MasukMagandang araw po, si Mir po ito. I woke up with very sad news, NINAKAW po ako istoryang isinulat at pinaghirapan ko. Hindi na po bago sa aming mga Authors ang manakawan ng kwento. Pero gusto ko po sanang malaman niyo ang epekto sa amin nito. Para sa aming mga nagsisimula pa lang, sobrang nakakasira po ng loob. Maraming successful writers na tinitingala namin at gusto naming tularan. Pero paano po kami aabot doon kung hindi pa kami umaarangkada, may humihila na kaagad sa amin paatras? Hindi po basta-basta ang pagsulat ng mga istorya, lalo ng mga nobela. Umaasa po kami na isang araw hindi na namin kailangang magtrabaho para sa iba, at matustusan kami ng sarili naming talento. Pero malabo pong mangyari iyon kung ganitong palagi kaming ninananakawan. Para po sa mga READERS, please po huwag sana kayong tumangkilik sa mga nagbebenta dito sa f******k. Nasa platforms po ang mga libro. Goodnovel, D****e, Yugto, Selebox, etc. Kung ayaw niyo pong magbayad may bonus at rewards po, pw
MGA KWENTONG DAPAT MONG BASAHIN!1. MARRYING THE GAY BILLIONAIRE> GENRE: RomCom | Marriage of Convenience | Fake Relationship | Enemies to Lovers>Vibe: Masaya, nakakakilig, puno ng asaran at bangayan!>FAMOUS LINE: "Kailangan ko ng pera, at kailangan mo ng asawa. Kaya 'wag ka nang maarte diyan at halikan mo na ako!"> BUOD:Si Rowan Fontano ay isang supladong CEO ng cosmetics company na pilit na pinag-aasawa dahil sa tsismis na siya ay gay. Si Samarah Castillo naman ay isang palabang beauty queen at rakitera na desperadong nangangailangan ng pera para sa sakit ng kapatid.Para sa pera at pamilya, papasok sila sa isang kontrobersyal na kasunduan. Kakayanin kaya ng isang Gay Billionaire ang kaniyang Amazonang bride?> BAKIT MO ITO DAPAT BASAHIN?Kung naghahanap ka ng kwentong nakatatanggal ng stress, puno ng katatawanan, at may sobrang nakakakilig na asaran ng dalawang taong ayaw magpatalo, ito ang para sa iyo!SAAN MABABASA?: GOOD NOVEL2. ANG LIHIM NI PUKANGKANG>GENRE: Rom-Com | Sm
3rd Person’s POV Ang buhay daw ay parang isang nobela. Masaya, nakakatawa, nakakakilig. Pero puno rin ng mga pagsubok na sa umpisa ay hindi natin malaman kung bakit kailangan nating pagdaanan. Minsan, mapapatanong na lang tayo sa Diyos kung bakit kailangan nitong mangyari at kung bakit sa atin ito kailangang mangyari. Napakahirap intindihin ng mga bagay na nagdudulot sa atin ng labis na sakit. Lalo na kapag ginawa naman natin ang lahat para masolusyonan ang mga problema at hadlang, pero patuloy tayong kinakastigo ng buhay. Life is full of twists and turns. At hindi lahat ng istorya ay nauuwi sa happy ending. Ito ang reyalidad ng buhay. Pero paano ba natin masasabi kung may happy ending ang bawat kwento? Ano ba ang basehan ng mga libro? Ano ba ang pamantayan mo sa buhay mo? Siguro, hindi man maiintindihan ng iba. Siguro, masakit para sa kanila. Pero ang sandaling ito na ang pinakamasayang parte ng buhay ni Luis. Pareho silang nakahiga ni Agnes sa iisang kama sa loob ng kwa
3rd Person’s POV Natigilan si Adela, “O-opo… paano niyo po nalaman iyon?” “Oh diba? Sisihin mo ang nanay mo. Mukhang nagmamahalan naman na sila dahil kaya na nga niyang bigyan ng atay hindi ba? Bakit gusto mo pang manggulo ako doon sa dalawa?” “Tita, hindi po ganon iyon. Oo nga po at ibinigay niya ang liver niya kay Mama. Pero ginawa niya lang po iyon para sa akin. Ang totoo po, ni minsan hindi po sila nagsama ni Mommy sa iisang kwarto. Kahit ako pa po ang mag request non nung bata ako, mas hahayaan niya pang umiyak ako magdamag kesa tumabi sa Mama ko. Tita, masakit man pong aminin pero kayo pa rin po ang mahal ni Daddy. Hanggang ngayon, sa tuwing dapit hapon, palagi pa rin po niyang tinatanaw iyon dahil ganon daw ang hilig niyong gawin. At saka… “ May kinuha siyang isang maliit na box sa loob ng kanyang bag, “Ito po.” Kinuha niya iyon at binuksan. Natuptop niya ang kanyang labi nang makita ang nilalaman ng maliit na kahon. Isa-isa niyang binuklat ang mga litrato. Pictures niya iy
3rd Person’s POV “Paano kung magkabalikan kami kapag nakausap ko siya?” Nakaupo siya sa harap ng vanity mirror sa loob ng kanilang kwarto habang naglalagay ng pulang lipstick. Nasa likod niya si Gabriel na sinusuklayan ang mahaba at puting buhok niya. “Edi good for you, may love life ka ulit. Hindi na tayo teenagers para mag love triangle pa ano?” Pareho silang napangiti habang magkatinginan sa salamin. Pero parehong mapait ang mga ngiting iyon. “Basta, kapag hindi, uwi ka lang sa akin. Maghihintay lang ako.” Inabot ni Agnes ang isang kamay niya at hinalikan iyon. “Salamat, Gabriel.” Sa kabila ng pagkatagal-tagal na pagmamakaawa ni Adela na makausap si Agnes, sa wakas ay pinaunlakan na siya nito. Siniguro niyang magiging maayos ang lahat. Ito lang ang tanging magagawa niya para makabawi sa Ama. “Sa tingin mo ba kakausapin niya tayo? Pakiramdam ko galit pa rin siya sa amin ni Mama,” kabadong tanong ni Adela habang hawak ang kamay ng asawa. Pinisil ni Mateo ang kamay niya a
3rd Person’s POV “Hoy, Gab! Iyong mga brief mo dito sa banyo bakit ba hindi mo isampay sa labas? Itong matandang ito oh! Napakadugyot talaga!” reklamo ng matandang babae habang bitbit ang hanger ng mga brief. “Mamaya na, nanonood pa ako eh! Nahuli na nung asawa iyong kabit ng mister niya!” sigaw naman ni Gabriel na nasa harap ng telebisyon sa sala. “Manonood ka dyan o bubuhusan ko ng gasolina itong mga brief mo?!” Dahil doon ay inis siyang tumayo. Bagamat sinusumpong ng rayuma ay mabilis siyang tumayo at lumapit sa babae. “Akin na bilisan mo! Walang rewind iyong pinapanood ko!” bwelta niya, nakakunot ang noo. Pero imbis na ibigay ay tumalikod si Agnes at tumakbo palayo. “Hoy! Yung brief ko!” singhal ni Gabriel. Animong mga teenager na naghahabulan at nag-aagawan sa mga maluluwag na brief. Sa mga lumipas na taon ay nagsama na din sa iisang bahay ang dalawa. Kung ano man ang relasyon nila ay palaisipan pa rin para sa iba. Maging ang mga kaibigan nila ay walang malinaw na ideya k







