Mag-log inKabanata — Ang Batang Laging Kasama“Gabby!”Mabilis na inalalayan ni Antonette ang lalaki nang bahagya itong mawalan ng balanse.Napatingin si Gabby sa kanya.“Okay lang ako.”“Hindi ka okay.”“May naalala lang ako.”“Ano?”Hindi agad sumagot si Gabby.Muli niyang sinubukang alalahanin ang batang lalaki.Puting damit.Maliit na katawan.At ang ngiting pamilyar na pamilyar sa kanya.Pero sa tuwing pilit niyang hinahabol ang alaala, tila may bahagi nito na biglang nawawala. Hindi niya alam at hindi niya maintindihan kung bakit?“Hindi ko pa rin makita ng malinaw ang mukha niya.”“Pero kilala mo siya?”Tumango si Gabby.“Pakiramdam ko.”“Baka kaibigan mo noong bata ka.”“Hindi.”Sigurado siya.“Hindi lang isang kaibigan ang batang iyon.”Napatingin si Antonette kay Gabby.“Bakit?”“Hindi ko alam.”Napabuntong-hininga si Gabby.“Pero pakiramdam ko, napakalapit niya sa akin.”Hindi na nagtanong si Antonette.Sa halip, hinayaan muna niya itong ayusin ang mga naiisip.Pagkaraan ng ilang san
“Anak…”Muling narinig ni Gabby ang tawag ng matandang babae.Nanatili siyang nakatingin dito habang pilit inuunawa ang sitwasyon.Hindi niya kilala ang babae.Sigurado siya roon.Pero bakit ganoon na lamang ang pagtingin nito sa kanya?Para bang matagal na siyang hinihintay.Para bang ang taong nakikita nito sa harapan niya ay isang taong matagal ng nawala.“Ma’am…” maingat na tawag ni Antonette.Hindi agad sumagot ang matanda.Nakatitig lamang ito kay Gabby.Maya-maya, lumapit ito.“Anak ko…”Napaatras ng bahagya si Gabby.“Pasensya na po, pero…”Hindi niya natapos ang sasabihin.Biglang hinawakan ng babae ang kanyang braso.“Buhay ka.”Napakunot-noo si Gabby.“Ma’am, nagkakamali po kayo.”Umiling ang babae.“Hindi.”“Hindi po ako…”“Anak kita.”Napatigil si Gabby.Napatingin siya kay Antonette na tila humihingi ng tulong.Lumapit si Antonette sa kanila.“Ma’am, baka napagkakamalan ninyo siya.”Tumingin ang matanda kay Antonette.“Hindi ko siya napagkakamalan.”Muli nitong binalinga
Ilang sandali silang nanatili sa harap ng kubo. Hindi agad nagsalita si Antonette.Maging si Gabby ay tila pinag-iisipan kung dapat ba nilang alamin kung ano ang nasa loob.“Baka may staff lang na nagpahinga rito,” sabi ni Antonette.“Posible.”“Pero bakit parang wala naman akong alam na may ganitong kubo rito?”Tumingin si Gabby sa paligid.“Baka matagal na itong nandito.”Lumapit siya sa pinto.“Gabby, teka.”Napahinto ito.“Bakit?”“Baka hindi tayo dapat basta pumasok.”Napangiti si Gabby.“Hindi naman ako papasok agad.”Inilapit lamang niya ang kamay sa pinto upang itulak ito ng kaunti.Sa paggalaw nito, mas lumawak ang bukana.Mula sa kinaroroonan nila, nakita nila ang loob ng kubo.May lumang mesa.May ilang upuan.At sa isang sulok ay may maliit na aparador na natatakpan ng alikabok.“Wala namang tao,” sambit ni Antonette.“Pero kanina may narinig tayo.”Tumango siya.“Baka daga.”Napangiti si Gabby.“Daga?”“Bakit? Hindi ba posible?”“Posible.”Muli nitong itinulak ang pinto.
Parehong napatigil sa pag-uusap sina Antonette at Sheena nang biglang tumunog ang cellphone ni Antonette. Napatingin siya sa screen. Nang makita niya ang pangalan ng tumatawag, bahagya siyang napangiti. Si Gabby. Agad niyang sinagot ang tawag. “Hello, Gabby?” “Antonette, dumating na ako sa Isabela.” Napatingin si Antonette kay Sheena. “Nasa Isabela ka na?” “Oo. Nasa resort na ako ngayon.” Napangiti si Antonette. “Ang bilis naman.” “Maaga akong umalis kanina. Gusto ko sanang makapaglibot agad.” “Ah, okay. Mag-isa ka lang?” “May mga staff naman dito, pero may gusto sana akong hilingin sa’yo.” “Ano ’yon?” Saglit na nagkaroon ng katahimikan sa kabilang linya bago nagsalita si Gabby. “Pwede mo ba akong samahan mamasyal sa buong resort?” Napatingin si Antonette sa paligid. “Bakit? Hindi mo ba kabisado ang resort?” “Hindi lahat. Marami pa akong bahagi rito na hindi ko napupuntahan. At saka…” Natatawang nagpatuloy si Gabby. “Mas gusto kong may kasama.” Napangiti si Antonet
Biyernes ng gabi nang katatapos lang kumain ng hapunan si Antonette nang biglang tumunog ang kanyang cellphone.Pagtingin niya sa screen, napangiti siya.Si Sheena.Agad niyang sinagot ang tawag."Hello?""Antonette! Susunod ako diyan bukas."Napakunot ang noo ni Antonette."Ha? Pupunta ka rito?""Oo.""Biglaan naman.""May pasok ba ako sa Sabado at Linggo?""Kung tutuusin, wala.""Exactly."Napangiti si Sheena sa kabilang linya."Dalawang araw muna akong mamamalagi diyan. Miss ko na kayo.""Miss mo ako?""Ikaw at ang bahay ninyo."Napatawa si Antonette."Ang landi mo.""At saka," dagdag ni Sheena, "miss ko na rin ang bestfriend at kapatid ko."Napangiti si Antonette.Mula nang malaman nilang magkapatid sila sa ama, naging mas malalim ang kanilang samahan.Hindi lamang sila naging magkapatid.Naging matalik na magkaibigan din sila."Sigurado ka?" tanong ni Antonette."Oo. Ako mismo ang magda-drive.""Eh di sige. Ingat ka.""See you tomorrow.""See you."Pagkababa ng tawag, napangiti s
Nang sumunod na araw, matapos ang gabi na magkasama sina Antonette at Gabby. Maaga pa lamang ay abala na si Antonette sa front desk ng Ong Grand Hotel.Sanay na siya sa mabilis na galaw ng trabaho. Mga guest na nagche-check in, mga tumatawag para sa reservation, at mga empleyadong lumalapit para sa iba't ibang concern.Ngunit sa araw na iyon, may kakaibang saya sa kanyang mukha.Matapos ang ilang araw na pag-iisip, tuluyan na niyang napagpasyahang umuwi muna sa Pilipinas.Matagal na rin mula nang huli niyang makita ang pamilya niya. At higit sa lahat, gusto niyang muling makabalik sa Isabela—sa lugar kung saan siya lumaki at kung saan naroon ang mga alaala ng kanyang mga magulang.Kaya nang magkaroon siya ng pagkakataong makausap si Gabby, agad niyang ipinaalam ang plano.“Sir Gabby, gusto ko sanang mag-leave.”Napatingin si Gabby Ong mula sa hawak niyang dokumento.“Leave?”Tumango si Antonette.“Opo. Uuwi sana ako ng Pilipinas.”Ilang segundo siyang tinitigan ni Gabby bago ito ngu
Pagbalik ni Sheena sa desk niya, iba na ang pakiramdam niya. Now she knew... May dahilan kung bakit siya tinatrato ng ganito. Hindi siya ñ ni Carlo. Hindi dahil siya si Sheena. Kundi dahil .... Kamukha niya ang taong sumira rito. Huminga siya ng malalim. At saka pumikit. “Hindi ako si Ruby,
“Others get consideration,” malamig na pagpapatuloy ni Carlo, hindi inaalis ang tingin sa kanya. “They get adjustments. Second chances.” “You won’t.” Narinig niyang sabi nito. Hindi niya alam kung bakit ganun ang nasabi ng boss niya sa kanya Oo, CEO ito at boss niya. Assistant lang siya nit
Friday morning. Maaga siyang nagising, halo-halo ang kaba at excitement. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o matatakot. Lalo na at personal assistant siya ni Carlo Sanchez—ang lalaking parang walang emosyon at sagad kung makatingin. Feeling niya pati kaluluwa niya nakikita nito. Nagbih
Ito ang unang kwento. Kwentong pag ibig nina Sheena at Carlo. Halina't basahin kung paano mapapaamo ni Sheena del Fuente ang puso ng kanyang boss na Super suplado, perfectionist at super kung makatingin na animo'y pati kaluluwa mo ay kaya nitong basahin.. ----- Hindi normal ang hiling na gusto mo







