แชร์

Chapter 4: Ang Emergency

ผู้เขียน: Lady_RedRoses11
last update วันที่เผยแพร่: 2026-11-23 08:02:35

JANDIE'S POV

Maaga akong nagising kinabukasan kahit halos tatlong oras lang ang naging tulog ko. Ang bigat ng pakiramdam ng katawan ko, parang binugbog ng mga mabibigat na bato, pero wala akong karapatang magreklamo o manatili sa kama. Kailangan kong kumilos nang mabilis para maipag-almusal ang kambal bago ako pumasok muli sa impyernong iyon na tinatawag kong opisina. Habang naghahanda ako sa maliit naming kusina, paulit-ulit na naglalaro sa isip ko ang mga banta at matalim na titig ni Archie kagabi. Ang lalaking iyon ay parang isang delikadong hayop na unti-unting lumalapit sa kanyang biktima, handang sumakmal sa tamang panahon.

"Mommy, bakit po parang puyat na puyat kayo?" tanong ni Lianne habang kinakamot ang mga mata nito habang naglalakad palapit sa akin suot ang paborito nitong kulay pink na pajamas.

Agad kong pinilit ngumiti at lumuhod para pantayan siya. "Ayos lang si Mommy, baby. Napuyat lang sa pagtatrabaho kagabi para may pambili tayo ng mga paborito mong laruan at pagkain sa susunod."

"Talaga po? Yey!" masayang sabi ni Lianne sabay yakap nang mahigpit sa leeg ko.

Ngunit habang kayakap ko si Lily, napalingon ako kay Liam na tahimik na naupuan sa mesa habang nagbabasa ng isang lumang libro.

Ang paraan ng pagkakaupo nito, ang seryosong tikas ng katawan, at ang paraan ng pagkunot ng noo habang nag-iisip ay nagpatigil sa paghinga ko nang ilang segundo. Sobrang dami ng pagkakatulad. Minsan, natatakot na akong tumingin nang matagal sa sarili kong anak dahil natatakot akong mukha ni Archie ang makita ko rito.

Pilit ko silang inilalayo sa mundong iyon, pero habang tumatagal, pakiramdam ko ay nagiging mahina na ang mga pader na itinayo ko para protektahan sila.

"Liam, anak, kumain ka na riyan ng almusal mo para hindi ka mahuli sa klase," tawag ko sa kanya nang may halong lambing sa boses ko.

"Opo, Mommy," sagot ni Liam nang hindi man lang inaalis ang tingin sa binabasa.

Isang katangian na namana niya nang buong-buo sa kanyang ama—ang matinding pokus sa mga bagay na ginagawa nito.

Pagkatapos naming mag-almusal, nagmadali na akong umalis dahil alas-otso y media ang pasok ko sa V&F Corporation. Pagdating ko sa gusali, mabilis akong pumasok sa elevator at dumiretso sa 45th floor. Kaba ang unang sumalubong sa akin pagbukas ng p***o ng opisina. Wala pa si Archie sa kanyang executive desk, kaya naman nakahinga ako nang maluwag kahit papaano. Naupo ako agad ang mesa ko at sinimulang i-organisa ang mga dokumentong kailangan para sa araw na ito.

Habang abala ako sa pag-check ng mga emails, biglang bumukas ang p***o at pumasok si Archie. Suot ang isang mamahaling itim na suit na lalong nagpalitaw sa kanyang tindig at awtoridad, hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin nang dumaan siya sa tabi ko at dire-diretsong pumasok sa kanyang pribadong kwarto para magbihis o mag-ayos.

Ramdam ko ang pag-init ng paligid ko tuwing nandiyan siya, parang may invisible na pressure na bumabalot sa buong silid.

Makalipas ang ilang minuto, lumabas siya at tinawag ako gamit ang malamig at seryosong boses.

"Ms. Montecillo, pumasok ka rito sa opisina ko ngayon na."

Agad akong tumayo, kinuha ang notepad at ballpen ko, at pumasok sa pribadong silid niya. Nakatayo siya sa tapat ng malaking salamin habang inaayos ang kurbata niya. Nang maramdaman niyang nakatayo na ako sa likuran niya, lumingon siya nang bahagya at iniabot ang isang listahan ng mga kailangang ayusin para sa susunod na business trip sa Cebu.

"Gusto kong i-book mo ang flight ko sa Biyernes, at siguraduhin mong sa sikat na resort tayo magbu-book dahil may meeting ako roon sa mga international partners," utos niya nang direkta sa mga mata ko. "At tandaan mo, kasama ka sa biyaheng iyon. Huwag na huwag kang magtatangkang tumanggi."

Nanlaki ang mga mata ko. "Kasama po ako? Sir, akala ko ba dito lang ako sa main office magre-report?"

"Nagbago ang isip ko," malamig niyang sagot habang lumalapit sa akin ng ilang hakbang. "Gusto ko malapit ka sa akin sa bawat oras para masiguradong walang kalokohan kang ginagawa sa likod ko. Naiintindihan mo ba, Jandie?"

Napakagat ako sa ibabang labi ko dahil sa inis at kaba. Wala akong nagawa kundi ang tumango.

"O-Opo, Sir. Masusunod."

Nang araw na iyon, naging sunud-sunod ang mga utos niya. Para bang pinipiga niya ang buong lakas ko sa trabaho. Ngunit sa gitna ng pagod ko sa opisina, hindi ko alam na sa parehong araw na iyon ay mangyayari ang pinakakinatatakutan ko sa buong buhay ko—ang pagsumpong ng sakita ni Liam at sa hindi inaasahang pagkakataon.

Bandang alas-kuwatro ng hapon, tumawag ang si Inay na natataranta ang boses nito sa kabilang linya. Nag-panic siya sa telepono dahil biglang sumakit ang tiyan ni Liam at kailangan itong dalhin sa pinakamalapit na clinic. Sa sobrang pag-aalala ko, nawala sa isip ko na nasa loob pa ako ng opisina ng boss ko. Tumayo ako nang biglaan, nanginginig ang mga kamay habang sinasabi kay Archie na kailangan ko nang umalis nang maaga dahil may emergency sa pamilya ko.

"Hindi ka pwedeng umalis ngayon, Jandie. Marami pa tayong tatapusin na dokumento para sa Singapore trip," mariing sabi niya habang pinipigilan ako.

"Sir, kailangan ko na pong pumunta sa bahay! Ang anak ko—este, ang kapatid ko, masama ang pakiramdam!" sigaw ko na muntik na ring madulas sa totoo kong sinasabi.

Dahil sa matinding desperasyon ko, hindi na ako nagpaalam nang maayos; mabilis akong tumakbo palabas ng opisina habang tinatawag niya ang pangalan ko nang may galit at gulat sa boses niya. Sumakay ako sa taxi patungo sa clinic sa probinsya kung nasaan ang kambal, hindi alintana kung masisante man ako sa trabaho o hindi. Ang mahalaga sa akin ay ang kalagayan ng anak ko.

Pagdating ko sa maliit na clinic, sinalubong agad ako ni Lianne na umiiyak sa gilid ng higaan habang nakahiga si Liam at namimilipit sa sakit ng tiyan dahil sa nakain nitong street food na binili ng kalaro nito kanina. Niyakap ko si Liam habang humihingi ng tawad sa sarili ko dahil hindi ko siya nabantayan nang maayos. Buti na lang at pagkalipas ng ilang oras ay bumuti na ang pakiramdam niya at pinayagan na kaming umuwi. Marami kasing allergies si Liam at hindi basta-basta nakakakain ng kung ano-ano bagay na namana na naman yata niya sa Epal niyang ama.

Ngunit kinabukasan, habang pumasok ako sa V&F Corporation na may eyebags dahil sa puyat sa pag-aalaga kay Liam kagabi, sinalubong ako ng isang napakatahimik at mabigat na atmosphere sa executive floor. Pagpasok ko sa opisina ni Archie, nakaupo siya sa kanyang mesa, madilim ang mukha, at ang mga mata ay nag-aapoy sa galit.

"Saan ka nagpunta kahapon nang bigla kang tumakbo palabas ng gusaling ito?" tanong niya gamit ang boses na halos bumalot sa buong kwarto.

"May emergency po sa pamilya ko, Sir," mahina kong sagot habang yumuko.

"Emergency?" tumayo si rchie at lumapit sa akin nang marahan.

Nahigit ko ang aking hininga at napalunok pa ako nang gahibla na lamang ang layo ng aming mga mukha.

"Sir?" May nginig sa boses ko, aminado ako doon.

"Emergency or hindi nakapaghintay ang sinsabi mong boyfriend mo?" Paanas nitong tanong subalit may diin.

"Emergency po Sir. Kung hindi po kayo naniniwala puwede niyo pong kausapin ang Nanay ko." Matatag kong sagot.

Nakita ko ang pagtango-tango ni Lucas at inilayo na nito ang kanyang mukha sa akin.

"Why would I? Nanay mo iyon, of course ikaw kakampihan." Anito.

"Nanay ko nga po siya pero hindi siya kailanman nagsinungaling!" Depensa ko naman dahil totoo iyon.

Pagak na tumawa si Lucas. "Nakahanda ka na bang makasama ako sa trip natin Abroad?" Bagkus ay tanong nito na tila nilihis na ang aming usapan.

Humugot ako nang malalim na hininga. "Tungkol diyan Sir baka malabo na po akong makasama. Ayoko pong iwanan ang pamilya ko na may emergency pa." Honest kong sagot.

Totoo iyon. Ayokong iwanan ang mga anak ko kahit pansamantala lamang. Lalo na nang maalala ko ang nangyari kahapon kay Liam, Oa man ako pero hindi ko sila kayang iwanan ng ilang araw.

"Hindi puwede. Ikaw ang bago dito, need mong ma-train nang husto! Lalo pa't malapit ng mag- resign si Miss Delagado." Giit ni Lucas.

"Pero Sir kasi-"

"Tell me, anong kailangan ng pamilya mo para sumama ka sa business trip natin? Or, gusto mo bang maa mauna ka ng mag- resign kaysa kay Miss Delgado?" Madiing sabi niya sa akin.

Natigilan ako at hindi nakapagsalita. Napatitig na lamang ako sa mukha ni Lucas na para bang sinasabi niyang wala talaga akong choice.

"Hindi ba sabi mo may emergency sa pamilya niyo? Bakit hindi ka mas magpursigeng magtrabaho para masolusyunan ang sinasabi mong emergency?" Dagdag pang sabi ni Lucas.

Nagbaba ako ng aking tingin. Naisip ko kapag tinanggal niya ako magsisimula na naman ako sa umpisa. Maghahanap na naman ako ng magandang trabaho ng ilaw araw o ilanv linggo. Baka ubos na ang matatanggap kong separation pay ay wala pa akong nahanap na ibang trabaho.

"Think about it, Jandie. Bukas ng hapon ang alis natin," sabi pa nito bago niya ako tuluyang iwanan.

Napabuntonghininga ako at laglag ang aking balikat na muling humarap sa aking computer. Natitigan ko ang kanina lamang ay ginawa kong pag-book sa flight namin papuntang Singapore. Balak ko na talagang huwag pumunta subalit nakaisip na naman si Lucas ng paraan para hindi ako umatras.

Kailangan ko ulit makausap si Inay!

Kapagkuwan ay ipinagpatuloy ko na ang aking mga ginagawa. Kung sakali ngang makakasama ako sa business trip kailangan wala akong maiiwang trabaho para hindi ako mahihirapan pagbalik ko.

"Maaga ang uwi mo ngayon para maihanda mo ang iyong mga kakailanganin. Kapag hindi ka sumama, prepare your resignation letter pagbalik ko sisante ka na!" Narinig kong sinabi ni Lucas nang huminto siya sa tapat ko.

Magsasalita pa lamang sana ako subalit mabilis na itong humakbang palayo. Iniwanan niya pa ako nang nagbabantang tingin na para bang sinasabi niyang makuha ako sa kanyang tingin.

Lihim ko siyang inirapan at minura-mura na naman sa aking isipan. Pero sa kabilang banda naman ay nagpapasalamat ako dahil maaga akong makapagpapahinga ngayong araw. Hindi na naman ako maga-overtime kagaya ng mga nakaraang araw. Nagligpit na ako ng aking mga gamit at naghanda na rin akong umuwi ng bahay.

Bahay.

Sinalubong ako ng aking kambal ng masaya nilang mukha. Agad nila akong niyakap at pinaghahalikan ang aking mukha.

"We miss you, Mommy!" Magkapanabay na sabi ng kambal.

Anong saya sa aking pakiramdam. Sila talaga ang akinf lakas kung kayat kahit pagod ako ay sabay ko silang binuhat. Mabigat na sila hindi na kagaya dati kaya si ngalay talaga ako. Inikot-ikot sila ng ilang beses panay ang hagikhik nilang dalawa hanggang sa nagkasaliw na ang aming tawanang mag- iina.

"Dumating ka na pala anak! Ang aga mo ngayon ah," sabi ni Inay nang dungawin niya kami sa sala.

Maingat kong ibinaba ang kambal at binilinan ko silang ipagpatuloy na nila ang kanilang mga ginagawa. Pinuntahan ko si Inay sa may kusina at nagmano ako sa kanya.

"Kaawaan ka ng Diyos anak," nakangiting wika ng Inay.

"Maaga po akong pinauwi ng boss namin Inay. Saka...naalala niyo po ba yong nasabi ko sa inyo noong isang araw?" Tugon ko nang makaupo na ako sa may mesa.

"Ah... yong sabi mong isasama ka ng boss mo sa business trip?" Tanong ng Inay.

"Opo," mahina kong sagot.

Humarap sa akin ang Inay. "Anong problema doon anak?"

Bumuntonghininga ako. "Ayoko na ho sanang sumama kasi po inaalala ko ang kambal at saka... kayo."

Hinawakan ni Inay ang aking mga kamay at tinapik-tapik iyon.

"Anak, huwag mo kaming alalahanin. Maano ba naman iyong ilanv araw kayo doon, kayo ko namang aalagaan ang kambal. Ayaw mo n'on anak mas may maidagdag ka sa nalalaman mo pagkatapos ng business trip niyo?" Madamdaming tugon ni Nanay.

Alanganin akong ngumiti. Hindi ako sanay na malayo sa kanila ng ilang araw simula pa noong iniluwal ko ang kambal.

"Sige na anak, sumama ka na. Malay mo dahil doon ma-promote ka. Kailan ba kayo pupunta?" Sabi pa ng Inay.

"Eh...bukas na po ng hapon napaaga po," atubili kong sagot.

"Aba ay kailangan mo ng maghanda ng mga gamit mo. Pagkatapos kausapin mo na ang kambal saka bilinan," masiglang tugon ni Inay na mas excited pa yata kaysa sa akin.

"Pero Inay-"

"Anak baka sisantehin ka ng boss mo kapag sinuway mo siya!" Giit pa ng Inay.

Noon ako nahimasmasan. Parang naulit lang ang sinabi ni Archie kanina sa akin, inulit lang ng Inay.

Bakit nahulaan ng Inay ang sinabi sa akin ng Epal na ama ng kambal ko?

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • HIDING MY EX-BOSS TWINS HEIR   Chapter 5: Singapore Trip

    JANDIE'S POV Nasa loob na kami ng NAIA Terminal 3, pero pakiramdam ko, yung bituka ko eh umakyat na ata sa lalamunan ko sa sobrang kaba. Hawak-hawak ko nang mahigpit ang strap ng shoulder bag ko habang nakatitig sa napakalaking eroplano sa labas ng bintana. Unang beses ko pa lang kasing sasakay ng eroplano. Tapos, may kasama pa akong fear of heights na matagal ko na ring inaalagaan."Huminga ka nang malalim, Jandie. Huwag mong pigilan ang hangin, baka himatayin ka pa dito bago pa tayo umalis," sabay abot sa akin ni Archie ng isang bote ng mineral water.Hindi ko alam kung maiinis ba ako o matutuwa. Limang taon kaming nagkahiwalay, limang taong walang balita, pero heto siya ngayon, kilalang-kilala pa rin ang mga maliliit kong kahinaan. Alam niya kung kailan ako kinakabahan, alam niya kung paano ako titigilan ng paghinga kapag nai-stress ako."Hindi ko kailangan ng tubig mo," sabi ko sabay iwas ng tingin. "Kailangan ko ng milagro na sana biglang masira ang eroplanong yan para hindi na

  • HIDING MY EX-BOSS TWINS HEIR   Chapter 4: Ang Emergency

    JANDIE'S POV Maaga akong nagising kinabukasan kahit halos tatlong oras lang ang naging tulog ko. Ang bigat ng pakiramdam ng katawan ko, parang binugbog ng mga mabibigat na bato, pero wala akong karapatang magreklamo o manatili sa kama. Kailangan kong kumilos nang mabilis para maipag-almusal ang kambal bago ako pumasok muli sa impyernong iyon na tinatawag kong opisina. Habang naghahanda ako sa maliit naming kusina, paulit-ulit na naglalaro sa isip ko ang mga banta at matalim na titig ni Archie kagabi. Ang lalaking iyon ay parang isang delikadong hayop na unti-unting lumalapit sa kanyang biktima, handang sumakmal sa tamang panahon."Mommy, bakit po parang puyat na puyat kayo?" tanong ni Lianne habang kinakamot ang mga mata nito habang naglalakad palapit sa akin suot ang paborito nitong kulay pink na pajamas.Agad kong pinilit ngumiti at lumuhod para pantayan siya. "Ayos lang si Mommy, baby. Napuyat lang sa pagtatrabaho kagabi para may pambili tayo ng mga paborito mong laruan at pagkain

  • HIDING MY EX-BOSS TWINS HEIR   Chapter 3: Bantay Sarado

    JANDIE'S POV Mabilis na lumipas ang buong linggo, pero ang bawat oras ay tila walang katapusang paghihirap para sa akin. Akala ko pagkatapos ng nangyari sa opisina niya noong unang araw ay mababawasan na ang tensyon, ngunit nagkamali ako. Mas lumala pa ito. Dahil sa desisyon niyang gawing personal secretary niya ako, halos wala na kaming espasyo para huminga nang hiwalay. Lahat ng galit, hinanakit, at malamig na pagtingin na itinatago niya sa akin noon ay ibinubuhos niya ngayon sa pamamagitan ng pagbibigay ng sunud-sunod na mabibigat na trabaho at pagbabantay sa bawat galaw ko na parang isang kriminal na nakatakas sa kulungan."Jandie," narinig kong tawag ni Archie.Mabilis akong tumayo mula sa aking upuan at nilapitan ko siya."Bakit po Sir?" Tanong ko.Tiningnan niya ako nang matiim. "Do you have a husband?" Biglang tanong niya na ikinalaglag ng aking mga panga."A-Anong sabi mo, Sir?" Pautal ko pang tanong para ulitin ang sinabi nito at baka nabingi lang ako."Hindi ka naman sigu

  • HIDING MY EX-BOSS TWINS HEIR   Chapter 2: Unang Tagpo

    JANDIE'S POV Alas-syete y media pa lang ng umaga ay nakatayo na ako sa tapat ng napakalaking glass door ng V&F Corporation. Naka-pencil skirt akong itim na hanggang tuhod, puting long-sleeved blouse na may mahigpit na butones sa leeg, at itim na blazer na nagbigay sa akin ng mukhang propesyonal kahit ang totoo ay nagdidilim na ang paningin ko sa sobrang kaba. Huminga ako nang malalim, pilit pinapakalma ang nanginginig kong mga kamay na kanina pa pinagpapawisan habang hawak ang maliit kong leather folder. Huwag kang matakot, Jandie, bulong ko sa sarili ko habang inaalala ang mukha ng kambal ko bago ako umalis. Para sa kanila ito. Kailangan mong panindigan ang desisyong ito.Nang tumunog ang bell hudyat ng alas-otso, naglakad na ako papasok sa private elevator na didiretso sa executive floor. Tahimik ang buong paligid habang umaakyat ang elevator. Ang bilis ng pagkabog ng dibdib ko ay parang tambol na nagbababala sa akin na anumang oras ay aatake na naman ang sistema ko. Pagbukas ng

  • HIDING MY EX-BOSS TWINS HEIR   Chapter 1: Ang Pagbabalik

    Nanginginig ang mga daliri ko habang hinahawakan ang itim na ballpen na ibinigay sa akin ng receptionist. Tatlong beses ko nang binasa ang pangalang isinulat ko sa application form, pero pakiramdam ko ay mali pa rin ang bawat titik. Jandie Montecillo. Isang napakasimpleng pangalan, para sa isang napakasimpleng buhay na pinaghirapan kong buuin at ingatan sa loob ng limang mahabang taon sa isang malayong probinsya, napakalayo sa magulong siyudad ng Maynila. Pero ngayong pinilit ako ng sitwasyon na bumalik at humarap sa mundong ito, pakiramdam ko ay isinusubo ko lamang ang sarili ko sa mismong nagliliyab na bunganga ng bulkan."Ms. Montecillo? Ikaw na po ang susunod sa loob," basag ng receptionist sa katahimikan ng malawak na hallway habang nakangiti nang tipid sa akin.Tumango ako kahit parang may matigas na bagay na bumabara sa lalamunan ko na nagpahirap sa akin para lumunok. Huminga ako nang malalim, pilit pinapakalma ang mabilis at marahas na kabog ng dibdib ko na parang gustong kuma

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status