Share

120

Penulis: BlankTinker
last update Terakhir Diperbarui: 2025-06-03 16:03:11

Makipot ang dormitoryo—may mga kama sa magkabilang gilid ng pader at may maliit na mesa sa gitna. Halos wala nang espasyo para makagalaw nang maayos.

Lumang dormitoryo ito, walang aircon, at ramdam na ramdam ang init sa loob.

May lumang electric fan na nakasabit sa kisame, umuugong sa bawat ikot, pero wala naman itong maibigay na ginhawa. Mainit pa rin.

Sa ibabaw ng mesa ay may kettle at isang tasa.

Lumapit si Ethaniel, nagbuhos ng tubig sa tasa, at sandaling luminga-linga sa paligid. Wala siyang makitang honey kaya napilitan siyang tanungin.

“Katrice, nasaan ang honey?”

Nakahiga noon si Katrice nang patagilid, pero nanigas ang katawan niya nang marinig ang boses.

Dahan-dahan siyang lumingon, tila hindi makapaniwala.

Si Ethaniel nga.

Nagkatitigan silang dalawa, at agad napansin ni Ethaniel—mas lalo pang pumayat si Katrice sa loob lang ng dalawang araw.

Lumingon siya kay Princess, na agad nakakuha ng ibig sabihin.

“Ay, ‘yung honey!”

Mabilis siyang lumapit, kinuha ang honey at inilagay
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • Married To A Billionaire Beast   122

    Dahil nag-aalala si Ethaniel na baka muling magising si Katrice at bigla na namang tumakas, dinala na niya ito pabalik sa sariling ward.Imbes na sa ER siya dalhin, pinatawag niya ang internist para doon na lang magsagawa ng konsultasyon.Matapos suriin si Katrice, naglabas ng order ang doktor para sa IV infusion.“Hindi naman malala,” sabi ng doktor matapos ang pagsusuri. “Naantala lang ang gamutan kaya bumagsak ang katawan. Sa loob ng dalawang araw ng tuloy-tuloy na IV, babalik din sa normal ang kalagayan.”Tahimik lang si Ethaniel habang nakayuko. Makalipas ang ilang saglit, nagtanong siya.“Kailangan ba itong gamutin nang regular? May posibilidad bang lumala ito?”Tapat ang sagot ng doktor. “Sa ngayon, mahirap pang sabihin. Pero base sa kondisyon niya, mukhang hindi pa naman malubha. Pagkatapos nitong gamutan, importante ang regular na monitoring at lab tests. Kailangan talaga siyang bantayan.”“Salamat sa pagpunta, Doc,” wika ni Ethaniel.“Walang anuman, Mr. Manzano,” tugon ng do

  • Married To A Billionaire Beast   121

    Ang Room 502 ang unang kinabitan ng aircon, kasunod ang mga katabing dormitoryo.Unti-unting lumayo ang ingay mula sa pag-iinstall ng mga makina. Nang wala nang estudyanteng nakikisilip sa labas, marahang isinara ni Princess ang pinto ng kuwarto. Saka siya bumalik sa kama at isinara ang kurtina sa paligid ng higaan.Ngumiti siya kay Katrice at tanong niya, “Gusto mo ng honey water? Padala ni Mr. Manzano—imported daw at walang additives. Gagawan kita ng isang baso.”“Okay, thank you,” mahina ngunit magalang na tugon ni Katrice.Agad namang naghanda ng inumin si Princess at iniabot ito sa kanya.Pagka-inom ng kaunti, napabuntong-hininga si Princess. “Ahh... ang lamig. Ang sarap sa pakiramdam.”Tahimik lang si Katrice. Wala siyang imik at iniwas ang tingin habang dahan-dahang umiinom.“Katrice...” bulalas ni Princess, may halong damdamin ang tinig. “Ang bait talaga ni Mr. Manzano sa’yo. Tignan mo lahat ng ginagawa niya.”Natigilan si Katrice at saka mahina ang sagot, “He... is rich.”“Ha

  • Married To A Billionaire Beast   120

    Makipot ang dormitoryo—may mga kama sa magkabilang gilid ng pader at may maliit na mesa sa gitna. Halos wala nang espasyo para makagalaw nang maayos.Lumang dormitoryo ito, walang aircon, at ramdam na ramdam ang init sa loob.May lumang electric fan na nakasabit sa kisame, umuugong sa bawat ikot, pero wala naman itong maibigay na ginhawa. Mainit pa rin.Sa ibabaw ng mesa ay may kettle at isang tasa.Lumapit si Ethaniel, nagbuhos ng tubig sa tasa, at sandaling luminga-linga sa paligid. Wala siyang makitang honey kaya napilitan siyang tanungin.“Katrice, nasaan ang honey?”Nakahiga noon si Katrice nang patagilid, pero nanigas ang katawan niya nang marinig ang boses.Dahan-dahan siyang lumingon, tila hindi makapaniwala.Si Ethaniel nga.Nagkatitigan silang dalawa, at agad napansin ni Ethaniel—mas lalo pang pumayat si Katrice sa loob lang ng dalawang araw.Lumingon siya kay Princess, na agad nakakuha ng ibig sabihin.“Ay, ‘yung honey!”Mabilis siyang lumapit, kinuha ang honey at inilagay

  • Married To A Billionaire Beast   119

    “Huwag mong sabihin ’yan. You didn’t mean it.”Bahagyang napakunot ang noo ni Giselle. Matapos magdalawang-isip, maingat siyang nagtanong, “Yung nangyari kanina... kasalanan ko ba?”Nanlaki ang mga mata ni Ethaniel. Nanahimik siya, pinipigilan ang emosyon, at pinipilit panatilihing tuwid ang pagkakapindot ng kanyang manipis na labi.“Wala kang kasalanan. Akin ’to. Ako ang may problema.”Hindi siya tipo ng taong nagtatapon ng responsibilidad sa iba.Siya ang dahilan kung bakit nabuntis si Giselle. Siya rin ang nakasakit kay Katrice.Alam niyang hindi na niya mababawi ang mga pagkukulang niya. Pero sa kabila ng lahat, hindi pa rin niya kayang bitawan ang damdamin niya para kay Katrice.May mga demonyo sa kalooban niyang hindi niya mapigilan—at dahil doon, nakagawa siya ng malaking pagkakamali.Biglang tumunog ang cellphone. Si Elian ang tumatawag.Lumingon siya kay Giselle, pero hindi niya agad sinagot.“Answer it,” ani Giselle na may bahagyang ngiti. “I know what matters most right now

  • Married To A Billionaire Beast   118

    Tahimik na tahimik sa loob ng kwarto ng ospital.Biglang ibinato ni Ethaniel ang cellphone sa galit. Matatalim ang kanyang mga kilay, at nang magsalita siya, malamig na malamig ang kanyang boses.“Nahanap na ang hayop na ’yon!”Agad na sinalo ni Mark ang cellphone. “Opo, Sir. Nagpapahanap din daw si Sir Elian. Malapit na raw ang balita,” dagdag pa niya.Tumango lang si Ethaniel, saka tahimik na tumalikod at lumakad papunta sa balkonahe.Mula sa bulsa, kinuha niya ang kaha ng sigarilyo at nagsindi ng isa.Tahimik lang na pinanood ni Giselle ang lahat. Wala siyang pagkakataong makisabat, pero naintindihan niyang nawawala si Katrice.Paano nangyari 'yon? Dahil ba sa pakikipaghiwalay ni Ethaniel sa kanya?Napangisi si Giselle sa sarili. Hmm. Ang galing ding umarte ng kapatid ko. Playing hard to get? Talagang ganyan ang atake mo?Pero epektibo. Tignan mo, halatang-halata ang pagkataranta ni Ethaniel.Nagkibit-balikat siya sa isip. Pero akala ba niya makukuha niya si Ethaniel sa ganyang dra

  • Married To A Billionaire Beast   117

    Hindi man malakas ang sampal ni Katrice, sapat na iyon para magliyab ang galit na matagal nang kinikimkim ni Ethaniel.Sa mga nakaraang araw, naguguluhan siya at nahihirapang magdesisyon dahil sa pagbubuntis ni Giselle. Sa kabila ng lahat, hindi niya magawang putulin nang tuluyan ang koneksyon nila ni Giselle.Pero si Katrice? Imbis na makipagtulungan sa mga plano para sa kasal, ayaw pang pumili ng wedding dress at nakipagkita pa sa ex-boyfriend niya. Maliwanag pa sa sikat ng araw—hindi siya iniintindi ni Katrice.Nakakatawa, ‘di ba? Habang siya'y pilit na kumakapit, siya naman ang tuluyang nilalayuan.Nilamon ng galit ang natitirang katinuan ni Ethaniel. Mabilis siyang yumuko at siniil ng halik si Katrice."E-Ethaniel, umm..." pigil ni Katrice, pero hindi siya pinakinggan.Kahit anong pagpiglas at pag-iyak ni Katrice, hindi niya pinansin.Hanggang sa matuyo na lang ang luha sa mga mata ni Katrice.Tulala siyang tumingin sa kisame. Hindi siya makapaniwala—nagawang gawin iyon ni Ethani

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status