LOGINAlam na ni Marcol ang employee number ni Mark. Kailangan na lang niyang i-enter ang number sa background ng mobile program para makita ang recent order delivery status nito.Matapos makita ay tumango si Marcol. “Tama si Jasper. Binigyan niya ng one-star review si Mark kahapon! Ang rason ay bad attitude at tinapon ang order nito sa sahig gaya ng sabi ni Jasper.”Sa mga oras na ‘to, nagbago na ang opinyon ng mga bisita. Nagsimula na silang paniwalaan ang sinasabi ni Marcol at Jade.Tiningnan ni Mark si Jade. “Bakit ko naman itatapon ang pagkain sa sahig? Sige nga, ipaliwanag mo.”Magkakrus ang mga braso ni Jade habang nakatayo at patuloy sa pagkukunwaring inosente. “Dahil wala kang pakialam sa trabaho mo! O baka hindi ka lang talaga competent. I mean, wala kang kwenta sa trabaho mo. And baba ng tolerance mo!”Gusto palakpakan ni Mark si Jade. Paano niya naaatim na sabihin ang mga salitang ‘yon sa harap niya?Nang mahuli ng asawa niyang may kasama itong iba, sa pagiging walang kwentang e
Tiningnan ni Mark ang napakagandang mukha ni Jade. Pero sa paningin niya, napakapangit ng ugali nito!Natawa si Mark. “First, you cheated on me. ‘Tapos may lakas ka pa ng loob na sabihin sa kanilang ako ang nag-cheat? At hindi lang ‘yon. Ngayon, gusto mo pang ikaw ang magparusa sa ‘kin? Napakabuti ng asawa ko. Napakahirap maghanap ng napakabuting asawa sa loob ng sandaang taon!”Sagad-sagad na ang galit ni Mark.At hindi pa roon nagtatapos. Sa pagkakataong ito, si Sean naman ang kumuha ng Dragon Ruler at mabilis na sinugod si Mark.“Hayop ka! Ang lakas ng loob mong saktan ako. Tingnan natin ngayon kung hindi ko durugin ‘yang pagmumukha mo.”
Chapter 7“Damn!”Saka lang napagtanto ni Mark na ang order na ‘to ay isang trap na ginawa ng pamilya Gutierrez para papuntahin siya rito sa hotel.Naglakad si Marcol palapit kay Mark habang sumisigaw. “Tanggalin mo ‘yang uniform at helmet mo!”“Anong ibig mong sabihin?” nalilitong tanong ni Mark.Sa mga oras na ‘to, lumapit na rin si Sean sa kanila. “Anong ibig niyang sabihin? Kilala mo ba kung sino siya? Siya lang naman ang boss mo! Si Marcol ang general agent ng Grab Food Delivery dito sa Manila.”Mapait na natawa si Marcol. &ldqu
Sa maliit na hagdan, makikita ang pagkakaiba ng malaking katawan ni Mark kumpara sa mga lalaki.Pero madali lang naiiwasan ni Mark ang suntok ng mga ito. Tumalon si Mark nang walang kahirap-hirap sa railing, at saka sinipa ang isa sa kanila sa mukha.“Shit! Ang sakit no’n, ah?” Agad na nagdugo ang ilong ng lalaking nasipa.Mahinang natawa si Mark. “Isa akong 4th-degree black belter.”“9th dan black belt na si master!”Bumawi naman ng sipa ang lalaki dahil sa galit kay Mark.Tumalon pababa si Mark mula sa railing bago sinuntok ang isa pang lalaki. Napailing
“Sige, 'wag ka nang magsalita ng kung ano-ano diyan,” naiinip na sambit ni Sean. “Bilisan mo at sumakay ka na sa kotse. Pumunta ka muna sa hotel para batiin ang mga bisita. Maghintay ka hanggang sa matapos ang birthday party ngayong araw, saka mo tanggapin nang buong-puso ang parusa. Pagkatapos ay pakinggan mo ang paliwanag ni lola tungkol sa annulment.”Napuno ng galit ang mga mata ni Mark: “Sinabi ko nang ayoko!”Nagalit din si Sean. “Ikaw na walang kuwentang tao ka, naghahanap ka talaga ng sakit ng katawan, ano?”Habang nagsasalita, binuksan ni Sean ang pinto ng kotse, bumaba, at mabilis na sumugod papunta kay Mark na nakasakay sa motor. Agad niya itong inambahan ng sipa!Sa hindi inaasahang pagkakataon, inilihis ni Mark ang motor at matagumpay na naiwasan ang sipa ni Sean.Pagkatapos, bumaba si Mark sa motor at malakas na sinipa si Sean sa tiyan!Isang playboy si Sean. Araw-araw siyang may kasamang girlfriend kaya napakahina ng katawan niya. Sa isang sipa lang ni Mark, tumalsik na
Mabigat ang mga patakaran ng pamilya Gutierrez. Sa pinakamagaang parusa, hindi ka makakalakad ng ilang araw. Sa pinakamalala naman ay pwede pang mabali ang mga daliri mo.Agad ding tinawagan ni Jade si Mark.“Ano 'yon?” Mabilis na sinagot ni Mark ang telepono.“Pinapapunta ka ni Lola rito.”“Ayoko.” Agad na ibinaba ni Mark ang telepono.Hindi inaasahan ni Jade na tatanggihan siya ni Mark nang ganoon kabilis. Ibinaba niya ang telepono at sinabi sa kaniyang lola, “Ayaw niya pong pumunta.”Nang mapansin ang nakakailang na sitwasyon, mabilis na nagsalita si Beatrice, “Ma, ika-80 kaarawan niyo po ngayon. Asikasuhin muna natin ang okasyon niyo at 'wag niyo na pong pansinin ang walang kuwentang 'yan.”Ngunit matigas ang ulo nito. “Kahit sinong pag-aari ng pamilyang ‘to, tao man o aso, ay kailangang magpunta sa oras na inutos ko!”Pagkasabi niyon, tumingin siya kay Sean. “Apo, pumunta ka at dalhin mo siya sa akin!”“Sige po.”Pinatunog ni Sean ang mga daliri niya. Siya ang madalas mam-bully k







