Bumuhos ang malakas na tubig galing sa malaking bilog na host ng shower, sa gulat ay napasigaw ako, habang nakatayo sa banyo. Kaharap ko pa si Oliver habang hinahabol ko ang aking paghinga."Stop it!" sigaw ko sa kanya. Ngunit nagbingi-bingihan lang ito na nakatingin sa akin.Para akong nahimasmasan sa nangyari. Hanggang sa wakas ay penindot niya ang switch kaya huminto ang paglabas ng may kalakasang pressure ng tubig."Why did you do that?" tanong ko sa kanya pagkatapos kong mapahiran ang mukha ko gamit ang aking kamay para alisin ang natirang tubig sa mukha ko.Imbis na magpaliwanag, ay ngumiti lang siya, ngunit ang ngiting iyon ay hindi nagpapakita ng anumang pag aalala. Syempre, hindi ko na rin inaasahan pa na sasagutin niya ako ng maayos. Sa halip, inulit lang niya ang kanyang ginawa. "Bweeee....! Ag! ag." Nabulunan ako nang pinasukan ng tubig ang aking bibig."Hindi mo ba ako titigilan?" sunod kong paninigaw sa kanya. Ngunit mabilis kong naisip na kung magpapatuloy ako ay bak
(POV-3) "Sir, lumabas na ang resulta ng DNA test ng isang taong pumatay sa kilalang Drug Lord na nagtatago sa isang Isla ng Mindanao. Si Kwago." Ang nagsalita ay si SPO2 Alfred dela Cruz. Dalawampu't walong taong gulang. Mabilis siyang kumilos, matalino at magaling sa pag gamit ng mga makabagong technology sa kasalukuyang henerasyon. Mabilis siyang nakitaan ng kakaibang husay at galing, bukod dito, ay tapat siya sa kanyang tungkulin sa lumipas na limang taon, kaya mabilis niyang nakuha ang naturang rank bilang pulis."Anong findings?" Tanong ng isang lalaking nakatalikod. Hindi ito humarap sa pulis na dumating na nagsasalita."I'm sorry Sir, pero it's clear na kilala mo ang taong ito""What? Inaakusahan mo ba ako?" pagkatapos marinig ng pulis ang sagot ng lalaki ay napalunok na lang siya sa sarili nitong laway."No Sir! I'm sorry.. what I mean is baka kilala mo ang taong ito, dahil pagkatapos ng masusing investigation, I found out na nagmatch ang DNA test result sa dugo mo""Huh? ka
"Tantan, Luciana..."Tumakbo ako ng makita ko ang dalawa kong kaibigan. Si Tantan at Luciana ay malapit din noon sa matalik kong kaibigan na si Lilly. Katulad ko ay wala rin silang nagawa para iligtas si Lilly mula sa mga kamay ng mga taohan ni Don Geralt Monro. Ganon pa man ay hindi ko sila masisisi kung naunahan na sila ng takot. Sa muli naming pagtatagpo ngayon, ay hindi na namin napigilan ang maging emosyonal at mayakap ang isa't isa.Ang dalawa ay kasama ko na lumaki sa "safe house" noon na itinayo ni Don Geralt Monro sa Isla ng Siargao. Si Tantan, nagbago na ang kanyang itsura, ang maitim niya na buhok ay may kulay na dilaw, matangkad at maputi siya, dahil ayon sa kanya isang German ang kanyang ama na iniwan ang kanyang Ina hanggang sa mamatay ito dahil sa depression. Ang palatandaan ko sa kanya ay putol ang isang daliri sa kaliwang bahagi ng kanyang kamay. Pinutol ito ng isa sa mga taohan ni Don Geralt noon, nang mahuli siyang kumuha ng pagkain sa ref sa oras ng hating gabi."Ma
"Napakagaling mo talaga, pinahanga mo ako sa ginawa mo laban kay Oliver Monro. Dahil doon dinagdagan ko ang hinihingi mong pera," sambit ni "Black hawk" nang makausap ko sa telepono. Tinawagan ko siya para sa financial naming pangangailangan."Kung may magaling man sa atin, ikaw iyon. Kung di dahil sa tulong mo malamang pinag-pyestahan na ako ng mga bulate ngayon sa lupa""Of course, ako lang naman ang the "legendary spy" sa buong Pilipinas. Nakakalungkot lang dahil ikaw lang ang nakaka alam niyan," matapos niyang sabihin ito ay tumawa siya."Hindi ka pa rin nagbabago," saad ko sa kanya."Get the money in any LCB encashment center near you" huling sinabi niya at ibinababa ang tawag, ngunit bago iyon ay narinig ko pa ang pagtawa niya matapos magsalita."Hanggang ngayon ba nagtitiwala ka pa rin sa matandang iyon?" tanong ni Luciana."Oo, alam ko tutulungan niya tayo at hindi niya ako bibiguin." "Sana nga lang, dahil kung hindi hahanapin ko siya sa buong Pilipinas pag gumawa siya ng kalo
"Hindi mo ako anak. Dahil kong ikaw ang aking Ina, hindi mo dapat ako hinahayaang mawala" Tumulo ang aking luha ng bigkasin ko ang bawat letrang ito. Kahit kaunting pagmamahal ay wala akong nararamdaman ngayon. Nananaig ang kirot sa puso ko, na parang gusto kong sumigaw."Kung alam mo lang anak...""Hindi ko alam, at hindi kita kilala. Isa pa, hindi ko hinahanap ang aking magulang. Dahil alam ko na patay na sila." pagmamatigas kong sabihin ito. Hindi ko alam kung maniniwala siya o may epekto ang sinabi ko. Pero ito ang totoo. Pinatay na nila ako noon, na kahit humihinga pa ako hanggang ngayon. "Talya... patawarin mo ang mama..." mahinahon niyang salita ngunit may kalakasan, lakas na nakakapanghina sa akin. Bakit hindi sing-tigas ng bato ang puso ko, katulad ng ginawa nila sa akin noon?Humakbang siya kasabay ng pag agos ng mga luha mula sa kanyang mga mata. Itinaas ang dalawang kamay na parang may sinasalubong na isang mahigpit na yakap, saka sinabing..."Talya anak.. miss na miss n
"Talya! tapos kana bang maglaba diyan?" ang sigaw ni mama mula sa taas ng bahay namin. "Opo mama" ang pasigaw ko na sagot habang sinampay ang huli at malaking pantalon ni papa sa sampayan. "Magbihis ka, at samahan mo ang papa mo. Bilisan mo na at nag aantay siya sa labas." Ang sabi ni mama na sumigaw pa mula sa bintana. "Opo." Ang tangi kong sagot. Itinago ko ang cell phone ko sa aking bulsa na may ngiti sa labi habang naglalakad papunta sa Papa ko, at sumakay sa sasakyan. Kung alam ko lang na hindi ko na makikita ang aming tahanan, kapatid, at ang aking Ina...Hinding hindi ako sasama sa papa ko. "Papa, saan po tayo pupunta?" Lakas-loob kong tanungin ang aking ama na may pananabik sa aking tono. "It's a surprise Talya," sabi niya na hindi tumitingin sa akin kundi sa cellphone niya. "Bigyan mo lang ako ng konting hint. Please Papa.." pakiusap ko. Gusto kong malaman kung saan kami pupunta. Kinasusuklaman ko ang pagiging out of a loop. Tumingin sa akin ang Papa ko saglit, at tumin
Makalipas ang dalawang buwan ay may ipinagawa sa akin ang aking amo na si Don Geralt Monro. Ingay, sigawan, at nahinto ang tugtog.Nagtakbuhan ang mga tao sa isang club. Binasag ko ang buntot ng isang empty bottle upang gamitin pang depensa laban sa mga tambay at lasing na mga lalaki. Anim silang lahat kung bibilangin. Napalaban ako dahil sa pambabastos nila sa isang babae. Ang babaeng dancer ay sumasayaw sa gitna, pero dahil sa kalasingan nila ay lumapit sila sa stage at doon hinahawakan ang babae sa braso para hilahin at dalhin sa table nila. Walang sumita sa mga ito, na kahit ang manager ng club ay walang nagawa. Pero bago paman nangyari ang karahasan sa club na ito, ay may narinig akong bulungan sa katabing table, ayon sa kanila ang group na ito ay pawang mga miyembro ng wakwak gang. Good timing actually, dahil ang group nila ang sadya ko sa lugar na ito. "Ang tapang mo ah, sige! Lumapit ka dito!" Nagsalita ang isa sa kanila, akmang bumunot ito ng baril pero hindi natuloy dahi
Narating ko ang isang pangpang kung nasaan nakatago ang startup damon motor ko na kulay dilaw. Ang motor na unang regalo ni Don Geralt Monro sa akin, nang mapatay ko ang dalawang drug lords sa Mindanao. Sinoot ko ang aking long coat, na kulay itim, madulas at manipis na tela. Sumunod ay sinuot ko na rin ang helmet na kulay dilaw, maliban sa isara ang salamin nito para takpan ang aking mga mata."Tsog! tsog! tsog!"Bigla akong napayuko para umiwas sa tatlong sunod sunod na putok. Ngunit hindi na ako lumingon pa para hanapin kung saan galing ang pag putok. Ang kinaroroonan ko ngayon ay nasa matarik na bundok, na may kalsada na parang bituka ng manok, umiikot mula itaas hanggang baba.Batid ko na may sniper ang taohan ni Kwago kaya walang ibang hahabol sa akin kundi ang kanyang grupo lamang.Dahil sa biglang pagpapaputok sa akin mabilis kung pinatakbo ang startup damon motor at nagmamaneho ng walang tigil, nagpasuray suray sa daan, dahil kahit anong layo ko na ay nasusundan pa rin ako n