Home / Romance / One-Night Stand with the CEO / Chapter 5 – Ang Bunga ng Isang Gabi

Share

Chapter 5 – Ang Bunga ng Isang Gabi

Author: Jinky Carpio
last update Huling Na-update: 2025-09-13 13:09:25

‎Lumilipas ang mga linggo, ngunit hindi matahimik si Ava. Pilit niyang iniiwasan ang mga tanong ni Liam at ang mapanuring mga titig ni Kaiden. Ngunit sa bawat umaga, mas lalo niyang nararamdaman ang bigat ng kanyang sikreto; isang sikreto na hindi kayang itago ng katawan.

‎Madaling mapagod, madalas na pagsusuka, at ang hindi na dumadating na buwanang dalaw. Hanggang sa isang gabi, mag-isa siyang nakaupo sa banyo ng kanyang maliit na office hawak ang pregnancy test. Nanginginig ang kanyang mga kamay habang pinapanood ang guhit na unti-unting lumilinaw. Dalawa.

‎Positive.

Dahil sa panginginig ay ‎nalaglag ang test kit sa sahig, sabay pagbagsak ng kanyang luha. Hindi na ito maitatanggi, nagdadalang-tao siya.

‎Ang ama? Ang lalaking ayaw niyang maalala ngunit hindi rin niya kayang kalimutan—Kaiden Alcaraz.

‎Halos hindi siya makapagtrabaho nang maayos. Sa bawat pagpikit niya’y bumabalik ang gabing iyon, ang init ng katawan ni Kaiden, ang marahas na halik, ang halinghing na tinangka niyang itago. Bunga ng lahat ng iyon, isang bagong buhay ang umuusbong. Isang bagong buhay sa kaniyang sinampupunan na hindi niya alam kung paano papalakihin ng tanging siya lang.

‎“Hey,” bulong ng isang pamilyar na tinig habang wala itong kaalam-alam na nakatitig siya sa pader nang halos isang oras.

‎Napatigil siya nang makita si Liam, nakatayo sa tabi ng kaniyang mesa at may hawak na kape.

‎“You look pale. Have you been eating right?” tanong nito, puno ng malasakit na parang walang nangyaring kasalanan noon. “Ava, I know I messed up. But if you’ll let me… I want to take care of you.”

‎Napalunok si Ava, pinilit ngumiti, ngunit ang mga mata’y nag-iiwas. Hindi niya alam kung paano tatanggapin ang mga salitang iyon, lalo na ngayong may hawak siyang mas mabigat na katotohanan.

Wala pa man din ay ‎doon niya naramdaman ang biglaang lamig sa paligid.

‎Kaiden.

‎Nakatayo ito sa di-kalayuan, nakahalukipkip, nakamasid sa kanila. Ang titig nito’y parang mga talim ng kutsilyo, matalim, mapanganib. Isang kilos lang ay tiyak na masusugat si Liam.

‎“Ava,” malamig nitong tawag, hindi man lang tinitingnan si Liam. “In my office. Now.”

‎Pagkapasok pa lamang, agad niyang naramdaman ang bigat ng presensya nito. Nakasara ang blinds, at silang dalawa lang ang nasa loob.

‎Kaiden walked closer, mabagal ngunit puno ng pwersa. “Do you enjoy making me jealous?”

‎“What? No, I—”

‎“Then why the hell are you letting him talk to you like that?” mariin nitong bulong, halos nakadikit ang mukha sa kanya.

‎Ramdam niya ang init ng hininga nito, ang tensyon sa bawat galaw. Napatras siya, ngunit bigla nitong dinakma ang kaniyang baywang.

‎“Kaiden…” mahina nitong bulong, pilit pinipigilan ang sarili. Ngunit ang kanyang puso ay kumakabog, hindi lamang dahil sa takot, kundi dahil sa katotohanang dala niya ngayon.

‎Isang bagong buhay.

‎Alam niyang hindi magtatagal ay mabubunyag din ang lahat at natatakot siya sa isang bagay; paano na lamang kung hindi tanggapin ni Kaiden ang kaniyang sariling anak?

‎Lumayo ang babae, mabilis na tinipon ang lakas ng loob kahit pa sa mga oras na iyon ay bumibigay ang kaniyang mga kalamnan. “I need space,” kaniyang sambit, tinatakpan ang sarili, para bang may pinoprotektahan.

‎Kaiden narrowed his eyes, studying her. “Something’s off with you. And I will find out what it is.”

‎Paglabas niya ng opisina, napahawak siya sa kanyang tiyan, tahimik na nagdasal na sana’y hindi pa ngayon ang araw. Hindi pa siya handa sa mga posibleng mangyari sa kaniya at sa kaniyang magiging anak. Hindi pa niya alam kung paano haharapin si Kaiden—ang lalaking may hawak ng kanyang puso, ng kanyang katawan… at ngayon, ng kanyang kinabukasan.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • One-Night Stand with the CEO   Chapter 68 — Kaibigan Ba?

    "Clara, can we talk?""Sure, Ava. I always have time for you." "I just realized that I shouldn't close my heart and ears for you." "What do you mean?" "Can we…be friends again?" At doon muling naging nagkasama ang dalawa. Sa tuwing may date sina Ava at Liam ay naroon si Clara na tila na sumusuporta, ngunit sa katunayan ay unti-unti na palang inaangkin ni Clara ang puso ng lalaki. "I just go to the rest room. I'll be back okay?" saad ni Ava nang minsan silang kumain sa isang fancy restaurant. Naiwan ang dalawa at hindi alam ni Ava na palihim na nag-uugnay ang dalawang paa ng inaakala nitong kaibigan at ng kaniyang kasintahan. Sa gabi rin na iyon ay mas lalo pang naging matindi ang kaniyang pagnanais na makuha kaagad si Liam, kung kayat tinawagan niya ito sa gitna ng gabi. "Do you want me to, are you?" tanong ng babae sa lalaki gamit ang kaniyang malambing na boses. Palihim na nagkita ang dalawa sa isang motel."But, you're my girlfriends friend…" tugon naman ni Liam na may pag-a

  • One-Night Stand with the CEO   Chapter 61 — Kawalan

    Sa pagsapit ng mga araw ay si Ava na mismo ang umiwas, kahit pa na alam na nito sa kaniyang sarili na mayroon na siyang nabuong pagtingin kay Miguel. Lumipat ito ng ibang paaralan at binigay na lamang ang kaniyang best sa lahat ng bagay na kaya niyang gawin, ngunit hindi pa rin tumigil si Clara. Hindi man lumipat ng paaralan ang dating kaibigan ay hindi naman siya nito tinantanan sa social media. Tila isa itong stalker na naghahanap lang ng tiyempo upang makakuha ng impormasyon na maaring makasira kay Ava. "Ano ba kasing gusto mong mangyari, Clara?" tanong ni Ava nang minsan silang magkasalubong. Malakas na tumawa si Clara at umiling. "Gusto ko lang naman patunayan sayo na hindi ikaw palagi ang bida. You are below me," saad nito at pinakita ang litrato ni Liam, ang kasalukuyang manliligaw ng babae. "Ganiyan ka na ba ka-insecure Clara para kahit love life ko ay kailangan mong sirain? pathetic."Napakagat si Clara sa kaniyang labi matapos nitong marinig ang salitang insecure, ngunit

  • One-Night Stand with the CEO   Chapter 60 – Ang Hinala ni Miguel

    ‎Mainit ang araw ngunit malamig ang pakiramdam ni Ava habang papasok sa klase. Halos hindi siya nakatulog kagabi, paulit-ulit na bumabalik sa kanyang isipan ang bawat salitang binitiwan ni Clara. Alam niyang isang laro na ang sinimulan, at wala nang atrasan.‎‎Pagpasok niya sa silid, nandoon agad si Miguel. Nakangiti ito, kumaway sa kanya. Pilit niyang ginantihan ng ngiti, ngunit mabigat ang kanyang dibdib.‎‎“Ava,” tawag ni Miguel. “Dito ka na umupo.”‎‎Umupo siya sa tabi nito, ngunit bago pa man sila makapag-usap, dumating si Clara. Nakasuot ng bagong dress, maayos ang makeup, at para bang wala silang naging usapan kagabi. Dumiretso ito ng upo sa harap nila at ngumiti kay Miguel.‎‎“Good morning,” bati ni Clara, may lambing sa tinig.‎‎“Good morning din,” tugon ni Miguel, walang kaalam-alam.‎‎‎Habang tinatalakay ng propesor ang leksyon, ramdam ni Ava ang init ng ulo. Hindi niya mapigilang mapatingin kay Clara na tila walang ibang gustong gawin kundi agawin ang atensyon ni Mi

  • One-Night Stand with the CEO   Chapter 59 – Mga Pahiwatig ng Labanan

    Tahimik ang corridor ng unibersidad nang dumating si Ava kinabukasan. Nakaayos ang kanyang buhok, mahigpit ang kapit sa mga libro, at pilit niyang pinapakita na normal lang ang lahat. Pero sa loob-loob niya, para siyang lumalakad sa manipis na yelo, konting maling galaw lang, baka tuluyang bumigay ang lahat.‎‎Pagpasok niya sa classroom, agad niyang naramdaman ang mga matang nakatingin sa kanya. May bulungan. May tawa. Pero mas tumatak sa kanya ang presensya ng isang tao sa harapan, si Clara, nakaupo nang diretso, nakangiti ng malamig, at parang walang kasalanan.‎‎“Good morning, Ava,” bungad ni Clara, may halong ngiting mapanukso.‎“Good morning,” mahina niyang sagot, halos pabulong, pero matalim ang tingin na ibinalik niya.‎‎Nagtagpo ang kanilang mga mata, isang sagupaan na walang salita, ngunit puno ng pahiwatig.‎‎‎Habang tinatalakay ng propesor ang aralin, ramdam ni Ava ang mga lihim na tingin ni Clara. Sa tuwing mahuhuli niya ito, mabilis lang na magbabalik ng tingin si Cl

  • One-Night Stand with the CEO   Chapter 8 – Mga Anino ng Katotohanan

    Hindi makatulog si Ava buong gabi. Paulit-ulit sa isip niya ang mga salitang binitawan ni Miguel: “Ginagamit mo lang ba ako?” Para bang sugat na hindi niya kayang hilumin.‎‎Bakit niya ako pagdududahan? tanong niya sa sarili habang nakahiga sa kama, hawak ang unan. At saan nanggaling ang mga bulong na iyon?‎‎‎Kinabukasan, pumasok siya sa klase na tila walang gana. Nakita niya si Miguel na nakaupo sa unahan, seryosong nagbabasa ng libro. Nais niyang lapitan ito, pero ramdam niya ang pagitan na para bang may pader na nakaharang.‎‎Habang naglilista si Ava ng notes, narinig niyang may dalawang kaklase na nagbubulungan sa likod.‎‎“Alam mo, baka tama si Clara.”‎“Na ginagamit lang ni Ava si Miguel? Oo nga eh, parang gano’n.”‎‎Biglang kumabog ang dibdib ni Ava. Mabilis niyang ipinikit ang mga mata at pinilit wag pumatol. Pero nang marinig muli ang pangalan ni Clara, nagising ang kanyang kutob.‎‎‎Sa breaktime, hindi na siya nakatiis. Lumapit siya sa dalawang kaklase. “Excuse me,”

  • One-Night Stand with the CEO   Chapter 57 – Bitak sa Tiwala

    ‎Kung ang tsismis ay lason, si Clara ang lasonera. Ngunit ngayong hindi nagtagumpay ang mga bulung-bulungan sa paghihiwalay kay Ava at sa mga kaklase niya, nagdesisyon siyang ibang paraan ang gagamitin, isang mas personal, mas mapanirang taktika.‎‎At iyon ay ang relasyon ni Ava kay Miguel.‎‎‎“Uy, Miguel.”‎Isang hapon habang abala si Miguel sa pag-aayos ng notes sa library, lumapit si Clara. Maamo ang ngiti, at kunwari’y nahihiya. “Pwede ba kitang makausap sandali? Tungkol lang kay Ava…”‎‎Napatingin si Miguel, nagdududa. “Tungkol saan?”‎‎“Wala naman, huwag kang magalit.” Pinilit ni Clara na magpakababa ng tono. “Napapansin ko lang… parang palagi kang nandiyan para kay Ava. Eh, narinig ko kasi kanina sa mga kaklase na baka ginagamit ka lang niya.”‎‎Napakunot ang noo ni Miguel. “Ginagamit? Si Ava? Ano namang kalokohan ‘yan?”‎‎Bahagyang yumuko si Clara, kunwari ay nahihirapan magsalita. “Ewan ko… pero baka hindi mo lang napapansin. Kasi ikaw ang palaging gumagawa ng paraan,

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status