LOGINChapter 740Dinala si Arcelo sa Lucena Provincial Hospital at dumiretso agad sa emergency room.Nakatayo si Jhaycel sa labas ng ER, hawak ang sariling mga kamay habang pabulong-bulong na nagdadasal. "Diyos ko, gabayan Niyo po kami."Samantala, si Karl naman ay nakaupo sa bench sa may hallway, naninigarilyo habang paulit-ulit na tinititigan ang tseke sa kamay niya.Kumikislap ang mga mata niya sa matinding kasakiman. Para sa kanya, ang hawak niya ay hindi lang basta isang milyong piso, kundi ang pinto patungo sa marangyang buhay.Sa wakas, hindi na niya kailangang magtiis sa bulok na lugar na ito!Sa Manila na kami titira!Gusto rin niyang makaranas ng buhay-mayaman at gumasta nang walang alinlangan sa BGC at Greenbelt!Hindi nagtagal at bumukas ang pinto ng ER. Inilabas ng nurse si Arcelo habang nakahiga sa stretcher."Dok, kumusta po ang asawa ko? Bakit hindi pa rin po siya nagigising?" nagmamadaling tanong ni Jhaycel habang pinupunasan ang luha, naawa sa asawang humihilik pa sa higa
Chapter 739"Ano bang pinagsasabi ninyo diyan?!" sigaw ni Jhaycel. "MGA INGGIT LANG KAYO SA ANAK KO! Kapag may nagbitaw pa sa inyo ng isa pang salita, pupunitin ko 'yang mga bibig ninyo!"Kumuha si Jhaycel ng walis tambo at pabalang na pinalo iyon sa hangin papunta sa grupo ng mga tsismosa."Mga baliw kayo!""Mabuti pa nga ang pakay natin pero 'yang isang milyon niyo, galing 'yan sa maduming paraan mula sa pagbebenta sa anak niyo! Paano niyo pa nasisikmurang hawakan 'yan?!" ganti ng isang kapitbahay."Ano bang kinakatakutan niyan? Pera lang naman ang mahalaga sa pamilyang 'yan! Kung hindi, bakit mawawala si Sally nang napakatagal na taon?"Lalong lumala ang mga salitang ibinabato ng mga tao. Nagmumura si Jhaycel habang pinapalis sila palayo sa bakuran nila.Samantala, naghihintay si Karl sa kanto ng kalsada para sa ambulansya. Hindi naman nagtagal at dumating na ito.Inakay niya ang ambulansya papunta sa tapat ng bahay nila at nadatnan ang ina na nakikipag-away pa rin habang hawak ang
Chapter 738"Anong babae?" takang tanong ni Tristan. "Anong kidnapping? Hindi ka ba kamag-anak ni Sally? Sino ka ba?!""Driver po ako ng taxi, Sir! Kahapon ng umaga, may bumabang batang babae sa station at sumakay sa taxi ko papuntang Isabang Village. Nung bumaba po siya, bilin niya sa akin na kapag hindi siya nakabalik pagkalipas ng isang oras, tawagan ko raw ang numerong ito at sabihing naaksidente si Sally. Ngayon ko lang po naalaala dahil natakot ako na baka kung ano nang nangyari sa kanya! Kung... kung kilala niyo po 'yung Sally na 'yun, puntahan niyo na po sa Isabang Village!""Bakit ngayon mo lang itinawag 'yan kung kahapon pa nangyari?!" sigaw ni Tristan, hindi na mapigilan ang matinding inis.Naramdaman ng driver ang galit sa boses ni Tristan kaya sa takot ay mabilis nitong ibinaba ang tawag.Ang tunog ng naputol na linya ay lalo lang nagpaalab sa galit sa dibdib ni Tristan.Nakatitig siya sa screen ng cellphone habang inisip ang lahat ng sinabi ng driver.Bago pa man pumunta
Chapter 737Agad niyang pinaliban ang lahat ng appointments niya sa opisina at tinawagan ang secretary niya para ipa-check ang schedule at whereabouts ni Sally. Doon lang niya nalaman na sumakay pala ito ng tren papuntang probinsya sa Bicol noong isang gabi.Ayon sa HR ng kumpanya, nag-file pala si Sally ng emergency leave kagabi dahil namatayan ito ng kapamilya.Galit na galit si Tristan sa sarili niya dahil sa kabagalan niyang makaramdam. Wala man lang siyang kaalam-alam na may namatay palang kamag-anak si Sally, kaya hindi na nakapagtatakang ganun na lang ang galit ng kapatid niya sa kanya.Ipinakansela niya ang lahat ng meetings para sa mga susunod na araw at agad na bumiyahe papuntang Bicol.Hindi niya inaasahan na pagdating doon, madatnan niyang pinagbubuhatan ng kamay si Sally ng mismong ama nito.Pagtatagpo pa lang ng mga kilay ni Tristan tuwing naaalala ang mga pasa ni Sally ay hindi na niya mapigilan ang inis. Galit siya sa katangahan ni Sally, pero mas nangingibabaw ang lab
Chapter 736Dahil sa papuri ng asawa, tila nagliwanag ang mukha ni Santi at agad nitong iginawad ang isang mabilis na halik sa mga labi ni Astrid.Lalong lumalim ang kunot sa noo ni Tristan. Ano bang tingin ng dalawang 'to sa kanya, pader?Naramdaman ni Astrid ang matalim na titig ng kapatid kaya bahagya siyang nailang. Inayos niya ang pagkakatayo at muling hinarap ang kuya niya."Tingnan mo," seryosong giit ni Astrid. "Kung itrato ako ni Santi nang tulad ng pagtrato mo kay Ate Sally, siguradong susuntukin mo siya at ipagtatanggol mo ako. Pero ikaw na mismo ang gumagawa niyan sa girlfriend mo, sino naman ang magtatanggol sa kanya?"Subalit pilit pa ring nagmamatigas si Tristan. "Magkaiba 'yun. Kapatid kita! Si Sally, she's...""She's your fiancée, Kuya!" mabilis na putol ni Astrid sa sasabihin niya. "Dapat mas alagaan mo siya at pahalagahan! Kahit ako na ibang tao lang, napansin kong masama ang loob ni Ate Sally, tapos ikaw na partner niya, dinedma mo lang?"Huminga nang malalim si As
Chapter 735Lumabas si Tristan ng St. Luke’s Medical Center at dumiretso sa may parking area ng inpatient building. Nanggagalaiti siya sa galit habang naaalala ang mga nangyari sa ward kanina. Masyadong masakit sa dibdib. Masyadong nakakapanliit."Tangina," mura niya sa hangin bago naglabas ng sigarilyo at lighter.Sumindi iyon at agad niyang hinitit ang usok. Bumaon ang amoy ng tabako sa baga niya. bahagyang kumunot ang noo niya habang dahan-dahang binubuga ang usok sa kalawakan ng Bonifacio Global City. Lumingon siya pabalik sa mataas na gusali ng ospital at mas lalo lang siyang nagalit sa sarili niya.Gago ka ba, Tristan? Magpapakagago ka na lang ba nang dahil lang sa babaeng 'yan?Sinabi na nga ni Sally na makikipag-break na siya, pero hindi mo pa rin kayang bitawan? Sa puso ng babaeng 'yun, kahit kailan hindi ka naging kasing halaga ng pamilya niyang daig pa ang mga bampira kung sumipsip ng dugo!Hindi ka niya itinuring na pamilya! Mismong siya na ang nagsabi, di ba? Magkasintaha
Chapter 7Nagkibit-balikat si Lucilla habang iniaayos ang kanyang mamahaling singsing. "Ayaw mong maniwala? Eh di itanong mo sa anak mo paggising niya. Narito rin ang mga katulong para magpatotoo. Huwag mo akong sisisihin sa panghihimasok ko, Santi, pero dahil sa sobrang tagal niyo nang kasal, ting
Chapter 6Pagkagaling sa bahay ni Prof. Portia, hindi pa man nakakapagpahinga si Astrid ay tumunog na ang kanyang cellphone. Isang pamilyar na pangalan ang rumehistro sa screen—ang nanay ni Santi."Mom, may problema po ba?" bungad ni Astrid nang sagutin ang tawag."Nagtatanong ka pa!" bulyaw ni Luc
Chapter 5Matapos mapatulog ni Santi ang kanyang anak, malalim na ang gabi. Nitong mga nakaraang araw na wala si Astrid, naging doble ang pagod niya. Bagaman may mga katulong sa bahay, si Raica ay lumaking si Astrid ang nag-aasikaso kaya naman hindi ito sanay na kasama lang ang mga serbiuynte.Kail
Chapter 4Lumingon si Santi sa itinuturo ng kanyang anak at nakita nga niya si Astrid na masayang nakikipag-usap sa isang lalaki. Hindi niya alam kung ano ang pinag-uusapan ng dalawa, pero kitang-kita ang ningning sa mga mata ni Astrid habang tumatawa. Matagal nang hindi nakikita ni Santi ang ganoo







