LOGINChapter 3
Habang bumababa si Amelia sa kusina para kumuha ng tubig ay narinig niya si Dante na may kausa sa cellphone.
“Yes, I know. I'll remind her to brush her teeth,” malambing na sambit ng lalaki.
Remind her to brush her teeth? They had dinner tonight, huh? Pinakain nanaman siguro ng babaeng iyon ang anak niya ng candies na pinagbabawal ng doctor.
“Just remember to apply the medicine to your finger, follow the doctor's instructions, and don't be willful,” dagdag ni Dante.
Napangiti ng mapait si Amelia sa naririnig. What is her role in this house kung may ibang babaeng nagpapakananay sa anak niya? Siya ang legal na asawa pero siya itong parang mistress.
And her husband let Yvonne brainwash her daughter. Ibinibigay nito ang mga bagay na ipinagbabawal niya. The usual trick to get her daughter's attention and love.
"Go to sleep early, Yvonne. Don't stay up late. Bye," anito pagkatapos ay pinatay ang tawag.
Amelia bit her lower lip. Paglingon ng asawa ay nakita siya nito. Sandaling natigilan ang mukha ni Dante bago sumalubong sa kanya.
"You stay with Clara tonight. I have a video conference to finish, so it might be late." He put down the glass of water on the sink.
Nang hindi nagsalita ayi Amelia tumingin si Dante sa kalendaryo at bahagyang kumunot ang noo.
“Ah, 8th of the month pala ngayon.” Tumingin si Dante sa mata niya. “I’ve been busy with meetings these past few weeks. I'll come to your room after the video conference," dagdag ng lalaki saka tinapik ang balikat niya bago ito lumabas.
Isang beses ay umiyak siya dahil sa selos, kaya pinangako ni Dante sa kaniya na isa-satisfy ang needs niya bilang babae once a week. It became their marital obligation.
Napabuntong hininga na lang si Amelia.
"Pwedeng sa ibang araw na lang? Napagod ako ngayong araw," pagdadahilan ni Amelia sa asawa habang palayo.
Hindi na sumagot si Dante. Pinagmasdan niya lang ang papalayong pigura ng asawa saka naglakad papunta sa kwarto ni Clara.
Kakatapos lang bihisan ni manang Linda ang anak niya habang kinukuha ni Amelia ang favorite comic book ni Clara.
Umupo si Amelia sa kama at ngumiti sa anak, "Clara, halika sa tabi ko. Babasahan kita nitong paborito mong libro bago ka matulog.”
Pero hindi siya pinansin ng anak, sa halip ay bumaling ang attention nito kay Manang Linda.
"Yaya, I want my doll. Iyong gift po ni Tita Yvonne sa akin, the pink one!”
"Sige at hahanapin ko sa sala,” pagkasabi ay lumabas si Manang Linda.
Nasasaktan man si Amelia sa pakikitungo ng anak ay tinitiis niya iyon. Hindi lumalapit sa kaniya si Clara hanggang makabalik si Manang Linda. Umupo ito sa kama at mahigpit na niyakap ang dinosaur doll na paborito. It was a gift from Yvonne on Clara's fourth birthday from abroad.
Simula noong ay palagi nitong katabi ang dinosaur doll bago matulog.
“Clara, baby…” Lumapit si Amelia at hindi niya napigilan ang sarili na himasin ang ulo ng anak at dahan-dahang hinalikan ito.
Ngunit agad siyang itinulak ni Clara.
“Don't kiss me, Mommy. It's disgusting!” reklamo nito.
Tila may pumisil sa puso ni Amelia. Pinunasan nito ang ulo gamit ang likod ng kamay.
"Clara!" saway niya sa anak.
“What, Mommy?!” masama ang tingin ni Clara sa kaniya. “You never spend time with me. Hindi mo rin ako binibilhan ng masasarap na pagkain like candies and ice cream. Alam kong ayaw mong maging masaya ako. If you don't like me, I don't want to like you either!” She crossed her arms hugging her doll and pouted her lips.
Nagsimulang mamula ang mata ni Clara sa sama ng loob.
Para siyang tinusok ng libo-libong karayom sa puso. She tried to hold her hands, pero mabilis na iwinaksi iyon ni Clara.
“Don’t touch me! Ayoko sa'yo!”
Muli niyang sinubukang hawakan ang anak, gusto siyang haplusin at pakalmahin ito. Ngunit nagalit pa si Clara, halatang nasasaktan.
"Daddy!” malakas na sigaw nito. “I want Daddy! I want Daddy to sleep with me!”
Biglang bumukas ang pinto ng kwarto ni Clara at pumasok si Dante. Tumayo si Clara at dali-daling tumakbo sa ama.
"Princess, what's wrong?" mahinhin tanong ni Dante habang niyayakap ang anak.
"I want to sleep with Daddy, I don't want Mommy," sagot ni Clara, nanginginig ang boses at mahigpit na kumakapit sa braso ng ama.
Hinaplos ni Dante ang ulo ng anak at napatawa na tila ba nag-iinarte lang anak.
"Then Daddy will sleep with you."
Mabilis na tumango si Clara at humiga sa kama.
Saan ba ako nagkulang bilang ina? tanong ni Amelia sa sarili. Nasasaktan siya sa mga narinig sa anak. She can't believe Clara turns into this. Napakalambing naman nito noon sa kaniya.
Lumipat si Amelia sa gilid ng kama at binigyan ng puwang ang mag-ama. Clara closed her eyes. Inayos ni Dante ang kumot nito. Humiga naman si Dante sa kabilang bahagi at iniunat ang mga braso, handang yakapin si Clara sa kanyang mga bisig. Mahaba ang mga braso ni Dante kaya bahagyang dumampi sa balikat ni Amelia. Napansin ni Amelia ang init ng balat ng lalaki. Mabilis siyang lumayo dito.
Ilang minuto lang ay nakatulog na ang anak nila. Ipinikit na lang ni Amelia ang mata habang mataman na naghihintay makaalis ang asawa.
Naramdam niya ang maingat na pag-alis ni Dante ng kanyang braso sa ulo ng anak, ang pag-aayos nito ng kumot. Yumuko ito at hinalikan ang ulo ni Clara.
“Good night, Princess.”
Alam ni Amelia na gawi rin ni Dante na halikan siya sa ganitong paraan, kaya maingat siyang nagbaling at iniwasan ang halik ng asawa.
Ilang segundo lang ay bumukas sara ang pinto ng kwarto. Nang nakasigurong nakaalis na si Dante ay dahan-dahang lumingon si Amelia sa anak saka ito niyakap.
Pinagmasdan niya ang mala-anghel na mukha ni Clara. Hinaplos niya ang buhok nito ng paulit-ulit.
“I love you so much, Clara. Mommy loves you very much,” bulong niya kahit hindi siya nito naririnig.
Si Clara na lang ang meron siya at ayaw niya itong tuluyang lumayo ang loob.
If her husband wants another woman as his wife, she'll grant it. Pero hindi niya kailanman ibibigay si Clara.
Chapter 11"Dad, si Tita Yvonne!" masiglang sigaw ni Clara habang itinuturo ang isang direksyon gamit ang maliit niyang daliri. "Nakita ko si Tita Yvonne!"Napalingon si Amelia sa tinuturo ng anak. May babaeng nakatayo malapit sa bintana at may hawak na bag. Walang iba kundi si Yvonne."Yvonne? Kay laking pagkakataon naman, dito ka rin kumakain?" gulat na tanong ni Mamita."Kay laking pagkakataon nga po, Tita. Kayo rin po, napadaan din dito?" sagot ni Yvonne na tila nagulat din."Ano? Aalis ka na ba?" tanong ni Mamita."Tumawag po kasi ang kaibigan ko. Hindi raw siya makakarating kaya paalis na rin sana ako," paliwanag ni Yvonne.Pagkatapos ay kumaway siya kay Clara."Paalam, Clara. Sa susunod, ilalabas ka ni Tita para bilhan ng masarap na pagkain, ha?""Tita Yvonne, huwag ka munang umalis," sabik na tawag ni Clara habang iniunat ang maliit na kamay."Yvonne, kararating lang din namin. Sumabay ka na sa amin kumain," anyaya ni Mamita.Tahimik lamang na minasdan ni Amelia ang tagpong iy
Chapter 10Natigilan si Yvonne.Inakala niyang makikita niya ang isang helpless na Amelia, ngunit laking gulat niya nang dire diretso itong naglakad papunta sa piano nang walang pag aalinlangan.Hindi makapaniwala si Yvonne. Marunong mag piano si Amelia?Hindi nga ito nakapagtapos ng university. Isa lang naman itong housewife sa paningin niya.Napunta ang tingin ni Dante sa pigurang tuwid na nakaupo sa harap ng piano. Sa kanyang strikingly handsome na mukha, naglalaro ang liwanag at anino, bumubuo ng masalimuot at mahirap basahing ekspresyon.Sa ilalim ng banayad na spotlight, tahimik na umupo si Amelia sa tabi ng piano, parang isang liryo na namumukadkad sa gabi, malinis at elegante.Nang marahan niyang tinapik ang mga keys at patunugin ang unang hanay ng nota, iisa ang pumasok sa isip ng lahat.Mukhang minamaliit namin si Mrs. Moretti mula pa noong simula.Hindi namamalayan ni Yvonne na mahigpit na pala ang pagkakahawak niya sa likod ng upuan. Ang babaeng tumutugtog sa entablado ay
Chapter 9Ngumiti si Yvonne nang may kahulugang alam niya ang lahat at ibinaling ang tingin sa lalaking kausap ni Amelia. Hindi niya ito kilala. Hindi ito kabilang sa mga madalas nilang makasama sa kanilang circle.Sino siya? Bakit parang kilalang kilala niya si Amelia?Ang mga taong naroon nang gabing iyon ay pawang top performers sa kani kani-kanilang fields. Paano nakilala ni Amelia, isang housewife na matagal na nakatira sa Pilipinas, ang ganoong klaseng lalaki?"Dante, come here, let me introduce you to someone," tawag ni Oliver.Sumunod si Dante kay Oliver papunta kina Amelia at Renzo."Mrs. Moretti, magkakilala na ba kayo?" tanong ni Oliver na may pagtataka."Yes, we know each other," sagot ni Amelia na may bahagyang ngiti."Come, Dante. I’d like to introduce Mr. Renzo Rinaldi, Professor Clifton’s most prized student. A future prodigy in the field of medicine," masiglang sabi ni Oliver.Nagpakita ng paghanga ang mga mata ni Dante, kasama ang interes na makipagkilala. Iniabot ni
Chapter 8Pagkatapos ng dinner, sinadya niyang paalisin ang kanyang manugang at apo sa tuhod, saka tinawag sina Dante at Amelia upang samahan siya.“Amelia, kayong mag-asawa dapat lumalabas manlang minsan at nag-eenjoy, hindi iyong laging nakakulong dito sa bahay kasama naming matatanda,” bungad ni Mamita.Ngumiti si Amelia. “Grandma, gusto ko naman pong kasama kayo sa bahay.”Napansin ng matanda na bihirang mag-abroad si Amelia at marahil ay wala itong masyadong kaibigan sa ibang bansa. Seryoso ang mukha niyang humarap sa apo. “Dante, anong klaseng asal iyan na iniiwan mo ang asawa mo sa bahay buong araw habang kung saan saan ka pumupunta?”Tiningnan ni Dante si Amelia nang may pagsisiyasat. Yumuko si Amelia. Halatang iniisip ni Dante na nagsumbong siya sa matanda.“Isasama namin si Clara ngayong gabi. Ilabas mo si Amelia, maglakad lakad kayo at mag-enjoy. Bumalik na lang kayo mamaya,” sabi ng matanda na may ibang pakay.Kung nahihiya ang dalawa sa bahay, puwede naman sa hotel. Sa i
Chapter 7Matapos ang halos isang oras na biyahe, pumasok ang convoy sa isang mayamang distrito sa Amerika at huminto sa harap ng isang maliwanag na manor style na villa.Naghihintay na ang mga katulong sa pintuan upang tumulong sa mga bagahe. Naunang bumaba si Amelia, bitbit ang kanyang bag. Lumingon siya at nakita si Dante na mahigpit na karga ang kanilang anak habang maingat na bumababa ng sasakyan. Sa sandaling iyon, nagising si Clara.Kumapit ang maliit niyang mga kamay sa malapad na balikat ng ama. Magulo ang buhok niya at mamula mula ang pisngi. Humikab siya sa bisig ng ama, sobrang cute.“Dad, nasa bahay na ba tayo ni Grandma?” tanong ni Clara.Mula sa ikalawang palapag, bumaba ang isang elegante at mahinhing babae. Masayang umalingawngaw ang kanyang boses.“Nandito na ang apo ko! Nandito si Grandma!”Nang mapatingin siya kay Amelia na nakatayo sa hall na may dalang bag, bahagyang nag-iba ang kanyang ekspresyon. Magalang na bumati si Amelia.“Mom, long time no see.”“Oh my, Cl
Chapter 6Naramdaman ni Amelia ang matinding kirot sa dibdib. Kahit hindi na niya ito gaanong pinapansin, nanatili pa rin ang galit.Ngayon, tiyak na hindi niya papayagan ang anak na makaalis sa ibang bansa kasama nila. Hindi rin niya hahayaang makalapit si Yvonne sa anak at manipulahin ang isipan nito.Sa gabi, nagdinner si Dante sa bahay. Nang kumapit ang kanilang anak sa kanya, pinilit ni Amelia na huwag masyadong lumapit. Pagkatapos ng dinner, nag-shower siya ng alas-otso y medya. Nang lumabas at lumingon-lingon, narinig niya ang boses ni Clara mula sa kwarto ni Dante.“Tita Yvonne, nakapag-abroad ka na ba?”“Yes, I just arrived today, and I really wish Clara could come along too!” sagot ni Yvonne, puno ng excitement.“We’ll meet soon. Dad said he’ll take me abroad to see you in a couple of days.”“Okay, then I will buy you a present and a pretty Christmas dress first!”“I want lots of princess dresses, and I also want a beautiful crown.”“Okay, Auntie has prepared everything in a







