เข้าสู่ระบบNakatitig ako sa malaking salamin ng suite ko habang inaayos ang huling detalye ng suot ko. Para sa gabi na ito, pumili ako ng isang eleganteng emerald green na slip dress na gawa sa mamahaling seda. Eksakto ang lapat nito sa kurba ng katawan ko, at ang kulay ay lalong nagpalitaw sa kaputian ng balat ko. Nakalugay lang ang mahaba kong buhok na may malalaking alon sa dulo, at naglagay ako ng kaunting mamahaling pabango na may amoy ng banayad na rose at vanilla. Isinuot ko ang aking mga silver na stilleto, malayong-layo ang hitsura ko ngayon sa babaeng nagkunwaring may sakit sa telepono kanina lang.Eksaktong alas-otso ng gabi nang bumaba ako sa elevator. Pagkabukas ng pinto sa lobby, agad na nakuha ng isang pamilyar na pigura ang paningin ko. Nakatayo roon si Luther, sumasandal nang kaunti sa kaniyang sasakyan habang nakatingin sa kaniyang relo. Suot niya ang isang plantsadong black button-down shirt na nakatupi hanggang siko, ipinapakita ang kaniyang matipunong mga braso, at dark tr
ALLEN'S POVInilapag ko ang baso ng whiskey sa ibabaw ng aking lamesa at sumandal sa swivel chair habang pinagmamasdan ang numero ni Erin sa screen ng aking cellphone. Saktong alas-sais y media na ng gabi. Kanina pa nag-ulat si Luisa tungkol sa nangyari sa hotel suitr ng aking asaw, at ngayon na ang tamang oras para pumasok ako sa eksena. Hinaplos ko ang aking panga, pina-ulit-ulit sa utak ang bawat salitang gagamitin ko para maging kapani-paniwala ang boses ng isang nag-aalalang asawa. Hanggang sa pindutin ko ang call button at itinapat ang phone sa aking tenga.Sumagot si Erin sa pang-apat na ring."Hello, hon? Bakit ka napatawag?" mahina at medyo paos ang boses niya mula sa kabilang linya."Hon, kumusta ka riyan?" malambing kong tanong, pinipilit kong lagyan ng matinding lambing at lungkot ang bawat kataga. "Tumatawag ako kasi hindi ka talaga maalis sa isip ko buong maghapon. Sobra kitang namimiss ngayon, eh. Ang lungkot kapag wala ang asawa ko."Isipin mo lang na mahal kita, Erin
LUISA'S POVHalos lumundag ang puso ko sa tuwa pagkasara ng pinto ng hotel room ni Erin. Tumingin ako sa relos ko, alas sais na ng gabi. Ang tagal kong nagtiis sa loob ng silid na iyon, nagkukunwaring mabait na kaibigan at nakikipagplastikan habang hinihintay na kainin niya ang anonmang ibigay ko sa kaniya.Sa wakas, nauto rin kita, Erin, bulong ko sa sarili ko habang naglalakad sa mahabang corridor patungo sa elevator. Akala mo naman kung sinong matalino at mataas dahil ikaw ang legal na asawa. Eh ni hindi mo man lang napansin na bawat kagat mo sa pizza na iyon, bawat nguya mo, ay ang unang hakbang para tuluyan kang mawalan ng bait sa mundong ito.Nakangiti akong sumakay sa elevator at agad kong kinapa ang cellphone ko sa bag para tawagan si Allen. Hindi ako makapaghintay na ibalita sa kaniya ang tagumpay ko. "Allen! Gumana ang plano natin," pabulong ngunit nanginginig sa tuwa kong balita. "Kinain niya. Nakita ko mismong nginuya niya iyon sa harap ko bago ako umalis.""Seryoso ba 'y
Naging mabigat ang bawat paghinga ko habang pilit kong itinataas ang kaliwa kong binti para sa isang mahirap na yoga pose. Suot ko ang isang hapit na gray sports bra at matching high-waisted leggings na basang-basa na ng pawis. Kailangan kong ilabas ang lahat ng toxic na enerhiya sa katawan ko bago sumapit ang gabi. Gusto kong pakalmahin ang utak ko na kanina pa gulong-gulo dahil sa magkakasunod na tawag nina Luther at Allen.Hindi ko pa nga pala nasasbi kay Luther aNG tungkol doon.Kararating ko lang sa pinaka-crutial na bahagi ng stretching ko nang biglang umalingawngaw ang sunod-sunod na tunog ng doorbell ng hotel suite ko.Nabitawan ko ang pose ko at kamuntikan na akong matumba sa sahig. Kumuha ako ng maliit na tuwalya sa gilid para ipunas sa leeg at mukha ko habang naglalakad patungo sa pintuan. Hilong-hilo ang utak ko sa istorbo, sa totoo lang."Sino ba 'to? Kung sa reception ito, talagang makakatikim sila sa akin ng sermon," pabulong kong reklamo habang marahas na hinihila ang
Sinalubong ako ng maliwanag na sikat ng araw mulasa bintana ng aking silid pagkadilat ng mga mata ko. Umunat ako sa malambot na kama habang may hindi mapigil na ngiti sa aking mga labi. Ang gaan sa pakiramdam ko, sobra. Ang tagal ko nang hindi nagigising nang ganito kapayapa ang puso. Una kong hinanap ang cellphone ko sa ibabaw ng nightstand at agad itong dinampot para tingnan kung may paramdam agad si LUther.At hindi nga ako nagkamali. May tatlong bagong mensahe na galing sa kaniya.Good morning!Let's have dinner tonight.See you later.Niyakap ko ang unan at napapalo ako sa kama habang paulit-ulit na binabasa ang mga simpleng salita na iyon sa screen. Parang may mga paru-paro sa tiyan ko na nagwawala sa tuwa. Nakakabaliw pala ang ganito, para akong biglang bumalik sa kabatan era ko. "Ano ba 'yan, Erin. Umayos ka nga. Para kang timang," pabulong kong saway sa sarili habang pilit kong itinataas ang unan para itago ang namumula kong mukha. Pero kahit anong pigil ko, hindi ko talaga
Lumabas na muna kami ng kotse para lumanghapnng hangin. Naupo kami sa may gilid ng pampang, ramdam ang malamig na simoy ng dagat na humahaplos sa aking mukha. Suot ko naman ang aking hoodie jacket kaya nagkaroon ako nang proteksyon sa katawan. Umupo si Luther sa buhanginan at sumandal sa sasakyanhabang ako naman ay dahan-dahang humiga, ginagawang unan ang kaniyang kandungan. Tumingala ako sa kaniya habang ang kaniyang malalaking palad ay marahang humahaplos sa aking buhok. Ang lagaslas ng mga alon ay tila nagbibigay ng kakaibang kapayapaan na matagal ko nang hindi nararamdaman."Seryoso ka ba talaga sa sinabi mo kanina, Luther?" basag ko sa katahimikan, hindi inaalis ang tingin sa kaniyang panga. "Ang daling sabihin ng mga bagay na 'yan, pero kapatid mo si Allen. At kasal ako sa kaniya."Yumuko siya nang kaunti para salubungin ang mga mata ko. Walang kahit anong pag-aalinlangan sa kaniyang mukha. "Mukha ba akong nagbibiro, Erin? I don't care about Allen. He never treated you right a







