay sa akin sa bahay, at ang mismong taong handang dumurog sa akin anumang oras.
Habang nakatayo ako sa tabi ng bagong mesa ko na inihanda ng staff, tahimik akong nanalangin sa
Diyos na sana ay bigyan pa ako ng napakaraming lakas. Dahil kung ganito katindi ang bawat araw na haharapin ko sa piling ni Archiemedes Villa Forca, siguradong masisira ang katinuan ko bago pa man matapos ang linggong ito.
Nagsimula ang tunay na pagsubok nang lumipas ang ilang oras ng tahimik na pagtatrabaho. Wala kaming imikan sa loob ng malaking opisina maliban sa tunog ng pagpindot ko sa keyboard at ang mabibigat na yabag ng sapatos niya tuwing naglalakad siya palapit sa glass wall para tumingin sa labas. Pero kahit abala ako sa pag-check ng mga spreadsheet, ramdam ko ang bawat sulyap niya sa direksyon ko. Ang mga matang iyon ay parang radar na walang pinalalampas na detalye.
"Ms. Montecillo," tawag niya habang hindi inaalis ang tingin sa hawak niyang folder.
Agad akong tumayo at lumapit sa mesa niya. "Ano po iyon, Sir Archimedes?"
Iniabot niya sa akin ang isang makapal na dokumento nang may malamig na ekspresyon. "Kailangan kong ma-review ang mga kontratang ito bago mag-a-alas-singke ng hapon. I-check mo ang bawat detalye, lalo na ang mga probisyon tungkol sa international partnership. Kapag may nakita kang mali kahit isang numero lang, ikaw ang managot."
"O-opo, Sir. Masusunod," sagot ko bago ko kinuha ang mga papel.
Habang naglalakad ako pabalik sa mesa ko, hindi ko maiwasang mapabuntong-hininga. Ang dami-daming trabaho ang ipinapagawa niya sa akin, at alam kong sinasadya niya itong pahirapan para lang mapilitan akong sumuko. Pero hindi ako susuko. Kung akala niya ay basta na lang akong iiyak at tatakbo tulad ng ginawa ko noon, nagkakamali siya. Ako na ngayon si Jandie—ang inang handang magtiis ng lahat para sa kinabukasan ng kanyang kambal.
Habang lumilipas ang oras, patuloy ang pagbuhos ng ulan sa labas ng gusali. Ang dating maliwanag na sikat ng araw ay biglang napalitan ng madilim na kalangitan at malalakas na kulog. Napatingin ako sa labas ng bintana at naalaala ang kambal ko. Sana ay nasundo na sila ng Inay namin bago bumuhos ang malakas na ulan.
"Huwag kang magpapa-kompromiso sa panahon, Ms. Montecillo. Nakatutok ka dapat sa trabaho mo," basag ni Archie sa katahimikan habang nakatayo sa tapat ng lamesa ko, hawak ang isang tasa ng itim na kape.
Napatingin ako sa kanya.
"Nag-aalala lang po ako sa mga anak ko—este, sa mga kapatid ko sa bahay dahil umuulan na nang malakas," pagbawi ko agad sa muntik ko nang masabing totoo.
Isang makahulugang ngiti ang sumilip sa labi niya. Isang ngiting nagpatibok nang mabilis sa puso ko. "Kapatid ba o anak? Dahil sa bawat kilos mo, Jandie, para kang nagtatago ng isang napakalaking sikreto na ayaw mong mabunyag sa akin."
Tumalikod na siya at bumalik sa kanyang pwesto nang walang paalam, iniwan akong nakatayo roon na nag-iisip kung hanggang kailan ko kayang itago ang katotohanan tungkol kay Liam at Lianne. Dahil alam kong habang tumatagal kaming magkasama sa iisang bubong ng gusaling ito, mas lumalapit ang oras ng pagtuklas niya sa pinakamalaking sikreto ng buhay ko.
"Go home," walang ano-ano ay narinig kong sinabi ni Archie.
Napaangat ako nang mukha at napatingin sa kanya na matiim akong tinitigan. Napalunok ako at nagbawi ako nang tingin marahan akong tumango. Mabilis kong iniligpit ang mga kalat sa ibabaw ng mesa ko at nilinisan ko na din. Pagkatapos ay isinukbit ko na ang aking shoulder bag. Napasinghap pa ako nang pagharap ko ay naroon siya sa aking daraanan nakatayo at seryosong nakatingin sa akin.
"S-Sir, kayo hindi pa ba uuwi?" Utal kong tanong na para bang kaswal talaga kaming boss and secretary lang.
Archie smirked. "Hard working people are not eager to go home just like you."
Natahimik ako. Napapikit nang mariin at huminga nang malalim pilit kong kinakalma ang aking sarili. Tumikhim ako para mawala ang barang nakaharang sa lalamunan ko. Matapang ko siyang tiningnan sa kanyang mga mata kahit pa may kabang bumundol sa aking dibdib.
"Magkakaiba po kasi tayo ng reason, Sir. Magkakaiba ng pananaw sa hard working na sinasabi mo, besides po oras na nang uwian." Matatag kong sabi.
Tiningnan niya ako mula ulo hangga sa aking mga paa. Parang may lamig na gumapang sa aking likod sagad hanggang sa aking mga buto.
"Five years and you didn't change." Sabi ni Archie in a husky voice.
Mas kinilabutan ako. Mas lalong tinambol ang aking dibdib at para akong hindi makahinga lalo na nang mas lumapit pa siya.
"Those eyes, lips and your scent still the same. Sino bang mag- aakalang kaya mong manlinlang at manloko ng taong malaki ang parte ng buhay mo?" Mariin, malinaw at punong-puno nang pait ang boses ni Archie.
Napaatras ako. Napakurap-kurap dahil may namumuong luha na nagbabanta sa aking mga mata.
"Hindi mo alam kung mas gaano ako nagdusa, Archie. Kaya huwag mong ipamukha sa akin na kasalanan ko ang lahat!" Hindi ko na napigilang sabihin.
"Oh..really? Wow, what a nerve Jandie! At anong ipinaglalaban mo ngayin huh?" Nang-uuyam niyang turan sa akin.
"Wala. Dahil matagal na tayong tapos!" Taas noo kong tugon at mabilis ko siyang tinabig saka ako patakbong lumayo sa kanya.
Habol-habol ko ang aking hininga nang makalabas ako mula sa building. Doon ko lang naramdaman ang panginginig ng aking mga tuhod. Ang panghihina ng aking katawan pero napangiti ako kahit nagsilaglagan ang aking mga luha.
Jandie, nakaya mo! Nakaya mo na siyang harapin at sagutin habang kayong dalawa lang. Makakaya mo din sa mga susunod pang mga araw! Fighting!