Share

The Legal mistress (tagalog SPG)
The Legal mistress (tagalog SPG)
Author: Nelia

6 million

Hailey Carlos POINT OF VIEW

Another day, another sadness in my heart. It was 6 months ago since my Mother had an heart Attack that result into a comma. Naubos na ang lahat ng pwede kong ibentang gamit namin sa bahay. At the age of 20, baon na baon na ako sa utang. Graduate ako ng Colleges ngunit hindi ko magawang magtrabaho dahil nga nagkasakit ang inay at walang pwedeng ibang magbabantay. Never akong napagod sa kanya ngunit hindi ko alam kung nagiging selfish na ba ako?

Minsan naiisip ko nang isuko ang inay ko. Para kasing masyado nang matagal ang pakikipaglaban nya sa comma at baka ako na lang itong lumalaban pero sya pagod na. Even her Doctors, they suggest a Mercy killing. Ako lang itong nay ayaw dahil feeling ko tatanggalin ko ang karapatan ng inay na gumaling. Pero ngayon, napapaisip na talaga ako. 6 milyon na ang running Bill namin at kung hindi ko pa rin susundin ang payo ng Doctor nya ay maaari pang lumaki iyon dahil nga nasa ICU ang inay.

Kahit ata ibenta ko ang katawan ko ay kulang pa rin dahil milyon na ang usapan dito. Wala akong magawa ngayon kung hindi ang umiyak. Ang inay na lang kasi ang mayroon ako ngayon at wala na akong choice kung hindi ang isuko na sya.

Buo na ang desisyon ko ngayon kaya bago ko kausapin ang doktor nya tungkol sa mercy kiling ay nagtungo muna ako sa Chapel dito sa loob ng ospital. Mataimtim akong nagdasal at umiyak sa Diyos.

"Diyos ko, Kayo po ang higit na makapangyarihan sa lahat. Alam ko pong may dahilan ang lahat ng bagay na nangyayari sa amin ngayon. Hindi ko po kayo kinekwestyon kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin gumagaling ang inay ko. Kayo po ay Diyos na marunong sa lahat. Kayo na po ang bahala sa akin kapag nawala ang Inay. Gabayan nyo po ako at tulungang kayanin ang lahat ng ito. Amen."

Pagkatapos kong magdasal ay naisip kong magtungo na sa opisina ng Doktor at sabihing tanggalin na ang lahat ng aparato na nakakabit sa inay. Patungo na sana ako roon nang bigla kong makita ang isang babae na nakatayo malapit sa terrace ng ospital. Natawag nya ang aking atensyon dahil umiiyak sya at parang hindi normal ang ikinikilos nya. Para syang...

"Miss! S-sandali! anong ginagawa mo? M-magpapakamatay ka ba?" dali-dali akong nagtatakbo palapit sa kanya.

"Huwag kang lumapit! Umalis ka na. Huwag mo kong pakialaman." Sagot nya sa akin.

Nakita ko sa mukha nya na punong-puno ito ng luha. Isang hakbang pa ang ginawa nya at napatili ako. "Diyos ko, Ate! Maghulos dili ka! Omg ka. Ano bang problema mo? Mas malaki pa ba sa utang ko? Baka pwede naman natin yang pag-usapan." Awat kong muli sa kanya. Hindi ko ata maaatim na makita syang tumalon mula rito tapos wala akong gagawin. Ang problema lang ay kailangan ko nang kausapin ang Doktor nang inay dahil lalakad na naman ang isang araw kung hindi ko makakausap ang Doktor. madadagdagan na naman ang Bill namin.

"Bakit? Sa tingin mo ba pera lang ang problema ng mga tao kaya nagpapakamatay? tss,"

Napakunot ako ng noo. Maliban sa pera, ano nga ba ang ibang problema ng tao sa mundo? "Kung gano'n, e, ano? Anong problema iyan para tuldukan mo ang buhay mo?"

"Hindi mo na kailangang malaman. Umalis ka na!"

Isang maling kilos lang ng babae na ito ay tiyak na mahuhulog sya. Ako, pwede ko naman na iwan sya at hayaan sya sa gusto nyang mangyari kaso hindi ako yung tipo ng tao na walang pakialam. Mabuti kung hindi ko sya nakita. E, nakita ko sya, e. Ibig sabihin, may ibig sabihin iyon. Nakita ko sya dahil kailangan nyang maliwanagan. Psychology yata ang course ko kaya alam ko kung paano kausapin ang mga tulad nya. Ngayon ko lang naisip na baka may Severe depression sya kaya hindi sya nakakapag-isip ng mabuti. Sinubukan ko pa rin na kausapin sya. "Ang unfair ng buhay, 'no? May mga taong gustong-gusto madagdagan ang araw na mabuhay tapos may mga tao naman na gusto nang wakasan. Sa ospital, dito mo maririnig ang mga mataimtim na panalangin. Dito mo makikita ang tunay na luha. Dito mo rin mararamdaman ang pinakamasakit na pamamaalam. Ikaw, sa tingin ko, bata ka pa at marami ka pang pwedeng marating. Kung ano man yung mga bagay na gumugulo sa isipan mo ngayon sigurado akong may tamang solusyon diyan. Hindi sa lahat ng bagay ay pagpapakamatay ang sagot. Ako nga, papunta na sana ako sa Doktor ngayon para ipaalis na ang lahat ng aparato na nakakabit sa inay. (Mercy killing). Wala, e. Kahit gustuhin ko man, hindi na kakayanin. Wala na kasi kaming pera pang pagamot sa kanya kaya isinuko ko na sya."

"So, ano ang pinagkaiba natin? Kung makapagpayo ka akala mo naman. Sige nga, sabihin mo akin kung ano ang pinag-iba mo sa akin? Parehas lang naman tayong sumuko na. Ikaw, anong klaseng anak ka para isuko ang inay mo?" At na back to me kaagad nya ako.

"Ha? H-hindi naman sa isinusuko ko na sya. Iyon kasi ang payo ng Doktor at tsaka 6 milyon na rin ang utang namin dito sa ospital. Tinapat naman ako ng Doktor na wala na rin saysay kung ilaban ko pa ang inay ko. Iba yon. Magkaiba ang problema natin."

Napaisip sya sandali at nagulat ako matapos nyang bumaba mula sa pinagkakatayuan at lumapit sa akin. "Okay. Sige, kung ikaw ang nasa katayuan ko, Anong gagawin mo kung ikinasal ka sa taong hindi mo naman mahal? Wala kang nagawa dahil arrange married iyon kaya napilitan kang hiwalayan ang lalaking mahal mo? Anong gagawin mo kung pisikal at emosyonal ka nyang sinasaktan at araw-araw nyang ipinararamdam sa iyo na wala kang kwenta? Sige nga? Ano sa tingin mo ang solusyon kung sa kabila ng mga ginagawa nya sa 'yo ay ayaw ka nyang hiwalayan? Hindi ba't ang pagpapakamatay na lang ang solusyon?"

Dito na ako natahimik at napaisip. Its Like, meron pa lang ganoong klaseng lalaki? Ang ganda na ng babaeng kaharap ko ngayon tapos ginano'n lang nya?

"Nakita mo? Hindi ka makakibo ngayon?" she smiled bitterly.

Tama sya. Hindi ako nakakibo. Hindi ako nakakibo dahil pilit pa rin akong umiisip ng solusyon sa problema nya kaso wala talaga akong maisip. Marahil ay hindi ko pa naranasan ang nararanasan nya ngayon kaya wala akong maipayo. Tama nga ang inay, mayroon tayong kanyang hamon na hinaharap sa buhay kaya hindi natin pwedeng husgahan ang isang tao. Good thing to me, napigilan ko ang pagpapakamatay nya.

"Yes. Mahirap nga pala talaga ang pinagdadaanan mo. Masakit! pero hindi mo deserve na mamatay dahil lang sa ginagawa nya sa 'yo. May hangganan din ang ginagawa nya sa 'yo. Go to Police. Report him. Sabihin mo ang pananakit na ginagawa nya sa 'yo. And... tell your parents too. Im sure, walang magulang ang gustong nasasaktan ang anak nila lalo ns kung Physically."

"Thanks to your advice, but, naisip ko na 'yan. it would not work. Masyadong makapangyarihan ang asawa ko. kaya nyang baliin ang batas. Mas lalo lang akong sasamain kapag ginawa ko iyan. There is no way to escape him unless he decided to let go me. As his trophy wife, malayong mangyari ito."

"Unless, may magustuhan syang iba? Yung parang magiging Libangan nya. Pwede 'yon, 'di ba? Mag-asawa pa rin kayo pero sa iba na umiikot ang mundo nya. Kung may ibang babae na sya na kinahuhumalingan, pwedeng maging way yon para ayawan ka na nya. Siya na mismo ang makikipaghiwakay sa iyo." Payo ko na lang sa kanya. Alam kong sa mga nababasa ko lang na pocket book nangyayari ang mga ganu'n pero ang importante sa akin ngayon ay mukhang gumaan naman ang isipan n'ya. "Basta ikaw, palagi mong iisipin ang mga bagay na pwedeng makatulong sa 'yo. Kahit imposible. Oh, s'ya, nauna na ako. Kailangan ko nang harapin ang sarili kong problema. Nakahanda ang sarili ko sa mangyayari ngayon, yung bulsa ko na lang ang hindi." kinawayan ko na sya at iniwan ko na. Dali-dali na akong nagtungo sa Doktor ng aking ina upang ipaalam na isinusuko ko na ang laban.

Pagdating ng kinagabihan ay muli ko nang pinuntahan ang inay ko. Niyakap ko sya nang mahigpit na mahigpit at humingi ng tawad. Anumang oras kasi mula ngayon ay isasagawa na ang Mercy killing gaya ng napagkasunduan namin ng Doktor nya. Itong mga aparato na nakakabit sa kanya na dahilan kung bakit humihinga pa sya ngayon ay tatanggalin na. Wala na talaga kasing pag-asa ang inay at itong mga aparato na lang ang bumubuhay.

Maya maya pa ay dumating na nga ang ilang mga Nurse pati na rin ang Doktor ng inay. Malalim akong huminga at tumango sa kanila nang tanungin nila ako kung maaari na raw bang simulan ko na. "Maraming Salamat po sa lahat, inay. Maaari na po kayong mamahinga." pagkasabi kong iyon ay Pikit mata kong hinila ang sasakan ng mga aparato. kasabay noon ay ang pagtulo ng luha sa aking mga mata. Narinig ko na kasi ang sunod-sunod na tulog ng Machine at indikasyon iyon na wala ng buhay ang pasyente.

"Time of Death, 7:59 pm."

Ang iyak ko nang makitang hindi na humihinga ang inay ko. Lumaki ako na tanging kaming dalawa lang ang palaging magkaramay sa lahat ng bagay. Ngayong wala na sya ay sigurado akong palagi ko syang maalala.

Habang nasa morgue ang inay ay umuwi na agad ako sa amin upang humanap ng mura ngunit maayos na serbisyo. Sa may basketball court na lang ibuburol ang inay dahil masyadong masikip ang eskinita patungo sa bahay namin. Hindi kakasya ang kabaong dahil masyadong maliit ang Space ng daraanan. Nagkasundo kami ng may-ari sa presyong 40k na serbisyo. Iyon na raw ang pinaka mura kaya umokay na ako dahil sa totoo lang, hahanapin ko pa ang ibabayad ko sa 40k na yon.

Nang maayos na ang lahat ay muli akong nagtungo sa ospital para sunduin na ang inay. Excited akong pumunta sa morgue kung saan sya inimbalsamo at doon ako parang nanlata. Sa dami kasi ng iniisip ko ay nawala sa isip ko na may anim na milyon pa nga pala akong kailangang bayaran para maiuwi ang labi ng inay. Ngayong wala akong hawak na ganoong kalaking halaga, isang malaking tanong ngayon kung paano ko mauuwi ang inay gayong hindi ko alam kung saan ako kukuha ng 6 na milyon.

"P-pasensya na po talaga. Kailangan nyo munang ma-settle ang Bill bago nyo maiuwi ang nanay mo."

"G-gano'n po ba? Paano po kung hindi ako makabayad? Paano po ang bangkay ng Inay?"

"Hanggang hindi nga po kayo nakakabayad, hindi nyo po maiuuwi ang bangkay ng ina nyo."

Saang kamay ng langit ako kukuha nh ganoong kalaking halaga? Kahit ata ibenta ko ang virginity ko hindi pa rin ako makakalikom ng 6 na milyon. Pwera na lang kung may isang ubod ng yaman na lalaki ang mababaliw sa akin. Diyos ko!

Mga Comments (4)
goodnovel comment avatar
Wilma Pojas
i want to continue the story legal mistres
goodnovel comment avatar
Wilma Pojas
legal mistres
goodnovel comment avatar
Bernadette Borbon
I like 3 little guardian angels
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status