แชร์

Chapter 5: Singapore Trip

ผู้เขียน: Lady_RedRoses11
last update วันที่เผยแพร่: 2026-11-23 08:03:32

JANDIE'S POV

Nasa loob na kami ng NAIA Terminal 3, pero pakiramdam ko, yung bituka ko eh umakyat na ata sa lalamunan ko sa sobrang kaba. Hawak-hawak ko nang mahigpit ang strap ng shoulder bag ko habang nakatitig sa napakalaking eroplano sa labas ng bintana. Unang beses ko pa lang kasing sasakay ng eroplano. Tapos, may kasama pa akong fear of heights na matagal ko na ring inaalagaan.

"Huminga ka nang malalim, Jandie. Huwag mong pigilan ang hangin, baka himatayin ka pa dito bago pa tayo umalis," sabay abot sa akin ni Archie ng isang bote ng mineral water.

Hindi ko alam kung maiinis ba ako o matutuwa. Limang taon kaming nagkahiwalay, limang taong walang balita, pero heto siya ngayon, kilalang-kilala pa rin ang mga maliliit kong kahinaan. Alam niya kung kailan ako kinakabahan, alam niya kung paano ako titigilan ng paghinga kapag nai-stress ako.

"Hindi ko kailangan ng tubig mo," sabi ko sabay iwas ng tingin. "Kailangan ko ng milagro na sana biglang masira ang eroplanong yan para hindi na tayo matuloy."

Napangisi lang si Archie. Yung ngisi na nakakainis, yung tipong alam niyang nagmamatigas lang ako.

"Anong masira? Naka-check in na tayo, oh. Tara na, tinatawag na yung boarding group natin."

Pagpasok namin sa eroplano, mas lalo akong pinagpawisan ng malamig. At nung makita ko yung boarding pass ko, mas lalo akong gustong lumubog sa kinatatayuan ko. Magkatabi kami. Ewan ko ba kung sinong demonyong ahente ng travel agency ang nag-ayos nito, o sadyang mapaglaro lang talaga ang tadhana.Ang alam ko naman sa ginawa kong pag-book ay hindi magkatabi ang aming mga upuan.

Kainis!

Nung umupo na kami, ramdam ko agad yung awkwardness sa ere. Sobrang lapit namin sa isa't isa. Yung balikat niya, dumadampi sa balikat ko tuwing gagalaw siya.

Gusto kong lumayo, pero hanggang saan naman ako aabot? Nasa aisle siya, nasa tabi ako ng bintana.

Nagsalita si Archie habang inaayos niya yung seatbelt niya. "Kung gusto mong humawak sa braso ko mamaya pag-take off, pwede naman. Hindi ko sisingilin."

Lumingon ako sa kanya nang may talim sa mga mata ko. "Asa ka pa. Mas gugustuhin ko pang kurutin yung hita ko hanggang mamula kaysa dumikit sa'yo."

"Sabi mo yan ah," mahinang natawa si Archie. "Tignan natin kung hanggang saan tatagal yang pride mo mamaya pag-umangat na tayo."

At tama nga siya. Nung maramdaman ko yung pagbilis ng takbo ng eroplano sa runway tapos yung biglang pag-angat nito patungo sa ere, parang huminto yung mundo ko. Napapikit ako nang mariin. Biglang nanlamig ang mga kamay ko at kusang kumapit ang mga daliri ko sa armrest ng upuan hanggang sa mamuti ang mga knuckles ko. Para akong sinasakal. Ang taas-taas na namin, at ang pakiramdam ko eh babagsak kami anumang oras.

"Sabi ko na nga ba eh," bulong sa akin ni Archie.

Naramdaman ko na lang na hinawakan niya yung nanginginig kong kamay. Pilit ko sanang binawi, pero hinigpitan niya ang pagkakahawak, dinala niya yun sa ibabaw ng hita niya at hinayaan niya akong bumaon ang mga kuko ko sa balat niya para may mapagbuhusan ako ng takot.

"Huwag kang tumingin sa labas. Tingnan mo lang ako," mahinang sabi niya, sapat na para marinig ko sa gitna ng ingay ng makina.

Napadilat ako at tumingin sa kanya. Seryoso ang mga mata niya. Walang pang-aasar. Yung mga mata na yan... yan din yung mga matang tiningnan ko limang taon na ang nakakaraan bago kami tuluyang gumuho.

"Bakit mo pa ginagawa to?" nanginginig kong tanong, hindi ko na napigilan. "Bakit kailangan ikaw pa ang makasama ko sa biyaheng to? Hindi naman ikaw sana ang dapat kong katabi eh!"

Binitawan niya ang isang kamay ko para ayusin yung buhok kong tumatakip sa mukha ko.

"Dahil ikaw ang nag-book nito kaya alam kong sabik kang makatabi ako Jandie. O, mas tama kong sabihing sabik kang maamoy ako dahil five years ng hindi mo naamoy ang aking katawan." Nakangising sabi nito.

Hindi na ako nakasagot. Ramdam kong malapit na akong masuka kaya ayoko ng ibuka ang bibig ko. Nanatili kaming ganun hanggang sa makarating kami sa Changi Airport sa Singapore.

Pagbaba namin ng eroplano, halos hilahin ko na ang maleta ko sa sobrang pagod at gutom. Ang gusto ko lang talaga ay makarating sa hotel, maligo, at matulog nang hindi ko katabi ang pagmumukha ni Archie. Pero sadyang mapaglaro talaga ang tadhana ngayong araw na ito.

Naka-check in na kami sa hotel. Pagod na pagod kaming pumasok sa elevator hanggang sa huminto kami sa tapat ng isang kwarto. Kinuha ni Archie yung key card, binuksan yung p***o, at pumasok kami sa loob.

Ang ganda ng kwarto. Malawak, may malaking king-sized bed, magandang living area, at overlooking sa city lights ng Singapore.

Pero teka...

Lumingon ako kay Archie na sadyang inilapag ang mga gamit sa tabi ng couch. "Archie, teka lang. Nasaan yung kwarto ko?"

Lumingon siya sa akin nang may pagtataka sa mukha. "Anong kwarto mo?"

"Yung kwarto ko! Sabi ko diba magkaiba tayo ng booking? Sabi ko sa HR magkaiba kami ng room ni Archie dahil may trabaho tayo dito, hindi para mag-honeymoon!" bulyaw ko na halos pumiyok na sa sobrang gulat.

Nagkibit-balikat si Archie sabay kuha ng remote ng aircon. "Wala na kaming magagawa, Jandie. Full booked na buong hotel dahil sa dagsa ng mga turista ngayon. Ito na lang ang natitirang executive suite available. O gusto mo, ikaw ang lumabas dyan sa lobby at magtanong kung may bakante pa sa iba? Sige, samahan kitang maghanap kung may gusto silang ibigay sa iyong karton sa labas."

Nanlaki ang mga mata ko. "Are you out of your mind?! Iisang kama lang to, Archie! Paano tayo matutulog dito?"

Lumapit siya sa akin nang unti-unti. Yung mga hakbang niya, mabibigat pero sadyang nakakapagpakaba ng dibdib ko. Huminto siya nang ilang pulgada lang ang layo mula sa akin. Amoy na amoy ko pa rin yung pabango niya, yung parehong amoy na minahal ko, yung parehong amoy na sinubukan kong kalimutan sa loob ng limang taon.

"May sofa naman dyan, Jandie," mahinang bulong niya habang nakatitig nang diretso sa mga mata ko. "O kaya... pwede naman nating pag-usapan kung sino ang mauuna sa kama. Pero kung gusto mo namang magtabi tayo gaya noon... walang pipigil sa'yo."

Napakurap ako. Agad akong umatras palayo sa kanya. "Ang kapal ng mukha mo! Huwag mo akong ma-ganyan-ganyan, Archie! Hindi na tayo pareho ng dati!"

"Alam ko," sagot niya, at biglang lumungkot yung boses niya. Isang lungkot na masakit sa mata. "Kaya nga natin to inaayos ngayon, diba? Dahil alam kong hindi na tayo pareho."

Wala na akong nagawa. Gusto ko pang sumigaw, gusto ko pang magreklamo sa ahensya, pero pagod na pagod na talaga ako. Padabog kong kinuha ang bag ko at dire-diretsong pumasok sa banyo para maghilamos, habang naririnig ko ang mahinang pagtawa niya sa labas.

Paglabas ko ng banyo, nakita ko siyang nakahiga na sa kabilang gilid ng malaking kama habang nakapikit ang mga mata.

Tulog na ba siya? Mabuti naman hmmpp!

"Matulog ka na, Jandie," sabi niya nang hindi tumitingin sa akin. "Mahaba pa ang meeting natin bukas. At kung sakaling managinip ka na naman ng masama tungkol sa heights... nandito lang ako sa tabi mo."

Napalunok ako. Pinatay ko ang ilaw sa tabi ko at humiga sa kabilang dulo ng kama, nakatalikod sa kanya. Pero kahit nakapikit na ako, rinig na rinig ko ang paghinga niya. At sa bawat paghinga niya, ramdam ko na naman yung mga alaalang pilit kong binaon sa limot.

Nagkamali na naman ako, akala ko kaya ko siyang iwasan sa trabaho. Pero habang nakahiga ako sa dilim at katabi ang lalaking sumira at bumuo sa akin noon, alam ko na sa sarili ko... simula pa lang ito ng pinakamahabang linggo ng buhay ko.

Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako sa kakaisip. Nagising ako kinaumagahan dahil sa lakas ng sikat ng araw na tumatagos sa malaking glass window ng suite. Pumihit ko sa kabilang gilid, napansin kong wala na si Archie sa kama. Naalala ko tuloy yung nangyari kagabi. Ang bigat ng dibdib ko, pero agad ko ring pinaalalahanan ang sarili ko na huwag magpadala sa emosyon. Trabaho ito. Business trip ito para sa kompanya, hindi ito reunion naming dalawa.

Tumayo na ako at mabilis na nag-ayos ng sarili. Paglabas ko ng banyo, naabutan ko si Archie na may dalang paper bag mula sa sikat na local bakery dito sa Singapore. Naka-polo shirt na siya at mukhang fresh na fresh kahit alam kong pareho kaming puyat.

"Gising ka na pala," bati niya habang inilalapag ang mga pagkain sa maliit na table. "Umorder na ako ng breakfast sa baba para hindi na tayo mahuli sa meeting natin mamayang alas-nuebe. Kumain ka na muna."

Tiningnan ko siya nang masama habang inaayos ko ang kwelyo ng blazer ko. "Kahit kailan talaga, mahilig kang manguna ng desisyon ko. Sino ba kasing may sabi na sabay tayong kakain?"

"Jandie, kaya ko binili yan para sa'yo dahil alam kong wala ka na namang dalang maayos na pagkain bukod sa mga instant noodles na tinatago mo sa maleta mo," sagot niya nang may halong lambing at pang-aasar.

"Kumain ka na. Ayokong magkasakit ka dito sa ibang bansa. Ako pa ang lagor sa pag-aalala ng pamilya mo kung may mangyaring masama sa'yo."dagdag pa niyang sabi sa akin.

"Ewan ko sa'yo, Archie," sabi ko sabay irap, pero hindi ko rin napigilan ang tiyan ko na umalingawngaw dahil sa amoy ng mainit na kape at pastry.

Wala akong nagawa kundi umupo at maupo sa harap ng mesa. Kahit kailan, talagang alam niya kung paano ako susuyuin kahit sa simpleng paraan lang.

Habang kumakain kami, tahimik ang buong paligid maliban sa tunog ng kubyertos. Ramdam ko ang mga tingin niya paminsan-minsan, pero kunwari ay wala akong napapansin. Ayokong magpadala sa mga matang yan. Limang taon akong nagtiis na mabuhay nang wala siya, natutunan kong tumayo sa sarili kong mga paa, at hindi ko hahayaang sa isang linggo lang ay gumuho ulit ang lahat ng pinaghirapan ko.

"Sabay na tayong bumaba," sabi niya pagkatapos naming kumain.

"Nasa lobby na daw yung sundo natin papuntang Marina Bay kung saan gaganapin yung conference."

"Kaya ko ang sarili ko, Archie. Huwag mo akong sundan parang buntot," sagot ko sabay tayo at kinuha ang folder ng mga dokumento ko.

"Hindi kita sinusundan, Jandie. Magkasama lang talaga tayo ng pupuntahan, at ako ang boss mo huwag mong kalimutan." sagot niya nang may pilyong ngiti na lalong nagpakulo ng dugo ko.

Pagbaba namin, agad kaming sumakay sa itinalagang van ng kompanya papunta sa conference venue. Habang nasa biyahe, tanaw ko ang magandang tanawin ng Singapore, mga matatayog na gusali, malinis na lansangan, at mga berdeng halaman sa bawat sulok. Maganda ang lugar, pero ang init ng ulo ko dahil sa lalaking katabi ko ay parang lalong sumasabay sa init ng panahon dito.

Pagdating namin sa venue, agad kaming sinalubong ng mga partners namin mula sa Singapore branch.

Naging busy ang buong umaga sa mga presentasyon, pakikipag-meeting, at pag-pirma ng mga kontrata. Nakita ko ang sarili kong nag-focus sa trabaho, at unti-unti kong nakalimutan na kasama ko si Archie sa parehong silid. Magaling siya sa ginagawa niya, nakita ko kung paano siya makipag-usap sa mga kliyente, kung paano siya magpaliwanag ng mga estratihiya nang may kumpiyansa.

Naalala ko tuloy kung bakit minahal ko siya noon. Kasi noon pa man, pangarap na talaga niyang maging successful sa career niya. At hindi naman siya nabigo, nasa kanya na talaga ang Mondragon Empire na pinag-aagawan nilang magkakamag-anak.

Pero habang pinapanood ko siya mula sa kabilang dulo ng mahabang mesa, naramdaman ko ang isang kirot sa dibdib ko. Kasi habang tinutupad niya ang mga pangarap niya, nagkasira kaming dalawa. O mas Tamang sabihin kong sinira kami ng iba hindi lang niya kayang paniwalaan at ako pa ang lumabas na masam. Iniwan niya akong nagtatanong kung bakit kailangang magtapos ang lahat nang walang malinaw na dahilan.

Nang mag-lunch break na, nagpaalam muna ako na magbanyo para makahinga ng maluwag. Sobrang dami ng tao at medyo sumasakit ang ulo ko sa aircon at sa sunod-sunod na pag-uusap. Pagpasok ko sa washroom, hinarap ko ang salamin at pilit na inayos ang buhok ko.

"Kaya mo 'to, Jandie," bulong ko sa sarili ko habang umiinom ng tubig mula sa aking tumbler. "Limang araw lang 'to. Pagkatapos nito, babalik ka na sa Pilipinas at hindi mo na siya kailanman makakadikit ulit."

Paglabas ko ng washroom, nagulat ako nang makita si Archie na nakasandal sa pader malapit sa pintuan, tila ba naghihintay sa akin. May hawak siyang dalawang tasa ng mainit na kape mula sa malapit na café.

"Bakit ka nandito? May meeting ba tayo ulit?" tanong ko agad, medyo naiinis dahil bakit kailangan niya pa akong abangan.

Inabot niya sa akin ang isang tasa.

"Wala namang meeting. Gusto lang kitang i-check. Napansin ko kasing parang namumutla ka kanina habang nagpapatakbo ako ng presentation. Napagod ka ba masyado sa biyahe kagabi?"kaswal na sagot niya sa akin.

Kahapon pa ako nagtataka sa mga kilos at trato niya sa akin. From fierce to medyo mabait na may halong pang-iinis ang trato niya sa akin dito sa Singapore. Nakapagtataka at medyo weird para sa akin kasi ang puso ko...medyo may pagka-traydor ito.

"Huwag mo akong alalahanin, Archie. Hindi ko kailangan ng concern mo," mariin kong sagot at binalewala ang inaalok niyang kape.

"Kung wala kang sasabihing importante tungkol sa trabaho, babalik na ako sa conference room." Sabi ko pa.

Hinarangan niya ang daan ko gamit ang isang braso na nakasandal sa pader. Hindi ko magawang lumagpas dahil masyadong malapit ang katawan niya. Tumingala ako para tignan siya nang diretso sa mga mata.

"Hanggang kailan mo ba ako iiwasan, Jandie?" mahinang tanong niya, sapat na para marinig ko ang bigat ng damdamin sa boses niya. "Limang taon akong nagtiis na hindi ka makita, limang taong inintindi ko ang sarili ko kahit ang gusto ko lang ay tumawag at kamustahin ka. Tapos ngayon na nagkita na tayo ulit, ganito na lang ba ang trato mo sa akin?"

Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Parang binuhusan ng malamig na tubig ang buong katawan ko sa mga sinabi niya.

"Ikaw ang may desisyon na tapusin ang lahat, Archie!" sigaw ko, kahit pinilit ko itong hinaan para hindi marinig ng ibang tao sa pasilyo.

"Ikaw ang nagtaboy sa akin, ang pumutol sa relasyon natin nang walang pasabi! Ikaw ang nangako tapos biglang ako ang tinaboy mo? Tapos ngayon, magtatanong ka kung bakit ganito ang trato ko sa'yo?! Ang kapal naman ng mukha mo para isiping ganoon na lang kadali ang lahat para sa akin!"

Tumahimik siya. Unti-unting ibinaba ang braso niya at umiwas ng tingin. Ang mga mata niya ay napuno ng sakit, isang bagay na hindi ko inaasahang makikita sa kanya ngayon.

"Ako ba talaga ang may kasalanan Jandie?" mahinang bulong niya na halos hindi ko na narinig.

Napaatras ako sa sinabi niya.

Anong sinasabi mo? Anong klase ng katarantaduhan 'yan, Archie? Para sabihin ko sa'yo, ang pinakamasakit sa akin noon ay ang mas naniwala ka sa kanila kaysa sa akin, kaya gumanti lang ako. Kinamumuhian mo na ako that time hindi ba? Kaya wala naman na sigurong dahilan pa para manatili ako sa tabi mo!" Naluluha Kong sagot kay Archie.

Hindi na siya sumagot. Tumalikod siya nang dahan-dahan at naglakad palayo palayo sa akin, habang ako ay naiwan doon, nanginginig ang mga kamay at nag-iinit ang sulok ng mga mata sa galit at sakit.

Pagpasok ko ulit sa conference room, pilit kong pinairal ang propesyonalismo ko kahit parang sasabog na ang dibdib ko. Ngumiti ako sa mga kliyente, nakipagkamay, at nagkunwaring walang nangyari. Pero sa bawat minutong lumilipas, alam kong ang biyaheng ito sa Singapore ay hindi lang basta simpleng trabaho. Ito ang hudyat ng pagbabalik ng mga multo ng kahapon na pilit kong kinalimutan.

Nang matapos ang buong araw na pagpupulong, sabay kaming bumalik sa hotel sa parehong van. Walang nagsalita sa aming dalawa sa buong biyahe. Ang tanging naririnig ko lang ay ang ingay ng mga sasakyan sa labas at ang sarili kong paghinga.

Pagpasok namin sa executive suite, dire-diretso akong pumasok sa kwarto at ibinagsak ang bag ko sa ibabaw ng sofa. Ayokong makipag-usap sa kanya. Ayokong marinig ang kahit anong paliwanag dahil alam kong masasaktan lang ako lalo.

Maya-maya, narinig ko ang pagbukas ng p***o ng banyo at ang paglagaslas ng tubig sa shower. Umupo ako sa gilid ng kama at niyakap ang mga tuhod ko.

Bakit ba kailangang nagtagpo pa ulit ang mga landas namin? Bakit kailangang maulit pa ang nakaraan?

Ilang minuto ang lumipas, lumabas si Archie mula sa banyo suot ang puting T-shirt at kulay abong sweatpants. Basang-basa pa ang buhok niya at may tuwalya siyang nakasabit sa leeg habang pinupunasan ang ulo niya.

Tumingin siya sa akin na nakaupo pa rin sa gilid ng kama. Huminto siya sandali sa kinatatayuan niya, bumuga ng malalim na hininga, at dahan-dahang lumapit.

"Huwag kang lumapit sa akin," banta ko habang nakataas ang isang kamay ko.

Tumigil naman siya sa paglalakad at nanatili sa gitna ng silid. "Hindi ako manggugulo, Jandie. Gusto ko lang sabihin sa'yo na... bukas, pagkatapos ng huling meeting natin dito sa Singapore, libre tayo buong hapon. Kung gusto mong maglibot sa Gardens by the Bay o sa Marina Bay Sands para naman makasama ka sa labas kahit papaano bilang turista, sasamahan kita."

Nalaglag ang aking mga panga.

Ano ang nakain ng mokong na ito? Panis na pandesal? O may gayumang tsaa?

Tiningnan ko siya nang may halong pagtataka. "Bakit mo ba ginagawa 'to, Archie? Ano bang gusto mo talagang palabasin?"

Ngumiti siya nang tipid isang ngiting malungkot pero sapat para tibagin ang pader na itinayo ko sa paligid ng puso ko sa loob ng limang taon. "Gusto ko lang limutin ang gap sa pagitan natin, Jandie. Kahit konti lang. Kahit sa maikling panahong ito lang."

Hindi na ako sumagot. Humiga ako nang tuluyan sa kama, tinalikuran siya, at pumikit nang mariin. Pero sa isip ko, alam ko na bukas ay isa na namang mahabang pagsubok para sa akin at sa pusong pilit kong pinapatigas.

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • HIDING MY EX-BOSS TWINS HEIR   Chapter 5: Singapore Trip

    JANDIE'S POV Nasa loob na kami ng NAIA Terminal 3, pero pakiramdam ko, yung bituka ko eh umakyat na ata sa lalamunan ko sa sobrang kaba. Hawak-hawak ko nang mahigpit ang strap ng shoulder bag ko habang nakatitig sa napakalaking eroplano sa labas ng bintana. Unang beses ko pa lang kasing sasakay ng eroplano. Tapos, may kasama pa akong fear of heights na matagal ko na ring inaalagaan."Huminga ka nang malalim, Jandie. Huwag mong pigilan ang hangin, baka himatayin ka pa dito bago pa tayo umalis," sabay abot sa akin ni Archie ng isang bote ng mineral water.Hindi ko alam kung maiinis ba ako o matutuwa. Limang taon kaming nagkahiwalay, limang taong walang balita, pero heto siya ngayon, kilalang-kilala pa rin ang mga maliliit kong kahinaan. Alam niya kung kailan ako kinakabahan, alam niya kung paano ako titigilan ng paghinga kapag nai-stress ako."Hindi ko kailangan ng tubig mo," sabi ko sabay iwas ng tingin. "Kailangan ko ng milagro na sana biglang masira ang eroplanong yan para hindi na

  • HIDING MY EX-BOSS TWINS HEIR   Chapter 4: Ang Emergency

    JANDIE'S POV Maaga akong nagising kinabukasan kahit halos tatlong oras lang ang naging tulog ko. Ang bigat ng pakiramdam ng katawan ko, parang binugbog ng mga mabibigat na bato, pero wala akong karapatang magreklamo o manatili sa kama. Kailangan kong kumilos nang mabilis para maipag-almusal ang kambal bago ako pumasok muli sa impyernong iyon na tinatawag kong opisina. Habang naghahanda ako sa maliit naming kusina, paulit-ulit na naglalaro sa isip ko ang mga banta at matalim na titig ni Archie kagabi. Ang lalaking iyon ay parang isang delikadong hayop na unti-unting lumalapit sa kanyang biktima, handang sumakmal sa tamang panahon."Mommy, bakit po parang puyat na puyat kayo?" tanong ni Lianne habang kinakamot ang mga mata nito habang naglalakad palapit sa akin suot ang paborito nitong kulay pink na pajamas.Agad kong pinilit ngumiti at lumuhod para pantayan siya. "Ayos lang si Mommy, baby. Napuyat lang sa pagtatrabaho kagabi para may pambili tayo ng mga paborito mong laruan at pagkain

  • HIDING MY EX-BOSS TWINS HEIR   Chapter 3: Bantay Sarado

    JANDIE'S POV Mabilis na lumipas ang buong linggo, pero ang bawat oras ay tila walang katapusang paghihirap para sa akin. Akala ko pagkatapos ng nangyari sa opisina niya noong unang araw ay mababawasan na ang tensyon, ngunit nagkamali ako. Mas lumala pa ito. Dahil sa desisyon niyang gawing personal secretary niya ako, halos wala na kaming espasyo para huminga nang hiwalay. Lahat ng galit, hinanakit, at malamig na pagtingin na itinatago niya sa akin noon ay ibinubuhos niya ngayon sa pamamagitan ng pagbibigay ng sunud-sunod na mabibigat na trabaho at pagbabantay sa bawat galaw ko na parang isang kriminal na nakatakas sa kulungan."Jandie," narinig kong tawag ni Archie.Mabilis akong tumayo mula sa aking upuan at nilapitan ko siya."Bakit po Sir?" Tanong ko.Tiningnan niya ako nang matiim. "Do you have a husband?" Biglang tanong niya na ikinalaglag ng aking mga panga."A-Anong sabi mo, Sir?" Pautal ko pang tanong para ulitin ang sinabi nito at baka nabingi lang ako."Hindi ka naman sigu

  • HIDING MY EX-BOSS TWINS HEIR   Chapter 2: Unang Tagpo

    JANDIE'S POV Alas-syete y media pa lang ng umaga ay nakatayo na ako sa tapat ng napakalaking glass door ng V&F Corporation. Naka-pencil skirt akong itim na hanggang tuhod, puting long-sleeved blouse na may mahigpit na butones sa leeg, at itim na blazer na nagbigay sa akin ng mukhang propesyonal kahit ang totoo ay nagdidilim na ang paningin ko sa sobrang kaba. Huminga ako nang malalim, pilit pinapakalma ang nanginginig kong mga kamay na kanina pa pinagpapawisan habang hawak ang maliit kong leather folder. Huwag kang matakot, Jandie, bulong ko sa sarili ko habang inaalala ang mukha ng kambal ko bago ako umalis. Para sa kanila ito. Kailangan mong panindigan ang desisyong ito.Nang tumunog ang bell hudyat ng alas-otso, naglakad na ako papasok sa private elevator na didiretso sa executive floor. Tahimik ang buong paligid habang umaakyat ang elevator. Ang bilis ng pagkabog ng dibdib ko ay parang tambol na nagbababala sa akin na anumang oras ay aatake na naman ang sistema ko. Pagbukas ng

  • HIDING MY EX-BOSS TWINS HEIR   Chapter 1: Ang Pagbabalik

    Nanginginig ang mga daliri ko habang hinahawakan ang itim na ballpen na ibinigay sa akin ng receptionist. Tatlong beses ko nang binasa ang pangalang isinulat ko sa application form, pero pakiramdam ko ay mali pa rin ang bawat titik. Jandie Montecillo. Isang napakasimpleng pangalan, para sa isang napakasimpleng buhay na pinaghirapan kong buuin at ingatan sa loob ng limang mahabang taon sa isang malayong probinsya, napakalayo sa magulong siyudad ng Maynila. Pero ngayong pinilit ako ng sitwasyon na bumalik at humarap sa mundong ito, pakiramdam ko ay isinusubo ko lamang ang sarili ko sa mismong nagliliyab na bunganga ng bulkan."Ms. Montecillo? Ikaw na po ang susunod sa loob," basag ng receptionist sa katahimikan ng malawak na hallway habang nakangiti nang tipid sa akin.Tumango ako kahit parang may matigas na bagay na bumabara sa lalamunan ko na nagpahirap sa akin para lumunok. Huminga ako nang malalim, pilit pinapakalma ang mabilis at marahas na kabog ng dibdib ko na parang gustong kuma

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status