Hello, hindi ako makakapag-update ng madalas starting bukas dahil may hahabulin akong Word count sa isa kong story sa loob ng isang buwan. Pero mag-uupdate parin naman ako. Tsaka malapit na tayo sa katapusan Konti nalang. Salamat sa pagbabasa.
Kahit na naasiwa siya at hindi parin mawala-wala sa isipan niya ang nangyari noong nakaraan, wala naman siyang balak na palakihin pa ang gulo. "Wag niyo na pong isipin ang tungkol sa bagay na iyon, Uncle. Naiintindihan ko po kayo. Ginagawa niyo lang naman ang kung ano sa tingin ninyo ang tama. Wala naman pong may gusto sa nangyari."Tila nakahinga naman ng maluwag si Wilbert. "Kung ganun ay tanggapin mo itong regalo ko, hija. Para sayo ito. Dapat noong nakaraan ko pa ito naibigay sayo dahil sigurado akong bagay to sayo. Ang kaso masyado akong naging abala kaya nakalimutan ko."Tipid siyang ngumiti bago umiling "Hindi na po, Uncle. Ayos na po sa akin na nagkausap tayo. Hindi ko po matatanggap ang bagay na iyan," magalang niyang tanggi.Unang tingin niya palang, alam niyang mamahalin ang naturang pin. Siguro ay galing iyon sa basement kung saan nakalagay ang napakaraming kayamanan ng nga Nagamori."Bakit sa tingin ko may tampo ka parin sa akin, hija..."Nanlaki ang kanyang mga mata at
Magkasabay silang tumango ni Grandma Hermania."Opo," tugon niya kasabay ng marahan na paghaplos sa kanyang tiyan."Nag-asawa ka na pala? Sino? Bakit hindi mo dinala dito para ipakilala sa akin? Nais ko siyang makita para malaman ko kung mabait ba siya sayo o hindi," tila natataranta nitong wika.Ngumiti siya at muling pinisil ang kamay nito para pakalmahin si Miss Aurora. "Mabait po ang asawa ko, Mommy.""Talaga?"Sunod-sunod ang naging pagtango niya."Wag kang mag-alala, Aurora. Kilala mo ang asawa ni Hannah," singit ni Grandma Hermania."Talaga? Kung ganun ay sino?""Ang anak ng yumaong si Denver at Lorelei Yoshida. Si Levine," si Grandma Hermania ang sumagot."Ganun ba?" Mahina nitong sambit at sandaling natahimik.Ilang saglit pa ay nagsimula na naman itong umiyak dahilan para makaramdam sila ng pag-aalala."Mom? May problema po ba?" Nagpahid ito ng luha bago umiling. "Wala. Walang problema. Naisip ko lang na ang bilis ng panahon. Magkakaanak na ang baby ko," nakanguso nitong wi
"Pero hindi po ba negative ang resulta ng DNA test?"Napatango-tango si Wilbert. "Yeah, even before Beatrice could get a hold of the test result, negative na ang resulta.""Kung ganun ay bakit pa po kayo nag-aalala, Master Wilbert?" Kunot noong tanong ni Omar.Huminga ng malalim si Wilbert bago muling napasulyap kay Graciella. "Ang dali niya lang napaamo si Mommy gayong hindi naman siya ganyan sa iba. Even me, I felt something different the moment I saw her and now Aurora. Kaya naisip ko, paano kung may nagtamper na ng resulta bago paman mapasakamay ni Beatrice ang DNA test?"Nanlaki ang mga mata ni Omar sa narinig. "Pero sino naman ang gagawa ng bagay na iyon?" Sandaling natahimik si Wilbert. Iisang tao lang ang pumasok sa isipan niya na posibleng nakialam ng resulta. Drake Levine Yoshida...Naiyukom niya ang kanyang kamao. He saw how protective he is to Graciella. The hidden meanings of the words he spits against him and their latest feud where he threatened him. Plus the fact tha
Nang marinig ni Aurora ang boses ni Hannah ay tuluyan na siyang napahagulhol ng iyak. Sobrang tagal na niyang pinangarap na marinig ang boses ng kanyang anak.Finally...Finally nagkaroon narin siya ng pagkakataon na hindi lang marinig, kundi makita pa mismo ng kanyang mga mata ang kanyang anak."Hannah... My baby... Nagbalik ka na..." Mahina niyang sambit habang unti-unting iniangat ang nanginginig niyang mga kamay at marahang hinaplos ang magkabila nitong pisngi."Hindi ako nananaginip, diba?" Nag-aalala pa niyang tanong.Baka bigla nalang siyang magising at muli na namang madismaya gaya ng laging nangyayari sa kanya. Marahan naman itong ngumiti kahit na hilam din sa luha ang mga mata nito gaya niya."Hindi po..." Mahinang sagot ni Graciella.Nagpapanggap lang naman siya pero hindi niya mapigilan ang kanyang mga luha na kusang pumatak mula sa kanyang mga mata. Hindi niya lubos maipaliwanag ang emosyon na namamayani sa puso niya. Ito man ang unang beses na nakita niya ang ginang pero
Aurora...Aurora Isolde!Napakurap-kurap siya. Oo nga pala. Nangako nga pala siya kay Grandma Hermania noong nasa ospital sila na bukod sa regular niya itong bibisitahin, sasamahan niya rin ito sa pagbisita sa ina ni Hannah."Pero kung pagod ka na, pwede namang sa susunod ka nalang sumama," boses ng matandang babae na siyang pumukaw sa lumilipad niyang diwa.Mabilis siyang umiling at ngumiti. "Hindi pa po ako pagod, Grandma. Sasamahan ko na po kayo nang sa ganun may makakausap po kayo habang papunta tayo sa ospital.""Paano na si Levine? Baka hanapin ka ng asawa mo?" Nag-aalalang sambit ni Hermania.Naalala niya pa noong nakaraan kung gaano ito kaseloso pagdating kay Graciella. Nais ng lalaki na laging nakukuha ang atensyon ni Graciella."Busy po siya sa kumpanya, Grandma. Ayaw ko naman siyang abalahin lalo pa't importante ang mga gawain niya.""Kung ganun ay tayo na nang sa ganun ay makauwi ka parin ng maaga."Tumango siya at tinulungan na si Grandma Hermania na magbitbit ng mga dala
Nang mga sumunod na araw ay naging normal na ulit ang buhay ni Graciella. Wala ng Beatrice na nanggugulo sa kanya sa trabaho. Ilang araw na ang nakalipas subalit hindi parin humuhupa ang isyu tungkol kay Beatrice. Ang palabas naman na pinagbidahan ng babae at tuluyan ng nacancel na siyang naging dahilan kung bakit nahakot ng Isolde Pictures ang halos lahat ng manonood. Hindi siya sinundo ni Drake nang araw na iyon dahil may importante daw itong lakad. Pero ipinagkatiwala naman siya ng lalaki kay Owen. Hindi narin kasi siya pwedeng magmaneho ng scooter o ng kotse dahil narin sa utos ng doctor sa kanya."Matagal ba bago matapos ang meeting ni Drake?" Tanong niya kay Owen.Nitong mga nakaraang araw, mas nais niyang laging nakikita ang lalaki. Pero sa tuwing may mahahalaga itong conference meetings gaya ngayon, hindi niya ito kinukulit, ni tinatawagan, dahil uuwi ito agad at maantala na ang trabaho nito."Baka mamaya pa pong 7PM, Madam Graciella."Nakasimangot siya. Una ay dahil sa matag