ログインTumigil ang sasakyan sa harap nito. Mula kanina, ngayon ko lang naramdaman na halos hindi na pala ako huminga sa sobrang excitement. Nilingon ko si Riel at naabutan kong nakatingin na pala siya sa akin. "Impressive, right?" tanong niya na para bang inaasahan na ang reaksyon kong ito. Tumango ako ng paulit-ulit at nag-thumbs up sa kaniya. "Amazing, Riel. I didn't expect it to be this beautiful." puno ng tuwa ang boses ko."Told you," he smirked, clearly pleased with my reaction. "Let's go?"Huminga ako ng napakalalim, na para bang hinahanda ang sarili sa isang laban. Saglit pa niya ako tinawanan dahil do'n, bago lumabas at pagbuksan ako ng pintuan. "Chuma-chansing ka na naman," mapanuya kong komento nang akbayan niya ako, papasok sa gate. He looked down at me with an unreadable expression. Then, with a slight raise of his eyebrow."Baka maligaw ka kasi sa liit mong 'to," aniya at bahagya pang pinisil ang balikat ko, na hawak-hawak niya. Inikutan ko siya ng mata at hindi na tinugun
Tumigil ang sasakyan sa harap nito. Mula kanina, ngayon ko lang naramdaman na halos hindi na pala ako huminga sa sobrang excitement. Nilingon ko si Riel at naabutan kong nakatingin na pala siya sa akin. "Impressive, right?" tanong niya na para bang inaasahan na ang reaksyon kong ito. Tumango ako ng paulit-ulit at nag-thumbs up sa kaniya. "Amazing, Riel. I didn't expect it to be this beautiful." puno ng tuwa ang boses ko."Told you," he smirked, clearly pleased with my reaction. "Let's go?"Huminga ako ng napakalalim, na para bang hinahanda ang sarili sa isang laban. Saglit pa niya ako tinawanan dahil do'n, bago lumabas at pagbuksan ako ng pintuan. "Chuma-chansing ka na naman," mapanuya kong komento nang akbayan niya ako, papasok sa gate. He looked down at me with an unreadable expression. Then, with a slight raise of his eyebrow."Baka maligaw ka kasi sa liit mong 'to," aniya at bahagya pang pinisil ang balikat ko, na hawak-hawak niya. Inikutan ko siya ng mata at hindi na tinugun
Lumarga na kami papunta sa Asakusa. Siya, tahimik na nagmamaneho, habang ako ay tahimik lang na nahihiya tungkol sa nangyari. Tuwid na tuwid ang pagkakaupo ko, habang ang kamay ay nilalamig na magkatabing nakapatong sa aking hita. Hindi ko talaga alam kung ano dapat ang maging reaksyon ko pagkatapos niya magbitaw ng Tagalog, na alam kong may double-meaning. What was I supposed to say after that? How could I act normal? Ngayon na nga lang nagtagalog, 'yong hindi ko pa inaasahan. Bumuntong hininga ako. I sneaked a glance at him from the corner of my eye, but quickly looked away. Hindi ko talaga kaya. Kapag napapatingin ako sa kaniya, awtomatik na umiinit ang pisngi ko. The silence in the car was almost unbearable, and yet, I couldn't bring myself to speak.Kasalanan 'to ng kapatid kong 'yon. Kung bakit ba naman kasi!"Chill. I was just messing with you," pambabasag niya ng katahimikan. Mahina pa siyang tumawa. "You're supposed to be excited for what we're about to see. Asakusa's bea
Halos buhatin ko na ang kama sa kasisilip sa ilalim nito kung nandoon ba ang nag-iisang piraso, pero wala talaga. Kung kanina ay medyo kalmado pa ako, ngayon ay halos lahat na ng parte ng katawan ko ay pinagpapawisan na. Lagpas sampung minuto ko nang hinahap ang isang pirasong iyon pero wala talaga. In any moment now, Riel will come up here, and that's the last thing I want to happen.Binilang ko ulit ang lahat ng nasa kahon, nagbabakasali na baka namali lang ako at kompleto naman talaga. Pero katulad kanina ay ganoon pa rin ang bilang. Kulang pa rin ng isa. Lord...Sa kawalan ng pag-asa ay napaupo na ako sa kama at muli na naman binilang lahat. Imposibleng naipit lang kung asan ang isang iyon. Feeling ko talaga ay namali lang ako ng bilang. Baka 23 pieces naman talaga ito. Tama, tama. 23 pieces lang talaga ito. Huminga ako ng malalim at muling pinakalma ang sarili. Ibabalik ko na sana ulit sa kahon ang kabibilang pa lang ulit na mga piraso nang biglang bumukas ang pintuan at inil
Pagkarating ko sa hapag ay wala nga doon ang kaniyang Lolo katulad ng sabi niya. Dahil sa nangyari ay nakangiti akong kumaway kay Riel nang makita kong pababa na siya sa hagdan, mamasa-masa ang buhok. "You look hot," papuri ko rin sa kaniya sa mamasa-masa niyang itsura dahil sa pagligo. He was wearing a plain, navy blue t-shirt, na pinaresan ng itim na jogging pants. Hindi rin nakatakas sa paningin ko ang tatak nitong Gucci.Nakakunot ang noo niyang lumapit sa akin at naupo sa katabi kong bangko. "What did you say?" Bingi lang? O baka hindi lang makapaniwala na pinuri ko rin siya?Oh, well, someone like him will never truly understand what it's like to be praised by someone like him, who is extremely wealthy and obviously has high standards."Sabi ko, you look hot," nakangiti kong ulit. Mas lalo pa kumunot ang noo niya, halos magsalubong na nga ang kilay. Sa huli ay bahagya siyang napangiti at umiling na lang sa tabi bago nagsimulang kumain. Nakangiti ko na lang din kinibit-bali
Nagpatuloy na lang ako sa walang katapusang paghiwa, gano'n pa rin at ayaw magpantay-pantay kahit anong subok ko. His grandfather, as if to punctuate my humiliation, said something else in Japanese, shaking his head with a sigh.Hindi ko na sinubukang intindihin pa ang mga sinasabi niya. Tuloy lang ako sa ginagawa. Nilingon ko ang naiwang prinsipe at nakitang wala na siya roon. Kuryuso man kung saan siya nagpunta, pero hindi ko na iyon binigyan pa ng pansin. Makalipas ang ilang minutong pagkawala niya ay natapos ko na rin ang ginagawa. Grabe ang buntong-hininga ko habang nakatingin sa nahiwang mga gulay, abot hanggang Pilipinas. Finally! "Hajimete ni shite waakanaka ii desu ne."Hindi ko man naintindihan ang sinabi ng matanda tungkol sa gulay na pinaghihiwa ko, masasabi kong natuwa siya roon base sa kung paano niya ito tignan. Hindi na ako nakigulo nang sinimulan na niya itong gisahin ulit. Nagpaalam muna ako sa kaniya saglit at pumanhik na sa kuwarto upang maligo at magpalit na n







