Si Vhon Di Martin Oz a.k.a Gerlan ay isa sa apat na magkakapatid na anak ng mga bilyonaryo sa larangan ng business world.Sya ay ipinagkasundong ipakasal sa anak ng business partner ng kanilang ama na si Zeffie Kazzandra Choi.Isa syang makulit at pasaway na babae kaya tinakasan nito ang kasal nila umpisa pa lang.Nagkrus ang kanilang landas pero wala silang kamalay-malay na sila pala ang ipinagkasundo.Ginamit ni Vhon ang pangalawang pangalan nito na Gerlan at si Zeffie naman ay ginamit ang Kazzandra.Para matakasan ni Kazzandra ang fiancé nito,inalok nito si Gerlan na magpakasal kapalit ang paninilbihan nito kay Gerlan.Hindi nito sinabi sa lalaki na mayaman ito.Pumayag naman ang lalaki dahil alam nyang hindi sya magugustuhan ng babae.Nagsama sila sa iisang bubong.Sa unang araw pa lamang ng kasal nila ay puro sakit ng ulo na ang binigay ng babae sa kanya.Hanggang sa isang araw ay narealize na lang nito na nahuhulog na pala ito sa asawa nito. Nang magkapalagayan ng loob ay malalaman nila ang mga sikretong itinatago ng bawat isa.Mas lalong magiging mailap ang kapalan at si kupido sa kanila dahil may mga kokontra sa kanilang pag-iibigan.Ngunit mananaig ang kanilang nararamdaman para sa isa't-isa.
ดูเพิ่มเติมKAZ'S POV Sa wakas ay nalinis ko din ang suka ng aking mister na mahina palang uminom. "Eh pano yan,sino ang mag-aakyat sa kanya sa kwarto nya?",tanong ko sa mga kapatid nyang hindi man lang ako tinulungan sa paglinis ng kalat nya. "Kami na ang mag-aakyat sa kanya bago kami umalis ate." ,saad ni Blake saka nila binuhat si Gerlan paakyat sa hagdan. Pinagtulungan nila itong iakyat pero nauntog pa ang ulo nito sa pinto ng kwarto. Ang mga loko para naman kasing baboy kung buhatin nila ito. Talagang mauuntog ang ulo. Napaaray pa nga ito dahil sa sakit na naramdaman nito. Nang makapasok kami sa kwarto nito ay inilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng silid nito. Maaliwalas at mabango,amoy na amoy ang air freshener na ginagamit nito sa kwarto. Hindi masangsang.,ang bango at magaan sa ilong. Ibinagsak nilang tatlo ang katawan nito sa kama. "Kumuha ka na lang muna ng pajama sa closet ni kuya ate,ikaw na ang bahalang magpalit sa kanya. Pagkatapos ay dito ka na rin muna pans
KAZ'S POV Wala akong magawa,nandito ang daddy ko kasama ang daddy ni Sir Gerlan. Magkakilala pala ang mga ito,small world. Agad akong bumalik sa bahay ni sir Gerlan para tanggapin ang alok nitong contract marriage. Bahala na. May divorce namang tinatawag kaya mas ok na yon kaysa makita at mahuli ako ng ama ko at ipakasal ako sa anak ng business partner nito. Siguradong panot na yon. Sinasabi lang nina mommy na gwapo ito dahil mapera sila. Mas gugustuhin ko pang ikasal dito kay sir Gerlan kaysa sa anak ng business partner ni daddy. Pero ang tanong,gusto din ba akong pakasalan ng amo ko? Naalala ko nga palang pangit si Kazzandra Quinn. Nagulat pa ang mga magkakapatid nang pumasok ako at bumalik sa loob. "Bakit ka ulit nandito?",tanong ni sir Gerlan. "Tatanggapin ko na ang kontrata. Magpapakasal na ako sa iyo. Sakto namang dumating ang tatay ko at ang tatay nito. Agad akong yumakap dito. "What the fuck are you doing?",bulong nito sa akin. "Ngayon lang to,kaya sumunod ka n
VHON'S POV "What the fuck are you thinking Blake? Bakit sa pangit na yon mo ako ipapakasal? I am not playing here, kaya magseryoso ka nga.",naiinis kong saad sa bunso namin. Akala ko pa naman ay yung Lacson ang pipiliin nito,best candidate na kasi iyon para maging asawa ko. Ang loko kong kapatid pinili ba naman ang pangit,baduy at bastos na yon. Sino bang maniniwalang papatol ako dun? "I'm dead serious kuya. Maniniwala agad si daddy kapag nakita nya ang sekretarya mo. Para kasing may something sa kanya na hindi ko maipaliwanag.",ani Blake na seryoso naman at walang bakas ng pagbibiro. " Ako rin,gusto ko sya nakakatawa sya,siguaradong hindi magiging boring ang bahay mo kuya,bibisita ako araw-araw."wika naman ni John. "Ikaw Jahnzen,bakit mo pinili yung babaeng pangit na yon?",tanong ko dito. sabay inom ng tubig. "Bagay kayo eh.",bigla tuloy akong nasamid sa sinabi nito. Napaubo ako. "Tarantado ka talaga!" Tumawa lang ang tatlomg itlog. Wala na akong magagawa kundi subuk
KAZ'S POV Hindi talaga nagbibiro ang mga lalaking yon nang sabihing nakapasa ako sa interview. Anong nangyari? Labis ang pagkagulat ko at pagtataka nang sabihin ng mga ito na ako ang magiging sekretarya ng kapatid nila na si Mr. Gerlan Martin. Tumingin sa akin ang dalawa kong kasabay na babaeng aplikante. Napangiwi ang isa at napataas ng kilay naman ang isa. Tumayo ang mga ito at magkasunod na lumabas ng conference room. Tumayo rin ang HR Manager saka nito ako tiningnan pataas-pababa. Oo alam ko panget ako kaya pwede ba, huwag nyo akong titigan. Sanay na kasi akong matitigan dahil sa nagagandahan sila sa akin,pero ngayon ay napapangiwi ako dahil naiimagine ko rin ang sarili kong kapangitan. Lumabas na ang babae kaya kaming apat na lang ang naiwan sa loob ng conference room. Nagsalita ang lalake kanina na naghire sa akin. "You need to be here tomorrow morning. Magdala ka ng mga damit mo good for at least three days dahil may mag a out of town kayo ni kuya. Your job is to be
VHON'S POV Isa-isang tinawag ang mga aplikante para sa posisyong ipinalathala ng kapatid ko. Apat kaming magkakapatid ang mag-iinterview sa kanila kasama ang isang HR Manager. Kanina pa ako naiinis sa mga aplikante,akala mo ay beauty pageant ang pinuntahan,kanina pa nagpapacute sa amin ng mga kapatid ko. Isa pa itong HR Manager na narito,lahat na yata ng aplikante ay tinatarayan nito. Nakaharap kami ngayon sa tatlong aplikante. Kung anu-ano lang ang tinatanong ng mga kapatid ko na hindi naman kasama dapat sa trabaho bilang sekretarya. Todo ngiti ang mga ito sa amin pero pagdating sa akin ay lahat natatakot. "Next",sigaw ng taga-tawag sa labas. Ang tatlong babae ay lumabas. Pumasok naman ang isang babaeng maganda at parang modelo ang katawan. Pumangalawa dito ang isang simpleng babae na pwedeng-pwedeng pangsekretarya. At ang sunod,napahinto pa sa salamin nang makita ang sariling repleksyon. Napangiwi ito kaya napangiti ako sa ng wala sa oras. Napapangitan ba sya sa kanyang itsu
VHON'S POV Sira nanaman ang araw ko dahil sa mga magulang ko na wala nang ginawa kundi pakaialaman ang buhay single ko. Kasama ko ngayon sa opisina ko ang tatlo kong kapatid na lalake. Isang taon hanggang tatlong taon lang ang gap naming apat dahil sunud-sunod ang pagbubuntis ni mommy noon sa amin. Ako ang panganay-ang pinakaseryoso sa lahat,,pangalawa si John Hendrix-ang baliw saming apat,pangatlo si Jhanzen-ang self-centered, at bunso naming si Blake-ang pinakamature saming mag-isip. Isa ito sa mga negosyo ko pero apat kaming namamahala. Ayokong makialam sa paglapatakbo sa negosyo ng mga magulang ko. Napakalaking responsibilidad yon,stress na nga ako sa buhay ay iistressin pa nila ako sa pagpapakasal sa babaeng hindi ko naman kilala. Naalala kopa nang magkasagutan kaming mag-ama dahil pinipilit nanaman nila akong mamanhikan sa bahay ng mga Choi. "I want you to be there whether you like it or not.",dumadagundong ang boses ng aking ama habang kausap ako nito sa sala. Naikuyo
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
ความคิดเห็น