Share

Transmigration: Never Again, Not In This Life
Transmigration: Never Again, Not In This Life
Author: eleb_heart

Chapter 1

Author: eleb_heart
last update publish date: 2026-10-31 12:13:32

Danica woke up that she was in her novel she wrote, not the main character but the side character Daniela Montereal.

Akala niya, kapag sinunod niya ang plot ng story ay matatapos na ang kwento, but fate had other plans.

After she died in the hands of her scheming husband and sister, she found herself again and woke up that very same day, the first time she transmigrated in her novel.

Akala niya ay may namissed lang siya na nangyari kaya naulit pa ang lahat for the second time around, tiniis na naman niya ang lahat pero sa huli narealize niya na isa iyong pagkakamali.

The moment she realized na mamamatay at mamamatay din pala siya sa kamay ng dalawa, she made a bold decision. She went to a bar, nagpakalango sa alak at doon, isang lalaki ang nakilala niya.

She didn't even know his name, but they made love for how many days straight, like they were hungry for each other.

Pero pagkalipas ng ilang araw, siya na mismo ang umalis at lumayo, hindi para umalis kundi para tapusin ang kwento.

She thought she would finally go back to her life as Danica this time, but, she was wrong... Again...

She wack back on that very same day for the third time. Pero sa pagkakataong iyon, sinabi niya sa sarili niya na babaguhin niya ang wakas ng kwento niya at sisiguruhin niyang sila naman ang magsisisi at magmamakaawa sa kaniya.

Akala niya, hindi na silang magkikitang muli ng lalaki sa nakaraang buhay niya, but that doesn't the case dahil bukod sa hinahanap pala siya nito ay nanatili ang mga araw na magkasama sila sa isip nito bilang isang panaginip.

Gusto niyang umiwas at tumakas pero the more na ginagawa niya iyon, the more na hindi siya nito kayang pakawalan.

...

“Alam kong gustong-gusto mo siyang pakasalan. This is your chance.”

Napakurap ako nang marinig ko ang boses na iyon. What? Pakasalan? Anong ibig sabihin ng lalaking nasa harapan ko?

Naningkit ang aking mga mata. “Who are you?” mahina ngunit puno ng kalituhan na tanong ko.

“Daniela Montereal!” nanlalaki ang mga matang sigaw niya sa akin na halos ikapikit ko.

Ano daw? Daniela Montereal? Teka, kilala ko ang pangalang iyon hindi ba? That’s her name. The side character in the novel I wrote. But wait, bakit niya ako tinatawag na Daniela? Hindi siya ako kaya paanong…

“You will marry him, sa ayaw at sa gusto mo. I will not give you an option to say something about this, you understand?!”

Napalunok na lang ako. Naramdaman kong gumalaw ang mga labi ko ngunit mabilis ding nagdikit na para bang wala akong lakas ng loob para sumagot sa taong nasa harapan ko. Hanggang sa mga oras na iyon ay hindi ko pa rin maintindihan kung anong nangyayari.

Ang huling naalala ko ay tumatawid ako sa kalsada ngunit may isang sasakyan ang mabilis na humaharurot. Para akong natulos sa gitna ng kalsada at hindi makagalaw. Parang nag-slow motion ang lahat pero sa huli ay nabangga pa rin ako.

Pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit—

“Daniela! Are you even listening to me huh?!” muling sigaw sa akin ng lalaking nakaupo sa harapan ko. Sa tantiya ko ay nasa mid fifties na ito pero kapansin-pansin pa rin ang tikas at kagwapuhan nito. Na para bang napaka imposible lalo na sa edad nito. Idagdag pa ang nakakatakot na awra na bumabalot sa buong katawan niya.

Ilang buntong hininga ang pinakawalan ko. Hindi ako makagalaw na para bang may pwersang humihila sa akin mula sa kung saan hanggang sa dahan-dahan ko rin namang naibuka ang aking mga labi at napailing.

“I’m sorry sir, but I think you are mistaken. I am not Daniela. I am Danica.” sagot ko ngunit natigilan ako nang marinig ko ang sarili kong boses.

Iba. hindi ito ang boses ko!

Sa sobrang taranta ko ay napatayo na lang ako ng wala sa oras at napatakbo sa cabinet kung saan naroon ang maliit na salamin. There, I saw my own reflection ngunit hindi si Danica ang nakita ko kundi ibang tao.

Halos nangnginig ang mga kamay kong napahawak sa aking pisngi. No, imposible. The one I saw in front of the mirror was a woman with brown eyes, deep black hair and piercing eyes. Hindi ako pwedeng magkamali.

Ang mga karakteristiks na iyon ay ibinigay ko sa iisang tao, sa nag-iisang karakter sa sinulat kong nobela— Daniela Montereal, ang side character ng nobelang katatapos ko lang isulat.

Hindi ko alam kung bakit pero bigla na lang nag-init ang sulok ng aking mga mata. Siguro dahil alam ko na ang magiging wakas ng buhay ni Daniela o mas tamang sabihin na ako dahil simula ngayon ay ako na siya.

Pero bakit?

Bakit nandito ako?

Narinig ko ang mahinang pag-ismid sa likuran ko. It was my Dad or rather Daniela’s Dad.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko pero, I wrote her as a side character where she was the one who always suffer.

“Mukhang nasisiraan ka na rin ng bait ngayon. Tama nga siguro talaga ang mga sinabi ng mga kasambahay na malapit ka ng mabaliw.”

Mockery was all his face, na para bang hindi niya ako anak. Pinagdikit ko ang aking mga labi, sino nga ba ang may kasalanan kung bakit ganun na lang ang turing niya sa akin? Kay Daniela? Hindi ba at ako?

“You will never have a chance to leave kaya kung iniisip mong tumakas, kalimutan mo na lang.” banta niya pa sa akin.

Hindi ko pa man naibubuka ang aking bibig para sumagot ay bumukas ang p***o at pumasok ang ilang tauhan niya, hinawakan nila ako sa magkabilang kamay at hinila palabas doon.

They locked me up in my room, at kahit pa sabihing isa lang iyong silid, pakiramdam ko ay isa iyong malaking hawla.

~~~~~

A faint smile curved into my lips. Akala ko kapag sinunod ko ang plot ay matatapos at matatapos din ang lahat. Akala ko ay makakabalik pa ako pero…

Pagkatapos kong mamatay sa kamay ng aking kapatid at asawa ay heto at gumising na naman ako sa mismong araw na sasabihin sa akin ng aking ama na magpakasal ako kay Henry.

Sabi ko baka may nakaligtaan lang ako, baka may hindi lang ako nasunod kaya sa pangalawang pagkakataon ay inulit ko na namang pagdaan ang mga bagay na hindi ko na sana gustong maulit pa pero sa huli, wala pa ring nagbago.

Hindi ko pa rin alam kung saan ako nagkamali at kung anong dahilan, bakit ako pauulit ulit ba bumabalik sa araw na ito.

“Alam kong gusto mo siyang pakasalan, so this is your chance.” iyon na ang pangatlong beses na narinig ko iyon.

Kung dati, puno ng kaba at kaguluhan ang aking mukha habang pinapakinggan iyon, ngayon ay walang kahit na anumang ekspresyon ang mababanaag sa aking mukha. Not even joy, dahil walang ibang nakakaalam kung ano ang magiging buhay ko kapag nagpakasal ako kay Henry kundi tanging ako lang.

I suffered in silence, no, alam nila pero wala silang ginawa. Alam nila pero pinabayaan nila ako dahil hanggang sa huli, si Denise lang ang pinakagusto nila at hindi ako. Sa huli, ang kaligayahan pa rin ni Denise ang mahalaga kaya namatay ako.

Sinalubong ko ang mata ni Dad. “I will not marry him.” matatag at wala akong balak na sumuko.

I’d rather live penniless and homeless rather than to marry that scumbag again. Never again! Never in this life!

Bago ako mamatay, ipinangako ko sa sarili ko na kung mabubuhay akong muli, sisiguruhin kong babaguhin ko ang takbo ng aking kwento. Babaguhin ko ang plot ng istoryang ako mismo ang sumulat and I will make sure na kung sa mga nakaraan kong buhay bilang si Daniela ay sila ang naging masaya, this time ay sila naman ang maghihirap.

Mas malala pa kaysa sa pinagdaanan ko.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Transmigration: Never Again, Not In This Life   Chapter 11

    Buong akala ko ay pagtatawanan niya ako dahil sa sinabi ko. Isang malaking kalokohan iyon. Walang tao na nakakakita sa future ng isang tao dahil napaka imposible na mangyari iyon.Nakatayo lang siya, nakatingin sa akin at seryoso ang mukha. Na para bang naniwala sa sinabi ko. Nagulat ako nang bigla na lang siyang ngumiti sa akin hanggang sa napatawa. Hindi ako makapaniwalang napatingin sa kaniya, nagtataka at naguguluhan. Pinagtatawanan niya ba ako?“Sorry…” paghingi niya ng paumanhin pagkalipas ng ilang sandali pero hindi niya pa rin binitawan ang kamay ko.“It’s ridiculous right?” tanong ko sa kaniya ngunit mabilis na bumalik sa pagiging seryoso ang mukha niya.“Ridiculous? Of course not!” Ngumiti siya sa akin. “You think na hindi ako maniniwala right? But you’re wrong.”What the?! Nababaliw na ba siya?“Let’s say naniniwala ako na hindi.” Muli niya akong hinila, this time ay papasok na kami sa loob ng villa. Sa labas pa lang ay napakarangya na nito at tiyak na mas marangya na na

  • Transmigration: Never Again, Not In This Life   Chapter 10

    Halos matulos ako sa aking kinatatayuan ng bumukas ang gate. Kung wala si Damien sa bahay niya, tiyak na nasa private villa niya ito.Paano ko nalaman iyon? Palaging pinagkwekwentuhan ito ni Denise at Henry noon at sadyang ipinaparinig sa akin. Sayang saya sila pareho dalawa baliw na baliw ang lalaki kay Denise. Bukod sa piniperahan lang ito ni Denise ay halos malugi din ang kumpanya nito bago mamatay dahil sa isang malagim na aksidente.Aksidenteng hindi ko na alam pa kung tunay nga bang aksidente lang o plinano lang din ng dalawa. Kaya ako pumunta doon ay dahil gusto ko siyang balaan. Gusto kong sabihin sa kaniya na kung maaari, huwag na siyang magpakasal pa kay Denise at maghanap na lang ng ibang babae para maging masaya at hindi mamatay pero…Hindi ko lubos akalaing na si Damien pala ay ang lalaking pinagbigyan ko ng aking sarili sa nakaraan kong buhay.Paanong nangyari ito? Bakit hindi ko man lang naisip na iisang tao sila?Bakit hindi ko siya nakilala?Nang hawakan niya ang le

  • Transmigration: Never Again, Not In This Life   Chapter 9

    “Pasensya na po kayo ma’am pero wala pa po si sir Damien. Kung gusto niyo po ay tawagan ko po muna siya kung anong oras po siya makakauwi.” sabi ng kasambahay sa akin na lumabas mula sa gate. Mabilis naman akong tumango.“Sige po. Maghihintay na lang po ako dito.” sagot ko sa kaniya.Pagkaalis ko kanina sa park ay dito na ako dumiretso. Gusto kong itama ang lahat. Gusto kong mag-iwan ng babala kay Damien, ang magiging asawa ni Denise na ni minsan ay hindi ko man lang nakita dahil hindi ako nagkaroon ng pagkakataon.Noong kinasal silang dalawa ni Denise ay hindi ako nakapunta o mas tamang sabihin na hindi ako imbitado sa kasal ng sarili kong kapatid. Yes, ganun nila ako ituring at ni hindi man lang ako kasali sa mga dinner sa bahay namin dahil simula ng ikasal ako kay Henry, hindi na ako nagkaroon pa ng access sa labas ng bahay kung saan ako nakatira. Para akong isang hayop sa hawla at hindi makalabas. Ikinulong nila ako para hindi ko makita at malaman kung ano ang ginagawa nila.Kung

  • Transmigration: Never Again, Not In This Life   Chapter 8

    “Wala ka ba talagang balak na sagutin ang tanong ko?” tanong niya sa akin dahilan para mahila ako sa malalim na pag-iisip. Ilang beses akong kumurap hanggang sa mabilis kong binawi ang kamay kong hawak niya noong mga oras na iyon.Sinalubong ko ang mga mata niya at umatras ng ilang hakbang. Ang buong akala ko talaga ay hindi na muling magkukrus pa ang landas naming dalawa pero, mukhang nagkamali ako. Sa dinami-dami ng pwede kong makasalubong o makita, bakit siya? Tyaka bakit parang kilala niya ako? May naaalala kaya siya? Pero imposible namang mangyari iyon hindi ba? Tanging ako lang ang nakakaalam na nauulit ang lahat ng pangyayaring iyon. Tanging ako lang ang nakakaalam kung paano tumatakbo ang mga buhay ng mga main characters sa kwento.“I’m sorry. Pero hindi kita kilala.” sagot ko habang nakatingin sa kanyang mga mata. Sinubukan kong maging kalmado. Ayokong makita niya na kinakabahan ako.Kaya lang ay parang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko at sa halip ay muli siyang humakbang

  • Transmigration: Never Again, Not In This Life   Chapter 7

    Wala akong pakialam sa paligid ko. Kahit na sobrang lakas ng tugtog at napaka ingay sa paligid ko, tahimik pa rin akong nakaupo sa isang sulok.Hindi ako mahilig sa mga ganitong lugar, in fact dalawang beses pa lang akong nakapasok noon sa isang bar. Pero si Daniela, halos linggo linggo na nasa bar. Sinulat ko siya na may pagka rebellious talaga dahil sino naman ang hindi magrerebelde kung ganun ang sarili niyang pamilya sa kaniya, right?Well, oo na. Kasalanan ko na. Pero part lang naman talaga iyon ng kwento. Idagdag pa na tuwang-tuwa pa naman ako noon sa nga comments regarding sa kaniya dahil inis na inis sila sa kaniya not knowing na mapupunta ako sa sitwasyon niya.Hindi ko alam kung may babalikan pa ako. Kung makakabalik pa ba ako o dito na lang ako. Pauulit-ulit na lang ba akong mabubuhay at pagdadaanan ang lahat ng iyon?What if baguhin ko ang kwento? Baguhin ko ang buhay ni Daniela at ang mga choices niya? May karapatan ba akong gawin iyon?Bakit hindi?Ako ang nagsulat ng kw

  • Transmigration: Never Again, Not In This Life   Chapter 6

    Hindi ako makagalaw, hindi ko magawang bawiin ang kamay kong hawak ng lalaking nasa harap ko.Sa totoo lang, alam ko namang malawak ang mundo. Akala ko, hindi na muling magkukrus pa ang landas naming dalawa lalo na at sinabi ko sa sarili ko na pagkatapos ng lahat ng ito ay mabubuhay ako ng tahimik at masaya.Pero… paano ko pa iyon ngayon gagawin?“Tell me… who are you, really?” naniningkit ang mga mata niyang tanong sa akin. Napuno ng takot ang dibdib ko dahil sa buhay na ito ay hindi pa kami nagkikita. Hindi pa kami nagkakilala. Pero bakit ang mga titig niya ay iba at ang way ng pagsasalita niya?Naramdaman kong mas lalong humigpit ang hawak niya sa kamay ko. Sunod-sunod ang naging paglunok ko at sinubukan kong ibuka ang bibig ko para sumagot sana pero walang kahit na anong salita ang gustong lumabas sa mga labi ko.Literal na napipi ako habang nakatitig sa gwapo niyang mukha. Hindi ko alam pero habang nakatitig ako sa mga mata niyang punong-puno ng tanong at kalituhan ay bigla na l

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status