ANMELDEN“Enough!” asik niya."I want to talk about my cousin. I don't want you talking to Damian again. Ayokong magmukhang tanga sa harap ng pinsan ko. You belong to this marriage contract, Sasha. Act like it."Tiningnan ko ang kaniyang kamay na mahigpit na nakahawak sa akin.Inangat ko ang aking tingin sa kaniya, at sa unang pagkakataon ngayong gabi, nakita niya ang matinding pagkasuya sa aking mga mata."Oh, your cousin that brought me in the hospital bago pa man ako maubusan ng dugo," dahan-dahan kong sabi, bawat salita ay may diin at lamig. "I think I can’t do that, malaki ang utang na loob ko sa kan’ya sa labas ng kuntratang meron tayo. I’m just being thankful."Natigilan si Kristoff. Ang kaniyang mga mata ay bahagyang kumurap, tila naguluhan sa sinabi ko tungkol sa dugo, ngunit mabilis na pinalitan ng kaniyang ego ang anumang duda."Dugo?" malamig at walang pakialam niyang tanong, tila iniisip na gumagawa lang ako ng kwento para magpaawa sa kaniya. "Nagasgasan ka rin ba sa pagkahulog mo
Nabalot ng isang nakakabinging katahimikan ang loob ng marangyang SUV matapos kong bitawan ang mga salitang iyon.Tila naubos ang hangin sa paligid namin. Sa halip na sumagot, nakita ko mula sa repleksyon ng bintana ang marahas na pagbuntong-hininga ni Kristoff.Inalis niya ang kaniyang paningin mula sa akin at itinuon iyon sa unahan, ngunit ang panga niya ay nanatiling nag-iigting. Ang kaniyang mga kamay, na nakapatong sa kaniyang hita, ay nakakuyom nang mahigpit hanggang sa pumuti ang kaniyang mga buko.Ibinaling ko na lamang ang aking paningin sa labas. Mabilis na dumaraan ang mga nagkikislapang ilaw ng mga gusali at poste, ngunit ang nakikita ng aking mga mata ay ang party last last night.Ang malapot at mainit na dugong patuloy na umaagos mula sa aking hita habang sumisigaw ako at nagmamakaawa ng tulong, habang siya ay abala sa pag-aalala sa ibang babae.Isang matalim na kirot ang biglang sumaksak sa ibabang bahagi ng aking tiyan.Napapikit ako nang mariin. Kinagat ko ang loob ng
Ang natitirang oras ng hapunan ay lumipas nang walang anumang problema. Napanatili ko ang aking perpektong imahe. Sa bawat papuring natatanggap ko mula sa mga opisyal at sa kanilang mga asawa, ramdam ko ang bigat ng paningin ni Kristoff sa akin.Nang matapos ang event, mabilis na kaming nagtungo sa basement parking.Bago ako pumasok sa backseat ng SUV, muling lumapit si Damian mula sa kaniyang sariling sasakyan na nakaparada sa di-kalayuan."Sasha," tawag niya.Nilingon ko siya at ngumiti nang tipid. "Damian.""Are you sure you're going to be okay heading back with him?" tanong niya, ang mata ay pasimpleng tumingin kay Kristoff na nakatayo sa kabilang pinto ng SUV, masamang nakatingin sa aming direksyon. "If you need a place to stay... somewhere safe...""Kaya ko ang sarili ko, Damian," panatag kong sagot. "Pero salamat sa lahat ng tulong mo kagabi. Hinding-hindi ko iyon makakalimutan."Tumango si Damian at dahan-dahang hinawakan ang aking balikat nang walang malisya. "Call me if anyt
Tiningnan ni Damian si Kristoff nang walang kahit anong takot. Isang malamig na ngisi ang gumuhit sa mga labi ng nakatatandang pinsan."I am simply greeting your wife, Kristoff," kalmadong sagot ni Damian, ang kaniyang boses ay puno ng awtoridad na hindi matitinag. "Or is it now a crime to ask my sister-in-law how she is doing?""She is doing perfectly fine," madiin na asik ni Kristoff, ang kaniyang kamay ay mas lalong humigpit sa aking baywang, halos ibaon na niya ang kaniyang mga daliri sa aking laman. "You don't need to worry about my wife. I can take care of her."Isang mapaklang tawa ang muntik nang kumawala sa aking mga labi. Take care of me? Ang lalaking nag-iwan sa akin habang naliligo ako sa sarili kong dugo ay nagsasabi ngayon na kaya niya akong alagaan?Nakita ko ang pagtalim ng mga mata ni Damian. Alam ko na gusto niyang isumbat kay Kristoff ang lahat ng katotohanan. Gusto niyang isigaw dito na napatay nito ang sarili nitong anak. Ngunit dahil sa pakiusap ko kagabi na ilih
Ang byahe patungo sa exclusive restaurant ng isa sa mga five-star hotel ng pamilyang Montenegro ay nabalot ng isang nakakapasong katahimikan.Nasa backseat kami ni Kristoff. Magkatabi, ngunit parang may isang milyang distansya sa pagitan namin.Tahimik lang akong nakatingin sa labas ng bintana. Ang mga ilaw ng kalsada ay dumaan sa aking mukha, nagpapaalala sa akin ng mabilis na pagmamaneho ni Damian kagabi habang pilit kong inililigtas ang aking anak.Muli akong nakaramdam ng kirot, ngunit mabilis ko itong ibinaon sa kailaliman ng aking isip. Bawal akong maging mahina.Paminsan-minsan, mula sa gilid ng aking mga mata, napapansin ko ang pagnanakaw ng tingin ni Kristoff sa akin.Ang kaniyang mga mata ay tila naguguluhan, sinusuri ang bawat anggulo ng aking mukha, ang bawat pag-alon ng aking paghinga. Marahil ay nagtataka siya kung bakit wala na ang Sasha na laging nakatitig sa kaniya nang may pagnanasa. Kung bakit wala na ang Sasha na umaasang mamahalin niya.Nang makarating kami sa hot
Ilang oras bago ang nakatakdang private dinner kasama ang board of directors ng Montenegro Holdings, nanatili akong nakatitig sa aking sarili sa harap ng malaking salamin ng aking walk-in closet.Wala na ang bakas ng luha sa aking mga mata. Ang pamumutla ng aking balat dahil sa matinding pagkawala ng dugo at ang pagkawala ng aking anak ay matagumpay kong itinago sa ilalim ng perpektong pampaganda.Sa halip na ang nakasanayan kong mga simpleng damit na pinipili ko noon para hindi masyadong umagaw ng pansin, ngayon ay kinuha ko mula sa pinakadulo ng kabinet ang isang damit na kailanman ay hindi ko inakalang isusuot ko.Isang blood-red, body-hugging silk gown na may malalim na v-neckline at isang mataas na slit na umaabot sa kalagitnaan ng aking hita. Ito ay isa sa mga mamahaling damit na ipinabili ni Kristoff noong araw na pinirmahan ko ang kontrata natin para maging fake wife niya.Isang mapait na ngiti ang dumaan sa aking mga labi.Blood-red.Kasing kulay ng dugong umagos sa akin kaga
CHAPTER 5:KINABUKASANNagising ako sa ingay ng mahinang ugong ng aircon. Mabigat ang aking talukap, at ang buong katawan ko ay tila bugbog sa hindi maipaliwanag na kapaguran.Ramdam ko ang kakaibang init na nakabalot sa aking likuran, isang matipunong braso ang mahigpit na nakapulupot sa aking bayw
CHAPTER 4:“Rhamesis… ahh…” Ang boses ko ay hindi ko na halos makilala. Nawawala ako sa sarili ko! Pakiramdam ko’y nilalamon ako ng init ng alak at init ng pagdamit ng labi at palad niya.Tiningnan niya ang hubad kong dibdib. Ang mga mata niya ay manghang-mangha at seryosong natingin.Ilang saglit p
“You felt it? How much I wanted to ruin you right now at alisin ang lahat ng titig at haplos ng ibang lalaki sa’yo?”Nanigas ang katawan ko sa sinabi niya, nag-init ang pisngi ko dahil sa inis... pero bakit ganito? Gustong gusto kong iangat ang palad ko para sampalin siya pero hindi ko maigalaw... p
CHAPTER 2:“Gusto niyang sumayaw ka ng hot dance. Doon sa main stage. Kasama ng bagong macho dancer natin.”Hot dance with him? After what happened five years ago? Makakaya ko ba? Para sa pera?Nanlamig ang buong katawan ko. Tumingin ako muli sa ibaba.Sumasayaw pa rin siya sa ilalim ng madilim na p







