ANMELDENEVANGELINE YUCHENGCO
"One more minute..." Maingat kong sinilip ang loob ng oven bago muling isinara ang p***o nito. Napangiti ako nang bahagya nang maamoy ang matamis na aroma ng banana cake na niluluto ko. Kanina pa ako abala sa kusina. Halos isang oras din akong naglaan upang ihanda ang lahat ng sangkap na kailangan ko. Mabuti na lamang at may mga katulong na nagpaalala sa akin kung saan nakalagay ang mga ingredients na gagamitin ko. Hindi naman ako eksperto sa pagluluto, pero marunong akong gumawa ng ilang simpleng pagkain. Isa na roon ang banana cake. At ngayon, may espesyal akong dahilan kung bakit ko ito ginagawa. Para kay Konstantin. Napangiti ako habang tinitingnan ang natitirang batter sa mixing bowl. Hindi ko kasi alam paano ako magpapasalamat sa kanya sa mga binili niya para sa akin. Hanggang sa naisipan ko na gumawa nalang ng banana cake para sa kanya. Nitong mga nakaraang araw ay mas naging maayos ang pakikitungo ng lahat sa akin. Hindi ko na rin kailangan magtago sa kwarto ko sa t'wing kainan dahil sinasabayan na ako ni Konstantin sa hapag. At bilang pagbawi ay gusto ko siyang gawan ng banana cake. "Sana magustuhan niya ito," nakangiti kong sabi. Ilang sandali pa ay tumunog ang timer ng oven ay agad akong lumapit upang kunin ang cake. Maingat kong inilagay iyon sa ibabaw ng kitchen counter. Maganda ang pagkakaluto. Golden brown ang ibabaw at kumalat sa buong kusina ang mabangong amoy nito. Napangiti ako. "Perfect!" Abala ako sa pag-aayos ng cake sa isang magandang lalagyan nang makarinig ako ng pagbukas ng p***o. Agad akong napalingon. "Konstantin?" Lumitaw ang isang ngiti sa aking labi. Akala ko ay ang asawa ko iyon. Kanina ko pa kasi iniisip kung anong oras siya uuwi mula sa opisina. Ngunit unti-unting nawala ang ngiti ko nang makita kung sino ang dalawang babaeng pumasok. Hindi si Konstantin. Kundi sina Isabella at ang madrasta ko. Nanatili akong nakatayo habang nakatingin sa kanila. "What are you doing here?" tanong ko. Bahagyang ngumisi si Isabella habang nakatingin sa akin. "Wow. Is that how you welcome your visitors... My dear sister?" nakataas ang kilay nitong sabi. Hindi ako sumagot. Hindi ko inaasahang makikita ko sila rito. Lalo na't wala naman akong natatandaang may pahintulot silang pumunta sa mansyon. "Goodness, Evangeline," sambit ng madrasta ko habang pinagmamasdan ang suot kong apron. "Look at you." Mula ulo hanggang paa ay sinuri niya ako. "Mukhang maganda ang naging buhay mo rito ah?" Aniya. Hindi ko na lamang pinansin ang sinabi niya at ipinagpatuloy ang pag-aayos ng cake. "Are you deaf?" singit ni Isabella. Napalingon ako sa kanya. "Ano bang kailangan niyo?" Sa halip na sumagot ay lumapit siya sa kitchen counter at tiningnan ang banana cake na ginagawa ko. "What's this?" "A banana cake." "You're baking?" Tumango ako. "Yes." Napatawa siya. "Seriously?" Nilingon niya ang kanyang ina. "Mom, look at her. She's still the same." Bahagyang ngumiti ang madrasta ko. "Well, at least may napakinabangan din ang asawa niya sa kaniya. Bagay na bagay talaga sa kanya ang maging katulong." Napahinto ang mga kamay ko. "Tagalinis ng kalat at taga-luto," pagpapatuloy nito. "Iyan naman talaga ang bagay sa isang babaeng tulad mo." Napayuko ako. Hindi ko gustong makipagtalo. Hindi ko gustong bigyan sila ng pagkakataong sirain ang araw ko. Kaya ipinagpatuloy ko na lamang ang pag-aayos ng cake. "Look at her, Mom. She's ignoring us." Lumapit si Isabella sa akin. "Hey, I'm talking to you." Wala akong sinabi. "What's wrong? Too busy playing housewife?" Napahigpit ang hawak ko sa spatula. "Please, Isabella. Kung wala kayong kailangan, pwede bang umalis na kayo?" Natawa ang madrasta ko. "Ang lakas naman ng loob mong paalisin kami. Baka nakakalimutan mo na hindi ka mapupunta sa ganitong buhay kung hindi dahil sa amin..." panunumbat niya. "This is my husband's house." I said. "At ano naman?" malamig niyang balik. "Akala mo ba dahil nakapag-asawa ka ng mayamang lalaki ay mayroon ka nang karapatang magmalaki sa amin? Sa itsura mong 'yan?" Hindi ako sumagot. "Don't flatter yourself, Evangeline. Hindi dahil pinakasalan ka niya ay mahal ka na niya." Napakagat ako sa labi. "At saka, tingnan mo nga ang sarili mo. Sa tingin mo ba ay maibibigay mo sa kanya ang kailangan niya? Hindi! Baka mandiri siya sayo kapag sinubukan mo siyang halikan." Insulto nito. Naramdaman kong unti-unting naninikip ang dibdib ko. Pero wala rin namang magbabago kung pipilitin ko ang sarili kong sagutin sila. Kaya imbes na makipagsagutan ay tumalikod ako upang ipagpatuloy ang ginagawa ko. Ngunit bago pa ako makalayo ay bigla kong naramdaman ang malakas na paghila sa aking buhok. "Aray!" Napahawak ako sa aking ulo. "Where do you think you're going?" Bago pa ako makabawi ay malakas akong itinulak ni Isabella. Nawalan ako ng balanse. "Ah!" Bumagsak ako sa malamig na sahig ng kusina. Kasabay niyon ay naramdaman ko ang pagkatanggal ng aking prosthetic leg. Napasinghap ako. Ilang segundo akong hindi nakagalaw. Ang unang ginawa ko ay ang hanapin iyon. At nakita ko ito sa hindi kalayuan mula sa kinaroroonan ko. Agad akong gumapang upang abutin iyon, ngunit bago pa man sumayad ang mga daliri ko rito ay may isang paa nang sumipa rito palayo. Napatingala ako. Si Isabella. Hawak nito ang tiyan habang tumatawa, samantalang ang madrasta ko ay nakatayo lamang sa tabi nito na may mapanuyang ngiti sa labi. "Isabella, please..." nanginginig kong pakiusap. Mas lalo lamang siyang natawa. "Oh, my God! Look at you!" Napatingin ako sa aking sarili. Nasa sahig ako at bigla akong nakaramdam ng matinding hiya habang pilit na itinatago ang binti paa kong iyon. "Look at her, Mom!" natatawang sabi ni Isabella. "She's practically helpless!" "That's what she has always been," malamig na sagot ng madrasta ko. Napayuko ako. Ayokong marinig ang lahat ng iyon. Ayokong umiyak sa harap nila. Ayokong bigyan sila ng kasiyahan na makita akong nasasaktan. Kaya muli kong iniunat ang kamay ko upang abutin ang prosthetic leg. Ngunit mabilis na humakbang si Isabella at muling sinipa iyon palayo. "Stop!" Hindi ko napigilang mapataas ang boses ko. Saglit siyang natigilan bago ngumisi. "Oh? So you can actually raise your voice?" "Please, give it back." "Why?" Natawa siya habang nakatingin sa akin. "Do you really think Konstantin loves you?" Napahinto ako. "Don't be stupid, Evangeline." Lumapit siya nang kaunti. "He's just being nice because you're pathetic. That's all." Naramdaman kong unti-unting nanlamig ang aking mga kamay. "He probably feels sorry for you. Maybe he thinks you're some poor, helpless woman who needs to be taken care of." Umiling ako. Bahagya siyang yumuko upang mapantayan ang aking mukha. "Don't be so confident. There will come a day when he'll get tired of you. Tired of your insecurities, your disability, and everything that comes with having a wife like you." Napakagat ako sa labi. "And when that day comes..." Ngumisi siya at inayos ang kanyang buhok. "Babawiin ko siya mula sa 'yo. Dahil ako naman talaga ang dapat niyang maging asawa at hindi ikaw." Hindi ako nakapagsalita. Hanggang sa naramdaman kong tuluyang bumagsak ang mga luha ko. At sa gitna ng katahimikan ng kusina, biglang umalingawngaw ang isang malalim at napakalamig na boses mula sa likuran namin. "What the fuck is going on here?" Nanigas ang buong katawan ko. Dahan-dahang napalingon sina Isabella at ang madrasta ko sa direksiyon ng p***o. Samantalang ako ay nanatiling nakaupo sa malamig na sahig, hindi makapaniwalang narinig ko ang boses na iyon. Konstantin. "What the h*ll did you do to my wife?"EVANGELINE YUCHENGCOHindi ko na alam kung gaano kalayo ang narating namin. Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi at tiningnan ang suot kong relo... at agad akong nanlumo ng mapagtanto ko kung ilang oras na ang lumipas mula ng sapilitan nila akong pinasakay. Anim na oras na. Hindi ko na makita ang mga gusali o mga ilaw ng lungsod. Sa tuwing sinusubukan kong silipin ang paligid sa maliit na bintana ng sasakyan, puro kadiliman at malalawak na bahagi ng kalsadang halos walang dumaraang sasakyan ang nakikita ko.Parang sinadya talaga nilang dalhin ako sa isang lugar na napakalayo mula sa syudad. Isang lugar na hindi madaling matutunton.At ang pinakakinatatakutan ko...paano kung wala talagang makahanap sa akin?Nang tuluyang huminto ang sasakyan, agad akong napatingin sa pinto. Dalawang lalaki ang bumaba at binuksan iyon. Bago pa ako makapagsalita, hinawakan nila ang magkabilang braso ko at sapilitang inilabas.“Please... saan ninyo ako dadalhin?”Wala pa rin silang sagot.Dinala nila
EVANGELINE YUCHENGCOPagkatapos kong mag-almusal, naisipan kong lumabas sandali upang bumili ng cake para kay Konstantin. Hindi ko alam kung bakit bigla ko na lamang naisip iyon, pero gusto ko siyang sorpresahin.Noong nakaraang mga araw kasi, napansin kong madalas siyang umuuwi nang pagod. Minsan ay halos hindi na niya nagagalaw ang hapunan dahil sa dami ng trabahong kailangan niyang asikasuhin. At bukod doon ay napag-alaman ko rin na mahilig siya sa matatamis. Kaya naisip kong kahit papaano ay mabigyan siya ng kaunting bagay na maaari niyang kainin habang nagpapahinga.Hindi naman kailangang mamahalin.Gusto ko lamang na mapasaya siya.“Ma'am Evangeline, handa na po ang sasakyan.”Napalingon ako sa babaeng katulong na lumapit sa akin. Si Agnes iyon, na siyang sasama sa akin ngayong araw.“Salamat, Agnes.”“Si Malrick na rin po ang kasama natin. Nasa labas na po siya.”Tumango ako bago inayos ang dala kong maliit na bag.Si Malrick ay isa sa mga tauhan ni Konstantin. Ilang beses ko
EVANGELINE YUCHENGCO Alas-diyes na ng gabi at tahimik na ang buong mansyon—maliban sa mahinang huni ng mga kuliglig at iilang yapak ng mga guwardiyang nagpapatrolya sa paligid. Malamig na rin ang simoy ng hangin, lalo na't nasa hardin ako at nakaupo sa isa sa mga upuang malapit sa mga rosas.Paminsan-minsan ay napapatingin ako sa malaking orasan sa aking cellphone.Wala pa rin siya.Kanina pa ako narito. Noong una, balak ko lang sanang maghintay ng ilang minuto. Gusto ko lang siyang makita bago ako matulog at kumustahin kung kumain na ba siya. Ngunit lumipas ang mga minuto, naging isang oras, at hindi ko namalayang gabi na pala.Hindi ko alam kung anong oras siya karaniwang nakakauwi kapag may trabaho siya sa labas. Hindi rin naman ako nagtatanong nang madalas. Ayokong magmukhang nakikialam sa mga ginagawa niya.Pero ngayong gabi, hindi ko maiwasang mag-alala.“Ma'am Evangeline, baka gusto na po ninyong pumasok sa loob?”Napatingin ako sa isang katulong na lumapit sa akin. Si Agnes i
KONSTANTIN GABRIEL MOROZOV "Sir, the report will take some time. The accident happened twelve years ago, and we need to retrieve several archived records." I glanced at Darius, who was standing in front of my desk. "Then take your time and make sure you don't miss anything." "Understood. I'll also look into the background of Madam's stepmother and stepsister." "Good." He nodded before handing me another folder. "Regarding the prosthetics specialist, I've already contacted two reputable clinics. Both have specialists who work with advanced prosthetic technology. I'll send you their profiles once I've verified their credentials." Sinuyod ko ng tingin ang isang pahina bago muling inangat ang tingin sa kanya. "Make sure they're qualified. I don't want someone who will simply recommend the most expensive option. I want someone who understands what my wife needs." "Of course, sir." I leaned back in my chair. "And Darius?" "Yes, sir?" "Keep this investigation dis
EVANGELINE YUCHENGCO Nagising ako dahil sa sunod-sunod na ingay na nagmumula sa labas ng aking silid.Sa una ay inakala kong may nahulog lamang na gamit, ngunit nang makarinig ako ng isa pang kalabog ay napakunot ang noo ko.Ano kaya iyon?Dahan-dahan akong bumangon mula sa kama at inayos ang gusot kong buhok. Bahagya pa akong napahinto nang mapansin ang aking binti.Nakatatak na muli ang akin prosthetic leg. Napatingin ako roon nang ilang segundo.Hindi ko maalala kung kailan iyon naisuot muli. Ang huling naaalala ko ay ang pag-upo ko sa sahig ng kusina habang umiiyak, bago ako buhatin ni Konstantin patungo rito.Marahil ay siya ang nag-asikaso niyon habang natutulog ako.Napahawak ako sa gilid ng kama at maingat na tumayo. Sinubukan kong igalaw ang aking binti upang matiyak na maayos ang pagkakasuot nito.Mabuti naman.Pagkatapos ay lumapit ako sa pinto at marahang binuksan iyon.Muli kong narinig ang ingay.May kung anong kumakalabog sa ibaba.Nagtataka akong lumabas ng silid at
KONSTANTIN GABRIEL MOROZOVNang tuluyan nang makatulog si Evangeline ay saka lamang ako dahan-dahang tumayo mula sa gilid ng kanyang kama.Kanina pa siya tahimik. Pagod na pagod ang mga mata niya sa kakaiyak, at ilang beses ko ring naramdaman ang paghigpit ng pagkakahawak niya sa kamay ko tuwing tila nagigising siya mula sa pagkakaidlip.I had to admit, seeing her like that bothered me more than I expected.Hindi ako sanay na nararamdaman ko ang ganitong bagay. Iyong tipo na bigla akong mawawalan ng kontrol sa sarili kong emosyon habang nakatingin sa kanya. Dahil sa mundong ginagalawan ko, ang galit ay kailangang kontrolado, ang desisyon ay kailangang pinag-iisipan, at ang kahinaan ay hindi dapat ipinapakita.Kasi maaari iyong gamitin laban sa akin nang kahit na sino. But tonight was different.Hindi ko maalis sa isip ko ang itsura niya kanina.Ang pagkakaupo niya sa malamig na sahig. Ang mga luhang pilit niyang itinatago. At ang paraan ng paghila niya sa laylayan ng kanyang damit up







