Share

KABANTA 2

Author: lunasmyth
last update publish date: 2026-03-24 22:53:37

Nakatingin din sa kanya si Ayla, inulit sa mahina na tono, "Let’s get a divorce, Hunter. Gusto mo ba itong regalo sa kaarawan mo?"

Nanatiling hindi nagbabago ang gwapong mukha ni Hunter. "Dahil lang hindi kita nakasama sa pagdiriwang ng kaarawan ko, makikipaghiwalay ka na?"

"Bumalik na sa Manila si Avery, 'di ba?"

Pagkabanggit sa pangalan ni Avery, ay kumunot ang manipis at mapulang mga labi ni Hunter at bahagyang ngumisi.

Lumapit siya kay Ayla, habang buhat-buhat siya ng mahahabang binti mula sa kanyang kinaroroonan. "Are you bothered by Avery?"

Bilang pinakabata sa henerasyon ng mga negosyante, si Hunter ay naglalabas ng isang makapangyarihang aura na nabuo mula sa kanyang kapangyarihan, katayuan, kayamanan, at posisyon. Napaatras naman si Ayla ng bigla itong lumpait sa kanya.

Lamig ang dumaloy sa balingkinitang likod ni Ayla habang idinidiin niya ang sarili sa pader.

Biglang nagdilim ang lahat. Nakalapit na si Hunter sa kanya, isinandal niya si Ayla sa pader sa tabi niya gamit ang isang kamay, ikinulong siya sa pagitan ng maskuladong dibdib nito at ng pader.

Tiningnan siya ni Hunter habang nakababa ang kanyang nangungusap na mga mata, at may mapang-kantsyaw  na ngiti sa kanyang mga labi. "Alam ng lahat ng tao sa lugar na ‘to na ang taong pakakasalan ko ay si Avery. Baka nakakalimutan mong noong pinaghirapan mo ang lahat para maging si Mrs. Carlson kapalit niya, hindi ka naman nag-alinlangan, kaya bakit ka ngayon umaastang kaya mong mapasayo lahat?"

Namutla ang mukha ni Ayla.

Oo, ang taong gusto niyang pakasalan ay si Avery.

Kung hindi siya naging lantang gulay, paano siya nagkaroon ng pagkakataong pakasalan ito?

Hindi niya malilimutan ang araw na nagising ito, nang imulat niya ang kanyang mga mata at makita siya, ang mga mata nito ay puno ng hindi matatawarang pagkadismaya at kawalang-bahala.

Pagkatapos noon, natulog silang dalawa sa magkahiwalay na kwarto, at kailanman ay walang nangyari sa kanilang dalawa.

Mahal niya si Avery.

Alam niya ang lahat ng ito, pero...

Matamang nakatitig si Ayla sa gwapong mukha ni Hunter. Unti-unting humarap ang mukha nito sa mukha ng inosenteng binata. Hunter, hindi mo ba talaga ako natatandaan?

Siya lang ang nagmamahal sa loob ng tatlong taon. Tama na iyan.

Ang tatlong taon na ito ay maituturing na katuparan ng kanyang pag-ibig.

Pinigilan ni Ayla ang pait at sakit sa kanyang puso, "Hunter, tapusin na natin ang sexless marriage na ‘to.”

Biglang nagtaas ng kilay si Hunter, ang kaniyang mapang-akit at kaaya-ayang boses ay nagbigkas ng dalawang salita, "Sexless Marriage?"

Itinaas niya ang kanyang kamay at kinurot ang baba nito, habang ang hinlalaki nito ay nakadiin sa mapupulang labi nito. "Kaya ka pala makikipaghiwalay. Ano, gusto mo ba?"

Agad na namula ang magandang mukha ni Ayla, parang hinog na berry, matingkad na pula at makatas.

Hindi iyon ang ibig niyang sabihin!

Ngayon, ang hinlalaki nito, ay dumapo sa mapupulang labi niya, malisyosong dinidiin at dinidiin. Hindi niya inaasahan na ang isang gwapo at marangal na lalaki ay may tinatagong ugaling ganito.

Ginamit pa niya ang mga daliri niya para haplusin ang mga labi nito.

Ito ang unang pagkakataon na nakita ni Hunter si Ayla nang malapitan. Palagi siyang nakasuot ng itim at puting damit at malalaking salamin na may itim na gilid, na nagpapamukha sa kanyang sarili na isang matandang babae.

Ngunit nang mas masusing suriin, natuklasan ni Hunter na ang kanyang mukha ay halos kasinglaki ng isang palad, at ang kanyang mga katangian, na nakatago sa likod ng salamin, ay hindi mailalarawan ang kagandahan. Parang anghel na bumaba mula sa kalangitan, siya ay may tinataglay na nakamamanghang kagandahan.

Napakalambot ng mga labi niya.

Ang bahaging pinagdiinan niya ng daliri ay nawawala ang matingkad na pulang kulay ngunit agad itong babalik sa dati, malambot na malambot.

Nang-aakit sa isang tao na halikan at haplusin siya.

Bahagyang dumilim ang mga mata ni Hunter. "Hindi ko inaasahan na ganito pala kalakas ang pagnanasa ni Mrs. Carlson sa mga lalaki. Ganoon ba katindi ang pagnanasa niya sa mga lalaki?"

KAPAL!

Itinaas ni Ayla ang kanyang kamay at sinampal ito sa mukha.

Napatagilid ang gwapong mukha ni Hunter dahil sa sampal.

Nanginginig ang mga daliri ni Ayla sa galit. Oo nga naman, kung magmamahal ka nang sobra nang may pagpapakumbaba, matatapakan ang iyong katapatan. Pinahiya niya talaga siya nang ganito.

Nahihiya at galit na sabi ni Ayla, "Alam kong lagi kang nakatutok kay Avery. Ngayon ay ibibigay ko ang iyong kahilingan at ibabalik ko sa kanya ang posisyon bilang Mrs. Carlson!"

Agad na nanlamig ang gwapong mukha ni Hunter, nababalutan ng hamog sa dilim. Kahit gaano siya kagalang-galang, ngayon lang siya nasampal!

Malamig at mahigpit na tiningnan siya ni Hunter, "Ayla, pwede mo akong pakasalan kung kailan mo gusto at makipag divorce kung kailan mo gusto. Ano ba ako para sa’yo?"

Tumawa nang mahina si Ayla. "Isang laruan."

Ano?

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Revenge after the Divorce   KABANATA 4

    Dumating si Ayla.Pagkatapos niyang mamili sa mall, dinala ni Millie si Ayla diretso sa 199X, kung saan magdaraos siya ng bachelor's party para kay Ayla ngayong gabi.Hindi inaasahan ni Ayla na makakasalubong niya si Hunter at ang grupo nito rito, at natural lang na narinig niya ang kanilang pangungutya sa kanya.Kilala ni Ayla si Ben Guzman at ang kanyang mga kaibigan sa VIP lounge. Kasama nila si Hunter sa iisang bilog, at si Ben ay mabuting kaibigan at parang kapatid na ni Hunter. Noon, sina Hunter at Avery ay may umaapoy na pag-iibigan, at lahat sila ay pabor kay Avery. Tinawag pa nga ni Ben si Avery na "hipag".Sa loob ng mahigit tatlong taon, hindi nakapasok si Ayla sa kanilang grupo; wala ni isa sa kanila ang may gusto sa kanya.Ang mga katawagang idinikit nila sa kanya ay pawang "substitute bride," "ugly duckling," at "isang probinsyana"...Kung hindi ka mahal ng isang lalaki, hindi ka rin igagalang ng mga kaibigan niya.Galit na galit si Millie. Itinaas niya ang kanyang mga m

  • Revenge after the Divorce   KABANATA 3.1

    Sa madilim na VIP room, nakaupo si Hunter sa magarang sofa. Ngayong gabi, nakasuot siya ng itim na kamiseta at itim na pantalon, habang ang mga manggas ng kamiseta ay nakatiklop ng dalawang beses, na nagpapakita ng kanyang malalakas na bisig at ang Paul Newman’s Rolex nito sa kanyang kamay na nag padagdag ng kakisigan nito. Ang kanyang gwapo at marangal na anyo ay parang magnet, na umaakit sa mga kababaihan sa bar at madalas na sumulyap sa kanya.Kasama ni Hunter ang kanyang butihing kapatid na si Ben, ang tagapagmana ng pamilyang Guzman, at ilan pang mayaman na tagapagmana ng ikalawang henerasyon.Tumawa nang malakas si Ben, "Bro, anong sinabi mo? Gusto na ni Ayla ng ddivorce?"Tumawa ang ilang mayayamang binata, "Sino ba ang hindi nakakaalam na mahal na mahal ni Ayla si President Carlson? Sabik na sabik na siyang pakasalan ito kahit noong naging lantang gulay na ito. Paano niya nagawang hiwalayan ito ngayon?""Magpustahan tayo at tingnan kung ilang araw makakaiwas si Ayla sa pagbisi

  • Revenge after the Divorce   KABANATA 3

    Kinagat ni Hunter ang kanyang manipis at mapula nitong labi. "Ayla, bumalik ka dito ngayon din!"Tumawa si Ayla, "Sa tingin mo babalik ako dahil lang sa sinabi mo? We’re divorced, sino pa ang magtitiis sa'yo?"Nagngingitngit sa galit si Huo Sihan, "Bibigyan kita ng isang pagkakataon para muling isulat ang dahilan ng divorce!"Lumawak ang ngiti ni Ayla. "Mali ba ako? Hunter, kalahating taon ka nang gising, pero hindi mo man lang ako mahawakan, kahit kamay ko lang. Tatlong taon ka nang nasa vegetative state. Kahit na malusog na ang lahat ng function ng katawan mo ngayon, may makatwirang hinala akong may problema ka sa function ng iyong pagkalalaki. Wala kang kakayahang magkaanak! Dapat kang magpatingin sa isang tradisyonal na tsinong doktor sa lalong madaling panahon. Ang pinakamagandang hiling ko para sa divorce na ‘to ay ang mabilis mong paggaling at bumalik ka na sa normal!"Hunter, “…”Kumikirot ang mga ugat nito sa noo.Nakakainis talaga ang babaeng ito!"Ayla, ipapakita ko sa iyo

  • Revenge after the Divorce    KABANTA 2.1

    Nagulat si Hunter sa sinabi ni Ayla.Masakit man sa puso, labag sa loob ni Ayla, "Isa ka lamang laruan na inagaw ko kay Avery. Ngayon ay pagod na akong makipaglaro sa iyo at gusto na kitang itapon at ibalik sa kanya."Walang ekspresyon namang tinitigan ni Hunter si Ayla. "Sige, Ayla, kakaiba ka talaga. Sige, let’s get a divorce. Huwag kang lumapit sa akin na umiiyak at nagmamakaawa para makipagbalikan!"Umakyat si Hunter sa kanyang study room, saka isinara ng malakas ang pinto.Tila inilabas ni Ayla ang lahat ng kanyang lakas, at ang kanyang balingkinitan na katawan ay dahan-dahang dumulas pababa sa pader.Yumuko siya sa karpet, niyakap ang sarili. "Hunter Carlson, hindi na kita mamahalin muli."............Kinabukasan ng umaga.Itinulak ni Ate Hilda ang pinto ng study room at pumasok sa loob.Nakaupo si Hunter sa kanyang upuan sa opisina at sinusuri ang mga dokumento, kilalang workaholic siya.Tumawag si Ate Hilda, "Sir."Hindi man lang itinaas ni Hunter ang kanyang ulo, halatang ma

  • Revenge after the Divorce   KABANTA 2

    Nakatingin din sa kanya si Ayla, inulit sa mahina na tono, "Let’s get a divorce, Hunter. Gusto mo ba itong regalo sa kaarawan mo?"Nanatiling hindi nagbabago ang gwapong mukha ni Hunter. "Dahil lang hindi kita nakasama sa pagdiriwang ng kaarawan ko, makikipaghiwalay ka na?""Bumalik na sa Manila si Avery, 'di ba?"Pagkabanggit sa pangalan ni Avery, ay kumunot ang manipis at mapulang mga labi ni Hunter at bahagyang ngumisi.Lumapit siya kay Ayla, habang buhat-buhat siya ng mahahabang binti mula sa kanyang kinaroroonan. "Are you bothered by Avery?"Bilang pinakabata sa henerasyon ng mga negosyante, si Hunter ay naglalabas ng isang makapangyarihang aura na nabuo mula sa kanyang kapangyarihan, katayuan, kayamanan, at posisyon. Napaatras naman si Ayla ng bigla itong lumpait sa kanya.Lamig ang dumaloy sa balingkinitang likod ni Ayla habang idinidiin niya ang sarili sa pader.Biglang nagdilim ang lahat. Nakalapit na si Hunter sa kanya, isinandal niya si Ayla sa pader sa tabi niya gamit ang

  • Revenge after the Divorce   KABANATA 1.2

    Sina Hunter at Avery ay isang kilalang ginintuang magkasintahan sa industriya. Alam ng lahat na si Avery, ay minamahal ni Hunter. Gayunpaman, isang biglaang aksidente, tatlong taon na ang nakalilipas ang nag-iwan kay Hunter sa isang vegetative state, at bigla ding naglaho na parang bula si Avery.Nang panahong iyon, ibinalik siya ng pamilyang Carter mula sa kanayunan at pinilit siyang pakasalan si Hunter, na nasa isang vegetative state noon.Nang malaman niyang si Hunter Carlson pala iyon, ang Hunter Carlson na matagal na niyang minamahal,hindi na ito nagdalawang isip at kusa niya itong pinakasalan.Pagkatapos ng kanilang kasal, si Hunter ay isang lantang gulay sa loob ng tatlong taon. Sa loob ng tatlong taong iyon, inalagaan niya ito araw at gabi, nanatili sa bahay, walang naging sosyal na buhay, at inilaan ang sarili sa pagpapagamot nito. Siya ay naging isang maybahay na umiikot sa kanya, at kalaunan ay nagising ito.Kumuha si Ayla ng lighter at sinindihan ang kandila.Isang mahinan

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status