공유

CHAPTER 34: I LOVE YOU, DAD

작가: yunays
last update 최신 업데이트: 2025-03-19 10:08:47

Maagang nagising si Lila kinabukasan. Habang nakahiga pa sa kama, narinig niyang bumukas ang pinto ng kwarto ni Mia. Hindi nagtagal, bumungad ang munting boses ng kanyang anak.

"Mommy!" Masayang sigaw ni Mia habang lumalapit ito sa kama niya. "Ikaw po maghahatid sa akin sa school, di ba?"

Napangiti si Lila at hinila si Mia sa tabi niya. "Oo naman, anak. Ako ang maghahatid sa'yo," sagot niya habang hinahaplos ang buhok nito.

"Yehey! Mas masaya 'pag si Mommy kasama ko!"

"At alam mo ba?" dagdag ni Lila. "Next time, magbabakasyon tayo sa nature park. Hindi na tayo agad uuwi. Magtatagal tayo roon para mas ma-enjoy natin."

Lalong lumiwanag ang mga mata ni Mia. "Talaga po? Totoo 'yan, Mommy?"

Tumango si Lila. "Pangako ko 'yan, anak."

Napayakap si Mia sa kanya. "Thank you, Mommy! Ang saya-saya ko po!"

Matapos ang kanilang maikling pag-uusap, sabay silang bumangon at naghanda para sa araw. Tinulungan ni Lila si Mia sa pagbibihis at paghahanda ng kanyang gamit. Pagkatapos ng agahan, isinakay ni
이 책을 계속 무료로 읽어보세요.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요
잠긴 챕터

최신 챕터

  • The Pilot’s Secret Wife: Second Chances in the Sky   CHAPTER 59: SNEAKING OUT

    Si Lila ay halos hindi makapaniwala sa bilis ng mga pangyayari. Kanina lang ay nakatayo siya sa harapan ng kumpanya, hinaharap ang galit ng mga dating empleyado, at ngayon ay nasa loob na siya ng sasakyan ni Ethan, hinihingal at kinakabahan.Bago pa ang kaguluhan, sinubukan niyang tawagan ang HR department ng kumpanya. Mahigpit niyang hinawakan ang cellphone habang hinihintay sumagot ang kabilang linya."Hello, ito si Lila. Gusto kong malaman kung anong nangyayari sa kumpanya. Anong dahilan ng biglaang pagbabago at bakit tinanggal ang napakaraming empleyado nang wala akong kaalam-alam?"May saglit na katahimikan bago sumagot ang nasa kabilang linya. "Pasensya na po, Ms. Lila, pero hindi po kami maaaring magbigay ng impormasyon sa ngayon."Napakuyom ang kamao niya. "Ano? Kumpanya ko ito, at may karapatan akong malaman ang nangyayari! Sino ang nag-utos ng mga pagtanggal? Ano ang basehan? Sagutin niyo ako!"Ngunit bago pa siya makapagsalita ulit, biglang binaba ang tawag. Napasinghap siy

  • The Pilot’s Secret Wife: Second Chances in the Sky   CHAPTER 58: COMPANY'S NEW HR

    Matapos ang emosyonal na pagbabahagi ni Sarah tungkol sa kanyang pagkawala ng trabaho, muling nagkaroon ng katahimikan sa loob ng silid. Halos sabay-sabay silang napabuntong-hininga. Si Lila, na kanina pa nag-iisip, ay napatingin sa kanilang lahat."So, hindi lang pala ikaw ang natanggal, Sarah?" seryosong tanong ni Lila.Nagtinginan ang iba pang mga dating kasamahan ni Sarah, at unti-unting tumango ang ilan sa kanila."Oo, Lila," sagot ni Marco, na halatang pinipigilan ang inis. "Halos lahat kami rito, tinanggal sa trabaho. Hindi lang basta natanggal—parang pinilit kaming umalis nang walang matinong paliwanag.""At ang mas masama," singit ni Liza, "lahat ng ito nagsimula matapos dumating si Sophia."Napakunot-noo si Lila. "Si Sophia?"Muling nagpalitan ng tingin ang kanyang mga dating kasamahan bago muling nagsalita si Sarah. "Oo, Lila. Alam kong kilala mo siya. Hindi lang siya basta bagong HR manager—isa rin siyang FA."Natahimik si Lila. Alam niyang may isang Sophia na FA dati, per

  • The Pilot’s Secret Wife: Second Chances in the Sky   CHAPTER 57: CO WORKERS VISIT

    Pagkatapos ng video call kay Mia, nanatiling nakahiga si Lila sa kama ng ospital, nakatitig sa kisame. Alam niyang hindi niya maaaring ipakita ang tunay niyang kalagayan kay Mia o kahit kanino sa ngayon. Kailangan niyang manatiling matatag, kahit para lang sa kanyang anak at apo.Sa kalagitnaan ng katahimikan, isang mahinang katok ang pumunit sa kanyang pag-iisip."Lila?"Napakislot siya at agad na umayos ng upo. Nakita niya ang pamilyar na pigura ni Sarah, isang flight attendant at matagal nang kaibigan niya, halos kasing-edad niya. Kasama nito ang ilan pa nilang mga ka-trabaho noon—mga FA at piloto na pamilyar kay Lila."Sarah," mahina ngunit may halong gulat na bati ni Lila. "Anong ginagawa niyo rito?"Ngumiti si Sarah at lumapit, bitbit ang isang maliit na supot ng prutas. "Dumaan lang kami. Balita kasi namin, nandito ka, kaya naisipan ka naming bisitahin."Napatingin si Lila sa iba pang kasama ni Sarah. Kilala niya ang ilan sa kanila—mga dating kasamahan sa industriya, mga taong

  • The Pilot’s Secret Wife: Second Chances in the Sky   CHAPTER 56: VIDEOCALL

    Mabilis na pumasok si Geo sa bahay, hawak ang cellphone na patuloy na nagri-ring. Agad niyang sinagot ang tawag, ngunit bago niya ilapit sa mukha ang telepono, mabilis niyang itinago ang hospital gown na suot niya sa ilalim ng kanyang jacket. Sinigurado rin niyang hindi kita sa background ang kapaligiran ng ospital."Mia, apo, kamusta?" masayang bati ni Geo habang pinindot ang camera icon upang makita ang batang kausap niya.Sa kabilang linya, isang masiglang tinig ang sumagot. "Lolo Geo! Tingnan mo, nasa bahay ako ni Tito Daniel!"Lumiwanag ang mukha ni Geo nang makita sa screen ang kanyang tatlong taong gulang na apo. Nakasuot ito ng kulay rosas na damit at nakaupo sa isang maliit na mesa habang naglalaro ng mga stuffed toys. Katabi niya si Daniel, nakangiti at mukhang inaalagaan ang bata."Aba, napakasaya mo naman diyan, apo! Ano ang ginagawa ninyo ni Tito Daniel?" tanong ni Geo, pilit na tinatago ang pagod sa kanyang boses.Masayang tumawa si Mia bago muling nagsalita. "Naglaro po

  • The Pilot’s Secret Wife: Second Chances in the Sky   CHAPTER 55: PRIVATE INVESTIGATOR

    Napasinghap si Lila at napatingin kay Geo. Isang pamilyar na takot ang bumalot sa kanya habang hinahawakan niya nang mahigpit ang cellphone."Sino ka?" tanong niya, kahit pa sa loob-loob niya ay parang may ideya na siya kung sino ang nasa kabilang linya.Isang mapanuksong tawa ang narinig niya bago sumagot ang boses. "Hindi mo ba talaga ako naaalala, Lila? Sayang naman. Akala ko hindi mo ako makakalimutan."Napakagat-labi siya at napahinga nang malalim. Masyado pang maaga para gumawa ng konklusyon, pero hindi niya mapigilan ang kaba sa dibdib niya."Anong kailangan mo?" malamig niyang sagot.Pero bago pa sumagot ang nasa kabilang linya, bigla na lang naputol ang tawag. Napatingin siya sa cellphone niya at nakita niyang wala nang signal. Isang masamang pakiramdam ang gumapang sa kanyang katawan."Anak, sino 'yon?" tanong ni Geo, halatang nag-aalala.Pilit na pinakalma ni Lila ang sarili bago ngumiti nang pilit. "Wala, Tay. Prank call lang."Hindi sumagot si Geo, ngunit halata sa kanyan

  • The Pilot’s Secret Wife: Second Chances in the Sky   CHAPTER 54: LIE

    Habang nakahiga pa rin si Lila sa kama ng ospital, isang katok ang pumuno sa katahimikan ng silid. Agad na napalingon si Geo at si Lila sa pintuan. Ilang sandali pa ay bumukas ito at pumasok ang isang pulis na nakauniporme."Magandang hapon po," bati ng pulis habang lumapit sa kanila. "Ako si PO3 Ramirez. Kailangan na po naming kunin ang opisyal ninyong pahayag tungkol sa aksidente. Handa na po ba kayo?"Napatingin si Lila kay Geo bago dahan-dahang tumango. Alam niyang hindi niya ito maiiwasan. Kailangang maisaayos ang lahat, hindi lamang para sa sarili niya kundi para na rin sa kapakanan ng anak niyang si Mia."Sige po," sagot niya nang may bahagyang kaba sa tinig.Umupo si PO3 Ramirez sa tabi ng kama at inilabas ang isang maliit na notebook at ballpen. "Maaari niyo po bang ikuwento sa amin nang detalyado kung ano ang nangyari noong araw ng aksidente?"Huminga nang malalim si Lila bago nagsimula. "Noong araw na iyon, galing ako sa trabaho. Medyo pagod ako, pero kailangan kong dumaan

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status