Teilen

Ghost on Screen

last update Veröffentlichungsdatum: 25.05.2026 12:03:37

“Ma’am, pakibaba po ng volume.”

Hindi agad gumalaw si Claire.

Nakatayo lang siya sa gilid ng maliit na TV sa waiting area ng hospital habang nakatitig sa screen na parang biglang tumigil ang oras sa paligid niya.

“Ma’am?”

Muling tawag ng nurse.

Pero wala pa rin.

Kasi sa harap niya…

Nandoon ulit siya.

Si Drake Valencia.

Mas matangkad sa alaala.

Mas malamig sa kahit anong huling tingin niya noon.

Nakasuot ng white coat habang kinakausap ng mga reporters sa loob ng hospital corridor. Calm ang mukha. Controlled ang bawat salita. Parang hindi tao kundi institusyon.

“Doctor Valencia, paano niyo nagawa ang impossible cardiac surgery case na ito?”

Bahagyang ngumiti lang si Drake.

“Hindi ito impossible. Late lang ang ibang doktor.”

May mahinang tawa ang reporters.

Pero si Claire…

Parang sinaksak sa dibdib.

Kilala niya yung tono na iyon.

Yung tono na hindi nagtatanong kung may masasaktan.

Kundi nagsasabi lang ng katotohanan kahit masakit.

“Grabe siya…” mahinang sabi ng isang nurse sa likod niya.

“Cold pero genius talaga.”

Hindi makagalaw si Claire.

Hindi niya maintindihan bakit kahit simpleng footage lang…

Para siyang hinihila pabalik sa isang bagay na pilit niyang tinakasan ng limang taon.

“Ma’am Claire…”

Mabilis niyang pinatay TV gamit ang remote ng nurse kahit hindi siya humihingi ng permiso.

“Paki off na lang po.”

Nagulat ang staff.

“Okay po…”

Agad siyang tumalikod.

Pero kahit nakatalikod na siya…

Parang nananatili pa rin yung imahe sa utak niya.

Yung mukha ni Drake.

Yung mata nitong walang init.

Yung boses na dati ay bulong lang sa leeg niya tuwing gabi.

Hindi niya dapat nakita.

Hindi ngayon.

Hindi habang ganito ang buhay niya.

“Claire!”

Napalingon siya.

Si Chloe.

Habol hininga ito habang may bitbit na paper bag.

“Bakit ka nandito sa lobby? Dapat nasa kwarto ka ni Noah.”

Mabilis niyang pinunasan mukha niya.

“Ayos lang.”

Umiling si Chloe.

“Hindi ka okay.”

Hindi siya sumagot.

Kasi kung magsasalita siya…

Baka mabasag siya.

“May nakita ka na naman ba?” tanong ni Chloe.

Sandaling katahimikan.

Hindi niya kayang sabihin ang totoo.

“Wala.”

Sinungaling ulit.

Napabuntong hininga si Chloe.

“Claire, alam mo ba kung gaano ka na kapayat? Hindi ka na kumakain nang maayos.”

“Okay lang ako.”

“Hindi.”

Mabilis na lumapit si Chloe at hinawakan braso niya.

“Hindi mo kailangan mag-isa.”

Sandaling tumingin si Claire sa kaibigan niya.

Gusto niyang maniwala.

Gusto niyang sumuko sa pagod.

Pero hindi pwede.

Kasi kapag bumigay siya…

Sino ang lalaban para kay Noah?

“Nasaan si Noah?” tanong niya para iwasan ang topic.

“Sleeping. Nilagyan na siya ng meds kanina.”

Tumango siya.

Pero kahit alam niyang natutulog ang anak…

Parang may bigat pa rin sa dibdib niya.

“Claire…” mahinang sabi ni Chloe.

“May kailangan akong sabihin.”

Napatingin siya.

“Ano?”

“Yung father ni Noah…”

Agad siyang nanigas.

“Wag.”

Pero nagpatuloy si Chloe.

“Hindi mo ba talaga balak hanapin siya?”

Humigpit ang panga niya.

“Wala siyang pakialam sa amin.”

“Paano mo alam?”

Tahimik siya.

Kasi hindi niya alam.

Hindi niya talaga alam.

Limang taon na ang lumipas.

Ni minsan hindi niya sinubukang bumalik.

Kasi takot siya.

Takot malaman na walang halaga lahat ng nangyari sa kanya noon.

“Claire…” maingat na sabi ni Chloe.

“Paano kung kailangan niya ring malaman?”

Napailing siya.

“Hindi siya kailangan.”

Pero kahit sinabi niya iyon…

May parte sa dibdib niya na hindi naniniwala.

Biglang nag ring cellphone niya.

Unknown number.

Nanlamig siya.

“Sagutin mo,” sabi ni Chloe.

Ayaw niya.

Pero pinindot niya pa rin.

“Hello?”

Tahimik.

“Hello?” ulit niya.

Isang mahinang static lang.

Tapos…

“Claire.”

Nanigas siya.

Hindi malakas.

Hindi galit.

Pero boses na parang galing sa pinakamalalim na bahagi ng memory niya.

Parang biglang bumalik lahat.

Limang taon.

Isang gabi.

Isang lalaking hindi niya dapat maalala.

“Wag ka tumawag ulit,” mabilis niyang sabi at pinatay ang tawag.

Nanginginig ang kamay niya.

“Who was that?” tanong ni Chloe.

“Wrong number.”

Pero hindi niya kayang tumingin sa kaibigan niya.

Kasi alam niya…

Hindi iyon wrong number.

Biglang bumukas pinto ng ward.

“Ma’am Claire! Si Noah po!”

Agad siyang tumakbo.

Parang bumalik lahat ng lakas niya.

Pagpasok niya sa kwarto…

Nakahawak si Noah sa dibdib habang naka upo sa kama.

“Mama…”

“Baby!”

Lumapit siya agad at hinawakan anak niya.

“Anong nangyayari?”

“Masakit po…”

Agad siyang lumingon sa nurse.

“Bakit?!”

“Nag react po siya sa medication adjustment kanina.”

Parang bumagsak ang mundo niya.

“Safe po ba siya?”

“Stable pero kailangan natin i monitor.”

Hindi makagalaw si Claire.

Nakatingin lang siya sa anak niya habang hawak nito kamay niya nang mahigpit.

“Mama…”

“Hm?”

“Nanaginip ako…”

“Ano yun baby?”

Mahina ngumiti si Noah.

"Yung lalaki nanaman…”

Nanlamig siya.

“Sinonh lalaki?”

“Naka puting damit palaging nass panaginip ko…”

Parang tumigil ang hininga niya.

Hindi.

Hindi pwede.

“Doctor daw siya…”

Mabilis siyang tumayo.

“Hindi mo kilala yun.”

Pero si Noah…

Hindi nakinig.

“Ang sabi niya… tutulungan niya tayo.”

Sandaling katahimikan.

At sa katahimikan na iyon…

Parang may gumuhit na takot sa buong katawan ni Claire.

Dahil alam niyang kahit hindi pa nila nagkikita ulit nang harapan…

Unti unti na siyang hinahabol ng pangalan na pilit niyang tinakasan.

At hindi pa doon nagtatapos.

“Ma’am Claire…”

Tawag ng nurse mula sa pinto.

May hawak itong papel.

“May visitor po kayo sa records department…”

Napatingin siya.

“Who?”

Napalunok ang nurse.

“Drake Valencia po.”

Parang biglang nawalan ng kulay ang buong mundo.

“Hindi po siya dumadalaw dito usually pero…”

Hindi na niya narinig ang sumunod.

Kasi sa utak niya…

Isang bagay lang ang malinaw.

Bumalik na siya.

At ngayon…

Hindi na siya ligtas.

“Ma’am Claire…”

Tahimik niyang nilingon nurse.

Pero si Noah…

Humigpit ang hawak sa kamay niya.

At mahina nitong bulong ang huling pumutol sa katahimikan.

“Mommy… sino si Drake?”

Lies dieses Buch weiterhin kostenlos
Code scannen, um die App herunterzuladen

Aktuellstes Kapitel

  • The Heartbeat Between Us   The Surgery Consultation

    “Magiging matagumpay ang gagawin nating operasyon dahil ako ang hahawak ng bawat instrumento sa loob ng operating room... walang pwedeng mamatay sa ilalim ng aking mga kamay... lalo na ang batang nagtataglay ng aking dugo,” seryoso at baritono ang boses ni Drake habang ang kanyang malalaking daliri ay mariing nakadiin sa ibabaw ng mahogany desk ng kanyang pribadong opisina sa loob ng Valencia Medical Empire.Nakatayo si Claire sa tapat ng kanyang lamesa, ang kanyang mga kamay ay mahigpit na nakakapit sa strap ng kanyang lumang bag habang ang bawat salita ng bilyonaryong siruhano ay tila isang mabigat na timbang na nagpabagsak sa kanyang natitirang lakas. Ang silid ay puno ng mga nakahilerang medical monitors at makabagong radiological scans ng puso ni Noah, ang mga gen z inspired na makukulay na graph sa screen ay nagpapakita ng komplikadong kondisyon ng bata na tila ba isang digital na orasan ng kamatayan kung hindi maaagapan.“Pakiusap... Drake... pirmahan mo na ang opisyal na accep

  • The Heartbeat Between Us   Dangerous Feelings Return

    “Huwag mo akong tingnan nang ganyan, Drake... huwag mo akong pilitin na paniwalaan ang bawat matatamis na salitang lumalabas sa bibig mo habang nakakulong tayo rito sa loob ng elevator,” nanginginig ang boses ni Claire habang pilit na isinasandal ang kanyang likod sa malamig na salamin ng VIP elevator, ang kanyang mga kamay ay nakatakip sa kanyang dibdib upang protektahan ang lumang kwintas na hawak pa rin ng bilyonaryo.Hindi siya pinakinggan ni Drake, mas lalo pa nitong inilapit ang kanyang matikas na pangangatawan hanggang sa maramdaman ni Claire ang init ng balat ng lalaki na tila ba sumisira sa lahat ng pader ng galit na itinayo niya sa loob ng limang taon. Ang senswal at obsessive na titig ng bilyonaryo ay unt-unting nagpapahina sa kanyang tuhod, isang pamilyar at mapanganib na emosyon ang muling nabubuhay sa kanyang puso... ang katotohanang hindi niya kailanman natutunang hate ang lalaking unang sumira at bumuo sa kanyang pagkatao.“Paano kita hindi titingnan nang ganyan kung a

  • The Heartbeat Between Us   The Forgotten Necklace

    “Ibigay mo sa akin ang bawat piraso ng katotohanan na nakuha mo mula sa laboratoryo, Lucas... dahil ang bawat segundong lumilipas na hindi ko alam ang buong detalye ay lalong nagpapataas ng pagnanasa kong sirain ang lahat ng nakaharang sa pagitan namin ni Claire,” malamig at baritono ang boses ni Drake habang mabilis niyang hinila ang itim na folder mula sa kamay ng kanyang assistant, ang kanyang mga mata ay nanatiling nakatitig sa nanginginig na katawan ng babaeng kasalukuyang nakasandal sa kanyang dibdib.Nasa gitna sila ng abalang lobby ngunit ang presensya ng bilyonaryong siruhano ay lumikha ng isang hindi nakikitang pader na nagpalayo sa lahat ng mga tsismosong empleyado. Ramdam ni Drake ang mabilis na pagtibok ng puso ni Claire na dinala ng matinding panic, ang kanyang posesibong hawak sa manipis na bewang nito ay lalong humigpit na tila ba isang permanenteng kandado na hindi pwedeng buksan ng kahit sinong tao.“Doc... baka naman pwedeng huminga ka muna nang malalim dahil ang mg

  • The Heartbeat Between Us   Noah’s Drawing

    “Mommy... tignan mo po itong drowing ko, kamukha po ba natin si Papa Drake rito sa gitna ng malaking kastilyo?” inosenteng tanong ni Noah habang iwinagayway ang isang pirasong lukot na papel na may makukulay na guhit ng krayola, ang kanyang maliit na mukha ay puno ng inosenteng pagmamalaki habang nakasandal sa malalambot na unan ng Pediatric Intensive Care Unit.Napatigil si Claire sa gilid ng marangyang kama, ang kanyang puso ay tila pinilipit ng matinding sakit nang makita ang drowing ng anak. Sa papel... may tatlong taong magkakahawak-kamay... isang lalaking naka-white coat na may korona, isang babaeng may mahabang buhok, at isang maliit na batang lalaki na may pulang puso sa gitna ng kanyang dibdib. Ang gen z inspired na makukulay na sticker na idinikit ng mga nurse sa gilid ng monitor ay tila kabaligtaran ng bigat na nararamdaman ni Claire sa loob ng kanyang dibdib, ang bawat guhit ng krayola ay patunay kung gaano kabilis nakuha ng bilyonaryong siruhano ang tiwala at pagmamahal n

  • The Heartbeat Between Us   The Hospital Rumors

    “Huwag mo akong yakapin sa harap ng mga tauhan mo, Drake... nakikita mo ba ang mga titig nila na parang diring-diri sa pagkakaroon ng isang mahirap na babae sa tabi mo?” nanginginig ang boses ni Claire habang pilit niyang itinutulak ang matigas na dibdib ng bilyonaryong siruhano, ang kanyang mga kamay ay basang-basa ng luha habang ang itim na folder ng DNA ay nananatiling nakasara sa pagitan ng kanilang mga katawan.Hindi natinag si Drake sa marahas na pag-atake ng emosyon ni Claire, mas lalo pa niyang ibinaon ang kanyang malalaking daliri sa manipis na bewang ng babae upang iangat ito nang bahagya patungo sa kanyang direksyon. Ang lobby ng ground floor ay tila naging isang entablado kung saan ang bawat resident doctor at nurse ay dahan-dahang nagbubulungan, ang kanilang mga mata ay nakatitig sa pambihirang senaryo ng kanilang cold at untouchable na boss na may kayakap na isang ordinaryong single mother.“Wala akong pakialam sa sasabihin ng buong ospital na ito, Claire... dahil ang ba

  • The Heartbeat Between Us   Claire’s Panic

    “Bukas ng umaga, sisiguraduhin kong nakatali na ang bawat galaw mo sa akin, Claire... kaya huwag mo nang subukang mag-imbento ng kung anong exit strategy dahil hawak ko ang puso ng anak natin,” malamig na bulong ni Drake habang ang kanyang dambuhalang katawan ay unt-unting lumalayo mula sa likod ni Claire, iniwan ang isang pamilyar at nakapapawing amoy ng mamahaling pabango na nagdulot ng labis na panginginig sa buong sistema ng babae.Lumabas si Claire mula sa Pediatric Intensive Care Unit na tila ba hihimatayin sa tindi ng emosiyonal na pagkasira, ang kanyang mga kamay ay mahigpit na nakakapit sa gilid ng malamig na pader ng pribadong pasilyo ng Valencia Medical Empire. Ang bawat sulok ng marangyang ospital na ito ay tila isang malaking bitag na dahan-dahang sumasakal sa kanyang kalayaan, isang lugar kung saan ang kapangyarihan ng bilyonaryong siruhano ay walang limitasyon. Natatakot siya sa matinding obsesyon at posesibong ugali ni Drake na tila ba gustong lamunin ang buong pagkata

Weitere Kapitel
Entdecke und lies gute Romane kostenlos
Kostenloser Zugriff auf zahlreiche Romane in der GoodNovel-App. Lade deine Lieblingsbücher herunter und lies jederzeit und überall.
Bücher in der App kostenlos lesen
CODE SCANNEN, UM IN DER APP ZU LESEN
DMCA.com Protection Status