Share

Chapter 2.1

Author: Norvie
last update Last Updated: 2025-11-28 12:41:21

Ang nakatandang meeting place ay nasa isang high end at pinakasikat na restaurant sa lugar. Hindi rin naman iyon kalayuan sa pinag-book-an nilang hotel kaya hindi na gaanong hassle sa kanila, may sapat pa silang oras upang mag-ayos at huminga ng malalim.

Ang restawran na iyon ay nagsimula pa noong 1980s at 90s, Erbe und Macht na ang ibig sabihin ay 'Legacy and Power' sa salitang Aleman. Marami ring ibang negosyo na nagngangalan niyon, hotels, cruise ships at iba pa. Siyempre, ang mga nakakapasok at nakaka-avail lamang ng mga iyon ay ang mga mayayaman. Mga anak ng artista, mga kurap na politiko at iba pang may kaya sa buhay. At dahil si Mr. Chen ang kanilang amo ay makakapasok sila sa lugar na iyon.

Noong una ay isa lamang iyong kainan, ngunit sa paglipas ng panahon, pinahusay nila ang reputasyon ng kanilang negosyo at mas pinalaki at pinalago ito dahilan upang maging hotels and restaurants na ito. Ang kakayahang pumasok at lumabas sa ay naging pamantayan para sa pagsukat kung ang background ng isang tao ay sapat na malakas. Ang kakayahang makalabas at pasok sa lugar ay naging mapantayan na upang masukat kung ang background ng isang tao ay makapangyarihan ba o isa lamang dukha.

At kapag tingin nilang wala lang pera, ilang metro pa lang ang layo mo sa entrance ay may salubong ng guards at bouncers na ipagtatabuyan ka, hindi naman halatang matapobre, ano?

At hindi dahil may pera ka ay agad ka ng makakapasok, kailangan muna nilang suriin ang connections mo sa malalaking tao at kailangang nakapagpa-reserve ka na ilang buwan bago ang actual na pagpunta mo.

"Mabuti na lang talaga at matinik ang magandang Chen na iyon! Biruin mo 'yon, ang hirap magpa-reserve sa restaurant na 'yon pero siya, wala pang isang linggo ay pwede na tayong pumasok! I think malaking advantage talaga na ang makaka-meeting natin ay isang Montevilla!" Bulalas ni Ayanna. "Ang laki na ng nailabas na pera ni Mr. Chen, kaya D, please kailangan nating makuha itong investment na ito. Dahil kung hindi? Jusko, mahabagin kaawaan nawa, baka sa kangkongan tayo ipatapon ni tanda!"

Hindi tuloy mapigilan ni Dianna na matawa sa tinuran ni Ayanna.

Ang tinutukoy na matandan ng babae ay si Sandro Chen, walong taon ang tanda nito kay Ayanna. Pero hindi naman halatang sobrang tanda, mainitin kasi ang ulo kaya palaging inaasar ni Ayanna na tanda. Kung makatanda naman, akala mo ay seventy years old na yung tao. Si Mr. Chen ay ang kanilang boss, maging ang producer at chief director ng proyektong ito. Hindi lamang niya kailangang personal na buuin ang project team, ngunit kinakalkula rin niya ang mga gastos sa pagpapatakbo at nagtataas ng pondo. Sa madaling salita, siya ang responsable para sa pangkalahatang kontrol ng proyekto.

Dati, si Sandro Chen ay naghahanap lamang ng maliliit na investor, ngunit sa pagkakataong ito ay nakahanap siya ng malaki, napakalaki na iniisip ng lahat sa kumpanya na tumama ito ng ginto.

Bumuntong-hininga si Ayanna, "Napakasuwerte ni tandang Chen ngayong taon, siya ang nagkataong mangangasawia at makipag-ugnayan sa ikalawang anak na lalaki ng mga Montevillas! Ugh! Crush ko talaga si Rafael! Hanggang sa social media ko na siya makikita!"

Pinanatili ni Dianna ang kanyang mga mata at hindi nagsalita. Napakarami niyang tanong sa kanyang isipan, ngunit hindi niya maaaring tanungin ang sinuman, kabilang ang kanyang kaibigan na si Ayanna. Kaya maaari lamang niyang itago ang mga ito sa kanyang sarili.

Sinulyapan siya ni Ayanna at nakita na mukha siyang walang gana. Ipinagpalagay niya na pagod lamang siya mula sa flight at tinapik ang kanyang balikat. "Isang oras pa bago tayo pumunta ng hotel, matulog ka na muna at parang pagod na pagod ka."

"Mabuti pa nga, hindi ako nakatulog kagabi, eh." Sagot ni Dianna at humikab.

Labin-limang minuto bago ang takdang oras ay nagising na si Dianna. Chi-neck niya muna ang sarili bago tuluyang lumabas ng hotel room.

Kahit na ilang minuto lang naman ang layo ng restaurant ay nagkotse pa rin sila.

"Hay! Nandito na rin tayo sa wakas!" Si Ayanna.

Kalmadong sinulyapan ni Dianna ang bintana at nakita ang pamilyar na mga salitang 'Ebre und Macht', sandali siyang natulala roon, may dumaang ala-ala sa kanyang utak.

Kahit na limang taon na lumipas. Limang taon na niyang nakalimutan ang lahat, pero kapag pala bumalik ka sa isang lugar na makapagpapaalala sa iyo ng bagay na iyon, manunumbalik at manunumbalik pa rin ang ala-ala. Dahil ika nga, kahit na ang isang ligaw na gansa ay na-iiwan ng bakas habang lumilipad, siya pa kayang nakasama ang taong iyon sa loob ng tatlong taon?

Parang rewind tuloy sa pelikula na nanumbalik sa kanya ang mga ala-ala.

Ang unang pagkakataon na pumunta siya rito ay noong kanyang ikalabing walong kaarawan niya, nang dalhin siya ni Franco Montereal.

Noong panahong iyon, si Franco pa ang kanyang kasintahan. Ang dalawa ay nagde-date sa loob ng maikling panahon. Sa kanyang kaarawan, dinala siya ni Franco sa Ebre und Macht at nag-book ng isang marangyang suite na may open-air garden upang ipagdiwang ang kanyang kaarawan.

Ang pangalawang pagkakataon ay kasama si Trevion Montereal. Nangyari iyon nang malapit ng matapos ang ikalawang semester bilang sophomore year. Naalala pa niya ang petsa nang tumpak. Hunyo 15, nang siya ay maging labing siyam.

Nang araw na iyon, ni-book ni Trevion ang buong hotel upang ipagdiwang ang kanyang kaarawan, nag-imbita ng higit sa isang dosenang malalaking pangalan sa industriya ng entertainment sa bansa. Hinire pa nga ng lalaki ang paborito niyang banda para lang maging masaya siya sa araw niya, para tuloy may concert at libre lang ang lahat.

Kalaunan, madalas siyang pumunta sa restaurant and hotel kung saan ang presidential suite sa itaas na palapag ay nakalaan para sa kanya sa buong taon.

Kaya sa pagbabalik sa harapan nito makalipas ang limang taong ay pakiramdam ni Dianna, nasa kabilang mundo siya. Para bang naninikip ang kanyang puso at gusto niyang umalis at bumalik na lang sa lungga niya, iyong walang ibang makakakita o makakariniy sa kanya.

 "Tingnan mo, D! Kanina ay parang wala ka pang pakialam! Tapos ngayon ay mangingiyak-ngiyak pa ka! Ano? Namamangha ka sa lugar, 'no? Sinabi ko naman sa'yong sobrang ganda nito! Sa social media ko lang to nakikita! Nakaka-iyak dahil sa wakas, dream come true na nakarating ako dito! Dali, picture tayo! My day ko 'to!"

Tumikhim si Dianna at nilunok na lamang ang emosyon nararamdaman. "Oo," tanging nasagot na lang niya sa kaibigan.

"Kapag nagtagumpay tayong makuha na investor si Mr. Montevilla, at magiging hit ulit ang dramang gagawin na 'to, babalik tayo rito at ililibre ni tandang Chen ng mga pagkain. Masarap dito!" Pampalubag-loob ni Ayanna na para bang iyon ang gamot sa kumikirot na dibdib ni Dianna.

Humugot ng malalim na hininga si Dianna at kinalma ang sarili. Inisip na lang niya trabaho ang ipinunta niya rito, kaya nakangiti siyang tumango sa kaibigan. "Okay."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Trapped in the arms of the devil Montereal    Chapter 3.1

    Nagkatitigan ang dalawa ng ilang minuto, sa huli ay nag-iwas ng tingin si Dianna na para bang napaso siya sa paraan ng pagtitig nito sa kanya.Tiningnan ni Trevion ang babaeng pinanabikan niya araw ay gabi. Hindi, hindi na ito ang babaeng walang muwang at masunurin noon.Dati ay maihahalintulad niya ang babae sa isang bagong pitas na prutas, bahagyang maasim sa unang kagat ay kalauna'y nagiging matamis.Ngayon, nagsusuot na iyo ng isang fitted fishtail dress na yumayakap sa kanyang katangi-tanging pigura, tulad ng isang hinog na peach na may makatas na laman sa ilalim ng pink na leather jacket. Ang kanyang likas na pang-akit ay hindi mapigilan, na nagpapagutom sa mga tao sa pagnanasa.Bago niya pa man nakita ang babae ay nasabi na niya sa sarili na hindi na siya mauulol pa rito. Ngunit ngayong nasa harapan na niya ito, tila ba nagwawala ang leon sa kanyang katawan at gustong sunggaban ang pagkaing nakahain.Trevion gulped hard. Nagsimula siyang humakbang palapit dito.In his mind, he

  • Trapped in the arms of the devil Montereal    Chapter 2.2

    Ikaw, ha!" Hinawakan ni Ayanna ang magkabilang balikat ni Dianna at saka niya ito ihinarap sa kanya. "Napansin ko lang, simula nang makabalik ka mula sa tatlong taong pag-aaral sa ibang bansa, maraming nag-iba sa'yo. Naging mas magaan is na. Halos hindi ka na magpakita ng emosyon diyan sa mga mata mo. Halos nakalimutan ko na ang itsura mo tuwing nagagalit, naiinis o natutuwa. You became bland. You were not like this when we were still studying together" Ani Ayanna. "Dati, sobrang carefree mo. Sasabihin mo kung anong nasa isip mo, I even like it when you throw a little tantrums because you are like a little sister to me."Ibinaba ni Dianna ang kanyang mga mata at nanatiling tahimik.Maaari ba iyong manatiling hindi nagbabago?Isinasantabi ang katotohanan na dinala siya ni Trevion Montereal sa mundo ng katanyagan at kapalaran, ang katotohanan na ginugol niya ang tatlong taon kasama ang isang taong kasing lakas at maimpluwensyang kagaya ng mabangis na Montereal na iyon, tingnan lang nati

  • Trapped in the arms of the devil Montereal    Chapter 2.1

    Ang nakatandang meeting place ay nasa isang high end at pinakasikat na restaurant sa lugar. Hindi rin naman iyon kalayuan sa pinag-book-an nilang hotel kaya hindi na gaanong hassle sa kanila, may sapat pa silang oras upang mag-ayos at huminga ng malalim.Ang restawran na iyon ay nagsimula pa noong 1980s at 90s, Erbe und Macht na ang ibig sabihin ay 'Legacy and Power' sa salitang Aleman. Marami ring ibang negosyo na nagngangalan niyon, hotels, cruise ships at iba pa. Siyempre, ang mga nakakapasok at nakaka-avail lamang ng mga iyon ay ang mga mayayaman. Mga anak ng artista, mga kurap na politiko at iba pang may kaya sa buhay. At dahil si Mr. Chen ang kanilang amo ay makakapasok sila sa lugar na iyon.Noong una ay isa lamang iyong kainan, ngunit sa paglipas ng panahon, pinahusay nila ang reputasyon ng kanilang negosyo at mas pinalaki at pinalago ito dahilan upang maging hotels and restaurants na ito. Ang kakayahang pumasok at lumabas sa ay naging pamantayan para sa pagsukat kung ang back

  • Trapped in the arms of the devil Montereal    Chapter 1.2

    Nakabukas ang ilang botones ng pang-itaas na damit ng lalaki, dahilan upang lumantad sa kanyang harapan ang malapad ay mabuhok nitong dibdib.Sa madilim at malabong liwanag, buong pagtitiwalang humakbang ang lalaki patungo kay Dianna Fuents gamit ang mahahaba nitong binti.Gumapang ang takot sa dibdib ni Dianna, unti-unti siyang umatras. "Huwag, huwag kang lumapit..." Pakiusap niya rito.Ngunit hindi nakinig ang lalaki, bakus ay mas lalo pa itong lumapit kay Dianna hanggang sa sumiksik na ang babae sa pinakasulok. Sa pahinto nito ay hinawakan niya si Dianna sa baba at bahagya itong pinisil. "Tatakas ka pa rin ba?"Nagbaba ng tingin si Dianna, pinipilit ang kanyang sarili na umiling dahil sa takot. "Hindi, hindi ako tatakas."Pinisil ng madiin ng lalaki ang kanyang baba, pinipilit siyang i-angat ang kanyang ulo. Hinaplos nito gamit ang sariling hintuturo ang pang-ibabang labi ng baba.Dianna, don't you ever try to sneak away from me. Because you can't, kahit mamatay ka, tanging sa kama

  • Trapped in the arms of the devil Montereal    Chapter 1.1

    Nakabukas ang ilang botones ng pang-itaas na damit ng lalaki, dahilan upang lumantad sa kanyang harapan ang malapad ay mabuhok nitong dibdib.Sa madilim at malabong liwanag, buong pagtitiwalang humakbang ang lalaki patungo kay Dianna Fuents gamit ang mahahaba nitong binti.Gumapang ang takot sa dibdib ni Dianna, unti-unti siyang umatras. "Huwag, huwag kang lumapit..." Pakiusap niya rito.Ngunit hindi nakinig ang lalaki, bakus ay mas lalo pa itong lumapit kay Dianna hanggang sa sumiksik na ang babae sa pinakasulok. Sa pahinto nito ay hinawakan niya si Dianna sa baba at bahagya itong pinisil. "Tatakas ka pa rin ba?"Nagbaba ng tingin si Dianna, pinipilit ang kanyang sarili na umiling dahil sa takot. "Hindi, hindi ako tatakas."Pinisil ng madiin ng lalaki ang kanyang baba, pinipilit siyang i-angat ang kanyang ulo. Hinaplos nito gamit ang sariling hintuturo ang pang-ibabang labi ng baba.Dianna, don't you ever try to sneak away from me. Because you can't, kahit mamatay ka, tanging sa kama

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status