เข้าสู่ระบบHindi pa sumisikat ang araw nang marinig ni Seraphina ang sunod-sunod na katok sa pinto ng apartment.“Kaelvian,” mahina niyang tawag.Nakatayo si Kaelvian sa tabi ng bintana, hawak ang envelope na ibinigay ni Lucien. Hindi pa rin nawawala sa mukha nito ang tensiyon mula nang mapanood nila ang huling recording ni Evelisse.“May sumusunod sa atin,” bulong ni Kaelvian.Muling kumatok ang pinto.“Police! Open the door!”Nagkatinginan sila.“Hindi puwede,” sabi ni Seraphina. “Kapag nakita nila ang report, baka kunin nila iyon at burahin ang lahat ng ebidensiya.”Lumapit si Kaelvian at hinawakan ang kamay niya. “May isa pa akong exit. Come with me.”Dumaan sila sa emergency staircase bago pa tuluyang mabuksan ng mga pulis ang pinto. Ngunit hindi nila alam na may naghihintay nang sasakyan sa kabilang kalsada.---“Detective Seraphina Veylora,” malakas na sabi ng lalaking naka-uniporme habang ipinapakita ang warrant sa isa niyang kasamahan. “May arrest warrant siya dahil sa unauthorized acce
“IF YOU WANT TO KNOW WHICH ONE OF THEM IS THE ORIGINAL, ASK YOUR FATHER.”Ilang minuto nang nakatitig si Kaelvian sa litrato ni Lucien na nasa cellphone niya. Hindi niya maintindihan kung bakit nasa likod ni Selene ang kanyang ama at higit sa lahat, bakit tila may malaking kinalaman ito sa pagkakakilanlan ni Seraphina.“Pupuntahan natin siya,” mariing sabi ni Kaelvian.“Kaelvian, siguradong hindi basta aamin ang father mo.”“Then I'll make him.”Tumayo si Seraphina at kinuha ang kanyang bag. “Hindi lang ikaw ang may gustong makakuha ng sagot. Buong buhay kong hindi alam kung sino talaga ako. Hindi na ako papayag na may magdesisyon para sa akin.”Sandaling tinitigan siya ni Kaelvian.“Alam kong hindi kita mapipigilan.”“Good. At least natututo ka na.”Bahagyang ngumiti SI Kaelvian ngunit agad ding bumalik ang seryosong ekspresyon nito. “Just stay close to me. Hindi ko alam kung ano ang kayang gawin ng father ko para mapanatiling nakatago ang sikreto niya.”---Malamig ang pagtanggap sa
Hindi agad nakapagsalita si Seraphina matapos basahin ang huling mensahe sa computer.ORIGINAL SUBJECT SV-07: UNKNOWN.CURRENT LOCATION: WITHIN YOUR REACH.Parang may malamig na kamay na humawak sa kanyang dibdib. Ilang beses niyang tiningnan ang litrato ng babaeng kamukha niya. Hindi niya maintindihan kung bakit may ibang taong may mukha niya, kung bakit nasa St. Verena ito, at kung bakit tila matagal na itong konektado sa buhay niya.“Kaelvian,” mahina niyang tawag.Lumapit si Kaelvian at ipinatong ang dalawang kamay sa magkabilang balikat niya.“Dito ka lang tumingin sa akin.”“Paano kung hindi talaga ako si Seraphina Veylora?”“Kung ano man ang sabihin ng mga dokumentong iyan, hindi nila kayang burahin kung sino ka ngayon.”“Pero paano kung lahat ng pinaniniwalaan ko tungkol sa sarili ko ay kasinungalingan?”Hindi agad sumagot si Kaelvian. Hinaplos niya ang pisngi nito. “Kung kailangan nating hanapin ang simula ng lahat, gagawin natin pero hindi mo kailangang harapin iyon nang mag
“Don't go to St. Verena. The woman waiting there is not Evelisse.”Paulit-ulit na binasa ni Seraphina ang mensahe sa kanyang cellphone. Sa kabilang kamay niya ay hawak niya ang litrato ng babaeng kamukha niya—parehong hugis ng mukha, parehong mga mata at maging ang maliit na marka sa gilid ng kaliwang kilay. Hindi niya alam kung matatakot ba siya o magagalit.“Kaelvian, tingnan mo ito.”Lumapit si Kaelvian at pinagmasdan ang larawan. “Hindi lang basta magkahawig, parang ikaw mismo ang nakaupo sa silid na iyan.”“Pero imposible. Hindi ako ang babaeng iyan.”“Alam ko.”“Paano mo nasisigurong hindi ako iyan?”Hindi agad nakasagot si Kaelvian. Sa halip, kinuha niya ang litrato at tiningnan ang background. May maliit na numerong nakasulat sa salamin sa likod ng babae.SV-07.“Seraphina, may napansin ka ba?” tanong niya.“Ang ano?”“Hindi ito litrato ng isang ordinaryong pasyente. Tingnan mo ang pulso niya.”May manipis na bracelet sa kaliwang kamay ng babae. Pamilyar ang disenyo nito—kapar
“SUBJECT SV-07: TERMINATION APPROVED.”Hindi maalis ni Seraphina ang tingin sa screen. Para bang bawat letra ay unti-unting humihiwa sa dibdib niya.“Execution window: tonight,” mahina niyang basa.Sa tabi niya, mahigpit ang pagkakahawak ni Kaelvian sa folder. His jaw tightened, and his eyes remained fixed on the monitor.“Hindi nila siya basta tatanggalin sa records, They want you dead, Seraphina.” makikita ang galit sa mukha ni Kaelvian “Then they should know by now na hindi ako mabilis mamatay.”Napatingin siya rito. Kahit may tapang sa boses ng babae, nakita niya ang bahagyang panginginig ng mga daliri nito.“Hindi ito ordinaryong kaso. They have access to police records, medical facilities, private security, and probably every camera in this building. Hindi natin alam kung sino ang mapagkakatiwalaan.”“Edi pagkatiwalaan natin ang isat-isa.” wika ni Seraphina.Napatahimik si Kaelvian. Bago pa siya makasagot, may tumunog na notification sa computer. Isang bagong email ang lumitaw
“Don't trust the nurse.”Paulit-ulit na umalingawngaw sa isip ni Kaelvian ang mga salitang narinig nila sa tawag. Nakatayo siya sa tabi ng sasakyan, hawak pa rin ang cellphone. Samantalang si Seraphina ay nakatitig sa screen, umaasang tatawag muli ang hindi kilalang numero.“Was that really your mother?” tanong niya.Hindi agad sumagot si Kaelvian. “I don't know. But that voice…”“What?”“It's the same voice I've been trying to remember for years.”Napansin ni Seraphina ang pamumuo ng luha sa mga mata nito. Hindi niya ito madalas makitang ganoon kahina. Sa tuwing may bagong ebidensiya tungkol kay Evelisse, para bang muling binubuksan ang sugat na pilit nitong isinasara.Hinawakan niya ang kamay nito. “We'll find out. Pero kailangan nating malaman kung sino ang nagpadala ng tawag.”Tumango si Kaelvian. “Ngayon kailangan muna natin alamin kung sino si Elena .”---Makalipas ang tatlumpung minuto, nasa apartment na sila ni Seraphina. Naka-video call si Cassian habang ipinapakita ang mga







