เข้าสู่ระบบJANDIE'S POV
Mabilis na lumipas ang buong linggo, pero ang bawat oras ay tila walang katapusang paghihirap para sa akin. Akala ko pagkatapos ng nangyari sa opisina niya noong unang araw ay mababawasan na ang tensyon, ngunit nagkamali ako. Mas lumala pa ito. Dahil sa desisyon niyang gawing personal secretary niya ako, halos wala na kaming espasyo para huminga nang hiwalay. Lahat ng galit, hinanakit, at malamig na pagtingin na itinatago niya sa akin noon ay ibinubuhos niya ngayon sa pamamagitan ng pagbibigay ng sunud-sunod na mabibigat na trabaho at pagbabantay sa bawat galaw ko na parang isang kriminal na nakatakas sa kulungan. "Jandie," narinig kong tawag ni Archie. Mabilis akong tumayo mula sa aking upuan at nilapitan ko siya. "Bakit po Sir?" Tanong ko. Tiningnan niya ako nang matiim. "Do you have a husband?" Biglang tanong niya na ikinalaglag ng aking mga panga. "A-Anong sabi mo, Sir?" Pautal ko pang tanong para ulitin ang sinabi nito at baka nabingi lang ako. "Hindi ka naman siguro bingi. Ikaw kung nagbingi-bingihan ka lang," malamig nitong tugon. Bumuntonghininga ako. "Bakit mo po tinatanong Sir kung may asawa na ako?" Si Archie naman ang napabuntonhininga saka niya ako tinitigan sa aking mga mata. "Alam kaya niyang...isa kang dakilang runaway woman? Baka pagkatapos mo siyang pagsawaan ay tinakbuhan mo din siya? Ano ang tinangay mong pag-aari niya? Black card? " Nanunuya nitong wika. Matapang ko din siyang tinitigan. "Bakit ba ang hilig mong mangialam sa personal kong buhay. Hindi ako, gold digger!" Sagot kong taas noo. Base sa naalala ko, bago ako umalis noon ay ibinalik ko ang ibinigay niyang black card sa akin. Lahat ng galing sa kanya noon ibinalik ko, ewan ko kung natanggap niya. "Kawawa naman ang husband mo ngayon kung meron man. Sooner or later, tatakbuhan mo siya kagaya ng ginawa mo five years ago!" Nakangising sabi pa ni Archie. Napalunok ako pero hindi ko ipinakita na nanghihina ako sa aming sukatan nang titig. "Nandito ako para magtrabaho hindi para ilantad ang personal life ko." Mariin kong turan. Tumayo si Archie. "Do your work, huwag kang magkakamali!" Iyon lang at mabilis na itong lumabas ng office. Naguguluhan man ako sa ikinikilos ni Archie na hindi ko maintindihan ay hindi ko maiwasang makadama ng inis. Kung hindi ko lang kailangan ang trabaho ay noon pa ako nag-resign. Kung mas maaga ko lang sana nalaman di sana hindi na ako nag-apply para hindi din nagkrus ang aming landas Alas-sais y media ng gabi. Habang ang ibang mga empleyado ay abala na sa pag-impake ng kanilang mga gamit para umuwi, ako naman ay nakaupo pa rin sa aking mesa sa loob mismo ng malaking executive office ni Archie. Tahimik ang buong paligid, tanging ang mahinang ugong ng aircon at ang tunog ng pagpindot ko sa laptop ang maririnig. "Ms. Montecillo," tawag ng malamig at baritonong boses mula sa kabilang dulo ng silid. Agad akong napalingon. Nakaupo si Archie sa kanyang swivel chair habang nakatitig sa akin nang diretso. Ang mga mata niyang kulay abo ay tila s********p ng liwanag sa paligid, seryoso, madilim, at puno ng mga katanungang kailanman ay hindi niya binibigkas. Suot pa rin niya ang itim na polo shirt na bahagyang nakabukas sa itaas, nagpapakita ng matigas na dibdib at pamilyar na maskulado niyang katawan na lalong nagpabilis sa tibok ng puso ko. "Bakit po, Sir?" tanong ko habang pinipigilan ang boses ko na manginig. Tumayo ako at lumapit sa mesa niya, dala ang hawak kong folder ng mga financial reports. "Hindi ko kailangan ng simpleng report lang para sa meeting bukas sa mga investors mula sa Singapore," seryosong sabi niya habang inihagis nang bahagya ang hawak niyang papel sa ibabaw ng mesa. "Gusto ko ng detalyadong analysis. Isama mo ang risk assessment at ang mga posibleng alternatibo kapag bumagsak ang stock market sa susunod na quarter. I want it on my desk before 9:00 PM." Pinal pa nitong sabi. Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. "9:00 PM? Sir, ang dami-dami po nito! Aabot ng tatlong oras ang gagawin ko rito nang mag-isa!" Isang malamig na ngiti ang sumilip sa labi niya. "Kailan pa naging dahilan ang pagiging mahirap ng isang trabaho para tumanggi ang isang empleyado? Kung hindi mo kaya, pwede kang umalis... pero tandaan mo ang kontratang pinirmahan mo. Kapag umalis ka ngayon nang hindi tapos ito, tatanggalin ka hindi lang sa kumpanyang ito, kundi sisiguraduhin ko ring wala nang tatanggap sa iyong kumpanya sa buong bansa." Napalunok ako ng laway sa banta niya. Ramdam ko ang galit at pait sa boses niya, ngunit mas nangingibabaw ang takot na baka mawalan ako ng trabaho. Paano na ang kambal ko? Paano na ang mga gastusin sa apartment at ang gatas at pagkain nina Liam at Lianne? Ang kanilang pag-aaral, si Inay na tumatanda na rin. Wala akong magawa kundi ang yumuko at lunukin ang pride ko. "Masusunod po, Sir," mahina kong sagot bago kinuha ang mga dokumento at bumalik sa mesa ko. Habang nagta-type ako, hindi ko maiwasang mapabuntong-hininga. Ramdam ko ang pananakit ng likod ko at ang pagod sa buong magdamag. Habang ang iba ay kasama na ang kani-kanilang pamilya o nagpapahinga sa bahay, ako naman ay nandito, nakakulong kasama ang lalaking pinakatinataguan ko sa buong mundo, nagtatrabaho hanggang sa lumalim ang gabi. Makalipas ang ilang oras, bandang alas-otso y media, narinig ko ang pagbukas ng p***o ng private washroom sa loob ng opisina. Lumingon ako at nakita si Archie na lumabas. Nagpalit siya ng puting long-sleeved polo, at ang buhok niyang medyo basa pa ay bahagyang nakatabing sa noo niya, na lalong nagpalitaw ng kanyang kakaibang karisma. Huminto siya sa paglalakad nang mapansing nakatingin ako sa kanya. "Bakit?" tanong niya habang matalim akong tinitigan. "May problema ba sa ginagawa mo?" "W-Wala po, Sir. Malapit ko nang matapos," mabilis kong bawi sabay baling ng tingin sa screen ng laptop ko, pilit pinapakalma ang sarili ko para hindi mahalata ang kaba. Lumapit siya sa mesa ko. Dinig na dinig ko ang bawat yabag ng sapatos niya. Huminto siya sa mismong tabi ko, at ang presensya niya ay parang pader na nagpakitid sa paligid ko. Ramdam ko ang init ng katawan niya at ang pamilyar na pabangong matagal ko nang pinilit kalimutan. "Masyado kang pamilyar sa paningin ko, Jandie," mahinang bulong niya habang nakatayo sa tabi ko, sapat na para marinig ko pero puno ng misteryo. "Habang tinitingnan kita rito araw-araw, parang may kung anong bahagi ng nakaraan ko ang pilit na bumabalik. Bakit ganoon? Bakit tuwing nakikita ko ang mga mata mo, pakiramdam ko ay may malaki kang kasalanang itinatago sa akin?" Sabi pa ni Archie. Tumigil ang pagtibok ng puso ko sa tanong na iyon. Naramdaman ko ang panlalamig ng mga kamay ko. Dahan-dahan kong ibinaling ang mukha ko para salubungin ang mga mata niya, pilit pinapakita na wala akong kinatatakutan kahit ang totoo ay nag-uunahan na ang mga luha sa gilid ng mga mata ko. "Wala akong itinatago sa iyo, Sir Archie," sagot ko nang may diin, pilit pinapatatag ang boses ko. "Lahat ng nakaraan ay tapos na. Limang taon na ang lumipas. Siguro ay ibinabalik lang ng utak mo ang mga alaala dahil napipilitan ka lang makasama ako rito." Matapang kong sagot. Isang mapait na tawa ang pinakawalan niya. Lumapit pa siya lalo, kaya napasandal ako nang bahagya sa backrest ng upuan ko. "Talaga lang ha? Kung ganon, bakit hanggang ngayon, ang bilis ng tibok ng pulso mo tuwing lumalapit ako? Bakit nanginginig ang mga daliri mo habang hawak ang mouse na iyan kung talagang wala kang kinatatakutan?" Hindi ako nakasagot. Natigilan ako dahil tama siya—hindi ko kayang ipagkait sa katawan ko ang reaksyon sa presensya niya. Ang lalaking ito ang sumira sa puso ko noon, ngunit siya rin ang lalaking nag-iwan ng pinakamalalim na marka sa buong pagkatao ko. "Tandaan mo ito, Jandie," pabulong niyang wika habang inilapit ang mukha niya sa tainga ko, sapat para maramdaman ko ang init ng hininga niya. "Kung may binabalak ka mang lokohin ako, o kung may mga sikreto kang pilit na inilalayo sa akin... sisiguraduhin kong sa sandaling malaman ko iyon, hinding-hindi ka na makakalabas kailanman sa mundong ginagalawan ko." Pagkatapos sambitin ang mga salitang iyon, dahan-dahan siyang lumayo at naglakad patungo sa sarili niyang mesa, kinuha ang kanyang jacket at susi ng sasakyan. "Tapusin mo ang report na iyan bago ka umalis. At huwag na huwag kang magkakamaling magkamali bukas." Hindi na niya ako hinintay na sumagot; dire-diretso siyang lumabas ng opisina at isinara ang p***o nang malakas. Nang mawala siya, napabagsak ako sa upuan ko habang humihingal nang malalim. Nanginginig ang buong katawan ko sa sobrang takot at tensyon. Napahawak ako sa dibdib ko habang pinapakalma ang sarili ko. Konting tiis pa, Jandie, sabi ko sa sarili ko habang pinupunasan ang pawis sa noo ko. Para sa mga anak mo. Kakayanin mo ito. Bumalik ako sa paggawa ng report. Matapos ang halos kalahating oras, natapos ko rin sa wakas ang huling pahina. Agad ko itong inilagay sa ibabaw ng mesa niya bago ako nag-impake ng mga gamit ko para umuwi. Madilim na ang buong 45th floor nang lumabas ako ng gusali. Walang katao-tao sa labas maliban sa ilang guwardiya at sa malamig na hangin ng gabi na sumalubong sa akin. Tahimik akong lumabas ng building kasabay ng pagngiti ko sa mga guwardiya. "Going home?" Mula sa kaliwang side ko ay naroon si Archie nakapamulsang nakatingin sa akin. Akala ko ay nakauwi na ito hindi pa pala, napansin kong tila may hinihintay ito. Ako ba ang hinihintay niya? "Don't get me wrong, hindi kita hinintay." Mabilis na sabi ni Archie nang tila mahulaan nito ang nasa aking isipan. Alam ko naman. "Mauuna na po ako, Sir!" Sabi ko nang may matanaw akong taxi na parating. Mabilis ko iyong pinara. Muli pa akong yumukod kay Archie bago lumulan sa taxi. "You're crazy woman," narinig kong sinabi nito at walang lingon na ako ay kanyang tinalikuran. Kumunot noo ako at napamaang na para bang kasalanan ko pang may nasakyan agad akong taxi. Nakita ko na lamang na humarurot na ang mamahalin nitong sasakyan palayo sa sinakyan kong taxi. Ikaw ang baliw, Archie! Nang makarating ako sa aming apartment, tahimik na ang buong paligid. Dahan-dahan kong binuksan ang p***o para hindi magising ang kambal. Sinalubong ako ng simpleng ilaw sa kwarto at ng dalawang maliit na mukha na mahimbing na natutulog sa maliit na kama. Nilapitan ko si Liam at si Lianne, hinaplos ang mukha nila nang may luha sa mga mata ko. "Ginagawa ko ito para sa inyo," bulong ko sa hangin habang niyakap ang sarili ko sa tindi ng pagod. Pero habang nakatitig ako sa mukha ni Liam, lalo akong kinabahan sa mga sinabi ni Archie kanina. Habang tumatagal kaming magkasama sa opisina, mas nagiging delikado ang sitwasyon. Kailangan kong maging mas maingat. Dahil sa sandaling matuklasan ni Archie na ang mga batang ito ay anak niya, masisira ang lahat ng itinayo ko, at ang bangungot na pinilit kong takasan limang taon na ang nakararaan. Bumuntonghininga ako hindi ko na din ginising si Inay. Nagpalit ako ng damit pantulog at tahimik akong nagpunta sa kusina. Quarter to 10 na at iyon pa lang ang aking hapunan ngayong gabi. Pero okay lang ang mahalaga malaki ang aking sasahurin dahil sa panay na ako ng overtime. Habang tahimik akong kumakain ay biglang tumunog ang aking selpon. Agad kong binuksan at binasa king sino ang nagpadala ng mensahe sa akin. My coffee at 8 am don't forget. Si Archie ang nag-message. Napasimangot ako at mabilis kong isinarado ang aking mesa. Bahala ka sa buhay mo hmmpp! Muli akong napaigtad nang muling tumunog ang aking selpon. Bakit wala kang reply? You're salary will be deducted. Nanggigil akong nagtipa sa keyboard ng selpon ko. Sige Sir don't worry! Iyon ang nireply ko pero ang totoo minura-mura ko na siya sa aking isipan. Hindi ako puwedeng mag-ingay kahit na gustong- gusto ko na sana. Nag-aalala kasi ako at baka magising ang kambal pati na ang aking Inay. Masisira ang kanilang tahimik na gabi at payapang pamamahinga.JANDIE'S POV Nasa loob na kami ng NAIA Terminal 3, pero pakiramdam ko, yung bituka ko eh umakyat na ata sa lalamunan ko sa sobrang kaba. Hawak-hawak ko nang mahigpit ang strap ng shoulder bag ko habang nakatitig sa napakalaking eroplano sa labas ng bintana. Unang beses ko pa lang kasing sasakay ng eroplano. Tapos, may kasama pa akong fear of heights na matagal ko na ring inaalagaan."Huminga ka nang malalim, Jandie. Huwag mong pigilan ang hangin, baka himatayin ka pa dito bago pa tayo umalis," sabay abot sa akin ni Archie ng isang bote ng mineral water.Hindi ko alam kung maiinis ba ako o matutuwa. Limang taon kaming nagkahiwalay, limang taong walang balita, pero heto siya ngayon, kilalang-kilala pa rin ang mga maliliit kong kahinaan. Alam niya kung kailan ako kinakabahan, alam niya kung paano ako titigilan ng paghinga kapag nai-stress ako."Hindi ko kailangan ng tubig mo," sabi ko sabay iwas ng tingin. "Kailangan ko ng milagro na sana biglang masira ang eroplanong yan para hindi na
JANDIE'S POV Maaga akong nagising kinabukasan kahit halos tatlong oras lang ang naging tulog ko. Ang bigat ng pakiramdam ng katawan ko, parang binugbog ng mga mabibigat na bato, pero wala akong karapatang magreklamo o manatili sa kama. Kailangan kong kumilos nang mabilis para maipag-almusal ang kambal bago ako pumasok muli sa impyernong iyon na tinatawag kong opisina. Habang naghahanda ako sa maliit naming kusina, paulit-ulit na naglalaro sa isip ko ang mga banta at matalim na titig ni Archie kagabi. Ang lalaking iyon ay parang isang delikadong hayop na unti-unting lumalapit sa kanyang biktima, handang sumakmal sa tamang panahon."Mommy, bakit po parang puyat na puyat kayo?" tanong ni Lianne habang kinakamot ang mga mata nito habang naglalakad palapit sa akin suot ang paborito nitong kulay pink na pajamas.Agad kong pinilit ngumiti at lumuhod para pantayan siya. "Ayos lang si Mommy, baby. Napuyat lang sa pagtatrabaho kagabi para may pambili tayo ng mga paborito mong laruan at pagkain
JANDIE'S POV Mabilis na lumipas ang buong linggo, pero ang bawat oras ay tila walang katapusang paghihirap para sa akin. Akala ko pagkatapos ng nangyari sa opisina niya noong unang araw ay mababawasan na ang tensyon, ngunit nagkamali ako. Mas lumala pa ito. Dahil sa desisyon niyang gawing personal secretary niya ako, halos wala na kaming espasyo para huminga nang hiwalay. Lahat ng galit, hinanakit, at malamig na pagtingin na itinatago niya sa akin noon ay ibinubuhos niya ngayon sa pamamagitan ng pagbibigay ng sunud-sunod na mabibigat na trabaho at pagbabantay sa bawat galaw ko na parang isang kriminal na nakatakas sa kulungan."Jandie," narinig kong tawag ni Archie.Mabilis akong tumayo mula sa aking upuan at nilapitan ko siya."Bakit po Sir?" Tanong ko.Tiningnan niya ako nang matiim. "Do you have a husband?" Biglang tanong niya na ikinalaglag ng aking mga panga."A-Anong sabi mo, Sir?" Pautal ko pang tanong para ulitin ang sinabi nito at baka nabingi lang ako."Hindi ka naman sigu
JANDIE'S POV Alas-syete y media pa lang ng umaga ay nakatayo na ako sa tapat ng napakalaking glass door ng V&F Corporation. Naka-pencil skirt akong itim na hanggang tuhod, puting long-sleeved blouse na may mahigpit na butones sa leeg, at itim na blazer na nagbigay sa akin ng mukhang propesyonal kahit ang totoo ay nagdidilim na ang paningin ko sa sobrang kaba. Huminga ako nang malalim, pilit pinapakalma ang nanginginig kong mga kamay na kanina pa pinagpapawisan habang hawak ang maliit kong leather folder. Huwag kang matakot, Jandie, bulong ko sa sarili ko habang inaalala ang mukha ng kambal ko bago ako umalis. Para sa kanila ito. Kailangan mong panindigan ang desisyong ito.Nang tumunog ang bell hudyat ng alas-otso, naglakad na ako papasok sa private elevator na didiretso sa executive floor. Tahimik ang buong paligid habang umaakyat ang elevator. Ang bilis ng pagkabog ng dibdib ko ay parang tambol na nagbababala sa akin na anumang oras ay aatake na naman ang sistema ko. Pagbukas ng
Nanginginig ang mga daliri ko habang hinahawakan ang itim na ballpen na ibinigay sa akin ng receptionist. Tatlong beses ko nang binasa ang pangalang isinulat ko sa application form, pero pakiramdam ko ay mali pa rin ang bawat titik. Jandie Montecillo. Isang napakasimpleng pangalan, para sa isang napakasimpleng buhay na pinaghirapan kong buuin at ingatan sa loob ng limang mahabang taon sa isang malayong probinsya, napakalayo sa magulong siyudad ng Maynila. Pero ngayong pinilit ako ng sitwasyon na bumalik at humarap sa mundong ito, pakiramdam ko ay isinusubo ko lamang ang sarili ko sa mismong nagliliyab na bunganga ng bulkan."Ms. Montecillo? Ikaw na po ang susunod sa loob," basag ng receptionist sa katahimikan ng malawak na hallway habang nakangiti nang tipid sa akin.Tumango ako kahit parang may matigas na bagay na bumabara sa lalamunan ko na nagpahirap sa akin para lumunok. Huminga ako nang malalim, pilit pinapakalma ang mabilis at marahas na kabog ng dibdib ko na parang gustong kuma







