HINDI PA SUMISIKAT ang araw kinabukasan ay nasa airport na sina Briel at Giovanni. Naroon na rin ang secretary nito at ang mga invisible na bodyguard. Panay ang sulyap ni Briel sa Gobernador habang karga si Brian. Gusto niyang magtanong ngunit palagi siyang inuunahan ng pag-aalinlangan na ayaw niyang manghimasok at makialam kung anuman ang kanyang kinakaharap na suliranin. Kung may tiwala sa kanya si Giovanni, paniguradong sasabihin nito kung ano ang problemang mayroon siya. Iyon na lang ang kanyang pinanghahawakan kung kaya naman pinili na lang niya ang manahimik at huwag ng bomoses pa.“Let's go, Briel…” giya ni Giovanni sa kanya nang magsimulang magpapasok na ng eroplano. Walang imik at puno pa rin ng pakiramdam na sumunod si Briel sa gustong mangyari ni Giovanni. Kinuha nito sa kanya si Brian at ito na ang nagkarga. Pagkatapos noon ay hinawakan nito ang kanyang isang palad. Wala pa rin siyang imik na sumunod. Habang lulan ng eroplano ay nagawang makalimutan ni Briel ang maaaring
NATATAWA NG PINAGBIGYAN ang anak ni Giovanni na mga ilang minuto lang naman niyang niyakap. Bago isauli kay Briel ay muling yumakap ang Gobernador sa babae na maging ang kanyang katawan ay tila ba ayaw na rin ditong mapahiwalay pa. Kinuha na ni Briel si Brian, ngunit sa halip na ibigay ni Giovanni ay muli siya nitong ninakawan ng halik na hindi na napigilan ni Briel na matawa nang mahina nang dahil doon. Tila ba hindi pa naging sapat para sa Gobernador ang mga gabi at araw na maiinit nilang pinagsaluhan sa Italy.“I love you, both!” pahabol pa ni Giovanni na bahagyang namula na ang mga mata na parang maiiyak.Tango lang ang naging tugon ni Briel sa sinabi nito. Ewan ba niya kung bakit pa siya nahihiya. Marahil ay dahil nakababa na sila ng sasakyan at ayaw niyang iparinig sa guard nila na sabihin na mahal niya ang lalaki. Dati naman wala siyang hiya-hiya. Ngayon na lang din iyon. Kumaway lang sila ni Brian gamit ang kamay ng anak niya. Bagama’t nakangiti si Giovanni nang paalis na ang
NAPASAPO NA SA kanyang noo si Briel. Hindi na niya binawi ang sinabi ng anak at hindi na rin siya nagpaliwanag pa. Malamang narinig na iyon ng lahat ng nasa kabilang linya. Sa lakas ba naman ng usapan ng magpinsan. Patunay nito ay ang malakas nilang pagtawa na hindi na nakaligtas kay Briel. Nagkunwari na lang siyang walang pakialam sa kanila. Kapag mag-explain pa siya, paniguradong hahaba at hahaba pa ang magiging usapan. Isipin pa lang ay pagod na siya.“Daddy, Brian? You mean si Lolo Governor?” litong tanong ni Gabe na tumingin na sa ama at pagkatapos naman ay sa kanyang ina. Naghahanap ito ng kasagutan sa kanyang mga tanong. “Siya ang bumili ng pasalubong para sa akin?”“Hmm, si Daddy…Brian Daddy…” ulit pa ni Brian na nagawa ng makuha ang cellphone sa ina.Mariing nakagat na ni Briel ang kanyang labi. Talaga naman ang mga batang ito, wala talagang malilihim sa kanila.“Wait, Brian, kasama niyo ni Tita Briel si Lolo Governor sa bakasyon?” paglilinaw pa ni Gabe na halatang hindi maka
SA TINURANG IYON ni Margie ay hindi na napigilan na malakas ng naihampas ni Giovanni ang kanyang isang palad sa kanyang lamesa. Hindi na magawang makapagtimpi ng kanyang galit sa mga pinagsasabi ng babae sa kanya. Hindi niya makuha kung saan nanggagaling ang galit ng babae sa kanya at nagawa nitong masabi iyon. Hinid man nito kilala kung sino ang kanyang tinutukoy, isa lang ang nasisigurado doon ni Giovanni. Walang sinuman ang magsasalita ng masama patungkol kay Briel at bibintangan ito ng mga bagay na hindi naman niya ginawa. Kamukha niya si Brian, ano pa ang kailangan niyang patunayan? Kamukha ito ng apo niya sa pamangkin. At kahit walang DNA na nangyari, alam niya at nasisiguro niya na anak niya ang bata. Walang sinuman ang makakapagpabago ng katotohanang iyon sa kanya. “Ano bang pakialam mo sa ginagawa ko sa buhay ko, Director Tabora? Ang tagal na natin na natapos. Bakit mo ako hinahabol? Wala kang karapatan na akusahan na hindi ko siya anak! Anak ko ang batang iyon. Anak ko. Nar
MAKAILANG BESES NG napamura si Giovanni na nanghihinang pabagsak ng napaupo sa kanyang swivel chair. Lutang na ang utak sa dami ng kanyang mga iniisip. Kinapa na niya ang bulsa, naghahanap ng sigarilyo ngunit wala naman siyang makuha. Sa halip na maghanap noon at tawagin ang kanyang secretary upang utusan na bilhan siya, minabuti na lang niyang uminom ng tubig upang kumalma na ang katawan niya. Biglang nanakit ang batok niya sa dalang stress ng biglaang pagsulpot sa harapan niya ng dating kasintahan niyang si Margie. Hindi kalaunan ay pumasok na ang kanyang secretary na sa halip na makapahinga na rin ay gaya niyang hindi pa magawang makauwi sa kanila dahil inaantabayanan din ang pag-uwi niya muna sa kanilang mansion.“Governor Bianchi, ayos ka lang ba?” nag-aalalang tanong nito nang mapansing hawak niya ng kanyang isang kamay ang batok na para bang masakit iyon, “Kailangan mo bang madala ngayon sa hospital?” nag-aalala pa ang boses nito dahil sa ipinapakita niyang sobrang pagod na hi
MALAKI ANG NAGING pasasalamat ni Giovanni na nakinig sa kanya ang ina na lumabas na ng silid keysa ang patuloy itong makiusisa sa bagay na hindi niya rin naman alam kung ano ang kanyang masasabi. Nang mapag-isa siya ay kinuha na muli ang cellphone upang mas malinawan kung ano ang nangyayari. Gulo pa ang buhok na palakad-lakad na siya sa harap ng bintana ng silid habang tinatawagan ang secretary. Nakangiti ang haring araw sa labas na maganda ang sikat ngunit para sa Gobernador, isang bangungot ang panimula ng araw na iyon sa kanyang buhay. Pinili niya pa rin maging kalmado kahit na sa mga sandaling iyon ay gusto na niyang sumabog ang ulo at maghanap ng masisisi dito.“Hello, Governor Bianchi…” sagot ng kanyang secretary na halatang problemado na ang tono ng boses, pahinga rin sana nito sa trabaho ngunit sa kumalat na isyu kinailangan niyang magtungo ng opisina dahil sa dami ng tawag sa kanya ng mga media upang makibalita kung totoo ba ang kumalat. “Nasa office niyo po ako ngayon sa ka
UMIIGTING ANG PANGANG tinawagan na niya si Margie. Ring lang nang ring ang cellphone nito. Halatang sinasadyang ayaw siyang sagutin. Lingid sa kaalaman ni Giovanni ay pinagtatawanan na siya ni Margie noon na may tangang glass ng wine ang kamay. Maagang nagce-celebrate na sa kanyang ginawanang kalokohan. Inaasahan na niyang tatawagan siya nito, ngunit nungkang kausapin niya ang Gobernador. Kung hindi niya makuha ang lalaki sa paraang gusto niya, idadamay niya ang reputasyon at pangalan nito. Sa ginawa niyang iyon, imposible rin na hindi lumutang ang babae nitong matagal na niyang inaalam kung sino. May hint siya, ngunit wala naman siyang makalap na ebidensya. Oras na totoo ang kutob niya, paniguradong mas masisira ang Gobernador. Isa pa, malamang upang protektahan ang babaeng iyon, hindi na papalag si Giovanni sa kanyang hihilingin kapalit nito. Mabuti na lang din at hindi siya tatanga-tanga.“Ngayon gusto mo na akong makausap? Sinabihan na kita. Huwag mo akong subukan. Sinagad mo ako,
EXCITED PA RIN na hinarap na ni Briel ang bagong pamangkin sa kanyang mukha. Kuminang pa ang kanyang mga mata nang makita ang kainosentehan ng batang kanyang karga. Bahagyang napaawang na ang bibig niya. Nakikita niya ang imahe ni Brian dito noong unang beses niya itong kinarga pagkatapos na manganak. Hindi niya mapigilan na ma-miss ang mga sandaling iyon. Kinagat na niya ang labi upang huwag maging emosyonal. Dinaan na lang ito sa ngiti. “Hi, Bryson? Ang pogi mo naman. Kilala mo ba kung sino ako? It’s me ang magandang Tita Briel niyo ng iyong Ate Gabe. Ang gwapo naman talaga niyan. Kamukha mo si Brian noong baby pa siya. Achuchuchu. Ang cute naman niyan. Kapag nakita kaya ako ni Brian ngayon na karga ka, magselos kaya siya?” tanong pa ni Briel na aliw na aliw na sa pamangkin. “Magseselos iyon, pati si Gabe.” sagot ni Bethany na nakatingin na rin sa reaction ng mukha ni Briel sa anak niya.“Hanggang ilan ang plano niyong anak, Bethany?” baling na ni Briel sa hipag na napakurap-kurap
KULANG NA LANG ay mapapalakpak at magpa-banquet party sa galak ang ina ni Giovanni na hindi na mapigilan ang bibig na magbigay ng komento sa kanyang nalaman. Matagal na panahon na niyang hangad na magkaroon ng pamilya ang bunso niyang anak. At sa wakas, sa araw na iyon ay dumating na ang kasagutan sa matagal na niyang paulit-ulit na ipinagdarasal na mangyari. Ang buong akala niya talaga ay hindi na maiisipan nitong bumuo ng kanyang sariling pamilya. Iba talaga kapag nagmahal ang isang tao.“Kailan ang kasal? Ako na ang magpre-presentang mag-asikaso ng lahat!” taas pa nito ng kanyang kamay na salitan na ang tingin kay Giovanni at Briel na makahulugan nang nagkatinginan sa tinuran ng Donya. “Mama, hindi pa namin napag-uusapan ang bagay na iyon. Hayaan niyo munang namnamin namin ang phase ng pagiging engaged. Saka na lang po namin iyon pag-uusapan. Hindi na rin namin ito patatagalin.” “Naku, doon din naman papunta bakit patatagalin pa? Di ba mga balae?” sagot ni Donya Livia na tiningna
PUNO NG PAGHANGA at hindi pa rin makapaniwala si Briel habang sinisipat ang suot niyang singsing sa daliri habang nakaupo na sila ni Giovanni sa table at dinudulutan na sila ng pagkain. Nasa kandungan niya ang bouquet ng bulaklak. Kagaya ng diamond sa kanyang daliri ay kumikinang sa labis na saya ang kanyang mga mata habang nakatunghay pa rin doon. Expected niya iyon ngunit hindi ganun kaganda ang singsing. Ang buong akala niya pa nga ay plain gold lang. Sa ginawa ng dating Gobernador na proposal, batid ni Briel sa kanyang puso na mas lalo niyang minahal ang lalaki. “Thank you!” patulis ng nguso ni Briel na itinaas pa ang kanyang daliri na muli na namang sinipat-sipat. “Saan?” kinikilig namang tanong ni Giovanni na hindi na rin maalis ang mga mata sa mukha ni Briel. “Dito. Alam kong grabe ang effort na ginawa mo para lang magawa mo ito.” Inilinga pa ni Briel ang kanyang mga mata sa paligid upang sabihin na gusto niya ang ambience doon. May nagva-violin pa sa gilid nila upang i-se
MULI SIYANG INALALAYAN na puno ng pag-iingat ni Giovanni habang dinadala sa gitnang space kung saan nakasabog ang maraming petals ng mga bulaklak na nanunuot na sa ilong nilang dalawa. Domoble pa ang kaba ng dating Gobernador nang makita ang photographer at videographer na kanyang inimbita. Gusto niyang maging detalyado ang kanyang proposal kung kaya naman naroon sila at kanyang kinuha. Naroon din ang ilang waiter ng hotel na nakahandang magsilbi sa kanilang dalawa ni Briel. Napakurap na si Giovanni nang makarating sila sa gitna at ipahawak na kay Briel ang malaking bouquet ng bulaklak na inihanda. Napakagat an sa kanyang labi si Briel na inaasahan na iyon pero iba pa rin ang naging kaba niya.“Ano ‘to?!” nangangatal na tanong ni Briel kahit pa naguguni-guni na niyang proposal ang gagawin ni Giovanni, nagmamaang-maangan lang siya kahit na bakas na sa kanyang boses ang labis na excitement.“Wait lang, Briel…huwag mo munang tatanggalin ang piring. Hintayin mong sabihin ko sa’yong pwede
NAGING PALAISIPAN KAY Briel ang sinabi ni Giovanni na okay na ang ginawa nila matapos na maramdaman niya ang pananakit ng mga muscles sa kanyang magkabilang binti. Hindi naman naging mabilis ang ginawa nilang paglalakad, naramdaman pa rin ng babae ang epekto noon. Hindi naman na niya isinatinig pa iyon kahit na gusto ng magreklamo. Tama na ang ginagawa nila? Ibig sabihin ay tapos na rin sila sa sinasabi nitong date? Iyon na iyon? Ni hindi nga siya nito pinakain man lang o pinainom man lang ng kahit na tubig o softdrinks man lang? Ano ba sila senior citizen na para maging date at bonding ang paglalakad para hindi matulog ang kanilang mga buto? Naisip doon ni Briel na isa iyon sa mahirap kapag malaki ang distance ng edad sa partner nila. Masaya na mahirap din. Gusto pa ni Briel sanang umalma at magreklamo, ngunit hinayaan na lang niya at hindi na nagsalita nang paglingon niya kay Giovanni ay malapad itong nakangiti na para bang tini-testing nito ang magiging reaction niya. Kung uu
IPINAGKIBIT NA LANG ni Briel iyon ng balikat. Hindi na siya nag-e-expect kay Giovanni noong mga gasgas na dinner na may pasabog ng petals sa nilalakaran. Masyado na siyang matanda para sa bagay na iyon. Naranasan na niya iyon sa iba niyang manliligaw, pero para sa kanya ay hindi naman na iyon mahalaga. Magiging masaya na lang siya kahit saan pa sila pumunta ni Giovanni basta magkasama, sapat na sa kanya ang bagay na iyon. Hindi siya nag-e-expect nang mas bongga sa dati dahil para sa kanya ang makapiling ito gaya ngayon ay sapat ng regalo. Ano pa ang hihilingin niya dito?“Burnham Park? Anong gagawin natin dito?” puno ng pagtatakang tanong ni Briel nang bumaba na sila matapos i-park ang sasakyan at maglakad na patungo doon, “Galing na tayo dito kanina di ba? Sumakay pa nga tayo ng boat eh.” dagdag ni Briel na blangko na ang mukha kung bakit kinakailangan nilang bumalik doon ni Giovanni gayong napuntahan na nila kanina, pinasakay nila si Brian na nakailang balik dahil ayaw pa nitong bu
SABIK NA NAGPATULOY ang usapan nina Rina at Bethany na mabilis na nilang naibaling sa ibang bagay ang paksa. Sa pagkakaroon nila ng buhay may asawa na iyon napunta. Kung paano naging mahirap na maging ina kahit na masarap umanong maging asawa ang mga taong sobrang pinapahalagahan umano sila. Naging lampas-lampasan lang naman iyon sa tainga ni Briel na pagkaraan pa ng ilang sandali ay tumayo na nang maubos ang kanyang kape upang magpaalam na. Sabay siyang tiningnan nina Rina at Bethany na parehong nagulat sa agad niyang pagpapaalam. Puno ng pagtataka ang kanilang mukha sa mga katanungan na hindi maikukubli sa kanilang mga matang mapanuri doon.“Ha? Hindi ka sasabay sa akin pauwi, Briel? Saan ka pa naman pupunta?” natatarantang alma na ni Bethany na tumayo pa at nameywang dahil wala naman iyon sa kanilang usapan ng hipag na kailangan nilang maghiwalay kapag nasa city proper na, ang usapan lang nila ay sabay silang mag-shopping at inaasahan na ni Bethany na sabay rin sila nitong uuwi. Ka
KANINA PA PANAY ang irap ni Briel na nakatayo na sa may pintuan at hinihintay ang hipag na nagpapaalam sa kanyang kapatid. Naroon din si Giovanni na karga si Brian na kinausap na nang masinsinan ni Briel na may bibilhin lang siya sa labas. Kung gaano ito kaluwag sa kanya, napakahigpit ng kapatid niya na akala mo may kabalbalan silang party na pupuntahan. Sa mall lang naman sila. Bale-baleng batukan na ni Briel nang harapan ang kanyang kapatid.“Oo nga Kuya Gav, bigyan mo naman si Bethany ng oras para sa kanyang sarili. Nakakapagod kayang mag-alaga ng bata bente-kwatro oras at alam mo naman iyon. Saka, hayaan mo na kaming mag-date na dalawa. Huwag kang epal diyan!” singit ni Briel na sinamaan ng tingin ang kapatid na mukhang ayaw pa yatang payagan ang kanyang asawang umalis.“Oo na, pero huwag kayong magtatagal. Oras na magtagal kayo, ako mismo ang susundo kung nasaan man kayo! And please, huwag kayong papasok ng bar sa gitna ng tirik na araw. Binabalaan kita, Gabriella. No alcoholic d
GINALUGAD NILANG MAG-ANAK ang lahat ng pasyalan sa buong Baguio at umabot pa sila sa La Trinidad kung nasaan ang malawak na taniman ng strawberry. Kumikinang ang mga mata ni Brian nang makita niya ang mga strawberry. Hindi ito nagpaawat sa pagha-harvest na ang feeling ay sa kanila ang tanimang iyon. On guard naman ang mga kasamang bodyguard tutal ay public place iyon. Panay ang halakhak ni Giovanni at Briel habang pinapanood ang anak. Bitbit ni Giovanni ang ilang basket na nagawa ng mapuno ni Brian, samantalang si Briel ay nagmistulang photographer ng anak. Maging si Giovanni ay kinunan niya ng larawan na hindi naman umangal. Ultimong SM Baguio ay kanilang pinuntahan upang makakuha lang ng maraming pictures na hindi maintindihan ni Giovanni kung bakit kailangang e-detalye pa iyon ni Briel. May mga katanungan man ay kanya na lang iyong hinayaan. Sinakyan na lang ang lahat ng kalokohan ni Briel. Ganundin naman ito noong namasyal sila sa Italy. Batid niyang sa mga susunod na panahon maga
BUMABA NA SINA Briel at Giovanni pagkatapos ng ilang minuto na matapos ang kanilang kababalaghang ginawa. Humarap sila kay Donya Livia na para bang walang nangyari habang salitan ang malagkit at makahulugan nilang mga tingin. Hindi naman sila tinanong ng matanda kung bakit natagalan bago bumaba. Dala ni Briel ang pamalit na damit ni Brian na sa mga sandaling iyon ay ang dungis na ng mukha dahil sa kung anu-anong kinain nito. Pagkatapos ng hapunan ay hindi naman na sila pinigilan pa ni Donya Livia na umakyat na ng silid upang umano ay magpahinga. Batid niyang pagod sila sa biyahe kahit pa chopper ang ginamit nila. Pinatunayan iyon ni Brian na agad nakatulog pag-akyat nila ng silid. Matapos na i-pwesto nang maayos ni Briel ang anak ay nahiga na rin siya. Tumabi naman sa kanya si Giovanni na agad na doong nakayakap sa kanya. Ang akala pa ni Briel ay lalabas ito upang may asikasuhin na trabaho.“Wala kang gagawing trabaho?” harap na ni Briel sa kanya at ginantihan na ito ng yakap, nasanay